Ala'una nang madaling araw.....sumunod pala ang grupo nila Zymohn kay Zyrus...at nag kita kita sila sa pinaka mataas na tore ng lungsod ng mundo ng mga diwata....agad naman niyakap ng mag kaibigan ang bawat isa...
"Zymohn...paki bantayan na lang si Virah...siya at si Lina ay iisa...anak siya ni Santana...hindi maari na malaman ng lahat ang kanyang tunay na anyo..."
"Bakit?? aalis ka ba saan ka pupunta??"
"Nalaman na ni Leo ang ukol sa amin ni Lina...kung sakali man na hanapin na ako ni Lina sabihin mo na ako ay nasa mabuting lagay...."
"Pero hindi....hindi diba? anong balak mo?HIndi ito maganda Zyrus.."
"Ukol ito sa mga Felatrix...alam mo naman na matagal na nila akong pinag hahanap...nasabi ko nanaman diba.....ako'y dapat ng sumuko sa kanila....matagal na...pero alam na nila ang ukol sa pag parito ko at ang meroon saamin ni Lina at upang hindi siya madamay...hindi madamay ang Zelariah ako ay susuko na...babalik na ako sa Emperial...sa mundo nating mga bampira...dapat ko ng harapin ang kapalaran ko"
'Paano si Lina?wag ka ngang padalos dalos...nakakatiyak ako na hindi niya alam ang ukol sa plano mo"
"Kelangan para din naman ito sa ikakabuti niya at pati na din ng lahat..."
......at umalis na ito sinubukan habulin ni Zymohn si Zyrus upang ibalik ngunit mabilis itong nakaalis...buo na ang desisyon nito handa na siyang harapin ang kanyang kapalaran....ang kamatayan.........
Kinabukasan agad na may nakarating na sulat sa mahal na Hari...at kaagad niyang tinawag si Leo dahil alam ng lahat na magkaibigan ito at si Zyrus....
"Ama...bakit niyo po ako naipatawag?' tanong ni Leo
"May dumating na sulat galing sa embahada ng Emperial...nagpadala ng sulat si Cresisco ang supremo ng mga Zeliotrix....."
"Bakit daw po?mag dadagdag po ba tayo ng kawal upang tumulong sa pagbabantay ng kanilang kuta?"
"Hindi...ang aking kaibigan ay sumulat saatin upang ipaalam sayo at saatin lahat....ang isang hindi magandang balita...ukol sa iyong kaibigan na si Zyrus..."
"Ano po ba ang nangyayari???"
"Kaninang madaling araw ay...sumuko na si Zyrus sa mga Felatrix...siya ay hawak na ni Quevigloh ngayon...papatayin siya nito....gaya ng pagkitil nito sa mga magulang ni Zyrus..."
nang marinig ng lahat ang tinuran ng Hari ay labis na ikinagulat ng lahat ang balitang iyon....biglang lumapit si Virah at inosenteng inosenteng lumuha sa harap ng kanyang ama.....
"Ama...ano po ba ang nangyayari...??Hindi ko po maintindihan...."wika ng dalaga
"Patawad pero tingin ko ay kasalanan ko kung bakit siya umalis...." tugon ni Leo
"Po???'
"Virah...si Zyrus ay hindi pangkaraniwang nialalng anak siya ng pagmamhalang labas sa batas ng mga bampira....ang Zeliotrix niyang ama ay umibig sa Felatrix niyang ina...dalawang uri ng bampira na hindi dapat magmahalan...labag sa batas at si Zyrus ang kanilang bungga ay sumpa!!! malas...itinakwil siya...pinatay ang kanyang mga magulang at ganun din dapat siya...matagal na siyang tinutugis...kaya tinulungan namin siya...ayaw niyang mamatay....kahit ang kaluluha niya ay nasa impyerno na.....matagal ng wala.....limang daan taon na ang lumipas....Pag nakita mo ang tunay na si Zyrus baka ikaw mismo ang magpasya na huwag siyang ibigin..."
"Hindi!!!! nangako ako sa kanya na habang buhay...kahit ano pa siya....siya po ay aking mamahalin..."hiyaw ni Virah at umakyat sa silid....
.............konsensiya naman ang nanaig kay Leo, naisip niya na bawiin si Zyrus sa mga Felatrix...hindi nya kayang tiisin na malungkot ang kanayang anak...
"Leo...kung babawiin mo si Zyrus....paghandaan mo...hindi biro ang kapangyarihan ng mga Felatrix..."wika ng Hari
"Alam ko po....sa ikalawang gabi...sasalakay ang hukbo."
"Leo...ito ang mapa papunta roon baka kayo ay mapad pad sa ruta ng mundo ng kawalan...."
"Mundo ng kawalan???parang nabanggit na ito ni Zyrus saakin noon"
"Dito naikulong ang taksil na si Feverina..."
