Mysterious Soulmate

By -Babin-

1M 11.4K 1.4K

A story of a guy who finds his perfect match in the imperfect world of corporate industry. More

Note:
Stanly's Profile
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3 {part 1}
Chapter 3 {part 2}
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10 (under construction)
Chapter 11 (under construction)
Chapter 12 (under construction)
Chapter 13 (under construction)
Chapter 15 (under construction)
Chapter 16 (under construction)
Chapter 17 (under construction)
Chapter 18 (under construction)
Chapter 19 (under construction)
Chapter 20 (under construction)
Chapter 21 (under construction)
Chapter 22 (under construction)
Chapter 23 (under construction)
Chapter 24 (under construction)
Chapter 25 (under construction)
Chapter 26 (under construction)
Chapter 27 (under construction)
Chapter 28 (under construction)
Chapter 29 (under construction)
Chapter 30 (under construction)
Chapter 31 (under construction)
Chapter 32 (under construction)
Chapter 33 (under construction)
Chapter 34 (under construction)
Chapter 35 (part 1) (under construction)
Chapter 35 (part 2) (under construction)
Chapter 36 (under construction)
Chapter 37 (under construction)
Chapter 38 (under construction)
Chapter 39 (under construction)
Chapter 40 (under construction)
Author's Note
MMS Special
SC - The Wedding
SC - The Reception

Chapter 14 (under construction)

21.9K 204 15
By -Babin-

A.N. Ito na po ang chapter 14 anyway.. fragile heart by: Shiroangel is still on going xD parang school lang ahh haha :)) I hope youll like it :D

A.N. Guys iko construct ko to so kung babasahin niyo ito ngayon, pwedeng hwag muna or kung gusto niyo naman balikan niyo nalang ulit :)

Angelie's POV

Hayy ang sarap naman sa pakiramdam na bumalik na rin sa dati ang lahat. Hindi na masyadong mabigat ang trabaho ko pero subsob pa rin nama dahil nga sa kaliwa't kanang appointments ni Stanly sa ibang bansa. Hayyy malaya na rin akong mag ingay sa loob ng office ngayon haha parang gusto ko mag wala sa sobrang sarap ng feeling na parang nakalaya na ko sa kulungan. Lantaran ko na rin tawaging Spoon si Stanly pero ang pinagkaiba na nga lang ngayon ayy hot coffee na ang binibili ko sa kanya hahayyy mahirap na baka sumpungin nanaman to at awayin ako. Grabe no? Isang araw lang ang lagnat ko... sa buong buhay ko ngayon lang nangyari yun dahil pag nilalagnat ako umaabot ng one week. Siguro sadyang magaling lang talaga mag alaga si Stanly... bakit kaya di siya nag nurse? Hay ewan hindi muna niya ako pinapasok noong kinabukasang may sakit ako pero hindi niya ako napigilan nagulat nalang siya na nasa office na ako.

Lumabas ako sandali at nagkita kami ni Slate pero masama ang tingin niya sakin.. hala ano nanaman kaya yun? Panibagong problema nanaman kaya? Habang papalapit siya ng papalapit, papalakas ng papalakas ang kabog ng dibdib ko. Hanggang sa dumeretso lang siya at dinaanan lang ako, pero parang sinasabi ng mga mata niya na sundan ko siya... hmmm marunong pala to mag eye contact ahh. Sinundan ko siya at habang nag lalakad ako napapa isip ako. Ano kayang nagawa kong kasalanan dito? Siya nga ang dapat kong tanungin dahil hindi siya pumasok last day ehh.. hala napapaisip talaga ako ng bonggang-bongga kaloka... hanggang sa bigla kong naalala.. OH MY GOSH. Last night pala dapat mag di-dinner kami pero iniwan ko siya! Hala nakakakonsyensya naman... pinag hintay ko siya tapos iniwan ko lang pala.. pero bakit? Kilala ko to si Slate at di yun big deal sa kanya? Hmm siguro may iba pang dahilan sundan ko na nga lang siya.

Huminto siya sa lobby... grabe ahh sa fire exit pa kami dumaan haist.. may elevator naman.

"Slate may problema ba?" Tinitigan niya lang ako ng masama.. hala.. sabay kaladkad sakin papunta sa parking area...

"Slate ano ba? San tayo pupunta??" Sinakay niya ko sa sasakyan at pinaharurot ito sa daan...

"Slate ano ka ba? Di pa break time saan mo ko dadalhin?" Hala bakit ayaw niya ako sagutin?? Kinakabahan nako..

