Ang tagal kong hindi nagupdate! I know...hahaha, that's why Im sorry guys!
I want to dedicate this chapter to @hiccupsoloud! wala lang, trip ko lang idedicate to sa kanya...haha...
Sana magustuhan nyo po! Thank You sa mga iilang tao na nagbabasa,..haha
__________________________________________________________________________
Scarlet's POV
Nakakamiss talaga yung ganitong gawain namin. Yung tatambay lang kami dito sa Starbucks Morato. Uupo, magtatawanan, magkwekwentuhan, maglolokohan, iinom ng kape, magyoyosi. Simleng bagay pero masaya na kami. Lalo na ngayon masaya talaga ako, at katext ko si Brent! :)
Brent: Hi Princess :)
Ako: Hello... :)
Brent: Ang tipid naman magreply ng Prinsesa ko... anong ginagawa mo? :)
Ako: nandito kami sa Starbucks Morato, tambay lang at kwentuhan... :)
Brent: Wow ayos yan ah? :) baka naman nakakaabala ako sa pagtambay nyo.
Ako: Ano ka ba? ang arte mo ha, hindi ka naman abala :)
Brent: Nagtatanong lang naman, syempre ayos kitang istorbohin... :)
After 5 mins...
Brent: Busy ka na ata... txt na lang kita later princess... <3
Ako: haha, sorry at napasarap ang kwentuhan :)
Brent: Ok lang syempre... :) nga pala pwede ba tayong magkita sa Friday? please? :)
Ako: Ah san ba?
Brent: Sa Jam Station na lang? :) kakanta kasi kami, baka pwede kang manuod ulit. :)
Ako: cge cge... :) ayain ko na lang din sila Danica, Candice at Yannie...
Brent: Thank you thank you Princess!
"Aray!" Sabi ko, Paano naman kasi, bigla bigla na lang akong hinampas ni Danica sa braso ko. Ang saki lang!
"Ayun naman pala, magsasalita ka din pala, kanina ka pa namin kinakausap! Puro ka cellphone, at para kang baliw na nakangiti dyan mag-isa!" Sabi ni Danica! Ganun na ba talaga ko? Hindi ko sila pinansin? Haha, masyado akong nalilibang kay Brent!
"Haha, sorry sorry naman, ano na nga yung sinasabi nyo?"
"Tinatanong ko kung sino ba yang katxt mo at abot langit ang ngiti mo!" Nakangiting sabi ni Yannie.
"Si Brent :)" Maikling sagot ko sa kanila pero hindi ko pa din mapigilang mapangiti kapag binabanggit ko ang pangalan niya! Ang landi ko lang!
"ANG LANDI MO!" Sabi nilang tatlo? Ayan na naman sila, nagiging choir na naman ang mga loko.
So ayun, hindi ko na muna nireplyan si Brent. Mamaya na lang siguro pag uwi na kami. Ayoko na kasing mahampas ulit ni Danica, dahil feeling ko, isa pang hampas niya ay magkakapasa na yung braso ko. Hahaha, Brutalan lang ang drama dito!
Nagpatuloy lang kami sa pagchichikahan. At syempre sumabay na ko sa daldalan. Hanggang sa nagkaayaan na kaming umuwi at madaling araw na din. Hindi na kami nahirapan pumara ng taxi this time, dahil may pila naman ng taxi dun.
Sumakay na kami sa taxi at natahimik na ang lahat. Dahil siguro madaling araw na, pagod at antok pa. Napipikit na kaming lahat ng biglang magising ang diwa namin.
"RILES! BLUE BLUE!" Biglang Sigaw ni Danica sa loob ng taxi, na napansin kong ikinagulat ng driver, at siguro kayo din. :) ganito kasi yan.
Kapag dadaan ka daw kasi sa riles, kelangan mong itaas ang dalawang paa mo, at humawak ka sa kahit anong bagay na color blue, at magwiwish ka! Sounds weird pero kahit mukang tanga na, lagi naming ginagawa to. Lalo na kapag may exam kami, talagang dadaan pa kami dito para lang magwish.!haha, so ngayon alam nyo na, itry nyo para malaman nyo kung effective! :)
Sana maging makilala ko pa si Brent ng husto!- Yan ang wish ko na sa sarili ko lang sinabi. Baka kasi macontra or maudlot kapag sinabi ko sa mga to!hahaha
"Hahahahaha, buti na lang napansin ko pa din na riles na!" Tawa ni Danica,
"Ano bang winish mo?" Tanong sa kanya ni Candice
"Sana maging masaya ako!hahahaha" Tawa pa din ng tawa si Danica, haha
"Ayan masaya ka na tapos na yung wish mo!hahahahaha" Sabi ko naman
"Hahahahaha, oo nga, ambilis matupad ng wish mo infairness!haha" Sabi ni Yannie na hindi na din mapakali kakatawa! :)
Nakarating na kami dito sa bahay, at magkatxt pa rin kami ni Brent.
