ALTHEA
6:00am
Malamig ang simoy ng hangin..buti na lang nakablack leggings siya, jacket na gray na may hood at nakarubber na white, fresh air at tahimik..wala pang masyadong namamasyal..
humarap siya sa lawa at pumikit..ninamnam ang simoy ng hangin..ilang beses rin niyang pinuno ng hangin ang lungs niya..
Mayamaya naglakad na siya..
Pagkatapos niyang magjogging sa Lake side,dumaan siya sa Kamayan resto para mag'almusal..
"wala naman na siguro makakakilala sa akin dito.." sabi niya sa isip.
Napili niyang pwesto ay yung nasa dulo na upuan na para kang nasa pantalan..tanaw ang buong Lake,
May lumapit na waitress.
"ma'am ano po ang order nyo?" sabi ng waitress sa kanya.
"anong sine'serve niyo dito pagbreakfast?" tanong niya
May inabot na menu ang waitress.
"ito po ma'am,pili po kayo,"
Pinasadahan niya ng tingin ang menu at----
"ito na lang miss,isang brewed coffee, isang fried rice, isang egg, isang order ng tocino, at "wow!!" itong
tuyo,miss gawin mo ng lima.." natatakam niyang sabi.
"Okay po ma'am,pahintay nalang po," nakangiting sabi nito at umalis na.
Tumango lang siya.
"pacute.." natawa si althea sa naisip niya.
.
.
.
.
Pagdating ng order niya kumain agad siya.
Naisip niya
"hmm..di naman ako halatang gutom nito,? Di kasi ako kumain kagabi,hehe.."
....
Pagkakain nagbayad na siya at naglakad na pauwi,
.
.
Naligo agad siya pagkadating at nagbihis..
TIME CHECK: 9:06am
Nag'ayos na siya ng sarili niya, dinampot ang bag at susi ng kotse niya.
At pumasok na.
.
.
.
.
.
.
JADE
"biancz,thankyou sa paghatid kay jaymie ha?" antok pa niyang sabi sa bestfriend niya.tsaka naupo sa dining..
Tinanghali kasi siya ng gising.
Umaga na siya natapos kagabi.. O mas tamang sabihin ay kanina.. 3:17am na ata un.
"wala yun bestie,mabuti nga't ako ang naghatid, may gwapo akong nakilala dun,hihi" kinikilig na sabi pa nito.
"sino naman daw yun?" kuno't noo niyang tanong.. Sabay kuha sa coffee na iniabot ni manang sa kanya.
"andrew ang name niya.. Grade 4 teacher..bestiiiieee...!!! Ang gwapo niya." kilig na kilig na sabi nito.
"andrew?! Andrew manalo?" tanong niya.
"oo bestie..ang bango niya grabe kanina nung nagkasabay kami mglakad papuntang room ni jayjay," nangangarap pang sabi nito.
"e may asawa na yun e!!" sabi niya
"anoooo?!! Di pwede bestie! Ngayon lang ako nagkagusto tapos mauunsiyame agad.." naiiyak na sabi ni bianca.
Sarap na sarap siya sa pag'inom ng mapatingin siya kay bianca.
"hoy best! Bakit ka paiyak diyan?" tanong niya
"best kasi..sabi mo may asawa na siya." naiyak ng sabi nito
"hala bestie! Magtigil ka nga.. Binibiro lang kita.. Di ko pa nga yun nakikita..naririnig ko lang ang pangalan nun sa bayan..kasi parang siya yung may'ari nung bagong bukas na botique dun na dinadayo.." paliwanag niya kay bianca.
"botique?! May'ari? Best..baka.. Baka.. Huhu baka.."
"hindi bestie..KABAYO yun..hindi baka.." natatawa niyang sabi at tumayo na..
"best naman eh!!" nagpapadyak na ito.
"hahaha, whutt? Baka ka kasi ng baka e.." tawa niyang sabi.
"baka ano.. Di kaya paminta?" tanong pa nito
"hay naku best.. Malamang sa alamang.." luko pa niya dito.
"hindi maaari yun! Huhuhu!" nagpapadyak pa si bianca.
"alamin na lang natin, shower lang ako.. Mag'aayos pa ako ng gamit namin.." tinalikuran na niya ito
"bestiee!! Sabi mo yan ha? Aalamin natin.." sigaw nito
"Oo! Lumigaya ka lang.." natatawa niyang sagot na nakasigaw rin.
.
.
.
.
ALTHEA
Pagkarating niya ng Stoney Ville. Nagpark agad siya,chineck muna ang sarili bago bumaba..
Pagdating niya ng gate tinanong siya ng guard kong anong kailangan niya..
Ngumiti siya bago sumagot.