Hanggang sa ayun. Dinala niya ako sa isang seaside hayyy sa baywalk...

"Anong ginagawa natin dito?"

"Saan ka galing noong isang araw?"

"Huh? anong pinag sasabi mo?"

"Angelie pinag alala mo ko! Hindi ko akalaing papasok ka noong araw na yun dahil sa ginawa ni kuya sayo! Pumasok ka pa rin pala at ano nanaman ang nangyari?? Tell me ano nanaman ang ginawa ni kuya sayo?"

"Wala siyang ginawa." Hala ano mga pinag sasabi neto??

"So paano mo mai-eexplain sakin kung bakit nawalan ka daw ng malay at dinala ka sa ospital?! Sige ipaliwanag mo nga? Paano?"

"That time kasi napagod ako ng sobra tapos naulanan pako kaya nilagnat ako tapos bigla nalang akong nahimatay... teka paano mo ba yun nalaman?? Edi ba di ka pumasok nnoong araw na yun? Sino ba nagsabi sayo??"

"Huh? Eh ano nanaman bang pagpapahirap ang ginawa sayo ni kuya? Angelie pag nakita ko siya hindi mo na ako mapipigilan paduduguin ko na pagmumukha niya!"

"Slate ano ba? Bakit ka ba nag kakaganyan?? Walang ginawa ang kuya mo sa katunayan nga siya pa ang nag alaga sakin noong gabing yun!"

"Pumunta ako sa ospital noon pero di na kita naabutan. Saan ka dinala ni kuya?"

"Sa condo niya."

"Sa condo niya!? Angelie anong ginawa niyo doon!? huh!?" pasigaw niyang tanong sakin.

"Slate ano ba?? Kanina ka pa ahh kung ano man ang iniisip mo hindi yan totoo! Buong araw ako tulog at ng magising ako pinakain niya lang ako ng noodles tapos nag kwentuhan lang kami ganun lang yun! Ewan ko sayo diyan ka na nga!" Lumabas ako ng sasakyan at naglakad nako papunta sa sakayan babalik nalang ako sa office nakaka irita mga iniisip niya!

"Angelie!!!!" Sinigaw niya pangalan ko at hinabol ako waaaaaah nakaka hiya umeksena pa kami dito sa baywalk.

Huminto nako kesa naman pagtinginan kami ng mga tao dito nakakahiya kaya.

"Ano nanaman bang maduming isip ang sasabihin mo sakin?"

"Sorry na!"

"Hindi ako satisfied sa sorry mo." Tumalikod ako...

Hinawakan niya ang kamay ko at bigla niya akong hinarap sa kanya sabay yakap sakin. "Angelie sorry na. Please oo na nagpadalos-dalos ako sa mga tinanong ko sayo kanina oo na sorry na di na mauulit."

"Hmmm o sige na bitawan mo nako nakakasakal na." Pumiglas na ako sa pagkakayakap niya sakin. Hayy well lunch break narin naman kaya sige na nga stay muna kami dito...

Naglalakad-lakad kami doon at nag kwentuhan na rin... May tuhog-tuhog akong kwek-kwek hmmm ngayon ko lang natikman to masarap pala haha.

"So parang alam ko na kung saan galing ang pasa ng kuya mo ahh."

"He deserves that Angelie."

Kinutusan ko siya.. "Loko ka bakit mo sinapak kuya mo? Kapatid mo pa rin yun no."

"Hindi naman ako papayag na palagi ka niyang sinasaktan... that night when I saw you crying nag dilim talaga ang paningin ko at kumulo ang dugo ko. Nakakalalaki eh.."

"Pinang sampal ko sa bunganga niya ang natira kong kwek-kwek. "Umm tigilan mo na yan ah.. hindi nasusukat sa pananapak ng kapatid ang pagiging isang lalake no.. ok na kami ni Stanly di na niya ako pinapahirapan at bestfriends na uli kami."

"He'd better be."

"Ikaw talaga.." Pinalo ko ang braso niya. "Mag sorry ka sa kanya mamaya ahh basta pagbalik natin sa office ahh."

"Ayoko nga."

"Hay nako ka Slater Ramirez sa ayaw at sa gusto mo mag sosorry ka. Yan diyan mo patunayang lalaki ka talaga... ikaw din kung ayaw mo bahala ka.... ikaw naman ang di ko papansinin.."

"Angelie ano ba?" Tinitigan niya ako ng masama... tinitigan ko din siya haha titigan kami ngayon.. tingnan ko lang kung sino manalo.

