Audrey's POV
*yawn*
.
.
.
.
*Unat*
.
.
.
.
*hikab*
.
.
.
.
*dilat*
.
.
.
.
Tingin sa orasan... 6:29 am
O_________O
WAAAAAAAAAAAHHHHHH!!
*RIIIIIIIINNNNNNNNNG!!!* (6:30 am)
For the very first time nauna akong magising sa alarm clock!! Yey! Kahit 1 minute nalang at least diba mas maaga parin ako nagising. Wahahahaha!
*ngiting tagumpay*
Hay nakuuu Audrey.. Nababaliw ka na naman..Hihihi. Kung di niyo pa ko kilala I'm Audrey Mikael Diaz nga pala. Friends na tayo ah? Wala kasi akong friends eh. Yung bestfriend ko? Sus. Wala na yun. Aish! Nevermind. -___- Change topic!
May date kami ni Chase ngayon! Walang pasok. Yeah! Kasi tinatamad ako. :P
Minsan na nga lang kami magkita eh kaya eto ako yung nagsasacrifice. Labs ko sya e.
Btw, 9 am pa dapat kami magkikita sa meeting place namin pero syempre dapat maaga ako. ^__^v
Ligo
.
.
.
Bihis
.
.
.
Suklay
.
.
.
Konting make-up and BOOM!
Okey na. ^___^
"MA! Alis na po ako!" sigaw ko kahit ako lang tao sa bahay. Haha!
Naglakad na lang ako papunta sa park.. Mga 10 minutes walk lang naman to.
Kung tatanungin niyo kung bakit ang saya-saya ko, dahil kay Chase to.
Alien talaga yun. In-invade na yung utak ko e.
Habang naglalakad-lakad ako nagulat ako nung may tumalsik na tubig sakin.
"Sorry MISS!" sigaw nung nagdidilig ng halaman.
"OK LANG PO!" kahit hindi -___-
Kinuha ko yung panyo sa bag ko para punasan yung braso ko. Napatitig ako sa panyong hawak ko. Naaalala ko na naman lahat dahil sa panyong 'to. Dito nagsimula lahat. Dahil dito nagkakilala kami ni Chase.
*flashback*
Umiiyak ako nun sa isang sulok ng park. Gabi na nun kaya alam kong wala na ring makakapansin sakin.
Gusto ko rin mapag-isa kasi alam niyo yun? ANG SAKIT EH! Pinagbigyan ko na sya nung una niya kong inagawan. Pero ano? Di pa siya nakuntento. Inulit pa niya.
Si Leila Salvador,ang bestfriend ko NOON. Siya ang may kasalanan eh! Ayoko na. Pagod na kong magtiwala at maloko ng paulit-ulit. *sob* *sob*
"Miss panyo oh"
Napatingin ako sa nagsalita. Kinuha ko yung panyo.
Tinabihan niya ko. Di ko alam kung bakit siya nandito. Pero maya-maya siya narin ang bumasag ng katahimikan.
"Alam ko may problema ka" sabi niya
"Obvious ba?" sagot ko.
"Tsk. Alam mo kasi lahat naman ng tao may pinagdaraanang problema. Pero daanan mo lang, wag ka na tumambay pa."
"....."
"Friends?" tanong niya sakin kaya naman napataas ako ng kilay. Baka mamaya holdaper to o kaya rapist. Naku!
Nginitian niya lang ako. Mabait naman siguro e. kaya yun...
"Friends :)"
*end of flashback*
At yun, dun nagsimula lahat. Di ko namalayan nandito na ko sa park.
Time check: 7:50 am
Aish ang tagal ko pa maghihintay. :( Eh kung tawagan ko kaya? Tas papuntahin ko na ngayon? Tama!
Contacts:
Chase my beybeh ❤
Call ✔
Riiinnngggg!
(Hello?)
T-teka... Babae yung sumagot? Don't tell me.....
(Hellooooo?)
Parang familiar yung boses..
"H-hel--"
Ay bastos. Binabaan ako. Tsk!
Di kaya niloloko niya ko? Kaya ba bihira kami magkita dahil dun sa babae niya? Naku naman! Di naman siguro. :/
Maglalakad-lakad nalang muna ko dito sa paligid.
*krung* *krung*
(a/n: tunog yan ng tiyan pag gutom haha!)
Di pa pala ako nagaalmusal. Punta muna ko ng bakery. ^___^
Pagdating ko dun sa bakery umatras yata yung gutom ko. Bakit ba naman kasi LEILA'S BAKESHOP yung nakalagay eh! Aish! Sa iba na nga lang ako pupunta!
Umupo na lang muna ko sa bench. Nagmasid sa paligid (wow lalim ha. Haha) Tapat pala ng highway tong park. May malaking billboard dun nakalagay ZAC EFRON Live in Manila.
Zac?!
Aish. Bakit ba ang daming nagpapaalala sakin ng past. Kung tatanungin niyo kung sino si Zac, siya yung first boyfriend ko. Unang inagaw sakin ni Leila.
Actually di naman talaga inagaw. Well, parang ganun nadin yun.
*flashback*
Zac: Audrey I'm so sorry pero si Leila talaga ang gusto ko.
*end of flashback*
Ang bilis noh? Haha. Ang galing kasi nila e. Ginamit lang nila kong tulay para mapalapit sila sa isa't-isa.
Ang galing nga naman ni Leila. Naagaw niya sakin si Zac ng walang kaeffort- effort. Yeah, naging sila for two weeks pero nakipagbreak rin si Leila and humingi ng sorry sakin.
Syempre bestfriend ko yun and ayoko naman ng malayo ako sa kanya dahil lang sa lalaki, tinanggap ko yung sorry niya.
And dumating ulit yung time na nagkaboyfriend ulit ako, si JAY. Same thing happened.
I saw them kissing each other. And from that day, pinangako ko sa sarili kong di na ko ulit magtitiwala basta-basta.
Yung about kay Chase? Ewan ko din. Masyado na kasi akong comfortable sa kanya and I feel safe pag kasama ko siya. Hayyy... :/
"HUUUUUY!"
"AY ANAK NG BAKLANG PALAKA!"
"Ako anak ng baklang palaka? Sa gwapo kong to?"
"Eh kasi naman Chase eh! Bigla ka nalang sumusulpot!"
"Kanina pa po ako nandito. Tulala ka kasi e. Ano ba iniisip mo?
"A-ako? Tulala?! Hindi ah!
"Tsk! Tara na nga! Tagal kitang di nakita e. Date na tayo. " *sabay wink*
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hope you like it. ^__^
-Yette