Good karma

By notfamous101

74 0 0

--RATED PG13--- Lahat ng tao sa mundong ito kahit bata, matanda, babae, lalake , bakla, tomboy lahat tayo in... More

Good Karma

74 0 0
By notfamous101


My name is Marque James L. Chandler  standing at 5 foot 7 wala ako kaibigan , mataba ,loser at walang ibang talent kundi ang kumaen ganyan ako ilarawan ng mga kaklase ko . Ang tanging alam kung meron ako na wala ang iba, ang mga pangarap ko at isa na dun ang maging normal na katulad ng mga kaklase kung mapang husga. Gusto ko maranasang magkaron ng kaibigan, maging isang "payat" na sa tingin nila un ang normal, un ang batayan para irespeto ka nila. Hindi ganun ka ganda ang grades sa school tuwing kukuha ako ng classcard parang valentines puro pula ang makikita mo line of 7  sabi ng iba palakol daw. Sawang sawa narin ako makita ang naka sulat sa harap ng card ko "need for improvement" yan ang famous line ng mga teacher ko.

___________________________

Na tapos ang grades school ko ito na ko ngayon, high school na, pero hanggang ngayon dala ko parin ang anim na taong pag titiis sa grades school. Sinusubukang baguhin kung ano ang tingin nila saken sinusubukang maging karapat dapat irespeto. Nagawa kung mag karon ng mga friends pa konti konti . Nag karoon na ko ng boses,  na gagawa ko ng mag jokes sa iba ko pang kaklase . Hanggang dumating ang isang bagay na babago ng lahat, un na pala magiging way para mabago ang nakasanayan na nila. Nag ka sakit ako nun halos dalawang buwan ako nasa ospital nung una naiinis ako sa sarili kasi kung kilan nag sisimula na kung mag bago saka pa to ng yari . Pero ng nakalabas na ko ng ospital may malaking pag babago ng yari halos ilang pouns ang na bawas saken ang laki ng pinayat ko . Maraming tao ang halos hindi na ko nakilala na hindi nila ma imagine na ang dating sobrang taba ngayon pumayat na. Bumalik ako ng pag aaral ma swerte ako kasi mabait ang mga teacher ko kahit two months ako na wala pinayagan parin nila ko maka pasok. Dahil sa laki ng ipinayat ko mas na emphasis ang muka ko, lumabas ang dalawang dimples ko sa pisngi , nag ka shape ang muka ko na dating bilog ngayon nag ka edge na , isama mo pa ang brown eyes ko. Naging popular ako sa school ang dating hindi pinapansin ngayon siya na ang hinahabol. Ang dating hindi ni rerespeto ngayon maraming kaibigan . Ang dating hinihingan ng improvement ngayon malaki na ang pinag bago. Tumaasa lahat ng grades ko naging masipag ako mag aral, ginamit kung motivation ang grades school life ko sila ang dahilan kung bakit ganeto na ako ngayon.  Masaya ang buhay high-school, malayong malayo sa buhay ko nung grades school. Pero kahit na marami ako kaibigan marami ng nakaka kilala saken may isang bagay parin na hindi ko nararanasan ang mag mahal , ano ba ang love??