"Kasintahan siya noon ni Zyrus.....siya ay umibig sa supremo ng mga Felatrix upang mapalapit ang supremo kay Zyrus..."
"Lumabag siya sa kautusan...isa siyang Zeliotrix na bawal uminom ng dugo ng mortal ngunit kanyang nilabag....dahil dito sinunog siya at ipinatapon ang kanyang kaluluwa sa mundo ng kawalan"
"Naalala ko na ng sinubukan siyang iligtas ni Zyrus....matapos niyang isuko saakin noon si Derilla...ay binalikan niya pa din ang babaeng si Feverina upang bawiin sa supremo ng mga Felatrix ngunit huli na ang lahat..."wika ni Leo
"Mahirap makulong sa mundong iyon...lahat ng dumadaan sa rutang iyon ay hindi na din nakakabalik...kaya ang mapa na ito ay magtuturo ng bagong ruta na mas malapit sa Emperial...hindi kayo dapat dumaan sa mundong iyon..." tugon ng Hari
"Opo..maraming salamat po.."wika ni Leo
Narinig naman ni Lianne lahat ng napag usapan nila Leo...naisip niya na kung pumunta na siya sa kinaroroonan ni Zyrus upang iligtas na ito...at dahil siya ang unang darating para dito naisip niya na makukuha niya na ang atensyon nito...dumaan man siya sa mundo ng kawalan ay wala siyang paki alam hindi siya naniniwala sa sabi sabi lamang....
Kinabukasan ay umalis kaagad si Lianne at halos mabaliw kahahanap si Derilla sa kanyang anak...tinawag niya ang kaibigan na si Clara upang hulaan at alamin ang kinalalagyan ng kanyang anak...at dito nalaman nila ang balak ni Lianne na pagligtas mag isa kay Zyrus.....dito naalarma ng tuluyan si Leo at lalung nagmadali....si Virah naman ay patuloy pa din sa pagluha sa pag alis ng kanyang minamahal...
Sa mga panahon na iyon aya punong puno ng sakit at pighati ang nararamdaman ni Virah...hindi niya alam kung bakit ito ginawa ni Zyrus...magulong magulo pa din ang kanyang isipan...hindi na niya naisipan na kumain o gumawa ng kahit ano....patuloy lamang ang dalaga sa pag iiyak at pagmumuk mok sa kanyang silid...habang si Zyrus naman ay hawak na ni Quevigloh ang supremo ng mga Felatrix.....
"Nakakatuwa naman at kusang sumuko ka na Zyrus, kay tagal din kitang hinahanap..."wika ng supremo
"Ginawa ko it para wala ka ng maidamay....patayin mo na ako ngayon...doon ka masaya diba?"wika ni Zyrus
"huh!! Oo naman Zyrus, pero hindi pa ngayun...papahirapan muna kita ng dahan dahan..."wika ni Quevigloh at tumawa ng napakalakas...
Ipinagutos nito na bago mag bukang liwayway ay igapos ng kadena si Zyrus itapat sa pagsikat ng araw hanggang sa mabilad ng husto at pagkatapos ay ibalik sa kulungan ng Emperial at paghahampasin ng latigo.....ganito kalupit si Quevigloh ang supremo ng mga Felatrix na minsan na ding naging karibal ni Zyrus sa pagibig kay Feverina noon....
Ilang araw lamang ang lumipas at nagsimula ng maglayag ang sandatahan ni Leo....sila ay susugod sa kampo ng mga Felatrix upang mabawi si Zyrus at mahanap si Lianne...samantalang wala namang nagaw si Leo nang nag pumilit na sumama si Virah....kaya sumama nalang din sila Santana at Derilla upang damayan ito...
Samantala tila naliligaw na si Lianne....isang ibon na nagsasalita ang kanyang nakita habang papalapit sa lupaing mausok...madilim at tila magubat....
"Kung ako sayo ay wag ka ng tumuloy sa lugar na iyan binibini...."wika ng ibon
"Ito na ba??....ito na ba ang mundo ng kawalan??"tanong ni Lianne
"Bakit ka narito?"
"Ako ay pupunta ng Emperial ngunit alam ko na may ruta pag nakaraan dito..."
"Totoo na may ruta papaunta sa Emperial....ngunit ang sino man dumaan sa ruta na ito ay hindi na makakalabas sa mundo ng kawalan...."
"Hindi ako natatakot...paraanin mo ako at papasok ako dito....kilala ko din si Feverina baka sakaling makatulong ang babaeng ito sa aking mga binabalak......"wika nito at pumasok sa loob ng isang kweba....ang sagradong kweba......
***********************************************************************
Ano kaya ang mangyayari kay Lianne sa kweba?Magkita na kaya si Zyrus at Virah??? maiiiligtas nga ba nila ito??? tignan po natin sa next chapter...maraming salamat po sa pagpapatuloy na pagbabasa ^_^