One Shots

By screamingforicecream

173 9 1

{UPDATED DESCRIPTION 2018} One Shot Stories Compilations Bored ka ba at feel mong kiligin? Tamang-tama ang li... More

Nerds
LOL love story
"Hi"
Ang Pagbabalik
Muling Ibalik

Di Ko Inakala

31 3 0
By screamingforicecream

Princess' POV



Hayy nako! Monday nanaman! Nakakawalang ganang pumasok, sino ba naman gaganahan? Kung malaman mong yung crush mo may gustong iba? Tss. Eto pa ha! Sakin niya mismo sinasabi, paano naging close din kame kahit papaano e.



Ayan tuloy tuwing makikita ata akong naka online sa facebook china-chat na niya ako agad. Ganern? Kailangan ipamukha talaga sakin na may IBA siyang gusto? ANG SAKIT.



Adik lang eh no? Hindi man tungkol sa pag-aaral inaatupag ko. SIYEMPRE hindi ganun yon, kahit naman may crush ako, hindi ko pa rin naman nakakalimutang i-prioritize ang aking pag-aaral na susi sa aking kinabukasan XD orayt.



"Good morning, Cess!" - bati ng crush ko. Cess ang tawag niya saken, tamad naman niya di na lang Princess haha, feeling ko nun prinsesa niya ako LOL.



"Good morning." - masaya naman ako na binabati niya ako tuwing umaga, kaya lang naisip ko nanaman yung crush niya, KAINIS! Sino ba yung babaeng yon? Murderin ko na wahaha. Kitang-kita naman kasi sa mukha niya na sorbrang saya niya ngayon.



Siguro nakasabay niya sa jeep, or papasok or whatever wala akong pake. Na-huhurt ako. Tch. Dapat ako e! Ako dahilan ng mga ngiti niyang iyan. Sarap naman siguro nun sa feeling hayst.



Pumunta na lang ako sa lugar ko at nagmukmok HAHAHA hiniga ko ang ulo ko sa aking arm chair. Inaantok ako e. LOL. Stress nga kasi ako sa crush ko.



"Guys! Wala daw si ma'am, kaya free time!" - sigaw nung president namen, hiyawan naman ang mga kaklase ko. Ako? Wala, iniisip pa rin sino nga ba yung gusto ng crush ko.



At dahil wala nga daw teacher naisipan kong magpatugtog na lang, kaya naman kinuha ko na ang earphones ko. Isasaksak ko pa lang sa ipod ko yung earphones ng magsalita si Earl.



"Share tayo pleeeassee!" - sabi niya na nagpapa-cute pa. Tinignan ko lang siya ng blanko. "Hayst, di talaga effective mga charms ko sayo." - dagdag niya saka umupo sa tabi ko. Oo nga pala, hindi siya yung crush ko. Yung crush ko ay si Alexis, siya yung bumati sakin kanina.



"Share tayo ha?" - pangungulit niya. Hinarap ko siya.



"Wala ka bang sayo?" - sabi ko, magsesenti sana ako, paano umuulan pa. ODIBA. Perfect! All I need is a slow music na lang and stare outside the window oha!



"Nakalimutan ko yung akin e. Hehe, sige na! Ngayon lang e." - sabi niya.



"Oo na." - sabi ko at binigay ko yung isa. Tsss. Gusto ko talagang solohin. Hiniga ko nanaman yung ulo ko sa arm chair.



"AY! Ano ba yan, natanggal." - reklamo ni Earl, bigla kasing natanggal nung hiniga ko ulo ko e. Napahawak siya sa baba niya at napaisip. Oo nga pala, best friend ni Earl si Alexis, at alam din niyang crush ko yung kaibigan niya. Malakas sense ng lalakeng to e. Basta isang araw bigla akong kinausap at ginulat na may gusto ako kay Alexis.



Nung una tumatanggi pa ako, pero ayun kinalaunan napaamin din ako. "HUY! Narinig mo ba sinabi ko? Lalim ng iniisip ah!" - sabi niya ng bigla akong ma-snap out of thoughts.



"Sorry, anong sabi mo?" - sabi ko. WAH! Inaantok talaga ako!



