Hella: Confession of a Second...

By unbeknownstmaiden

4.3K 233 207

Kwento at hinaing ng babeng second choice, bigo sa pag-ibig, late sa klase, loading sa usapan, naiwan ng jeep... More

Hella: Confession of a Second Best
Simula
Hella1: Ang Kapitbahay
Hella 2: Twin Brother
Hella 3: Frat Guy
Hella 4: Thadeus
Hella 5: Tangerine
Hella 6: Jealous
Hella 7: Briefs
Hella 8: Kiss
Hella 9: Party
Hella 10: Deal
Hella 11: Rule No. 1
Hella 12: Know your Man
Hella 13: Rule No. 2
Hella 14: Rule No. 3
Hella 15: Punishment
Hella 16: Keep that in mind
Hella17: Good Job
Hella 18: Loving the Devil
Hella 19: Act Normal
Hella 20: Real Hard
Hella 21: Best Dessert
↑Hella 22: Masakit
Hella 23: Precious Creature
Hella 24: No
Hella 25: Time to think
Authors Note
Hella 26: Damn You Too
Hella 27: Eavesdrop
Hella 28: Revelations
Hella 30: End of everything
Hella 31: Trouble
Hella 32: Six Years Agoo
Hella 33: I cant
Hella 34: Stay
Hella 35: Too

Hella 29: Never After

54 1 2
By unbeknownstmaiden

UNEDITED

"Lately di ko na nakikita si Papa Hades anyare doon Te? Hoy! Hella nakikinig ka ba?!" satsat ni Bruno sabay hila sa buhok ko na kulot na ngayon na may kulay pula na sa dulo. Hindi ko alam na maganda ang kalalabasan niyon sa akin. Pumuti ang balat ko dahil sa highlights at na depina ang medyo bilugan kong mukha.

"Masakit Bruno!" sigaw ko sa kanya.

"Kanina pa ako satsat ng satsat di ka nakikinig. At anong Bruno?"

"Ewan ko sayo." pag iirap ko.

Pumilantik ang mga daliri nito at hinawakan ang dulo ng buhok ko. Nilaro laro niya ang buhok ko sa kamay niya.

"Ang ganda mo talaga ngayon Hella. Natotomboy ako sayo. Bilhin mo na kasi yung dark red lipstick ko. Imported yun." sabi pa nito.

I tap his hand and face him.

"Ikaw binobola mo lang ako! Wala akong pera Uno kung utang sana pwede pa."

Tumayo ito sa harap ko at namaywang. Inayos pa nito ang buhok at pinakakatitigan ako.

"Ang mura kaya ng 1500! May mayaman ka namang stepfather!"

Hinila ko ang kamay niya at kinurot. "Ang bibig mo Uno hindi magandang biro yan. At saka anong kinamura ng 1500 na lipstick? Lipstick lang ganoon ka mahal?"

Umirap lang ito at nagpatuloy sa pagsasalita. "Ang barat mo ever. Mura na nga iyon eh. Anong gusto mo? Yung tag sasampo na magic lipstick na binebenta sa..."

Napatigil ito sa pagsasalita at nakamata lamang sa aking likuran. His mouth form an o and his eyebrow raised.

"Holy cow Hella Marie! Wag kang lilingon!"

Too late. Paglingon na paglingon ko ay mukha ng taong ilang linggo ng gumugulo sa isip ko ay nakatawa kasama ang babaeng di ko pa nakikita sa tanang buhay ko. Mahaba ang straight na straight na buhok,nangingintab sa kaitiman. Matangkad, maputi at maganda ang hubog ng katawan. May partikular na parte ang nakapulupot sa bewang nito. I felt a sharp needle piercing into my heart when I saw that his hands are resting on that particular place. Humarap ang babae at mas lalo akong nanlumo ng makita ang kagandahan nito. She is a goddess!

Tumatawa ang dalawa habang pumupila sa counter ng cafeteria. May binulong si Hades at naghanap ng upuan ang babae. I stare at his bare back.

Naiinis ako! Pero wala akong magawa dahil ako ang may gusto na umalis siya. Ako ang tumaboy sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil minsan hindi ko naiisip ang mga bagay na lumalabas sa bibig ko. I was still staring at him when he turn around.

He saw me. I didn't blink. He averted his eyes. I didn't. Mas lalong sumakit ang nadarama ko ng makitang parang wala lang ako.

I turn around before my tears fell. Masakit pala. Sobrang sakit.

"You dump him or he dump you?"

"Shut up Uno." hikbi ko.