___________________________

"First meeting" pano ba nag simula ang kwento ko? Ang naalala ko may activity nun sa school check attendance lang tapos manonood lang kami ng concert sa gym in short lahat ng student nasa gym . Nasa taas kami nun kasama ko kaibigan ko  si em em kaklase ko gwapo siya matangos ang ilong maputi maganda ang mata half Spanish siya , di ko pala na banggit pinsan ko pala siya. Marami talaga nag kaka gusto sa kanya, un nga lang medyo tamad mag aral well advantage ko sa kanya un hahahaha (Minsan kasi na bibitter ako sa ka gwapohan niya dami niya chicks eh). Since nakaka tamad naman talaga manood ng concert medyo nag muni muni lang ako di ko alam kung ako lang ba ung taong attracted sa sapatos ung tipong mahilig tumingin sa sapatos.  Uso nun ung chuck taylor na converse pero iba tong nakikita ko ngayon ang ganda ng sapatos niya may design ung converse niya mukang limited edition to. Sa sapatos lang naman talaga ko naka focus nun, pero na pa tingin ako sa muka niya ....wait hold your breath..... what the fuck !! maganda siya matangos ilong chinita maliit ang muka, medyo mahaba ang buhok , naalala ko nung grade school ko may nilalaro kami nun isusulat namin sa papel kung ano ba ung ideal type mo sa babae sinulat ko nun singkit, matangos ang ilong , maputi at medyo mahaba ang buhok, grade 3 palang ako nun at  na hihiya pa ko amin na katabi ko ung dinidiscribe ko hahaha. Balik tayo sa kwento ko naka sideview siya nun hindi ko makita ung buong muka niya diskarting malupit to!! lumapit ako sa tabi niya kunware manonood lang ako ng concert mata ko lang gumagalaw nun pinipilit ko tingnan ung muka niya , di na ko naka tiis tiningnan ko na talaga siya harapan ohh god!! siya na un pasok na pasok sa standard ko ibig sabihin ako pala talaga ang naka imbento ng salitang pabebe sobrang pabebe ko nun sa sobrang pag papa cute ni hindi niya ko pinapansin . Ilang minuto ko lang siya napag masdan umalis na siya siguro nag sawa na sa walang kwentang concert sa school sino ba naman mag eenjoy sa concert paulit ulit ang kanta. Ilang araw ko siyang hinahap sa buong campus pero di ko talaga siya makita ni hindi ko alam pangalan o year niya nawawalan na ko ng pag-asa parang pag aayos ng isang relasyon na alam mo na ikaw nalang ang nag pipilit na bumubuo ng relasyon niyo ni hindi mo alam kung san mag sisimula. Kakagaling ko palang nun sa dalawang breakup ung first at second girlfriend ko . Nakaka tawang maalala na halos two weeks lang ang pagitan ni first at ni second, pero sa kanilang dalawa hindi naman ako nasaktan sa totoo lang  ako ung nakasakit. Its just curiosity ako nalang kasi sa mga friends ko ung single that time lahat ata sila busy sa girlfriend nila, pero sa totoo lang  silang dalawa ang dahilan kaya na buksan ang puso ko sa salitang love diba kahit gano ka worst kahit gano ka kasaya pa man ang relasyon niyo at the end of the day nag mahal ka at na may na tutunan ka and thats important. Ang first si charrie friend siya ni jeka na nililigawan ni dave friend ko at pinaka malapit kung kaibigan sira ulo tarantado ganun ko lang siya ilalarawan lahat naman ata ng barkada imposibleng walang tanga at tarando at dun siya kabilang . Nililigawan niya nun si jeka pero dahil sa sobrang nahihiya siya manligaw dahil sa group of friends ni jeka pinilit niya ako ligawan si charrie para daw may kasama siya, tinuloy ko ang idea ni dave friend ko si dave kilangan tulungan ganun ako tumulong sa kaibigan kahit alam sa sarili ko na mali na pwedeng may masaktan inisip ko nalang na ito na ung chance ko na mag ka girlfriend. Siguro naman hindi lang ako ang ganun dito sa mundo . Ilang araw palang naging kami na agad ni charrie ung totoo simula palang naman alam kung magiging kami agad unang una sino ba naman di makakahalatang gusto ka niya may babae bang ikaw ang susunduin sa hapon pag katapos ng klase, kahit nililigawan mo palang ?? Kahit ganun naman na alam kung sa simula palang may ginawa na akong mali nakilala ko parin ang salitang "kilig " kinikilig. din naman ako kahit ano pa sabihin ko first ko siya period bago parin saken ang feeling na un as expected nag hiwalay din kami kasi alam naman namin na wala patutunguhan ang relationship namin unang una dahil sa kasalanan ko simula palang . Si karen ang sumunod sa totoo lang mag kamuka talaga sila ni charrie wow!! diba nag girlfriend pa ko mag kamuka lang din naman para kang bumili ng bagong sapatos the same design iba lang ang kulay , medyo morena si karen maganda at sobrang baet medyo tumagal kami one month not bad for the second girlfriend (aminado naman ako masama talaga ugali ko masyado pa kasing bata isip ko nun ) apparently nag break din kami isa lang sinabi nila saken may "karma" ka din actually almost a lot of girls they use that powerful word when they fighting against there ex or kung sino man kaaway nila. Speaking of karma nag sunod sunod nga ang karma ko. First time ako naka tanggap ng busted, shittt ang feeling ko nun may ketong ako parang ang pangit pangit ko parang tinubuan ako ng isang milyong pimples sa muka  sakit ha!!! pero ang pinaka malupit na karma na dumating si mica shiiittt talaga!! kahit hanggang ngayon ayoko na maalala pa ung karma na un. Nakilala ko siya sa school miss popular kasi siya kaya marami talaga may kilala sa kanya. Simpleng babae na kahit walang make up o ano pa man sa muka talagang maganda kamuka siya ni kim chui tipong pag ngumiti parang wala ng mata, un ung first time na nanliligaw na ko ng seryoso "sabi ko pa naman siya na talaga"  tipong hinding hindi mo kayang lukuhin , mas lower year siya saken and transferee from other school kaya  bago talaga siya sa paningin ko. Ang famous line ko kasi nun (kung maganda ang babae automatic kilala ko un ) . Nung umpisa ok naman naman kami nag dadate , mag ka txt mag damag. First time ko naranasan ung feeling na parang may kuryente nakaka kaba dahil alam ko na first time ko maramdaman un .Wala pa ko cellphone na sarili kaya nakikihiram lang ako ng cellphone sa nanay ko, kaya minsan pag nag ttxt siya at hawak ng nanay ko ung cellphone na babasa niya (nakaka ilang diba alam ko ung iba sa inyo naranasan din un what an awkward situation ) syempre bago sa pakiramdam ko kinikilig ako namumula ang tenga at di maka tingin ng derecho sa muka ng nanay ko di lang talaga ako open sa nanay ko pag ganung bagay . Di ko ma express ng maayos kung ano ung pakiramdam ko parang maiihi na parang matatae ako ewan basta . Pag nakikita ko siya sa school sobrang bilis ng tipok ng puso ko. Madalas pag nkikita ako ng mga kaklase niya tutuksuin nila ako at pag papawisan ako ng malamig shit diba . Akala ko ok na ok na kami nag papalitan kami ng post sa friendster alam naman niya na gustong gusto ko siya, sa palagay ko gusto niya rin naman ako kita ko sa mata niya o talagang feeler lang ako . Dumating ang isang araw tanda ko sabado nun ung araw nag pa alam siya saken na my pupuntahan siya sabi niya lalabas siya kasama ng mga kaklase niya di pa naman kami nun pero feeling ko kami na. Pinayagan ko siya sino ba naman ako di niya naman ako magulang. First time na hindi niya ko tinext ng halos apat na oras tinatawagan ko siya di naman niya sinasagot. ano ng yari ?? Tanong ko sa sarili ko asan na ba siya . Ang pakiramdam ko nun isa akong asawa na iniwan nalang bigla marami gumugulo sa isip ko nun . Ilang oras pa nag daan naka receive na ko ng text galing sa kanya

Mica:  "sorry late text kakauwi ko lang ng bahay"

Me:  Bakit ngayon ka lang kanina pa ko nag ttxt at tumatawag san kaba talaga galing ??

