Sa pag ibig, may mga times na nahihirapan na tayo..
at naiisip nating itigil na ang kalokohang ito.
Pero hindi eh, hindi pa natatapos ang lahat,
kung sa mga teleserye nga.. TO BE CONTINUED.
Mula pagkabata, hangang hanga na ako sa mga fairytale love stories,
yung may happy ending kumbaga.
At heto nga, naniwala naman ako, pero iba pala sa REALITY.
Hirap.
Lalo na pag ang minahal mo ay gwapo, matangkad, maputi,in short PERFECT GUY!
Yung dadaan si guy, tapos mapapalingon ang mga girls..Alam mo yun?
Hayyyyyy, bakit ganito?
PART 2
Araw,araw, gumagawa ako ng paraan para mapansin ni guy na itago natin sa pangalang Angelo.
kasi Angelic Face sha eh.
pero.. yun nga, sablay lahat.
Birthday niya, niyaya niya kami lahat ng classmate niya.
Mayaman pala sila! And guess what! Pumunta ako! hahahhaha. Ganun talaga.
Gagawin ko nga ang lahat .. Diba? Ito na yun eh! Chance ko na!
Tamang tama naman.. may games sa party niya.
ang game ay tagu taguan. pambata diba!
Ang saya saya ko! kasi ako yung taya.
Grabe naman ang mga classmate kong magtago pero hindi naman sila yung hinahanap ko eh..
Alam niyo na ;)
Pagkatapos ang mga sandaling iyon..
Tapos na ang party. Umuwi na kaming lahat.
Hindi ako makatulog! Grabe! ang gwapo gwapo nya talagaa!
Tinawag ako ng nanay ko.
"ROSE, anu ba!! matutulog ka ba o hindi!?"
"Nay! Paano ako makatulog? May gumugulo sakin"
"Tulog na! Nanood ka nanaman siguro ng horror.. ayan!"
"Nay, isang gwapong multo to!"
"SUS! Tulog na!"
at yun nga, baliw na yata ako.
PART 3.
Sad moment.
Kinaumagahan.
Napadaan ako sa bahay nila Angelo parang may pinagkakaabalahan yata sa loob.
Na curious naman ako.
Biglang lumabas ang mommy ni Angelo may dalang maleta, umiiyak..para bang may aalis
na di na babalik..
Tama kaya ang naisip ko?
At heto na nga, si Angelo. A-AALIS!! :"<
Ngunit bakit? Parang kelan lang ang saya saya niya..
Pero bago pa siya pumasok sa sasakyan..nakita nya ako.
"Uy! Ikaw pala!", sabi ni Angelo.
"Bakit? Sino paba? joke! Saan ka pupunta?"
Hindi siya umimik . Dagli-dagli niya akong niyakap at sabay sabing..
"Mamimiss kita. Babalik ako para sa prinsesa ko."
Anung pumasok saakin!!? At bigla ko siyang kiniss sa cheeks.
"Good bye kiss ko para sa'yo :-) Hihintayin kita "
Di siya nakagalaw. at tumakbo na ako papalayo.
Ilang araw na ang lumipas.. pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari.
Ano ba to?? Totoo ba yun?? Ginawa ko ba talaga yun? Ako ba yung prinsesa nya?
PART 4.
Ten years ang nakalipas. Ang bilis noh? Parang kailan lang?
Dalaga na ako. Siguro, hindi na niya ako makikilala..
Habang pababa ako ng bahay, may lalakeng nakatalikod sa gate.
Na paghinalaan ko pa siyang magnanakaw. nagsisigaw ako.
at naisip ko wala palang tao.
"HOY! Ako 'to!"
"Anung ako to? Wala pa akong nakilalang may pangalang Akoto"
"Hinde, si Angelo!."
"A-Angelo? Ikaw ba yan? Teka... Anu yang hawak mo? invitation card? May party ba? Matagal pa naman birthday mo ah"
"Aa....kasi, ikakasal na ako."
"Ay, ehehehe. ganun ba? Congrats. Who's the lucky girl?"
" Si Kharen. "
"Wow! Nice name. Kailan?"
"What do you mean?"
Rose POV
Gusto ko sanang itanong kung kailan pa naging sila. Akala ko, babalik siya para sa prinsesa niya.
Siguro hindi ako yun noh? ang kapal ng mukha ko, jamming lang pala yun.
"Kailan ang kasal?"
"Sa Sabado. Punta ka ha"
"Sige asahan mo, pupunta ako.", sabi ko, nakangiti kahit masakit.
Pag alis niya, naisip ko yung tagu taguan. Ako yung taya. TOTOO NGA. Ang sakiiiiiiiit.
Tumulo ang luha ko.
Sa sobrang sakit, hindi na ako makahinga. Nawalan ako ng malay.
*Kriiiiiiing*
**
From: Angelo (09156893146)
**
Pero? Pag open ko. Wala namang laman yung message niya.
Anu to? nagpaparamdam? sus! luma na yan!
ngayon ka pa magparamdam, kung kailan ikakasal ka na.
Pero ang totoo, takot ako. takot akong masaktan.
PART 5.
Preparation para sa kasal.
limang araw na lang bago ang kasal, hindi inaasahan..
Nagkita kami ni Angelo. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan.
"Bakit malungkot ang groom? Diba dapat excited ka?"
"Yun na nga ang problema eh, ikakasal ako.."
"Anu ang problema dun?"
"Ikakasal ako...nang hindi ko alam."
ROSE POV.
Ano daw? O.o
Hindi alam? Ikakasal ako nang hindi ko alam? May ganun ba?!
"Ano kasi Rose................................................................"
"ANO!?!"
"Arranged marriage kasi yun."
"Arranged marriage?! Sino naman ang may gawa nun !?"
"Si mommy, pinagkasundo niya ako sa anak ng kumpare niya para sa partnership ng kumpanya.
Gusto kong tumiwalag, tumakas.. pero paano?? Saan ako pupunta? Naka prepare na ang lahat."
Dumating si Kharen.
"Oh, anung ginagawa mo dito? at sino sya?"
"Siya sana yung ......................."
"Yung??"
"papakasalan ko."
"Ahhhhhh...... Can I have a word with you?"
Nagkausap sila ni Kharen at Angelo.. Sabi ni Kharen, labag rin iyon sa kanyang kalooban.
Alam niya na magsasama silang pilitan lang ang lahat.
Pagkatapos nun... bumalik sila at kinausap nila ako.
Pareho silang di sisipot sa kasal.
Naglakad lakad kami sa plaza at umalis na si Kharen..
Biglang nawala si Angelo.
Tapos may tumakip sa mga mata ko. pagharap ko.. nakaluhod si Angelo na may dalang rosas.
sabay sabing..
"Will you...eat with me? Tara!"
ROSE POV.
Akala ko kung anu na! Eat with me lang pala!
--
THE END.
Joke lang!
Sa araw ng kasal, nagulat ang lahat. Tahimik ang lahat. Gaya ng pinangako ko kay Angelo, pumunta ako.
THE END.
Sino siya?