"Ok fine basta in one condition.."

"O sige ano yun?"

Niyaya niya akong lumabas bukas may pupuntahan daw kami... ayaw sabihin hmmm pero pumayag na rin ako. Ok na yun lalabas lang naman pala eh.

Ok pumayag na ako sa gusto niya, siya naman haha. Hinihila ko siya sa loob ng opisina at pinag titinginan kami ng mga tao... waaaaah kulang nalang takpan ko ang pagmumukha ko sa dami ng atensyong nakukuha ko ngayon grabe nakakahiya.... pero wala akong magagawa pahirap tong Slate na to eh.. the heck ka talagang lalaki ka! Haha hanggang sa finally nadala ko na rin siya sa loob ng opisina ni Stanly..

"Ano bang ingay yan?" Tanong ni Stanly..

"Woi may sasabihin daw kapatid mo sayo."

"Ano yun Slate?"

"Sira ka talaga Anj." Bulong sakin ni Slate.

"Dalian mo na ang arte-arte pa kasi eh..."

Haha yung mukha ni Slate di mapaliwanag natatawa ako waaaah.

"Slate nag hihintay ako." sabi ni Stanly..

Lumunok siya ng laway siguro he swallowed his pride na.

"Kuya..."

and...?

"Kuya so..."

Ayy ka bwisit ka...

"Kuya sorry kung nasapak kita last night." Napatalon ako sa tuwa haha tuwa ba talaga o tawa? Nakapikit pa rin ang mata ni Slate hanggang ngayon... di pa ata nag sisink in sa kanya ang mga nangyayari ngayon..
Lumapit si Stanly sa kanya at pinatong ang kamay sa balikat ni Slate.

"That's ok bro. Magkapatid tayo kaya hindi tayo dapat mag away." Niyakap ni Stanly si Slate yaaaaaaaaaah kinikilig ako sa dalawang magkapatid... ang cheesy nila sobrang waaaah xD kung may dala lang akong camera pipicturan ko talaga sila at isesend ko kay Tanya ng mapag tripan sila kasi naman yung phone ko lowbat ehh at kasalukuyang nag cha-charge ngayon. Pero ok lang bwahahahah ang saya talaga....

Pumiglas na si Slate...

"Thanks kuya." Biglang tumingin sakin si Slate. "Yan masaya ka na?"

"O syempre."

"Yung usapan natin ahh."

"Oo na."

"Lalabas na sana si Slate ng biglang may tinanong sakin si Stanly...

Stanly's POV

Napapa iling nalang ako habang binabasa ang mga documents... hanggang ngayon di pa rin mawala sa isip ko na pinag isipan ko si Angelie ng masama. Hayy ang sarap sa pakiramdam hooow parang teen ager ang dating... hindi nako makapag hintay na makapag papansin sa kanya but right now kailangan ko munang tapusin ang trabaho ko dahil bukas wala ako dito. Crap ang cellphone ko... ring ng ring puro miss calls ni Lourene... hindi ba siya nag sasawa sa mukha ko? Eh halos araw-araw na kaming magkasamaehh. Puro pasyal di ba niya naiintindihan na may negosyo akong dapat asikasuhin? Oh crap 223 missed calls patayin ko nga muna ang phone ko tawag siya ng tawag sigurado naman akong papupuntahin lang niya ako sa bahay nila ehh.. wala pa kaming isang buwan pero nagsasawa nako sa kanya.. Oo mabait siya, maasikaso siya at maaalalahanin pero nakaka sakal na rin. Akala ko siya na ehh, pero may mas the best pa pala sa kanya, at kilala ko na siya ngayon... si Angelie nga ang babaeng yun. Kaya pala noong una kong yakapin si Lourene iba ang nararamdaman ko, para bang may kulang... dahil yakap pala ni Angelie ang hinahanap ko.

Hayy sa totoo lang hindi naman talaga si Lourene ang tipo ko eh. Masyado siyang mabait at maluho... ang gusto ko ay yung babaeng kagaya ni Angelie.. yung babaeng simple at walang modo haha just kidding... Ngayon okay na ang lahat... di na ako naiilang kapag nandito si Anj bumalik na rin sa dati ang lahat, wala na uli siyang galang sakin. Tsk tsk sira ulo talaga pero ok lang sakin haha ewan di talaga ako makapag focus sa work sa tuwing sumasagi siya sa isip ko..

Bigla silang dumating ni Slate hmm.. ano nanaman kayang kalokohan nila ngayon??