Mica: " medyo nakainom kami ehh sorry "

Dahil nga maraming tumatakbo sa isip ko nun bigla ko nalang na sabi sa kanya sa txt sana naman nag paalam ka nag aalala lang naman ako naka ilang tawag at text ako sayo...

Mica: " sorry ha! di pa naman tayo bakit kilangan mo ko bantayan "

Me: ikaw na nga ang iniingatan ikaw pa galit nag alala lang naman ako sayo (feeling ko kasi talaga nun kami na kahit wala pa naman official )

nag reply siya ano bang problema mo ano bang gusto mo ??

Dahil sa sobrang na guluhan ako sa ng yari na hindi ko alam kung pano mag rereact sa ng yayari bigla ko nalang na sabi na wag mo muna ko itxt ng one month ( ang weird ko diba bakit one month pa pwede naman one day lang) at hindi na siya nag reply at un na ang huling conversation na ngyari.  Ilang oras ako nag isip ano bang tong na gawa ko ang tanga tanga ko sabi ko sa sarili. Di ko na tiis tinext ko siya

Me: hi!

Me:hello ...

Me:sorry na init lang siguro ng ulo sorry sa mga na sabi ko.

Isang gabi nag daan wala na ako na recieve na txt inisip ko nalang na baka pagod lang . Kinabukasan alas otso palang derecho na ko ng com shop, nag bubukas palang ang computer-shop nun sa sobrang aga ko pumunta at nag intay pa ko ng kalahiting minuto bago maka gamit. Nag open agad ako ng friendster tiningnan ko kung nag post na ba siya pero wala talaga umuwi akong walang na pala . Sinubukan ko ulit itext

Me: sorry na talaga patawarin mo na ko please

Wala siyang sagot at un na ang naging huling beses na tinext ko siya. Feeling ko nun para akong bata na iniisip na baka pag katapos ng one month magiging ok narin kami, baka itetext niya na ulit ako. Tatlong araw nag daan halos bawat oras ako na iiyak pag na iisip ko siya shit!! baka may iba na siya baka ayaw naman niya talaga saken ano bang nagawa ko ??sobrang pinag sisihan ko na talaga ...bakit ba kasi kilangan ko pa hilingin sa kanya un, ako rin pala mahihirapan . Isang linggo na simula nun, dumating ang uncle ko galing manila sabi niya saken kung ok ba daw na mag bakasyon muna ako sa kanya wala naman daw siya kasama sa bahay nag baka sakali nalang ako na baka pag nag bakasyon ako baka kahit papano bumilis ang oras, na baka mabilis matapos ang isang buwan at umaasa parin ako na magiging ok kami . Unang araw ko sa maynila, grabe ang init sobra whooo!! Kaya pala pinipilit ako isama ng uncle ganeto pala talaga ka boring ang bahay niya . Inakala ko na makaka move on ako pero pakiramdam ko nag dobleng pahirap pa to . Araw at gabi ko siya na iisip ung muka niya, ung mata niya , ung pag sasalita niya at sobrang miss na miss at sobrang nag sisi na talaga ako. Dahil dun nag flashback saken ang lahat bakit ba ng yayari to saken ngayon , ano bang na gawa dati?? na alala si charrie at si karen na siguro ganeto naramdaman nila nung nag break kami na dahil ASSHOLE ako , sinaktan ko sila marahil ito na talaga ung salitang karma, at pinag babayaran ko na ngayon ang mga ginawa ko . Alam niyo ba ung mga bwisit na pwedeng mang yari pag gusto mo mag move on sa isang tao??? number one di ka makatulog sa gabi kahit pagod ka bigla nalang siya papasok sa isip mo at maalala mo ang sakit, number two masaya ka sa araw na to di mo siya na aalala nakikipag kwentuhan ka sa kaibigan mo tapos biglang my isang bagay na mag papa alala sa kanya pwedeng may ma mababanggit ang kaibigan mo na ka pangalan niya pwede rin makaka kita ka ng bagay na meron din siya at halos buong araw lahat ng bagay na makita mo parang connected na sa kanya, ikatlo ang stage na kung saan alam mo na naka move on kana tapos biglang mag kikita kayo na hindi mo siya matingnan sa mata pero binati ka parin niya, dun bumalik lahat sumaya ka at umaasang ahh! baka pwede pa, na baka may part two pa ung love story nyo, bigla my darating at hahawak sa kamay niya sasabihing " babe im sorry im late sino siya friend mo??" At sasagot ang ex mo at sasabihing "old friend ko " and that point na feeling ko durog ang mundo ko sa loob ng ilang minuto parang na sabogan ng atomic bomb bommm aray !!! Wasak diba . Simula nun na pinangako ko sa sarili ko na ung next girlfriend ko talagang magiging seryoso na ko .

