First story ko po ito sana po magustuhan ninyo!! Based po ito sa aking real life. Sana po suportahan nyo ang story ko.
______________________________________________
Faith's POV
Hello Readers!! ako nga pala si Faith Salcedo, sabi nila mabait, matalino at maaasahan daw ako sa mga kaibigan di naman kapangitan at di naman kagandahan di kasi ako palaayos. 13 y/o pa lang po ako at hangarin ang magkaroon ng simpleng buhay kasama ang aking crush.:))))) Syempre echos lang yun. Napaka-impossible naman kasing pansinin nya ang tulad ko. :(
Back to reality. Kasalukuyan kaming nanunuod ng Basketball ngayon kasama ang isa sa mga BFF na si Alexisse mas matanda ako ng isang taon sa kanya, maganda sya, morena, fashionista at palaayos sa sarili at mahilig din syang mamicture sa sarili oras-oras ata eh pinipicturan nya yung sarili nya. -_-
Laban pala ngayon ng crusk kong si Gabriel sa kapatid kong si John. kung iniisip nyo eh nagkagusto ako sa mas bata sa akin eh nagkakamali kayo. magka-age lang kami ni Gabriel at ang kapatid ko namang si John eh 2 taon lang ang agwat sa akin kaya wag na kayong magtaka kung magkalaban sila.
"Faith, si Gabriel yung humahawak ng bola ngayon oh!"-sabi ni Alexisse.
Syempre ako tingin agad sa direksyon nya hindi pwedeng palampasin ang bawat sandaling nakikita ko sya... Chos lang. nagdi-drible na si Gabriel ng may biglang tumabi sa aking lalaki di ko sya kilala kaya tiningnan ko na lang si Gabriel. Shinoot nya na yung bola pero di na shoot ano ba yan pero syempre okay lang sakin. hihihihi :'>
"Ano ba yan, di man lang maka-shoot yung crush mo."-sabi ni Alexisse with pailing-iling effect pa.
"Tss"
Natapos na ang game syempre ang nanalo yung team ng crush ko! Ang galing talaga nila. mas supportive pa ako sa crush ko kesa sa kapatid ko eh noh. hahaha!! pagbigyan nyo na minsan lang to!
Napagpasyahan namin ni Alexisse na umuwi muna ng bahay para magretouch daw, hay nako! kahit kailan talaga itong bestie ko. kaya ayun pumunta na kami sa bahay, pagkadating namin doon ito kami, namulbos, nagsuklay, nagtali at nagpalit ng damit. kailangang maayos ako kasi baka makita ako ni crush na pawisin nako mahirap na babalik kasi kami mamaya sa court dahil manunuod pa kami ng laban ng kuya ni Gabriel, gwapo, maputi at magaling magbasketball di tulad ni Gabriel pero syempre kay Gab parin ako noh. kahit di sya marunong mag-BB Sya parin ang MVP ng buhay ko, Charot lang. tama na ang kacornyhan!
"Ang fresh ng pakiramdam!"-sabi ni alexisse habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
"Alam ko, feel ko rin kaya"-sabi ko kay alexisse, mambara pala akong tao, kkaya wag nyo kong babarahin. de joke lang syempre love ko kayo readers!!
Pagkatapos ng aming ka-echosan eh pumunta na kami sa court, nakita ko na yung kuya ni Gabriel no.5 yung jersey no. nya. Hinahanap ko si Gabriel, shoot ayun sya oh. kalandian na naman si kulot. di ko alam yung pangalan eh kaya kulot tawag ko sa kanya kulot kasi yung buhok nya kaya ganun. Nakakaechos naman may pa-apir-apir effect pa sila! Che! nakakabadtrip sila!! KUNG MAGLALANDIAN KAYO PWEDE WAG SA NAKIKITA KO. Eh ano naman kasing dahilan para magalit ako eh ni-makausap sya di ko magawa. Tama po kayo ng basa, di ko sya nakakausap hanggang tingin na lang kami. From my peripheral vision kitang-kita kong nagtatawan sila. nakakabadtrip!! amputek.. nanuod na lang ako ng basketball, pero di ko talaga napigilan eh aksidente akong napatingin sa gawi nila at SHOOOOOOOTT!!!