"You dump him. Tas iiyak ka. Napaka impulsive mo kasi! Panindigan mo yang kagagahan mo. Tumigil ka diyan." sita nito sa akin.

"Tangna masakit Uno."

"Alam ko. Tiisin mo ginusto mo yan diba?"

Tumango tango lang ako sabay pahid ng luha ko. Tahimik lamang kami ng biglang nagingay ang cafeteria. We looked up, noisy basketball players are on their uniforms. Si Kuya andoon kasama si...

"Thaddeus!" sigaw ko.

I stand up and run towards him. I miss him. I miss him badly. Minsan ko ding minahal ang lalaking ito. When I was inches from him, he open his arms and smile.

"Come." he said.

Lumapit ako at imbes na yakapin siya ay sinuntok ko siya sa braso. Kuya and his team mates laugh on my last stance.

"Hella naman. Kakabalik ko lang." sagot nito sabay himas sa braso.

"Asan na yung sinabi mo na leave for good? Ni hindi kita machat sa FB!" sigaw ko sa kanya.

"Sinabe ko ba yun? Nag deactivate ako ng account." sagot pa nito at hinawakan ako sa kamay. "Na miss mo ko no?"

"Miss mo mukha mo. Saan na ang pasalubong ko?" pahayag ko.

Ngumiti lang ito at kinuha ang atensyon ni Zeke. Si Zeke na ngayon ay nakikitawa kay Raul. "Pahiram ng girlfriend mo."

Bumaling ito sa amin at sumeryoso. "Pagsinabi ko bang di pwede anong gagawin mo?"

"Siya ang tatanongin ko. Boyfriend kalang di ka asawa."

"Nanadya ka ba pare? Di pa kami. Ewan ko ba kung kailan ako sasagutin ni Hella."

Tumawa ang lahat ng marinig iyon kay Zeke. Kinantsawan nila ito. Naiinis naman ako kasi ako na naman ang topiko nila. Kinuha nila kuya ang ibang mesa ang pinaghugpong upang lahat ay makaupo. Umalis yung mga ka team mates niya maliban kay Zeke. Katabi ko si upuan si Thad at Zeke. Nakasimangot si Zeke habang nakatitig kay Thad. Bruno rolled his eyes. Kulang nalang ay hilahin niya ang buhok ko.

"Where's Ven? Di ata kayo magkasama." Thad asked.

"Busy siguro." tipid na sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

Kumuha ako ng fries at hinay hinay na sinubo. I really need to talk to Ven. Hindi narin kasi siya nagagawi sa bahay at di na sila nagkikita ni Kuya.

"I heard she's dating Marco the new guy in town?" Uno said and sip his pineapple drink.

I heard a deep sigh. I saw Kuya stand and fished his cellphone from his pocket. Nag excuse ito na magbanyo. Napuno ng tawanan ang aming mesa ng simulang magkwento si Uno. Thad is around me all the time. Ang kamay nito sa likod ng upuan ko ay nakapirmi. Zeke is playing with my phone. I let him. Mukhang bad trip kasi.

"Nagkabalikan ba sila?" Thad asked.

"The who?"

"You know Celine Herera? Hade's ex girlfriend. The great Celine of the Education Department?" Thad explained.

I felt my heart twist in pain. I swallow every bit of information. Trying to digest everything.

"Saan tayo mamaya?" pag iiba ni Uno sa usapan.

"Welcome party para kay Thad!" tili ko.

"Yeah. I wont be long here. Babalik din naman ako next week. May inaasikaso lang dito. Ibebenta kasi naman ang bahay."

"Ay! Akala ko pa naman for good!"

"Sorry guys. Kaya nga ihahabilin ko si Hella kay Zeke e." biro nito.

Zeke stared sharply at him. "Hoy akin na si Hella simula ng umalis ka."

"Sinagot ka na ba? Dipa diba?"

Natahimik si Zeke at kinalikot ulit ang cellphone ko. Umusod ako at tinitigan yung ginagawa niya.

"What are you doing?"

"Making a collage of us." he answered.

Tumawa lang ako sa sagot niya. Nagtaas ako ng tingin at wala na silang dalawa sa loob ng cafeteria. Tumayo ako upang magbanyo at sinamahan ako ni Zeke.

Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Andami ng nagbago sa akin. Mula sa ulo hanggang sa paa. I applied a red lipstick on my lips and powdered my face. May nagbukas ng pinto ng restroom at pumasok ang isang babae. Nang makuntento na ako ay lumabas ako at hinanap si Zeke.