Heto ako ngayon hinahanap ang babae na nakita ko sa gym sino ba talaga siya ?? Ano bang pangalan niya ? Kilan ko ba ulit siya makikita?? Papasok na ko ng room nun para sa kasunod kung subject ng parang may tumatawag saken hindi  clear ang boses pero my tumatawag talaga ,tumingin ako sa kaliwa ko sa medyo malayo may tumatakbo ng mabilis, si em em lang pala, tinatanong ako kung nag review na daw ako para sa exam namin, aksenteng na hulog ang notes na hawak ko pag tayo ko nakita ko ng di sinasadya si mysterios girl ang babae sa gym shiittt!! chance ko na to , ito na talaga un lalapitan ko na sana siya ng bigla may bumulong ulit saken na hindi clear na boses pero parang mmmmmrrrrr nnnnmm bigla ako na tauhan ang prof ko pala sinasabing pumasok na ko sa room kasi kilangan ng mag start ng exam namin. Wala na akong na gawa kung hindi sumunod nalang. Umupo ako sa may malapit sa pinto ang nasa isip ko nun mabilis lang to peanut ang exam na to mag hintay ka lang dyan msyterios girl . Habang nag eexam ako pa nakaw ako sumisilip sa labas para makita ko ang muka niya mag hintay ka lang dyan sabi ko sa sarili ko . Peanut ang first page ng exam sisiw, ng binuksan ko ang sumunod na page shittt ano to???? Whats wrong with you people kamote po kayo diyan nakaka iyak , pinilit ko parin sagutan ng mabilis para makalabas at sawakas na tapos ko na excited na ko lumabas ng room nag mamadali ako ipasa ang test paper at agad na lumabas. Asan na siya ??? Asan na ?? Tanong ko sa sarili ko, wala na siya sa kinatatayuan niya kanina , inisip ko nalang na baka nga this is not the right time tomorrow is another day  . Kinabukasan its a normal day sakto lang ang tulog ko , bumangon ako at bumaba ng hagdan at habang pa baba ng hagdan na aamoy ko na ang corn beef, fried rice at egg kumaen ako ng marami naligo nag bihis at pumasok sa school, wala akong alam kung ano bang meron sa araw na to. Ano bang pwedeng mang yari sa araw na to , sino bang may alam pero basta nararamdaman ko ung mga symptoms na may magandang mang yayari hindi ko alam basta pag naramdaman kung parang may kuryente ung pwet ko na feeling ko na parang ma jejebs ako na parang excited ako pumasok alam kung my goodnews un . First subject ko excited ako naka ngiti habang nag iintay ng prof. Dumating ang prof namin and she say "hello class we have a surprise quiz " wow... ang hard mo maam. Next subject pinatayo ako ng teacher ko pinag sulat niya ko sa blackboard from page 1 - 50 ang saya no!! Nag lalakad na ko para sa next subject lumapit si em em saken bro may ipapa xerox daw tayo twenty page tara pa xerox muna tayo , nasa xerox station na kami at mag babayad na ko , hinahanap ko ang wallet ko shit ! asan na ba un wala sa bag , wala sa bulsa ng short , shit!!! asan na... ano ba naman to! ngayon pa ko na walan ng pera umutang muna ako kay em em hay! ang swerte naman ng araw na to nag lalakad na ko pa balik ng classroom naka tingin sa daan kinakausap ang sarili ano bang meron ? ang swerte ko naman ata masyado malapit na ko sa room pag harap ko nasa harapan ko na siya, si mysterious girl shiit!! this is it shit! bigla ko na alala may class pa pala kami naman ohh!  mukang may hahadlang nanaman ata wag naman sana may sumisigaw sa bandang kanan ko  (napa bulong nalang ako sa hangin ano nanaman pwedeng mang yari?) ang sabi niya walang pasok take home quiz daw ung xerox copy. tumatalon ang puso ko sa tuwa finally! Ito na talaga un dina ko mag sasayang ng oras nilapitan ko na agad siya na habang lumalapit ako sa kanya pinag papawisan ako ng malamig na parang di ko alam ang gagawin basta ang na sabi ko nalang "Hi miss ano name mo ?"

Sumagot naman siya hello im kaye Ikaw ano name mo??

My name is marque

Parang na tutuyo ung lalamunan ko parang di na ko makapag salita ang nasabi ko nalang ann... oooo yeeeaar mo ??

Kaye: Secondyear transferee .

Na blanko na talaga ako nun ano bang sasabihin ko? ( tsupe ka tsong nasabi ko nalang sa sarili ko) maya maya may humawak sa likod pag tingin ko si em em lang pala at nag tilian ang mga kasama ni kaye lumapit sila kay em em at ako parang bakal na hindi maka galaw nag picture taking sila with em em, lumapit pa saken ang isa sa mga friend ni kaye ang sabi kuya pwede bang picturan mo kami? (wow ha!! Ako pa talaga asan ang hustisya ??)  wala naman ako nagawa kundi sumunod nalang at sumama narin sa kanila si kaye . Natapos ang ka landian nila pinag tutulakan nila si kaye kay em em (nooo nooo nooo ako nag saing ako nag tanim mukang iba pa ang kakaen ) at ang malanding si em em pumapatol naman, hinihingi nila number ni em em binigay naman ni em em pero di pa na tapos dun maya maya binigay pa nila ang number ni kaye (shiiit talaga may after shock pa ba ang karma ko ) pag katapos nun umalis na kami ni em em habang nag lalakad di ko pinapa halata na parang durog ako sa ng yari in the first place di naman niya alam na gusto ko si kaye . Na tapos ang mag hapon ko sa school na parang durog parin ang pakiramdam ko . Pauwi na kami, kasabay ko si em em sa pag lalakad at may inabot siyang papel saken nag tataka ako kung ano un pero dahil wasak ako  basta ko nalang kinuha at nilagay sa bulsa ng short ko . Pag uwi ko sa bahay nag bihis ako nilagay ko ang maduming uniform ko sa labahan at nag punta sa sala nanood ng tv , habang nanonood ako ng tv dumating ang kapatid ko hawak hawak ang test paper niya at pinakita saken, wow!! ang taas naman ng score mo biglang may sumagi sa isip teka may binigay palang papel saken si em em kanina! tumakbo ako sa labahan hinanap ang uniform ko at nakita ko ang papel at dahan dahan binuksan may na basa akong number ng cellphone at sa ilalim naka lagay kaye!!! Nan laki ang mata ko sa nakita ko , Ang lakas ng tibok ng puso ko derecho ako sa nanay ko para hiramin ang cellphone niya . Wala na akong sinayang na oras nag txt na agad ako

Me: hi

Kaye: hello sino to??