"kay miss Jeck ako.. May usapan kami ng 10am." sabi niya
"kayo po ba si ma'am althea? Binilin po kayo ni miss Jeck.." sagot nito bago tumingin sa paligid.
Ng makitang walang nakatingin may kinuha ito sa drawer ng counter na nasa gilid at lumapit ito sa kanya.. at pasimpleng bumulong..
"ma'am pa'authograph naman po kong okay lang?" nahihiyang sabi nito.sabay kamot ng ulo
Natawa naman siya
At sinulatan na ang album niya na bitbit nito.
At pumasok na..tinunton ang daan papuntang office ni Miss Jeck.
.
.
Kumatok siya.. Ng marinig ang sagot nito mula sa loob, pumasok na siya..
"good morning Miss Jeck.." bati niya at nginitian ito.
"hi Miss De Castro.. Please sitdown." at ngumiti rin sa kanya si miss jeck.
Naupo siya sa upuan na nasa tapat ng desk nito..
"may gusto ka bang inumin o kainin?" tanong nito kay althea
"thank you..pero busog pa ako e.." sagot niyang nakangiti pa rin.
"ganun ba? Ito nga pala yung schedule mo next week.." sabay abot sa kanya ng isang papel.
"thank you.." ipinasok niya ang papel sa bag niyang dala,sa bahay na niya titingnan..
"tara, i'll show you around." nakangiting yaya nito sa kanya at tumayo na.
Sumunod naman siya dito..
.
.
.
Inilibot siya nito sa buong building at pinakilala sa klase ng bawat room na nandoon..
"mukhang malilibang ako dito." naisip niya..
At ang last na pinuntahan nilang room ay ang Red Room.. May nakasabit sa pinto na
RUBY-SECTION 2(kindergarden)
Kumatok si Miss jeck bago pinihit ang doorknob.
"good morning class!"
"good morning po Miss jeck!" sabay sabay na bati ng mga bata.
Ang ku'cute.. Napangiti si althea..
"class, this is Miss Althea De Castro, ang bago nating teacher.. Say hi to miss althea class.." said ni miss Jeck.
"GOod morning Teacher althea..!" sabay sabay na bati ng mga ito..
At nagtakbuhan palapit sa kanya..
"hi kids.. Good morning din." sagot ni althea na gulat na gulat dahil grinup'hug siya ng mga bata..
"Okay class.. Balik na kayo sa upuan niyo." natatawang sabi ni miss jeck..
Kanya kanya namang kilos ang mga bata..
"class..si Miss althea ay isa sa mga coaches natin sa Young Animators.. You can join her club if you want.. Guitar lessons, singing, and dancing ang ituturo niya.." paliwanag ni Miss jeck sa mga bata.
"Teacher! Teacher!" tawag ng isang batang lalaki.
Lumapit ang teacher nitong si teacher Rochelle.
"yes isaac?" said teach rochelle
"wiwi po," nahihiyang sagot nito.
Sinamahan ito ng assistant ni teacher rochelle.
Napangiti si althea sa ka'cute'an ng mga bata.
Panay lang ang kaway niya sa mga bata na ngiting ngiti sa kanya.
"paano teacher rochelle labas na kami.." paalam ni miss jeck
"bye kiddos.." nakangiting paalam ni althea sa mga bata at nag'flying kiss pa.
"bye teacher Althea!" sabi ng mga ito
Lumabas na sila ng room.
"Miss De Castro, may meeting nga pala tayo mamaya.. 4pm, kung okay lang ulit sa'yo..para mameet mo rin ang ibang teachers at coaches ng bawat club.." sabi ni miss Jeck sa kanya
"sure,aattend ako.. And by the way,Althea na lang..masyadong mahaba yung Miss De Castro eh,at masyadong pormal." natatawa niyang sabi
"haha oo nga eh, oh sige Althea," sang'ayon naman nito na natawa sa sinabi niya.
"ayan,mas maiksi mas maganda di ba?" biro niya kay miss Jeck.
"haha oo kasing ganda mo," nakatawang sang'ayon ulit nito
Natawa si Althea.
Sabay tingin lang sa suot na relo.
11:56am
"tara lunch tayo? May canteen dito sa loob..i'll show you,come on!" yaya nitong nauna ng maglakad.
Sumunod na lang si Althea.
.
.
.
.
.
.
JADE
Nasa labas na ng bahay si bianca inilalagay sa compartment ang gamit nilang mag'ina.
"bestiiieee!!" sigaw ni bianca.
"coming!!" ganting sigaw niya mula sa loob ng bahay..
Binibilinan niya ang mga kasama niya sa bahay..
"ma'am sure po kayo di niyo na ko isasama?" nag'aalalang tanong ni yaya Isang
"Oo Isang..kaya ko na yun, wag ka ng Mag'alala.. Mag'iingat kayo dito." bilin pa niya habang naglalakad palabas ng bahay.