Hindi ko maintindihan yung pakiramdam, kinikilig talaga ko sa kanya! Nakakatuwa lang isipin, ngayon lang ulit ako kinilig ng ganito!
Ambilis ng araw hindi ko namalayan na Friday night na pala... mamaya magkikita na ulit kami ni Brent! :) super excited na kooooo! :D
"Hindi ka na naman mapakali dyan babae ka!" Sabi ni Danica.
"Kasi naman eh!" Nakangiti kong sabi.
"Oh tara na, alam ko namang excited ka na..hahaha" Pangaasar nya!
Nagpunta na kami dito sa Jam Station... As usual madaming tao, friday night kasi eh. Hindi ako mapakali, kinakabahan ako. Pasimpleng hinahanap ng mata ko ang taong gusto kong makita.
"May hinahanap ka?" Sabi ni Candice. Nandito na din kasi sila nila Yannie at Mark. Syempre inuman na naman, ganito naman talaga ang colloge life!hahaha...
"Wala nu, tara simulan na natin ang inuman!" Pagkukunwari kong hindi ko hinahanap si Brent. Tinignan ko yung phone ko pero wala pa din syang text! Ano ba yan! Kaya naman umorder na ko ng RH! Nakakainis naman kasi kanina pa sya hindi nagttxt!
Nakakailang bote na kami, nagkakasayahan na dito. Pero ako nalulungkot! kasi magisang oras na kaming nandito, wala pa din siya! ni isang text wala pa din! Sa kalagitnaan ng pagsasaya, biglang namatay lahat ng ilaw. BROWNOUT! Nice naman talaga. Pagminaminalas!
Lahat ng tao naghiyawan, at rinig na rinig kong may ibang nabadtrip! Syempre nageenjoy sila!
"Umuwi na lang tayo, sa apartment na lang natin to ituloy!" Inis na sabi ko sa kanila.
"Ano ka ba, magkakailaw din, wag ka ngang kj dyan Scarlet!" Sabi ni Danica.
Ok ako pa ngayon ang kj! irita talaga!!! After mga 5 minutes, biglang sumindi yung spotlight sa may entrance, laking gulat ko ng nakita ng mata ko ang kanina ko pa hinahanap.
"Magandang gabi sa inyong lahat, pacenxa na po kung naabala ko kayong lahat. Ako po yung vocalist ng Watt Band. Hindi po ako mahilig sa mga surprises na ganito, pero lalakasan ko na ang loob ko, para magtapat sa isang babae na gustong gusto ko. SCARLET nasan ka?" Sabi ni Brent at ang lahat ay naghihiyawan na ang kinakanchawan siya!
"Woooooooaaaahhh"
"Nakakakilig!"
"Nandito siya!" Sigaw ni Danica!
Hindi ko maintindihan, pero eto na naman yung ugali kong, natutulala ako. Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. Nakatitig lang ako kay Brent habang unti unti siyang lumalapit papunta sa amin!
Hinawakan nya ang mga kamay ko! (OMG magpropropose na siya ng kasal?ang bilis naman! Nasan na ang singsing!) Hindi pa siya nagsasalita, pero ramdam ko na ang init ng muka ko, at alam kong namumula na ako. Hindi ko alam kung alak ba to, o kinikilig lang talaga ako!
Nakatutok na yung spotlight sa amin na kanina at sa kanya lang. Sa dami ng sigawan ng mga tao, hindi ko alam bakit parang nabibingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.
"Scarlet alam ko kelan lang tayo nagkakilala. Kung hindi ako nagkakamali, ika-isang linggo pa lang ngayong araw. But then I am sure. Sigurado na ako sa nararamdaman ko. The very first time I saw you, napahanga na ko sa ganda mo. And when we talked, humanga ako sa pagkatao mo. Kahit na nagyoyosi ka, kahit na mas malakas ka pang uminom sa kin, Scarlet mahal na kita! Can you please be mine? Aalagaan kita. I wont promise na hindi kita sasaktan, I wont promise anything to you, but then please let me love you."
Yung lakas ng tibok ng dibdib ko. Yung lakas ng hiyawan ng mga tao. Yung lakas ng sinisigaw ng puso't isipin ko.
"Yes!" Yan ang nasabi ko. Ayaw kong pigilan yung saya na nararamdaman ko. And with that niyakap niya ko. I can't help it anymore, I hug him too, and I cry.
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng Jam Station! May mga nagsisigawan, kanchawan, at madami pang iba. Pero ako siguradong masaya!
"Thank You Babe! You do not know how happy I am to have you! Mahal na mahal kita!" Bulong ni Brent habang magkayakap kami.
"Mahal na mahal kita!" Nanginginig na sabi ko, dahil naiyak na talaga ko! tears of joy... Ramdam na ramdam ko yung sincerity niya. Ramdam na ramdam ko din na mahal niya ako.
_____________________________________________________________________________________
Sorry antagal ko magupdate guys!
Sana natuwa kayo at kinilig tulad ko! hahaha...
-scarlet08