Me :im marque remember kanina sa school nakipag kilala sayo :)

Kaye: yes i remember you hehehe kmsta

Me : im good . ano school ka dati parang ngayon lang kita nakita

Kaye: galing kasi ako private school nag transfer lang ako

Me: (nawawalan na ko ng masasabi ano pa bang sasabihin ko ???) crush mo ba si em em?? Kasi pinag tutulakan kanila sa kanya

Kaye: hahaha gwapo siya

Me: (ako na ata ang pinaka malas na tao na nabubuhay) halata naman ehh gusto mo tulungan kita sa kanya?? (Deep inside sana ako nalang )

Kaye: ayoko nakaka hiya hahaha pero. Thanks narin

Me: (nooo nooo nooo pangit kaya si em em mukang penguin pag tinitigan mo ng matagal mukang duling at bobo mag aral ) basta tulungan kita ako na bahala dun (deep inside salvage ko kaya un )

Kaye: ok thanks po :)

Me: no problem...... "sending failed"

Ano ba to pati ba naman sa text binubully ako " failed" talga?? The next day ginawa ko na ang duty ko ang maging isang tulay , tulay na ako ang nag build, tulay na ako nag hirap, tulay na dapat ako ang makikinabang . Lumapit ako kay em em kahit masakit sa loob ko sabi ko sa kanya

bro kmsta kayo ni kaye tinext mo na  ba ? Maganda siya diba ?

Sumagot si em em di ko tinext tinatamad ako ( if i know wala ka lang cellphone hahahahahah)

sumagot naman ako ahh ganun ba ok naman bro ahh chicks na chicks ayaw mo pa ba ?(actually boys talks about girls like this talaga)

Oo maganda naman chinita matangos ang ilong i thinks pwede na .

Ligawan mo na kaya? ( sana tumangi siya!!! )

Biglang dumating ang prof namin kaya na putol ang usapan namin ni em em at nag start na ang klase , di talaga ako makapag concentrate sa klase apektado parin ako sa ng yari . Tanghali na nun breaktime namin kasabay ko nag lalakad si em em ng maka salubong namin si kaye hindi ko alam kung pano ko mag rereact babatiin ko ba siya at aasarin kay em em o snob ko siya at kakalimutan ko na ung promise ko na tutulungan ko siya maging sila. Papalapit na siya mabilis ang pang yayari binati ko nalang siya at tulad nga ng inaasahan ko tinutukso nga nila ang dalawa, lumapit pa si em em at kaye naman halatang na mumula and that point na iniisip ko nalang na hanggang pag hanga nalang ata talaga ako kay kaye kasi alam kung masaya na siya kay em em (feeling ko kasi nun end of the world na ) nag aya pa sila mamasyal, kaen daw kami sa malapit sa school may masarap daw kainan dun  , so sumama narin kami pinilit ko pang isama si em em na parang nag dadalawang isip pa kung sasama . Nasa restaurant na kami at kakaen mag katabi sila ni em em kumakaen habang katabi ko naman si mia friend nila kaye. Na pansin kung parang kanina pa siya naka titig  kila em em at kaye di ko ma gets pero parang may something na hindi ko maipaliwanag. Na tapos kami kumaen nag lalakad na kami ngayon sa park mag kasabay si em em at si kaye habang nasa likod nila ang dalawang kaibigan ni kaye. Kasabay ko si mia nag lalakad pero naka tingin parin siya sa dalawa ano kayang meron?? Biglang pumasok sa isip ko hindi kaya! tulad kami ng nararamdaman ngayon hindi kaya gusto niya si em em kaya ang ginawa ko kinausap ko siya

Hi mia ok lang bakit ang tahimik mo ??

Wala naman may iniisip lang ako "tapos biglang ngiti"

Bakit parang kanina mo pa sila pinag mamasdan ??

Sino??

Si em em at si kaye?? Siguro crush mo si em em no??

Ha!!!! Hindi ahh.. Ikaw ata may gusto kay kaye ehh

Hahaha at binalik mo saken ang tanong ko hahaha (pero that point alam ko na at sure ako na gusto niya si em em)

Tinatawag na kami nila kaye kilangan na daw namin umuwi kaya hinatid na namin sila sa sakayan . Nung gabing un feeling ko may pag asa na ko feeling ko my 1% ng chance na pwedeng maging kami parin ni kaye. Kaya tinext ko si kaye ..

Me: Hi kaye kmsta naman ang date niyo ni em em?? Kilig ka no

Nag reply si kaye ....

Kaye: sakto lang masaya naman pala siya kasama funny:)

Me: Oo funny talaga un hahaha

Kaye: Hahah kayo ni mia kmsta kayo mukang nagiging ok na kayo ah??

Me: Kami walang kami na pansin ko kasi medyo tahimik siya kaya kinakausap ko, may problema ata ehh

Kaye: Ohh talaga?? Siguro na iinis siya saken ang totoo kasi talaga si mia naman talaga ang may gusto kay em em ehh di ko lang talaga alam kung bakit nila ko pinag tulakan kay em em nung araw na nag ka kilala kami.

Me: Talaga?? Pero kung ganun ibig sabihin di mo talaga gusto si em em?? ( ang puso ko nun tumatalon feeling ko na aamoy ko na ang tagumpay)

Kaye: Medyo naging crush ko na siya nung nakasama ko na hahaha anyway bye for now may gagawin pa kung assignment and thanks narin sa tulong mo na maging ok kami ni em em

Me: hehehe no problem :)

___________________________

At ng dahil sa nalaman ko kahit papano nag ka pag asa na ako, alam kung hindi pa talaga sure si kaye na gusto nya si em em . Ang pag kaka alam ko wala pang naging girlfriend si em em ever since at halos lahat ng nag ka gusto sa kanya di niya nililigawan

Naka tulog ako sa kakaisip di ko na malayaang umaga na pala . The usual pumasok ako ng school pero syempre targe ko parin si em em gusto ko malaman kung seryoso ba talaga siya kay kaye . Nakipag kwentuhan ako kay em em nag usap kami tungkol sa babae kung ano ba ung mga gusto niya .