Sa pagaakalang bumalik na siya sa loob ng caf ay naisipan kong bumalik. Paglingon ko ay tama namang may paparating. Nabunggo ko siya.

"Are you okay?"

Nagaangat ako ng tingin at agad na kumunot ang aking nuo. Hindi pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki. Gwapo, matangkad at matipuno.

Tumikhim ito at agad akong nataranta. "Oks lang. Sorry pala." pahayag ko sabay ngiti.

"Medyo naliligaw kasi ako. Saan ba yung gym?" he said and smiled showing his perfect set of teeth.

"Ganoon ba?Deretsu ka lang diyan, tapos liko pagkaliko mo makikita mo yung infirmary sa harap niyan yung gym." sagot ko naman sabay kumpas pa ng mga kamay. Napatigil ako dahil nakatitig lang siya sa akin.

"I don't get it. Can you show me the way?"

"Ha? May kasama kasi ako hinahanap ko pa."

"Can you call her?"

"Nasa kanya nga yung phone ko and he's a guy."

"Then call him. Sabihin mo na may gwapong lalaki na kailangan ng tulong mo."

My eyebrows raised. This guy is persistent. Inabot niya sa akin ang cellphone niya. Di-ni-yal ko naman ang aking numero isang ring palang ay may sumagot na dito.

"Hello Zeke. Hintayin niyo al

ko ni Uno may pupuntahan lang ako. Saglit lang naman ako."

Walang nagsasalita sa kabilang linya kaya nagtaka ako. "Hello Ezekiel! Nakiki--."

"Hella." came a very familiar voice,

My heart jumps like a mad ape. Halos iluwa ko na ang puso ko sa sobrang kaba. Bakit nasa kanya ang cellphone ko? And where is Zeke?

"Okay na ba?" the guy in front of me asked. Sa sobrang taranta ay napatay ko ang tawag.

"Ok na." tanging sagot ko nalang. Binalik ko ang phone sa kanya. Hindi siya pala kwento pero permanente ang ngiti sa mukha niya.

"I'm Marco nga pala. Ikaw?"

"Hella. I mean I'm Hella."

"Nice to meet you Hella and thank you for showing me the way." he extend a hand. Tinanggap ko iyon at nagpaalam kami sa isat isa.

I was on my way back to the caf still thinking about Hades. I felt someone beside me. Nag angat ako ng tingin and I saw Hades walking beside me.

Nataranta ako ng sobra. What is he doing here? Nag iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Ng lumiko ako ay sumunod parin siya. Iniba ko ang daan at nakasunod parin siya. Pumunta ako sa banyo ay nakasunod parin siya.

Nainis na ako kaya tinanong ko siya. "Baka gusto mo ring pumasok sa banyo. Anong kailagan mo?"

Tinitigan nito ako mula ulo hanggang paa. Tumigil ito sa mukha ko.

"What did you do to yourself?"

Parang nasakatan ako sa sinabi niya at agad akong na conscious sa aking sarili. Do I look like a trash?

"Red lips, cheeks and hair what are you trying to imply? Fuck those printed tshirt of yours. Really Hella?"

I was wearing a hanging blouse na may print na Bite Me na gold at high waist shorts na itim, kapares noon ang sapatos na itim na may bituin sa gilid.

"You came all the way here just to tell me that? Really Hades?" I said sarcastically and pass through him.

He quickly grab my arm and make me face him. Tumaas ang kamay nito at hinawakan ang baba ko.

Tinaas nito ang isang kamay at nilapit ang hinalaki sa bibig.

"What are you--." natigil ako sa pagsalita ng dinampi nito ng tuluyan ang hinalalaki sa bibig ko at pinunasan ito.

"Too red." sagot nito. "Give me your handkerchief." he demanded.

"W-wait?! What?" tarantang sagot ko.

He sigh deeply and grab my bag. Nagulat ako sa ginawa niya. What does he want? Hinalukay nito ang bag ko at may hinanap. I saw him taking one ply of wet tissue. He once again hold my face.

"T-teka! Teka lang! Ano bang--."

I felt the wetness of the tissue on my cheecks. He is making a circular motion on that part. Kumuha ulit siya ng isa at dinampi iyon sa kilay ko.

Napaatras ako dahil doon. I waste my entire time fixing my eyebrows tapos pupunasan niya lang?

"Don't move."

Nakatitig lang ako sa seryoso niyang mukha habang pinupunasan ang mukha ko. He was serious. Nakalapat ang mga panga nito at tila ba galit sa kung ano.