Nakakatingin din sakin si Gabriel, di ko alam kung ilang segundo na kaming nagkakatinginan.
5 seconds...
10 seconds...
15 seconds..
"Faith, uwi muna tayo. pwede ba?? nature is calling! kailangan ko ng mag-cr"-sabi ni alexisse na nagpipigil. naiwas ko na lang tuloy yung tingin ko kay Gabriel. hayaan na nga. aksidente lang siguro yun, o baka naman di ako yung tinitingnan nya o baka naman may dumi lang ako sa mukha ...
o baka naman ako talaga yung tiniti--
"Faith, halika na pls??"-with major puppy eyes pa ito. kaya ayun umuwi na kami sa bahay nila. ngah pala. magkakatabi lang pala kami ng bahay ng mga BFF ko. Nakwento ko na ba sa inyo si Rose? Sya yung isa pa naming kaibigan mas matanda sya ng dalawang taon sakin pero ang height eh katulad lang namin kaya magkakaibigan ang tingin namin sa isa't isa hindi mag-aate.
"Balik na tayo sa court?"-bigla bigla naman tong nasulpot kaya napahawak tuloy ako sa dibdib ko.
"Wag na siguro, baka makita ko payung kulot eh. mapatay ko lang ng wala sa oras."sabi ko kay alexisse. Sya naman halatang nagtataka kung sino yun.
"Huh? Sino si kulot?"-sabi ni alexisse with matching kunot noo pa.
"Di mo ba kilala??"
"Magtatanong ba ako kung kilala ko?"
Ngah naman -_-. may pagkashunga lang talaga ako. "Si kulot yung kalandian ni Gabriel kahapon pati ngayon."
"Kahapon??"
"Ganto kasi yung nangyari dyan-"
*FLASHBACK*
Kasama ko si Rose ngayon wala si Alexisse kasi sumama sya sa papa nya, kaya kaming dalawa lang ni Rose yung nag-aala dora ngayon. Bibili kami ng streetfoood dun malapit sa court kasi antagal ko ng hindi nakakabili ng kwek-kwek kaya ayun pumunta na kami ni Rose doon, pumili na kami ni Rose ng gusto namin tapos ayun pinainit namin yung kwek-kwek. Sa di inaasahang pagkakataon nakita ko lang naman si Gabriel na may kasamang babae at nagtatawan pa. Tss -_-
"Uhm ate, pwede po bang pakilagay na lang yung pina-init kong kwek-kwek dyan sa lalagyan ni Rose?"- sabi ko. Tumango na lang yung ale.
"Ui! Andaya mo bakit sakin mo pinalagay yung kwek-kwek mo?"-sabi ni rose na nagtataka.
"Nawalan na ako ng gana"-sabi ko sakanyang matamlay.
"Huh? Bakit naman? Diba sabi mo nagugutom ka? Ikaw pa ngah yung nag-aya sakin dito eh."-di ako sumagot sa tanong nya kaya sinundan nya na lang yung direksyon kung saan ako nakatingin.
"Ahh, kaya naman pala. alam mo yang kulot na yan akala ko pa man din mabait, ang amo-amo ng mukha tapos pala ganyan sya?? Hay nako!! nasa loob talga ang kulo"sabi nya at napailing na lang sya sa nakita.
Sa di inaasahang pangyayari nakita kong napatingin sya sa gawi ko pero iniwas agad yung tingin kasi kinukwentohan sya ni kulot. Pagkatapos nun napagpasyahan ko na lang umuwi sa bahay at dun na lang kainin ni Rose yung binili namin kwek-kwek.