Nagulat ako at medyo na inis sa naging sagot niya..

Em em: ako gusto ko lang maganda sexy ung tipong miss popular  , ayoko ng kahit anong commitment . Hindi naman ako naniniwala sa salitang forever ehh all i want is past time!! Girls are girls di mo kilangan seryosohin.....

Me: dude are you serious ?? Dude alam kung gwapo ka popular pero dude mali un . San ka makaka kita nun sa club where all the bitches are choosing who gonna fuck them?? Dude totoo ang karma

Em em : tsong tigilan mo nga ko masaya un bro like hell yeah!!!

Me: ewan ko say! si kaye pano si kaye???

Em em: si kaye maganda siya "biglang ngiti"

Me: dude no you better to stop now!! wag siya iba nalang mabait siya !!

Em em : shut up!!!

Biglang tumayo na siya at umalis . Sa mga oras na un alam kung dapat pigilan kung ma fall si kaye sa kanya kasi pag nag ka taon baka mapa hamak si kaye . Iniisip ko palang kung pano ko sisimulan ang plano ng biglang may tumawag saken ...

Marqueeee.......!!!!

Lumingon ako at nakita ko si kaye naka ngiti at papalapit saken..

Kaye: hoy san punta mo parang ang lalim ng iniisip mo

Me: ahh wala iniisip ko lang ung quiz ko kanina di ko alam kung tama ung sagot ko .

Kaye : samahan mo naman ako , dipa ko nag lunch ehh sige na please!!!

Me : sige ba di parin naman ako kumakaen ehh...

Habang kumakaen kami di parin ma wala sa isip ko ang sinabi ni em em, pano ko kaya sasabihin kay kaye na wag nalang si em em iba nalang. Na pansin ata ni kaye na may iniisip ako

Kaye: hoy ok ka lang ung quiz mo parin ba iniisip mo, wag mo na isipin un sure akong tama lahat ng sagot mo dun ikaw pa ba!

Me: hahaha sana nga "medyo nag blush ako sa sinabi niya"

Kaye: May tatanong ako sayo ok lang ba??

Me: oo naman sige tanong ka lang

Kaye: May girlfriend kaba??

Me: hahaha ahm wala ehh its been teo years na nung nag break kami ng ex ko.

Kaye: ano ng yari sa inyo?? Tyaka bakit di na siya na sundan?? Ang tagal ng teo years ahh

Me: marami kasi ng yari ng mga panahong yun ehh .. Marami ako nagawang kasalanan, tyaka pinangako ko sa sarili ko na  ang next na magiging girlfriend siya na talaga ang forever ko hahahaa corny no??

Kaye: hay ang sweet kaya meron pa palang ganyang lalake ngayon . Akala ko kasi wala ng loyal ngayon na all they want is past time at wala ng seryoso.

na alala ko nanaman ang sinabi ni em em kanina kilangan ko na bang sabihin kay kaye ngayon . 

Me: kaye ah may sasabihin pala ko sayo  kasi ano..

Kaye: kasi??

Me: kasi ano kasi... Si ano kasi.... Kaye kasi 1pm na kilangan ko na pumasok sa next subject ko hehehe

Kaye: ayy sorry na pasarap kasi tayo sa kwentuhan ehh haahaha tara na!!!

Papalabas na kami ng restaurant na una ako mag lakad. Pag tingin ko sa likod ko naka tayo lang si kaye at parang may tinitingnan .

San kaya siya naka tingin??

Sinundan ko ang mata niya at nakita ko  sa kabilang restaurant si em em at parang may kausap siya . Pinag masdan kung mabuti ang kausap ni em em si andrea un ahh !!!

Si andrea siya ang isa sa pinaka magandang muka sa campus maraming nag kaka gusto sa kanya un nga lang ex siya ng buong basketball team!! Nagulat nalang ako ng bigla hinalikan ni em em si adrea shockss!!!

Nilapitan ko si kaye na parang di ko nakita si em em . Ang sabi ko sa kanya

Me: kaye tara na malalate kana rin sa next subject mo

Kaye: marque diba si em em un tyaka si andrea "sabay turo sa restaurant"

Me: oo sila nga , ok ka lang ba??

Kaye: oo naman "sabay ngiti"  in the first place wala namang kami diba??

Me: kaye sorry mali ako na pinupush kita kay em em . Sorry talaga

Kaye: ano kaba wala kang kasalanan ako naman nag pa tulong sayo ehh at ngayon alam ko ng hindi talaga kami compatible iba ung gusto niya at hindi ako yun

Me: sana kahit ganeto ang ng yari wala sanang mag babago friends parin tayo

Kaye: oo naman mabaet ka marque ramdam ko un ohh !! Tara na malalate na tayo sa mga klase natin

Nag lakad na kami papasok ng school habang nag lalakad naisip ko na may chance na ko, pwede na siguro kaya lang ayoko naman madaliin at mas lalong ayoko gamitin ang ng yari kanina, alam kung mahina siya ngayon. Mag hihintay ako ng tamang panahon. Di ko muna siya kinulit or tenext ng araw na yun hinayaan ko muna siya mag isip isip kasi alam kung masakit din un .

___________________________

Nakaraan ang tatlong  araw nag text siya saken.

Kaye : hello goodeve :)

Me: hi kmsta kana tagal mo ng di nag paparamdam ahh

Kaye : oo nga ehh medyo busy lang sa mga projects sa school

Me: thats great ! Busy kaba ngayon??

Kaye: hindi naman wala ako ginagawa ngayon boring nga ehh .

Me: ahh gusto mo labas tayo sa saturday? Its been a long time since the last time na lumabas tayo, ano game ka ??

Kaye: sige 6pm sa church nalang tayo mag kita . Para malapit sa bahay ok lang??