"Ano bang ingay yan?" Tanong ko..

"Woi may sasabihin daw kapatid mo sayo."

"Ano yun Slate?"

Ewan ano nanaman kayang kalokohan nila... bakit parang napipilitan si Slate?? Hmmm.

"Kuya...?"

Then??

"Kuya so..."

Ano nanaman ba to?

"Kuya sorry kung nasapak kita last night."

Muntik na ko matawa pero napigilan ko lang haha di ako sanay humingi ng tawad kapatid ko sakin haha.. niyakap ko siya at nakipag bati na. Si Angelie tawa ng tawa... siya siguro ang may kagagawan neto..

Papalabas na si Slate ng bigla kong tanungin si Angelie...

"Anj. pwede ka ba bukas? Yayayain sana kita sumama sakin..?"

"Huh?.. o sig.."

"Di na pwede kuya..." napa tingin kaming dalawa kay Slate.. "Niyaya ko na siya lumabas bukas.. nauna na ako."

"Napatingin ako kay Angelie...

"Ahh oo nga pala Stanly... sorry next time nalang."

"Ganun ba? Okay lang walang problema.." napatingin ako sa isang sulok na pinalalakas ang loob... "oo ayos lang sige.." ngumiti nalang ako para hindi maparamdam sa kanila na nalungkot ako..

"Okay ka lang ba kuya?" Tanong ni Slate.

"Huh? Oo naman bro.. o sige ganito nalang.. kung hindi ko mayayaya si Angelie bukas, ngayon nalang tayo lumabas... sama ka Slate mamayang hapon. Saan niyo ba gusto?"

"Okay lang ba kuya? Di ka ba maabala sa trabaho mo?"

"Hindi yan... tatapusin ko na agad lahat ngayon para mamaya ok na."

"O sige." sabi ni Angelie..

"So saan niyo gusto? Kayo ng bahala."

"Alam ko na. Balik nalang tayo sa baywalk dun kami nanggaling kanina eh."

"Gusto mo ba dun?"

"Yup."

"O sige dun tayo..."

"Yes! Bilisan mo na yung trabahong yan... at ng maka alis na tayo.."

"Sige kuya tawagan niyo nalang ako para makapag ready na ako mamaya.."

"Sige" Lumabas na siya..

Ayos na to atleast mamaya kasama ko sila... tinapos ko na ang lahat ng mga kailangan kong gawin malaking tulong din ata... haha minadali ko na pero naintindihan ko naman lahat. It's already 4pm hmmm ok na to... lumabas ako ng office.

"Anj let's go."

"Tapos ka na ba?"

"Yup."

"Bilis ah.."

"O sige na ligpit mo na mga gamit mo tatawagan ko lang si Slate..."

"Ok."

Tinawagan ko na si Slate at ayun siya na ang pinagmaneho ko papunta sa baywalk... di ko alam kung ano ang gagawin namin dito ngayon. Naka formal kaming tatlo at maglalakad-lakad dito.. hayy di bale na si Angelie na ang bahala.

"Oh Anj ano gagawin natin ngayon?"

"Huh ikaw bahala.."

"You're the boss now."

"Talaga??"

"Oo nga."

"Ummm sige boring na pala dito sa Ocean Park nalang tayo pwede ba?"

"Ayos yan Anj." Sabi ni Slate...

"O tara sa Ocean Park tayo..."

Pumunta na agad kami sa Manila Ocean Park... Cool nakaka ilang balik na ko dito pero mas gumanda ngayon. Nakikita ko si Angelie mukhang enjoy na enjoy sa mga nakikita niya... sana lagi siyang ganito. Kasi nakaka tanggal ng pagod ang mga ngiti niya ehh..

"Woi Stanly tumabi ka sa kapatid mo!"

"Huh?"

"Picture kayo..." nilabas niya ang phone niya... and we took a picture.

"Stanly yakapin mo ulit si Slate gaya kanina.."

"Huh?"

"Magyakap kayo.."

Nagkatitigan kami ni Slate at napatingin kami sa paligid..

"Ayoko."

"Hwag nga kayong killjoy! Di ko kayo nakuhaan ng picture kanina kaya ngayon kayo magyakapan.."

"Tumigil ka Angelie baka ikaw bangasan ko diyan... AYOKO!" sabat ni Slate.

"Ang aarte niyo ahh para kayong hindi magkapatid.. o siya sige mag akbay nalang kayo." Pina titripan na kami ni Angelie pero sige na nga..