"There. Thas better." sagot nito na tinapon sa trash can ang tissue.

Wala sa sarili na tumingin ako sa salamin. Wala ng bahid ng kung ano mang kolorete sa mukha ko. Pinakatitigan ko siya sa salamin.

"You're done? Baka may gusto ka pang burahin sa mukha ko o baka naman gusto mong mawala na ako? What the fuck do you want? Tell me Hades!"

"You know what I want Hella. You exactly know who I want." he said devilishly and pull me towards him.

"Hades bitiwan mo ako!"

"Shut up Hella Marie Villaflor." Pahayag nito at hinila ako palabas ng banyo. May mga tao na palang nakiki usyoso sa aming munting palabas. Kinaladkad niya ako papuntang parking lot. He open his car and push me inside of it.

Wala akong nagawa at pumasok sa loob. He didn't start the engine. Nakaupo lang siya doon at nakatitig sa labas.

Hindi ko alam kung paano pero nagsimulang magsipatak ang aking mga luha. Naalala ko na naman ang sakit na dinulot ng pagmamahal ko sa leader ng frat na ito. Lahat ng pasakit na binigay niya sa akin. Lahat ng paghihirap.

"I hate you." hagulhul ko.

"Hate is a harsh word Hella Marie."

"I said I want you out of my life Hades. Hindi mo ba naiintindihan yun?"

Napapiksi ako ng hinamapas niya ang manibela.

"You want me out? Then dispose the other guys! Ang problema kasi sayo Hella andami mong lalake! Bakit di ka makuntento sa akin?" frustrated na tanong nito sa akin.

Pinunasan ko ang luha ako at masakit na tinitigan siya. Ako pa? Ako pa talaga ang di makuntento? Really? Ano naman ang nabalitaan ko na nakipagbalikan siya sa ex niya at may kaharutan siya sa facebook? Okay I stalk him! Inaamin ko na gumawa ako ng isang account upang ma stalk siya. Pero iba parin kapag nakita mo siyang may kasamang iba.

"They are me friends Hades di ko sila lalake!"

"Then dispose your guy friend."

"Dispose? Wow! Ang galing mo din naman no? Samantalang may kas--."

Pumasaere ang boses ni Zeke. Napatigil ako sa pagsasalita dahil doon. Its like a recorded voice. Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses. Tada! Nasa kamay ni Hades ang phone ko at patuloy parin ang pagkanta ni Zeke. Pinalitan niya siguro ang ringtone ko kanina habang hawak niya iyon. The song was Torn it was one of my fave song.

"Give me that." I ordered him but I forgot that in this situation he is the boss. He swipe the accept button. Unting unting tinaas nito ang cellphone ko sa tenga niya at seryosong nakinig.

"Call her babe again and I will punch you straight to the face." sagot nito at pinatay ang tawag. Tinago nito ang cellphone ko sa bulsa niya at bumaling sa akin.

"Nawala lang ako ng dalawang linggo nanligaw na siya sayo? At hinayaan mo!" umiling ito at tinitigan ako. "Kaya pala nagpaganda ka. Tang'Ina ni hindi ka nga magpaganda ng niligawan kita!"

Shock was an understatement. Anong niligawan? He never courted me! Jusko! Mahal na mahal ko ang lalaking to pero konting konti nalang talaga sasapakin ko na to.

"Wow! Talaga nanligaw ka? Ako ba yun o si Ven?"

"Hindi mo alam? Manhid ka talaga!"bulalas nito.

"Kung may manhid man sa ating dalawa ikaw yun hindi ako! Wag mong ipasa sa akin ang mga kabalastugan mo Hades!" frustrated na sagot ko at tumingin sa labas.

The nerve of this guy! Naramdaman ko ang pag andar ng sasakyan niya. Tahimik parin ako hanggang sa nagsalita siya.

"Andito si Thad."

"Alam ko."

"Ang saya mo eh no? Kasi yung first love mo bumalik na. Binalikan ka." he said with full of bitterness.

"Sa sobrang saya gusto ko ngang umiyak e. Alam mo yun? Bumalik siya para sa akin. Kung di lang sana sa pesteng deal na yun ay sana kami na." I said adding fuel to the fire. I saw a glimpse of his face and damn he look so pissed.

Napatingin ako sa labas at ibang daan ang tinahak naming dalawa. "Where are we heading?"

"In my turf."