"Sabi ko, sandal mo na lang ulo mo sa balikat ko. Tsaka matulog kana rin. Gisingin na lang kita kapag may teacher na." - sabi niya, hindi na ako tumanggi. Kaya naman ginawa ko ang sinabi niya at natulog na.



*



"Cess.. gising na."



"Cess."



"Cess"



"Recess na Cess."



Napagising ako sa paulit ulit ng tumatawag sakin, joke! Dahil sa recess na. Kaso ang nakakapagpabagabag sa akin ay bakit iba ang boses ni Earl? Anyare sakanya?



Napatingin ako.. What the actual f.ck?!



"A-Alexis? Ba-bakit ikaw? Nasan si Earl?" - gulat na sabi ko. Bigla parang nawala yung ngiti sa labi niya, parang biglang nagbago ang mood?



"Ah, umalis na. Ayon, sub daw muna." - sabi ni Alexis.



"Langya talaga lalakeng yun! Ginawa pa akong parang laro." - sabi ko sakanya at napanguso na lang. Maya-maya e bigla niyang hiniga yung ulo niya sa armchair ko.



"Nagseselos ako.." - biglang sabi niya.



"H-ha?" - sabi ko, gusto kong marinig ulit, baka mali siya. Shemay, yung tibok ng puso ko WAAAHH!



"Sabi ko, nagseselos ako. Ang sweet niyo kanina. May tatanong ako.." - sabi niya. OMG.



"Kayo na ba ni Earl?" - sabi niya at tinignan naman niya ako this time.



"G*go ka ba? Hindi no, paano mangyayare yun? Eh ikaw kaya yung gusto ko." - dere-deretso kong sabi at napatakip sa bibig dahil sa pagkabigla. WTF? Sinabi ko talaga yun?!! Bigla namang ngumiti si Alexis.



"Ganun ba?" - sabi niya ng nakangiti na halos mapuni na yung bibig niya sa lapat ng ngiti e. "Paano ba yan, gusto rin kita." - dagdag pa niya.



"Edi manligaw ka." - sabi ko sakanya, shocks! Bakit ang straighforward ko ngayon?



"Kahit naman sabihin mo o hindi, gagawin ko. Payag ka man o hindi. Basta mapakita ko sa'yo na tunay ang nararamdaman ko para sa'yo." - sabi niya at bigla akong namula.



"HAY SALAMAT! NAKA-AMIN DIN!" - bigla namang bulalas ni Earl. Tapos nagsi-hiyawan naman mga kaklase namen, sh.t! Nandito pala sila!



"Kung di ko pala gagawin yung kanina edi sana torpe ka pa hanggang ngayon? I'm proud of you bro." - sabi ni Earl at nakipag fist bump pa ito kay Alexis.



"Salamat bro. Pero wag mo na ulitin yun ah, baka masuntok kana saken." - sabi niya at napatawa nalang kame ako may halong kilig. Ewan ko lang sakanila.



Pero, hindi ko inakala na AKO pala yung tinutukoy niyang babaeng gusto niya. Tinawag pa akong manhid! Masama bang hindi mag assume? Ayoko lang kasing mag expect na AKO yun. Because...



Expectations leads to disappointments.


*end.~'


Continue Reading

You'll Also Like

73.3K 610 33
Formally: "KathNiel One-Shot Stories" KISSpirin ang tanging kailangan ng may LOVEnat. Gusto mo bang mag kaLOVEnat para makuha mo ang KISSpirin at YAK...
125 17 5
These are my one shot compilation! Random thoughts lang ito at likha nang kathang isip. Maraming salamat! <3 ~ laleedj
356 0 30
BABALA📌 📌Ang istoryang ito ay galing lamang sa imahinasyon, maraming mga istoryang tungkol sa kasaysayan pero magkakaiba naman ang mga naiisip ng m...
111 9 82
Historias de un solo disparo (One shot Stories) Ni-spanish ko lang para sosyal, lol hahahahaha! Basta One-Shot Stories 'to. May nakakatawa, nakakaiy...
Wattpad App - Unlock exclusive features