Nag akbay kami... habang magkaakbayan kami sinungayan ko si Slate haha wacky yan natutunan ko kay Ely..

Tawa ng tawa si Angelie... kaya tinitigan namin ang mga pictures.. oh shet ginaya din pala ako ni Slate at naka sungay din sa akin.. haha naaalala ko tuloy nung mga bata kami... ganitong-ganito kami ka close...

Ayun nag picture-picture kami mas masaya ako ngayon sa picturesss.. nag pa fish spa kami.. crap naka sapatos ako kanina and now lulublob ko sa tubig ang mga paa ko di kaya ako mapasma neto?? Di bale na boss si Angelie ngayon eh siya masusunod. Hanggang sa napagod na kami at naisipang kumain.. gabi na pala.. inabot na kami ng 8:00 pm dito dumeretso na kami sa MOA dun nalang kami kakain..

Habang kumakain kami binuksan ko ulit ang phone ko... baka kasi may important call sa mga clients... pero pambungad saking ang 500 missed calls ni Lourene hayy napapakamot nalang ako sa ulo ko..

"Kuya sino ba yan at napapa kamot ka pa diyan?"

"Si Lourene tawag ng tawag eh.."

"Ohh eh bakit di mo sagutin?"

"Ehh papupuntahin lang ako nun sa bahay nila eh.."

"Naku kuya.. mukhang mabilis ka magsawa ahh."

"Sira!" Biglang tumawag si Lou..

"Sagutin mo na yung phone mo Stanly.." sabi ni Angelie..

Napa tingin lang ako sa kanya..

"Sinong boss ngayon??"

O sige na nga..

"Hey babe.."

"Ano ka ba? nakakailang tawag nako sayo ahh!"

"Yeah I know Im sorry busy lang talaga ako sa work ko ngayon.."

"Edi sana man lang sinabi mo sakin para hindi naman ako mag mukhang tanga dito kakatawag sayo." Crap ito na nga ba ang sinasabi ko..

sigh.. "Nasaan ka ba? Pupuntahan kita.."

"Nasa garden namin bilisan mo ahh kung hindi.."

"Sige na bye." Binabaan ko na siya ng phone..

"Ahh guys mukhang kayo nalang muna ahh."

"O sige kuya go ahead ako na maghahatid kay Angelie mag tataxi nalang kami."

"Salamat sa time niyo.."

Pumunta nako sa bahay nila Lourene ng matapos na to.. dumeretso ako sa garden nila.. naka upo siya dun sa bench at lumapit nako.

"Hey babe." Hinalikan ko siya sa cheeks.. "How are you? Nasaan si mama at papa?" Umupo muna ako sa tabi niya.

Nag european tour sila kahapon lang.. at bago sana sila umalis gusto ka nila makita pero tinatawagan kita ayaw mo naman sagutin.."

"Sorry Lou busy lang talaga.."

"Di ka rin pumunta nang gathering noong saturday.."

"Yeah babe that's why Im trying to apologize.. sorry na ok Im busy.."

"Hmm di bale na."

Ngumiti ako sa kanya. "Thanks Lou alam ko namang maiintindihan mo eh. Si Ely nga pala nasaan?"

"Nandoon sa taas pinapatulog ng nanny niya.."

"Ok.. so ano pag uusapan naten?"

"Hindi ka na katulad ng dati... bakit inuuna mo na ang trabaho mo kesa sakin? Mas mahalaga pa ba yun!?" Medyo pasigaw niya sinabi sakin yun..

"Ano bang pinagsasabi mo?" Medyo nagalit ako sa sinabi niya.

"Stanly wala ba kong halaga sayo?? Tinatawagan kita pero di ka sumasagot ... di ko tuloy alam kung nag tatrabaho kalang o..." napa hinto siya saglit. "May babae ka ba?"

"Shet! Ano ba tong pinag uusapan naten? wala ng patutunguan to.."

"May babae ka?! Stanly naglolokohan ba tayo dito??"

"Ano bang sinasabi mo Lourene!? Wala akong bab...."

"Sinungaling ka! Stanly ngayon ka lang naman nagkaganito sakin ahh napupuntahan mo naman ako dati kahit may trabaho ka ahh."

This time nag init na talaga ang ulo ko at pinanduduruan ko na siya. "Lourene tumigil ka ahh hindi ako natutuwa sa mga binibintang mo!!"

"Eh bakit?? Hindi ba totoo? Stanly sinagot kita noon dahil alam ko hindi ka kagaya ng iba pero ngayon?!" Sumisigaw na siya..

