Chloe pov
Nandito kami ni father ben ngayon sa Prince academy
Ang laki naman ng school nato grabe . siguro mayayaman yung mga taong nag-aaral ditto kasi pagpasok mo pa lang ang laki na . baka maligaw pa nga ako eii
Pumunta na kami ni father dun sa office na pagpapasukan ko ata . Di ko alam tawag dun eii
Sinalubong kami ng isang babae . hindi naman siya katandaan siguro nasa 40’s pa lang ang babaeng ito . pero kahit ganun ang ganda niya
“magandang umaga po father ben” sabi nung babae
Kilala pala ng babae si father ben
“magandang umaga rin alice” – father ben
“kamusta na po pala kayo father ben?” – babae
“okay naman ako alice, ay siya nga pala alice ito nga pala si chloe” – father ben
Wow . alice pala ang name nung babae
“hello po, ako po pala si chloe”
“hello rin sayo iha . . . ako nga pala si mrs. alice vergara” – mrs alice
“nice to meet you po mrs. Alice vergara”
“mrs. Alice nalang ano kaba haha . . . ano nga pala sinadya nyo dito father ben?”
Ang bait naman ni mrs alice at masiyahin pa
“ay oo nga pala alice ditto ko muna pag-aaralin itong si chloe . bagong lipat lang siya dito at binilin rin siya sakin ng isa kong matalik na kaibigan” – father ben
“ahh yun lang po ba father ben, no problem po . . . ako na po bahala sa kakailanganin niya dito” – mrs alice
“maraming salamat talaga alice ahh” – father ben
“walang anuman po iyon father ben” – mrs alice
“osya mauna na kami ahh . may pupuntahan pa muna kami” – father ben
“osige po father ben, ingat po kayo” – mrs alice
Umalis narin kami ni father ben . grabe ang bait ni mrs alice kasi siya na daw bahala sa mga kakailanganin ko dito
Pumunta naman kami ni father ben sa isang malaking bahay ata ito . pero grabe maraming mga tao dito at marami ring naka display na mga damit at kung ano ano pa
“wow father ben ! ang laking bahay naman nito” sabi ko habang manghang mangha pa sa laki ng bahay
Napatawa naman si father ben sa sinabi ko . Ano kayang problema ni father ben? May nasabi ba akong nakakatawa?
“ala father ben bakit po kayo natatawa?”
“haha, ano kaba chloe hindi ito isang malaking bahay . . . ang tawag dito ay mall” – father ben
Ahh mall pala ang tawag sa malaking bahay na ito . grabe ang ganda niya tapos ang laki pa
“ano po gagawin natin dito father ben?”
“sasamahan kita mamili ng mga kakailanganin mo katulad ng mga damit” – father ben
Ahh kaya pala kami pumunta dito . kaso wala naman akong pera para bumili ng mga kakailanganin ko huhu
“kaso father ben wala po akong pera”
“wag kang mag-alala chloe . ako nang bahala sa pera basta pumili kalang gusto mo” – father ben
“osige po”
At ayun na nga nag hanap na ako ng mga damit
Grabe ang gaganda naman ng mga damit dito kaso medyo mahal >____________<
Baka maubos yung pera ni father ben huhu
“father ben medyo mahal naman po ang mga bilihin dito eii . wala po bang iba? Yung medyo mura?”
“haha . wag kang mag-alala basta pumili ka lang ng damit na gusto mo”
Edi ayun na nga ulit pumili na lang ako ng mga damit . kasi kahit anong pilit ko kay father ben na sa medyo mura na lang kami bumili ayaw akong payagan so ayun pumili na lang ako
Pagkatapos ko mamili pumunta na kami doon sa isang babae para ibigay lahat ng napili ko . galing noh haha
Habang inaayos na yung mga pinamili namin may lumapit na mag-asawa samin ni father ben
“oh father ben nandito po pala kayo” – babae
“oo nga father ben . at sino nga pala yang kasama niyo?” – lalaki
“ito nga pala si chloe, binilin lang siya sakin ng isa kong matalik na kaibigan” – father ben
“ah ganun ba father ben? Ano nga pala ginagawa niyo dito sa shop?” tanong nung lalaking kausap ni father ben
“sinamahan ko lang na mamili itong si chloe ng mga damit” – father ben
“ahh ganun ba? Tara pasok muna kayo sa office ng makapag kwentuhan muna tayo . si hanna na ang bahala dyan sa mga pinamili niyo” aya samin ng babae
“osige” – father ben
Tapos pumasok na kami ni father ben sa office daw na sinasabi ng mag-asawa
“maupo muna kayo dyan iha and father ben ikukuha ko lang muna kayo ng snacks” sabi nung babae at lumabas narin
“oh iha ano nga pala ang pangalan mo?” tanong sakin nung lalaki
“ako nga po pala si chloe delos reyes . chloe nalang po ang itawag niyo sa akin” sabi ko
“oh nice to meet you chloe . ako nga pala si james smith at ang name naman ng asawa ko ay anica smith” sabi ni mr james
“nice to meet you rin po mr james” sabi ko
“father ben ang ganda naman po nitong si chloe, mabait na, magalang pa” sabi ni mrs anica sabay lapag ng dala niyang mga pagkain
“ahh oonga eh . mabait talagang bata yang si chloe” – father ben
“natatandaan ko tuloy yung anak naming namatay” malungkot nasabi ni mrs anica
Kawawa naman pala sila wala na pala silang anak, mukhang mabait pa naman sila pero malay natin may dahilan rin pala kung bakit namatay ang kanilang anak
“wag kanang malungkot dyan ma, malay mo may dahilan si god kung bakit niya kinuha agad ang ating anak” sabi ni mr james
“oo nga anica . kaya wag kanang malungkot dyan” – father ben
“oo nga baka malungkot pa ang ating anak” sabi ni mrs anice
Edi ayun nag kwentuhan na ulit silang kung ano ano at ang babait nila talaga . kahit kakakilala ko pa lang sa kanila ang gaan gaan ng loob ko sa kanila . siguro dahil mabait rin sila sa akin
----
A/n:
Naka enrol narin si chloe sa prince academy . excited na talaga ako kung anong mang yayari sa pagpasok niya ? mag kakaroon kaya siya ng maraming friends?