"kayo rin ma'am mag'iingat kayo sa biyahe." sagot ng mga ito
.
.
.
.
"tara na bestie, ako na magdrive, iwan ko na dito ang car ko, babalik rin naman ako rito.." nakasweet smile sa kanya
Sumakay na sila ng kotse.
At nagbyahe na..
Napansin niya na parang di mapakali si bianca.
"best okay ka lang ba? Gusto mo ako ng magdrive?" nag'aalala niyang tanong dito.
"no bestie, ako na.."sagot nito
"e kasi para kang hindi mapakali eh..may problema ba?" tanong pa niya
"makikita ko kaya siya?" biglang sabi nito
"huh? Sino?" takang tanong niya kay bianca
"si andrew bestie!" kinikilig na sagot nito sa kanya
Natawa si jade.
"hahaha best? Seryoso ka talaga?"
"oo nga!" ganting sagot nito at sumimangot
"okay.." natatawang pagsuko ni jade.
.
.
.
Tinitingnan ni jade si bianca habang nagmamaneho ito.
"hmm..mukha ngang seryoso itong bruhang ito dun kay andrew ah?" naisip niya
.
.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang school ng anak niya.
Time check: 2:46pm
"bestie tara baba tayo." yaya ni bianca sa kanya
Iiling iling na lang siya ng nauna ng bumaba si bianca..
Marami ng estudyanteng naglalabasan kaya di na sila nakapasok sa loob ng school. Hanggang waiting area lang sila.
Nakita niyang simangot na simangot si bianca. Natatawa siya sa itsura ng bestfriend niya.
Di na lang niya ito pinansin.
Maya maya pa nakita niyang naglabasan na ang mga kaklase ni jaymie.
wala ang anak niya.
Bigla siyang nag'alala.
Hinila niya si bianca papasok sa gate ng school..
Nagtataka man sumunod na lang ito kay Jade
Dire-diretso siya sa room ng anak niya at kumatok.
Bumungad ang teacher ng anak niya.
"naku ma'am, pahintay lang po sandali si Jaymie, ayaw po kasi pumayag na hindi tapos yung ginagawa niya." paliwanag ng teacher nito
Nakahinga naman sila ng maluwag. Kinabahan sila pareho ni bianca kanina.
Maya maya lang lumabas na si Jaymie,nagpasalamat muna ito sa teacher niya.
Niyakap agad naman ito ni Jade,at kinarga.
"hi baby!" nakangiting bati ni bianca kay jaymie sabay halik sa pisngi nito.
"hello po tita ninang." nakangiting bati nito kay bianca
Naglakad na sila papuntang parking..
"mommy kiss ko po?" malambing na tanong ni jaymie sa mommy niya habang hawak ng maliliit niyang kamay ang magkabilang pisngi ni Jade.
Napangiti si jade.
Sabay halik sa magkabilang pisngi ni jaymie..
Pagkasakay nila ng kotse napansin niyang nakasimangot pa rin si bianca..
"bestie, ano? Nakasimangot ka pa rin.." tanong niya
Si jaymie nakatingin lang sa kanila.
Nagdrive na siya.
Di pa rin naimik si bianca.
Binihisan nito si jaymie at kinalong..
"anak?" tawag niya kay jaymie
"po?" sagot naman nito
"baby, sir andrew is a grade 4 teacher..do you know him?" tanong niya sa anak.
"yes mommy.. Coach rin po siya ng soccer,"kwento ni jaymie
Nangingiti na si bianca.
"sinong may sabi baby?" tanong ni bianca na di na nakatiis sumingit na rin.
"siya po, he ask me kasi kong gusto ko magjoin sa club niya..
Mommy pwede po ako mag'join sa
club?"
"naku anak,di ka naman pwede sa soccer eh," sabi niya kay jaymie
"hindi po sa soccer mommy.. Sa young animators club ko po gusto mag'join." sagot nito at may kinuha sa bag na small white invelope at inabot kay biancz.
Binuksan ni bianca ang small white invelope at binasa..
"Oo nga bestie okay yung napiling club ng baby mo,singing dancing and guitar lesson? E di ba marunong ka na?" tanong nito kay jaymie..
"gusto ko pa po kasi matuto eh,
Mommy okay lang po ba?" tanong nito kay jade.
"oo naman anak, sige sasamahan kita sa monday para mabayaran ko na rin agad." mabilis niyang sagot
"thank you mommy." sabay flying kiss nito..
Di kasi niya maabot ang mommy niya kasi nagmamaneho ito.
"Sleep muna kayo.. Mahaba pa ang biyahe natin," sabi niya sa dalawa
.
.
.
.
.
.
.
.
------------------
Vote and comment!
DJ_maker