"What? May klase pa ako! Ibalik mo ako ngayon din Hades! Zeke and I have something to ta--Ayy! Ano ba! Bat bigla ka nalang nagpepreno?" sigaw ko sa kanya.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagmamaneho. Seryoso siya habang nakatuon ang atensyon sa daan. Mahina lamang ang pagpapatakbo niya ng bigla nalang may humarurut na itim na motorsiklo. Nasagi nito ang wind shield ng Hillux ni Hades.

I thought for once he will curse and get even with the motor cycle driver but he didnt. He just stay calm as possible. I stare at him and he stare back at me. Then he grins.

Oh no! Not again! Nataranta ako ng binilisan nito ang takbo hanggang sa maabot niya ang motorsiklo. Nasa gilid na kami ng daan at bumaba siya.

"Fuck!" sinundan ko siya at kitang kita ko ang paglapit nito sa motorsiklo. Kinabahan ako ng biglang hinawakan nito sa kamay ang lalaki. I saw the other guy fishing something from his pocket.

"Hades!" sigaw ko at tumakbo papalapit sa kanya. Tumambol ang puso ko ng umatras si Hades. I saw the bulge in the guys pocket. Mahaba iyon. Baril! Baril marahil iyon.

"H-hades!" sigaw ko ulit habang nagsipagtulo na ang mga luha ko.

"Stay there Hella." sagot niya.

"Hades just come back here!" naiiyak na sagot ko. If the guy shot him, infront of me di ko kakayanin yun. Hindi pa kami ayos. Marami pa akong gustong sabihin sa kanya.

Tinaas ng lalake ang kamay nito at tinapat sa tiyan ni Hades ang bagay na iyon. It was shining! Rumehistro sa utak ko ang anyo ng kutsilyo. I stop in mid air when the motorcycle rider start his engine and leave Hades not moving. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya. I felt him stiffened.

Humikbi lang ako habang yakap ko siya sa likod. Ayaw ko siyang tanungin. Ayaw kong marinig ang paghinga niya.

"Please Hades don't die on me." sambit ko. I hug him even tighter and rest my face on his back.

"Die? What are you talking about Hella? I'm not dying, well maybe yes. Malapit na siguro akong mawalan ng hininga kong hindi mo ako bibitawan." nasundan iyon ng malakas na tawa.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. I jerked away from him.

"Jerk!"

Humarap siya sa akin at tinaas ang mukha ko.

"Ang panget mong umiyak." he said.

Tinapi ko ang kamay niya at umatras. He was grinning from ear to ear.

"Halos mawalan ako ng hininga kanina tapos tatawanan mo lang ako? Akala ko--" may parang bumikig sa lalamunan ko habang iniisip na sinaksak siya ng lalake..."Putang ina Hades! Papatayin mo ba ako? Ilang ulit ko bang pinaalala sayo na wag mong pairalin yang init ng ulo mo! Pano kung may baril yun at binaril ka! Ang tigas ng ulo mo!" Halo halo ang emosyon ko ng oras na iyon. Naiinis at halong pag-aalala.

I stared at him while wiping my tears. "Tang ina Hades."

"Hella." sambit nito. "Come here and give me a hug."

I didn't think twice and hug him. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya. I miss him. I miss his scent, everything about him.

"Why do I always say this words first?" I mumble

"What words?" he asked and run his fingers in my hair. Naramdaman ko ang pag singhot niya sa akin. "I miss your scent babe."

"I love you Hades. I love you so damn much."

"I love you more Hella. And I fell inlove with you before you even realize that you're madly deeply inlove with me. I break every rules I had because of you. I change, I'm better now and its because of you. Because I fell inlove with the second best. I love you more than you think Hella Marie. I love you and you're mine. Officially."

That moment in my life I think I'm the luckiest girl alive. 

I think I am.


Continue Reading

You'll Also Like

17.7K 461 21
#2-requitedlove #6-fellinlove #6-distance #8-highschoollove #9-annoying #11-quarrel "Class! Class!! Did I told you to start gossiping? "Ang inis na s...
1.2K 19 3
Nasubukan mo na bang magmahal at mahulog sa taong di mo inaasahang darating sa buhay mo? Yung taong dahilan ng mga ngiti at mga tawa mo. Tunghayan a...
250K 6.4K 83
Simula High School Means... Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Isa sa pinaka masaya at challenging na bahagi ng buhay...
29.5K 4.8K 22
Siena Marie Alonzo - mayaman, maganda at sikat sa buong campus nila. Lahat ng bagay na gustuhin niya ay nakukuha niya - that's the thing of being an...
Wattpad App - Unlock exclusive features