*End of Flashback*
"Nakakainis talaga yang babaeng yan! pag ako di nakapag-pigil. Eh baka naman nililigawan nya na si kulot??"-nagulat naman ako sa sinabi ni Alexisse.
"Baka ngah. Pero ayokong pangunahan kung ano man ang totoo kailangan nating makasigurado kung totoo yun." sabi ko kay Alexisse, kasi kkung totoo yun ititigil ko na agad tong pagkakaroon ng crush kay Gabriel kasi baka mamaya di ko inaasahan na mas lumalalim pa pala yung nararamdaman ko sa kanya kaya habang mas maaga pa kailan ko nang gumawa ng aksyon.
"Alam ko na kung sino ang makakatulong sa atin"sabi ni Alexisse with a successful smile.
"Sino???"
"Si Abbie"
"Si Abbie?????????!!!!!!!!!!"
________________________________________
Gabriel's POV
SAME DAY
Hello Readers!! Ako po si Gabriel Salcedo, 13 yrs.old. Yun lang :)) Di kasi ako sanay sa pagdedescribe sa sarili kaya kayo na lang magdescribe sakin.
Laban namin ngayon ng Basketball, kung di ko po nababanggit fiesta po dito sa lugar namin kaya may mga ganto. Kasalukuyan kaming nag-wawarm-up, tapos naalala ko si Faith, asan na kaya sya?? pupunta ba sya?
"Sana pumunta sya" :((
"At sino, namang dapat pumunta??"-sabi ni kuya, kasama ko sya ngayon manunuod din kasi sya ng laban namin.
"Huh?? W-wala"-pagpapalusot ko naman sa kanya. Bumigay ka pls.
"Alam mo Gabriel, kung magsisinungaling ka wag sa kuya mo ha"-sabay gulo ng buhok ko. Si kuya talaga. Ngah pala. Isaac Salcedo. kapatid ko.
"Kuya naman, wag mo ngang guluhin yung buhok ko, inayos ko 'to para maging presentable yung itsura ko para sa kanya noh. Tss."
"Eh sino ba kasi yan ha??"-sabi ni kuya.
"Basta, makikilala mo rin sya."-sabi ko sabay nakakalokong ngiti.
"Bahala ka ngah, baka hinahanap na ko ni Rhea."-sabi naman ni kuya sabay punta dun sa nililigawan nya. Napailing na lang ako.
*pppprrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrttttttttttttttttttttttt*
Pumito na yung referee kaya nagsiputahan na kami sa pwesto namin at nakipagkamay sa kalaban.Pagkatapos nun, pumunta nakami sa lugar kung saan kami inassign ni coach, kasali ako sa first five eh. hahaha!. Paglingon ko naman sa likod, SHOOT nakita ko na si Faith, yes! buti na lang pumunta sya, mas gaganahan akong maglaro nito. Tama na ngah, masyado nang nakakabakla eh, pansin nyo? Kung hindi, well pansinin nyo na lang.
*pppprrrrrrrrttttttttttttttttttt*
Pumito na uli yung referee kaya ayun nag-ready na kami, hinagis na nung referee yung bola pataas ayun nakuha ni Andrei, kateam ko, pinakamagaling sa team namin. dinidribble nya yun bola ako tapos pinasa nya sakin so dinrible ko naman, nang malapit na ako sa ring, tumingin muna ako kay Faith kung nanunuod sya, pagkakita ko naman sakanya meron syang katabing lalaki, ano ba yan! kaya iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya tapos shinoot ko na yung bola, at dahil sa hindi ako nakabwelo sa nakita ko di nashoot yung bola at naagaw pa ng kalaban. Hays!.
Natapos na yung laro, at ang nanalo?? Syempre kami! Magaling ata kami kahit wag nyo na akong isali, hahaha!
