Chapter 43:: ENZO!!!
Asan ako???
Tumingin tingin ako sa paligid? White ang buong kwarto..
Nasa ospital ba ako?
Tiningnan ko yung kamay ko tapos may nakita akong dextrose na nakakabit sa kamay ko...
Bakit ako merong ganito??
"DOC DOC.. GISING NA PO SI ZOE!!!"
Tiningnan ko yung taong sumigaw at nakita ko si Vin
"A-asan si Renz? S-si Sam?" tanong ko
"Umuwi na sila Zoe.. Inuwi na ni Renz si Sam sa kanila kasi nalaman ng magulang ni Renz ang nangyari at pinabalik na nila si Sam sa Korea." paliwanag ni Cyrus
"Sina R-rem? Si Fritz? Si H-harley?" tanong ko ulit
"Si Harley, napatay sya ni Rhen!" sabi naman ni Vin
Dumating yung doctor at ineksamin yung katawan ko. Pulse rate ko. Heartbeat ko. At kung anu-ano pa..
"Si Rem at Fritz... Hindi naman sila namatay pero umalis na sila eh at hindi na ata babalik pa." sabi naman ni Cyrus
"Teka matanong ko nga Cy, kayo na ba?"
"Ahmm.. OO.. Hehehehe.. Successful ang plano mo eh kaya napa-oo ko sya.. Hehehe"
Napangiti naman ako sa balita ni Cyrus..
Biglang bumukas yung pinto kaya nagtinginan kami doon
O_________O- Shawn/Nadine
"MEEEEEEEEEGGG!!!" -Nadine
"MOMMYYYY!!!" -Shawn
Tumakbo sila papalapit sakin at tsaka ako niyakap...
"Buti naman at gising ka na! Ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo?" tanong ni Nadine
"Ahh oo ayos na naman ako. Magaling na nga ako eh" sabi ko sabay ngiti.
"Ano ka ba naman Meg? Kakagamot lang sa mga sugat mo... Magaling agad? Ayos ka ah!" sabi ni Cyrus
"hehehehe" nagtawanan naman kaming lahat.
(phone rings)
"Kanino yun?" tanong ni Vin tapos hinanap nya yung cellphone na natunog.
"Akin ata!" sabi ko
Kinuha ni Vin yung cellphone ko sa bag at binigay sakin.
Unnie G. calling...
Si ate natawag..
"hello"
(HOY BABAENG LUKARET.. BAKIT KA NAGPABUGBOG SA GAGONG YUN HA??? NAKITA MO LANG ANG LINTEK NA HARLEYNG BAKLANG YUN NANGHINA KA NA)
"ate? Ikaw ba talaga yan?" tanong ko
(AYY HINDI... TSKK!!! Nga pala uuwi na kami jan ni Aaron next week. Sunduin nyo kami ha!)
"O______O talaga??? Ayos yan!!! Wahahahaha. Yehey"
(oh sige na. Ang mahal ng tawag eh. Sayang load ko!)
"ok---"
Tsk. Binabaan agad ako.. Di man lang ako pinatapos. Ayt. =________=+++
**after a week**
Nasundo na namin sina Ate at Kuya sa airport at nandito na agad kami sa bahay... Hihihi *O*
Daming dalang chocolates ni Kuya!!! Para sakin daw lahat yun ahihihi... Ayus ah.
"Zoe hindi pala sayo ang lahat ng yan.. Yung dalawang box ng Fin Carré at yung dalawang heart-shaped box ng ferrero rocher ay hindi kasama sa pasalubong ko sayo okay?" sabi ni Kuya
O__________O
FERRERO ROCHER???
FIN CARRÉ???
OH MY GEEE
Eh kung hindi sakin? Kanino? Andaya!!!
Gil's POV
Papunta na ako kina Bhesty ngayon.. Hihihi dumating na kasi ang aking Honeybabes na si Aaron..
Hahahaha xD
Teka? Sino yun? Si Aaron ba yun?
Sya ba yun? Wow *O*
ang macho nya grabe!!!
Bumamaba ako sa kotse at nilapitan ko sya...
"Aaron?" sambit ko
"huh?" tapos lumingon yung lalaki.
"Ayy sorry kala ko kasi ikaw si Aaron.." sabi ko
"Ahh.. Ok!." sabi nya
Pumasok na ako sa loob ng bahay nina Meg tapos dun ko nakita si Aaron na nakaupo sa sofa
"Gil!" sabi ni Aaron tapos napatayo sya at niyakap ako
"Aaron!" sabi ko sabay yakap sa kanya.
"I Miss you!" sabi ko habang yakap sya
"Nado Bogoshipo!" sagot naman nya
(a/n:: readers naintindihan nyo yun?)
Umupo ako sa tabi ni Aaron.
"Oy, Gertrude.. Kamusta lovelife?" sabi ko
"Hahahaha ayos naman!" sagot nya
Tumayo si Zoe at hinila si Gertrude sa tabi nya
"Magpaliwanag ka nga Ate!" sabi ni Zoe
Gertrude's Pov
"Magpaliwanag ka nga Ate!" sambit ni Zoe
"Huh? Ano namang ipapaliwanag ko sayo ha kapatid?" tanong ko naman.
O___o
Ano bang pinagsasasabi nito?
"May kilala kang Rem Krizchan Cid di ba?" tanong nya
Si Rem? Oo.. Yun yung leader ng Black Jaguar gang eh
"Oo naman sya yung leader ng BJG di ba?" sabi ko
"Ibig sabihin kilala mo rin ang kapatid nya. Ang Kuya nya!" sabi nya
O_______O
Oo.. Kilala ang Kuya ni Rem..