Me: ok sige... See yah goodnight sweetdreams :)

Kaye: goodnight sweetdreams

Dumating ang araw ng saturday umaga palang excited na ko nag iintay ng 6 pm. Kahit 2pm palang nun naligo na ko gusto ko na mag ready para mamaya, parang feeling ko tumama ako sa lotto. 4pm na nun goddddd!! ang tagal ng oras ano ba to kinakabahan ako lalo . Naligo ulit ako bandang 5pm nag bihis ulit sinuot ang paborito kung t shirt "kaya lang muka naman atang tatambay lang ako " nag bishis ulit ako nag polo shirt ako kulay red "muka naman atang birthday ko " nag palit ulit ako polong white tapos black pants at rubber shoes "parang papasok ako sa school" nag palit ulit ako checkered polo "  bible study" . Naka limang palit ako ng damit hindi ko talaga malaman kung ano isusuot ko fuck!!! ano ba to. Pinili ko nalang isuot ang white t shirt over checkered polo denim pants at sneakers , naligo na ata ako sa perfume kahit siguro kapit bahay namin naamoy na ko. Papunta na ko sa simbahan 5:40pm na ng dumating ako pero wala pa siya sa isip ko nun sakto lang ang dating, iintayin ko nalang siya. Malapit ng mag 6 bawat taong pumapasok tinitingnan ko at baka isa na siya dun. Medyo na late ata siya ahh 6 15 na tnxt ko na siya

Me: hi kaye asan kana??

Kaye: wait lang kasama ko pa kasi ung friend ko, ngayon ko lang kasi siya naka sama ulit eh

Me: ah ok sige no problem intayin nalang kita.

Kaye: sorry talaga wait lang...

Me: sige lang wait nalang kita dito

7pm na hay!! Mukang hindi siya darating ahh kaya umuwi nalang ako ng bahay medyo malungkot ako ng dumating sa bahay, mag bibihis na sana ako bigla ako naka recieve ng txt

Kaye: marque malapit na ko dyan wait lang sorry talaga

Me: ahh sige wait nalang kita dito "kahit ang totoo umuwi na ko"

Nag madali ako bumalik ng simbahan pag dating ko dun wala pa naman siya pero ilang sandali lang dumating na din siya kasama ang bestfriend niya si yesha at si patty

Kaye: hi marque sorry talaga sobrang late ako by the way this is yesha pala siya ang bestfriend ko and si patty friend namin

Me: ok lang un kaye . Hi yesha hi patty my name si marque

Yesha: hi marque sorry ha na miss ko kasi bestfriend ko eh

Patty: hi marque!!

Me : ok lang un hehehe

Kaye: ohh tara na

Me: lets go

Na masyal kami sa park kasabay ko mag lakad si kaye habang si yesha at si patty ang mag kasabay . "Feeling ko nun lumulutang ako habang nag lalakad " nag kwentohan kami ni kaye tungkol sa parents niya at mga naging ex niya.

(Guys alam nyo ba na pag ang isang babae nag kwento regarding sa mga naging ex ibig sabihin may pag asa kana. Bakit? Kasi that means na comfortable sa siya na kaya niya ng ikwento ang nakaraan niya)

Nag kwento rin naman ako tungkol sa buhay ko pati narin sa mga ex ko . Pareho kami ni kaye may dalawang naging ex narin siya at parehas na puppy love lang tipong hindi seryoso. Na upo kami katabi ko si kaye at katapat namin sila yesha at patty may biglang tinanong si yesha na sobrang na gulat ako .

Yesha : marque kayo na ba ni kaye???

Me: ha!!! Hindi ahh

Yesha: kaye nanliligaw na sayo??

Kaye: hindi naman nag tatanong ehh

Pakiramdam ko nun binuhusan ako ng malamig na tubig ang hirap mag salita feeling ko na tuyo ang lalamunan ko ang lamig ng mga kamay ko ano bang gagawin ko? Sobrang na shock ako sa ng yari, basta nilabanan ko nalang ang kaba.

Me: ah ehhh ka.... Kaye pwede nga ba??

Kaye: "ngumiti lang siya"

Me: kaye ano nga pwede bang manligaw??

Kaye: yes "biglang ngiti"

Me: talaga?? " pakiramdam ko nun ang ngiti ko abot tenga parang may anghel sa katabi ko"

Kaye: oo nga

At nag tilian na nga sila yesha at patty . Tinutukso na agad nila kami . Mas lalong nanlalamig ang pawis mo parang sobrang bilis ng tibok ng puso ko . Gusto kung isigaw na iloveyou kaye ang mga sumunod na ng yari hindi ko na talaga maalala ang bilis ng oras hindi ko na alam kung ano ang ng yayari basta ang alam ko tinititigan ko lang si kaye nun.

___________________________

Biglang nag ring ang cellphon ni kaye tumatawag na ang papa niya kilangan niya daw umuwi , kaya medyo na putol ang isa pinaka masayang oras ng buhay mo. Kaya hinatid ko na siya sa bahay nila ng nasa labas na kami ng bahay nila biglang nag request sila patty at yesha kiss naman dyan pero parang na ninigas ang katawan ko nun ni hindi ako makagalaw . Lumapit si kaye saken at kiniss niya ko sa pisngi sabay sabing thanks you for this night i had fun ingat ka pag uwi . Ang sarap sa feeling parang sa oras na un kami na . Pag dating ko sa agad ko siyang tinext at sinabing ...

Me: thank you so much for this night i really had fun and also thank you for accepting me as your suitor i promise na gagawin ko ang lahat para maging karaptdapat sayo thank you.

Kaye: nag enjoy din ako thanks, just proved it !