Umuwi muna ako kasi malapit lang ang bahay namin dito sa court siguro mga 20 steps. nyahaha. basta malapit lang.. magbibihis ako, basang sisiw na ako, di pwede ito, kailangang presentable ang itsura ko pag nakita nya ko. :)))
------FAST FORWARD------
Andito ako ngayon sa bench ng court, manunuod ako ng laban ni kuya, pagkatapos kasi namin sila naman, at may isa pa akong purpose, syempre nagbabaka-sakali din akong pumunta sya. :)) Ngah pala, kanina ko pa nabanggit si Faith sa inyo, sya pala ang crush ko, hanggang crush lang muna ako syempre bata pa ako, hahaha! classmate ko sya nung mga kinder kami, magbebestfriend kaming tatlo nila Kenneth, si Kenneth naman classmate ko din dati, pero ngayon hindi na, magkaiba na kasi kami ng school na pinapasukan.Ang pagkakaalam ko iisang school lang ng pinapasukan sila Faith at Ken. Dapat dun din ako mag-aaral eh kasi gusto ni mama kaso ang layo kaya dito na lang ako sa mas malapit. Sila Faith at Kenneth lang yung nakakapag- usap, kami kasi Hindi eh, :(( Nakakalungkot man pero yun ang totoo, kaya hanggang tingin na lang ako sa kanya. Hays! Kelan kaya kita makakausap??
"Ui! Gabriel, lalim ng iniisip natin ha."
"Ahh, Hindi naman hehe."sabi ko. Umupo naman sya sa tabi ko.
"Ngah pala, Congrats"
"Thanks." Sana batiin din ako ni Faith ng ganun. :( Hay! Imposible yun Gab. :((
"Ui! Gab, nakikinig ka ba sakin nakatulala ka naman kasi eh."-sabi ni Gisselle. Nako! Patay! magagalit to kapag nalaman nyang hindi ako nakikinig.
"Ahh, Oo naman."-tapos nginitian ko na lang sya.
"Sige ngah, kung nakikinig ka ano yung sinasasabi ko?"
"Ahh, ang sinasabi mo ay tungkol sa basketball kanina"-sabi ko.
"Ahahahaha!! ahahaahah! Alam mo ahahaaha! Laptrip ka! Ahahaha"
"ahahaha"nadadala na ako sa tawa nung babaeng to "Bakit naman??"
"Ahahahaha! Eh kasi naman Ikaw eh. ahahahaha!! wala naman akong sinabi pero may sinagot ka sakin, hahahahahahahah!!"-sabi nya na napahawak pa sa tiyan nya sa sobrang tawa nya.
"Ahh, ganun ba."-napakamot na lang ako ng batok ko.
Si Gisselle ngah pala, Close Friend ko, kulot sya, maputi, mabait naman sakin ewan ko lang sa iba, hahaha!.
Tumingin na lang ako sa ibang direksyon kasi pinagtatawan nya ko, maaalala ko lang yung kahihiyan na ginawa ko at SHOOT! Nakita ko si Faith may kasama syang isang babae, at sa di inaasahang pangyayari napatingin din sya sakin, di ko alam pero bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko, ilang segundo na kaming nagkakatinginan, di ko alam kung bakit ako nagkakaganito, basta isa lang ang alam ko,
MASAYA ako, sa mga oras na'to.
Ang pinaka-hate na part ng lahat. --> Napaiwas sya ng tingin kasi, ginugulo sya ng babaeng kasama nya, ano ba yan! Panira ng moment eh. Hmmpp, sana may third chance pa, hahaha!!
___________________________________________________
Pabitin effect po muna, may karugtong pa yan. gusto ko lang po makita kung may nagbabasa na ng story ko so 7 reads and 4 votes. to get the chapter 2.
Hmmp, third chance daw?? Abangan na lang, at sino naman yung Abbie?? Abangan na lang din.
Vote*Comment*Be a Fan
*FathRiel ^.-