Si Lorenzo Cid.
"Si Enzo ba ang tinutukoy mo?" tanong ko
"Basta yung kapatid ni Rem.. Hindi ko alam ang pangalan eh.." sabi nya
"Oo sya nga. Si Enzo nga. Bakit ba?" tanong ko
"Ex mo sya!!!" sabi nya
Paano nya nalaman yung tungkol samin ni Enzo? Hindi kaya sinabi yun ni Rem?
Panira naman ng mood eh.. Tsk tsk tsk..
"Oo ex ko si Enzo!" sagot ko sabay yuko
"Totoo bang ikaw ang pumatay kay Enzo?"
What the...
F***. Pati ba naman yun isisisi sakin?
Tsk tsk. Langya naman Rem oh! Nakakabwisit!!!
"Of course not!. Hindi ako!" sabi ko
"Pero sabi ni Rem. ikaw. Ikaw daw ang may kagagawan kung bakit namatay ang kuya nya!." sabi ni Zoe
"Zoe makinig ka. Siguro nga ako ang may kasalanan kung bat sya namatay pero hindi ako ang pumatay sa kanya." paliwanag ko
"eh ano? Ate ipaliwanag mo sakin!" sabi nya
"Ganito kasi yun....
Nagkakilala kami ni Enzo dati sa Japan. Isa na akong City Hunter noon, at nasa death list na ako ni Harley.. Iniiwasan ko ang mga laban na ginusto ni Harley kasi ayaw kong pati kayo madamay kaso huli na ang lahat. Nalaman ni Harley na boyfriend ko na si Enzo at dun sya nagkaroon ng pagkakataong sumugod sakin. Magdedate sana kami ni Enzo nun kaso natambangan kami ng mga tauhan ni Harley, kinidnap nila kami at dinala sa isang tagong lugar. Binugbog nila ako at pati na rin si Enzo....kaso hindi kinaya ni Enzo lahat ng atakeng ginawa sa kanya ni Harley. Kaya naman nalagutan sya ng hininga. Iyak ako ng iyak nun, hindi ko alam kung anung gagawin ko hanggang sa dumating ang mga magulang ni Rem at Enzo. Kitang kita ni Rem na nakatayo ako sa harap ng bangkay ng Kuya nya, duguan at patay. Galit na galit sya sakin dahil inakala nyang pinatay ko ang kuya nya. Ang nagiisa nyang kuya. Ako ang sinisi ng magulang nya pati ni Rem, kamuntikan na rin akong makulong pero napigilan yun ni Papa, ng tunay kong papa. Ilang buwan din akong hindi lumalabas sa kwarto ko nun, kahit na pumupunta sina Mama at Tito Lance sa bahay hindi pa rin ako lumalabas. Hiyang hiya ako sa mga pagkakataong yon. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Then after few months nakarecover na ako, nabalitaan ko ring pumunta na dito sa Pilipinas sina Rem, gusto ko sanang magsorry sa kanya at ipaliwanag ang lahat kaso natatakot ako na baka lalo nya akong kamuhian. Biruin nyo ako na isang City Hunter ay takot na kamuhian ng isang Gangster. Hehehe. Ganun talaga. Lahat naman kasi may kahinaan at ang kahinaan ko sa mga panahong yun ay si Enzo.
Nung malaman kong andito kayo sa Pilipinas. Agad ko kayong sinundan ni Aaron at binantayan. Kaso mukhang hindi ko na kayo kailangan bantayan kasi kayo mismo ay Mas malalakas pa kesa sakin!" paliwanag ko
O___________O- silang lahat.
"Heavy duty ang Story nyo ni Enzo!" sabi ni Cyrus
"Oo nga eh!" sabat ni Shawn
"Ate umiiyak ka!" sabi ni Aaron, bigla ko namang pinahid gamit ang panyo ko ang mga luha ko,
"hehehe.." sabi ko
"Ano bang itsura nyang si Enzo?" tanong ni Gil
Ayy may picture pa ako nyansa wallet ko.. Hehehe
Kinuha ko yung wallet ko at pinakita yung picture ni Enzo kay Gil
O_______O- Gil
Huh?
"bakit!?" tanong ko
"Sya si Enzo? Teka! Sya yung nakita ko kanina bago ako pumasok dito. Akala ko nga si Aaron pa yun eh!." sabi ni Gil
Teka! Ano daw?? Imposible!! Patay na si Enzo!
"Saan?" sabi ko
"Sa labas ng gate nyo! Doon ko sya nakita." sabi ni Gil
Tumayo na ako at tinakbo ang labas ng bahay tiningnan ko kung may tao pa sa labas ng gate kaso wala akong nakitang tao kahit anino man lang wala..
(_____ _____")
Haaays. Kala ko si Enzo na...
Bumalik na ulit ako sa loob ng bahay namin.
"Nakita mo?" tanong ni Gil
"Hindi eh" sagot ko habang umiiling.
**********************************************************************************************
a/n::
Si Enzo ba talaga yung nasa labas ng gate nina Gertrude?
Buhay pa kaya si Enzo o wala na talaga sya?
Ano kaya mangyayari sa lovestory ni Gil at Aaron?
Babalik pa kaya sina Fritz at Rem?
ABANGAN....
~bye
SiGNiNG OFF:: MiSS USAGi 11