"Shet!! Ito pala ang tingin mo sakin Lourene? huh ito pala?"

"Yes!! ngayon gusto kong malaman kung mahal mo ba ako o ginagamit mo lang ako! kasi Stanly nahihirapan nako!!"

"So kailangan ko pang patunayan sayo na mahal kita ?!"

"Oo Stanly hirap na hirap nako!

"Paano kung sabihin ko sayo ngayon na OO. Oo Lourene! may mahal na nga akong iba at hindi kita mahal!!!"

Sinampal niya ko..

"Tapusin na natin to ayoko na! pagod nako Lourene!! pagod na pagod nako sa relayson na to! gusto ko na makipag hiwalay!!!" Galit na galit na ako parang gusto ko na mag wala ngayon.

Niyakap niya ako.

"Stanly no!! Please don't do this to me..."

"Huli na Lou..." pumipiglas ako sa pag kakayakap niya pero hinihigpitan niya ang pagkakayakap niya sakin.

"It's too late Lou.." pumipiglas ako sa pagkakayakap niya pero hinihigpitan niya pa lalo ang pagkakayakap niya sakin.

Umiiyak na siya "No Stanly, please I love you... mahal mo din ako diba?? Please"

"Lourene stop it please" pumipiglas ako pero patuloy pa rin siya sa pagyakap and this time hinahalikan na niya ako..

"Lou....................................... Loure............................. Lourene stop ano ba!?" natulak ko siya kaya nasubsob siya sa lupa.. itatayo ko sana siya pero lumuod siya sa harap ko at niyakap ang binti ko...

"Stanly no! No! Please forgive me hindi na ako mag hihinala I'll promise na magiging mabait na ulit ako... basta hwag ka lang umalis..."

"Lourene ayoko na! Nasasakal na ko sayo ehh.. pagod nako!"

Lalo siyang umiyak at nag makaawa.. "No! No! ayoko... Hwag ka umalis dito ka lang.."

Tumayo siya at yumakap ulit sakin.. this time hinayaan ko nalang siyang yumakap sakin... di ko na alam ang gagawin ko.. napatingin na lang ako sa taas ng bahay nila at naka dungaw dun si Ely... ohh crap ayokong nakikita niya kaming ganito ng ate niya..

Pumiglas ako kay Lourene at kinausap siya ng mahinahon.."Lou, listen... I don't deserve you.. you deserves better.. hindi ako papayag na magkaganito ka dahil sakin..."

"But you are perfect.."

"Lou just listen to me ok.. meron pang mas perpekto sakin.. isang lalaking hindi ka sasaktan... isang lalaking mas hihigitan pa kung ano ang ibinibigay ko sayo ngayon..."

"Pero ayoko sa iba gusto ko ikaw lang... ikaw lang Stanly please don't leave me..." Yumakap ulit siya sakin.. crap paano na to ngayon? Nasasakal na ko sa kanya..

Pumiglas ulit ako.. "Lou ito na ang huling beses na uulitin ko sayo to. ayoko na pagod nako.." Binitawan ko na siya at umalis nako...

Iniwan ko na siya.. kahit papaano na luluha parin ako dahil nakukunsyensya ako sa ginawa ko... mabait siya at hindi niya dapat ginagawa to dahil sakin.. kahit papaano naging maganda rin naman ang pinag samahan namin pero hindi ko siya mahal ehh.. ayokong mas masaktan lang siya kung hindi ko masuklian ang pagmamahal na binibigay niya sakin. Ang bobo ko kasalanan ko to eh.. Dapat kasi tinanong ko muna si Angelie noong una palang, di na sana umabot pa sa ganito.. Di bale na alam kong bukas makalawa magiging maayos din si Lou... hindi pa naman kami umaabot ng isang buwan ehh kaya alam kong hindi pa ganun kalalim ang pinag samahan namin...

Natulog nako... di ako dapat mag isip-isip ng ganito ngayon... kailangan ko mag relax para sa pupuntahan ko bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 179 11
[ COMPLETED ] Christine Anika Mendoza is a lady na masasabi mong halos perpekto. She's outstanding in class, beautiful like a goddess, and a talented...
15.1M 110K 64
Eugenio Carlos or Gin is perfect. He is tall, handsome and he has money. He is the only son of Governor De Villa. And not to add he will inherit th...
408K 7.4K 106
This is a compilation of the best love stories that I wrote for the past two years of my life. Hope you guys enjoy reading my stories. ^^
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...