Me: ok goodnight sweetdreams <3

Kaye: goodnight my heart talaga?? Hahaha

Me: heart ko yan hahaha goodnight

___________________________

Nag daan ang limang araw halos araw araw ka text ko siya hinahatid ko siya pag umuuwi . Madalas kasama ko siyang sumimba tuwing linggo. Habang tumatagal lalo ko siyang minamahal ito pala un ito pa ung salitang love na kahit marami ako nagawang kasalanan na bigyan ako ng pag kakataon para maramdaman ang love may Bad KARMA man na dumating may Good KARMA din. December 11, 2008 may dance competition kami nun sa school sabi ko sa kanya kung pwede ba siyang manood ng laban namin kaya lang ...

Kaye:  medyo busy kasi ako ngayon ehh sorry

Me: ok sige after nalang ng laban namin kita nalang tayo

Kaye : ok sige punta ko sa school siguro mga 12pm pa

Me: ok basta punta ka

Natapos ang dance competition namin nun tinext ko siya kung asan na siya . Nag reply naman siya agad na malapit na daw siya. Kaya iniintay ko na siya sa labas ng school at dumating na siya. Nag lakad kami sa loob ng school naka costume pa ko nun para kahit costume ko manlang makita niya . Nasa my science department na kami nun medyo na pagod na kami sa pag lalakad kaya na upo muna kami . Kami lang ang tao ng oras na un . Pinag kwentuhan namin ang ng yari sa sayaw namin kanina na kwento ko na naging second place naman kami naging worth it lahat ng pag hihirap ng grupo namin.

Kaye: well good job alam ko naman na magaling ka ehh

Me: thanks . Ahmmm kaye ako ba may pag asa ba ko sayo??

Kaye: "ngumiti lang siya"

Me: bakit ngiti lang, alam mo naman kung ganu kita ka mahal diba . Una palang ikaw na talaga ang gusto ko kahit bago mo pa makilala si em em. Na alala mo ba nung first time kita ma meet un ang pinaka masayang araw ng buhay ko

Kaye: Ha talaga weh??

Me: oo totoo un . First time kita nakita nung may event sa school nakita kung suot mo ung converse ung may drawing

Kaye: kilan un ??

Marque: october 11 un kaye siguro di mo ko na pansin nun pero ang totoo un ung first time na nakita kita

Kaye: "medyo speechless " talaga di ko ma alala un ahh

Marque: hahaha basta alam kung ikaw na talaga ung matagal kung iniitay ikaw un iloveyou kaye..

Kaye : may aamini ako sayo

Me: "kinabahan ako ng oras na un " ano un faye

Kaye: sa totoo lang nakita din kita sa gym na pansin na kita nun di lang ako nag pa halata.

Me: ha???? Talaga.....

Kaye: yes at ang totoo akala ko ang name mo dati franco kasalanan kasi ng kaklase ko ehh tinanong ko siya kung ano name mo ang sabi niya franco. Na alala mo nung first time na nag meet tayo ang totoo gusto ko talaga ma meet ka franco hahahahahah

Me: seryoso franco??? Naalala ko dati may babaeng kinukulit ako tinatanong kung ano namae ko ang sabi ko franco siya rin siguro ang kaklase mo.

Kaye: kaya pala ehh ikaw pala may kasalanan ehh hahahah

Me: kaye kung ganun naman pala kilan mo ko sasagutin "sabay ngiti"

Kaye: bakit nag tanong kaba "sabay ngiti"

Exactly 1 54pm nun science department .

Me: kaye pwede bang maging tayo . Kaye i really really love you since the first day na nakilala kita mahal na mahal kita kaye

Kaye: mahal din kita marque...

Me: so tayo na talaga official na to??

Kaye: yes iloveyou marque

Dahil sa sobrang saya hinug ko siya ng mahigpit halos ma iiyak na ata ako sa sobrang saya . Sa dami ng pinag daanan ko hindi ko akalain na pwede palang mahalin ang tulad ko . Akala ko dati ako na ang pinaka walang kwentang tao pero sa oras na to ako pala ang pinaka ma swerteng tao sa mundong ito..

Mag kasama kami hanggang gabi pumunta kami sa bahay ng pinsan niya pinakilala niya na ko bilang boyfriend sa mga closefriends niya habang nag kwekwento kami ng love story namin sa mga friends at ibang pinsan niya dumating ang papa niya malaking tao siya siguro mga 5 foot 9 siya hinahanap niya si kaye at tinanong niya si kaye ng medyo mataas ang boses sino ba dyan!!! Sino ba dyan ang boyfriend mo . Tinext pala ng tito nya ang papa ni kaye na kasama ni kaye ang boyfriend niya............

___________________________

Abangan nyo po ang part two...ano bang naging reaction ng magulang ni kaye ? Ano bang pagsubok ang pwede naming harapin ? Hanggang saan ba kami tatagal ? Kaya ba naming panindigan ang pag mahahalan namin?  Ano ba ang buhay ng mag girlfriend boyfriend???

Thank you isa ka na sa mga taong nalaman ang part ng buhay ko marque...

Continue Reading

You'll Also Like

22.3K 556 34
Pareho tayong sawi sa araw na 'yon pero gumawa si Tadhana ng paraan para magkatagpo ang landas nating dalawa kaya tayo ngayon ay naging masaya.
1.4K 56 20
Ano nga ba ang buhay??'..sabi ng iba dapat "magseryoso sa buhay"..ang iba naman "mag enjoy habang nabubuhay pa"..mai kwekwento mo kaya sa iba ang lah...
271 9 11
When everything seems falling apart, but love has chose it's time to be on your way. 💕💕
8.5K 305 31
Si Arthur kahit papaano'y kuntento naman sa takbo ng kanyang buhay. Kahit wala masyadong mga kaibigan ay nasisiyahan naman sa bawat araw nito. Ngunit...
Wattpad App - Unlock exclusive features