The Ugly's Revenge

By Luxinne

153K 4.2K 942

Niloko ako eh.. Kaya dapat lang na gumanti ako! More

PROLOGUE
ENTRY #01
ENTRY #02
ENTRY #04
ENTRY #05
ENTRY #06
ENTRY #07
ENTRY #08
ENTRY #09
ENTRY #10
ENTRY #11
ENTRY #12
ENTRY #13
ENTRY #14
ENTRY #15
ENTRY #16
ENTRY #17
ENTRY #18
ENTRY #19
ENTRY #20
ENTRY #21
ENTRY #22
ENTRY #23
ENTRY #24
ENTRY #25

ENTRY #03

6.8K 211 4
By Luxinne

ENTRY #03 - Xhyril Amarillo

Isang oras pa bago ang flight ko ng dumating kami sa airport nila mommy, April at Patrick. Sila ang naghatid sakin, obviously at as usual, wala na naman si dad. May importanteng meeting daw kasi siya ngayon regarding sa construction ng mga bagong branch ng business niya na itatayo sa Pilipinas. Mga business niya na mas importante pa sakin. Tsss!

But I don't care. Sanay narin naman ako na mas inuuna niya pa yung mga negosyo niya kesa sakin.

Besides, yung 17 years ko ngang existence dito sa mundo wala siyang pakialam, ngayon pa kayang uuwi lang ako ng Pilipinas. Baka nga magpa-party pa yon kasi mawawalan na siya ng sakit ng ulo sa bahay.

"Ate, are you sure ngayon mo na gustong bumalik ng Pilipinas? Uuwi rin naman kami don a few months from now ah. Sabay ka nalang kaya samin?" April suggested.

Napataas yung kilay ko habang hawak ko yung IPad ko. I'm searching my enemies on Facebook. Syempre, I need to know something about them para makapagplano ako ng maayos sa pagganti ko sa kanila.

"What did you say?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Napakunot-noo naman siya sa biglang pagtataray ko. "What? Na dapat sumabay ka nalang samin?" She confusingly asked.

"No.. Yung itinawag mo sakin."

Napangiti naman siya ng maalala na. "Ah! 'Ate...' Why? Nice naman diba?"

"Don't you ever call me that again. One year lang naman ang age gap natin, kung maka-'ate' ka diyan wagas. Mas mukha ka pa ngang matanda sakin." Pagtataray ko pa.

"Wow ha?"

"Bakit aangal pa? Tsss!"

"But still, you're a year older than me, so technically 'ate' parin kita." Ayaw paawat na sagot niya. She's obviously teasing me.

"Oo nga. Maganda naman pakinggan eh. 'Ate Xhy'." Singit pa ni Patrick. Mas lalo tuloy akong nainis.

"Isa kapa! Will you both stop ruining my mood? It's not funny! Why don't you just go home? Kaya ko namang mag-isa dito." I burst out. Nakakainis na eh!

Bigla naman tumayo si mom at lumapit sakin. "April, stop teasing your sister. Xhy, I'm sorry for your sister's behavior." She apologized. I just rolled my eyes at bumaling na ulit sa IPad ko.

"Okay... I'm sorry sis. Naglalambing lang naman ako sayo eh. You know, I'm gonna miss you." Lumapit pa siya sakin at yumakap patagilid.

Inalis ko naman agad yung pagkakayakap niya sakin. "Get your hands off me, April. Ang corny mo. Besides, para namang hindi rin kayo suaunod don." I glared at her.

"Kahit na. Mami-miss parin kita. Wala akong kasamang mag-shopping at movie marathon."

Napaisip ako don. Oo nga pala. Me and April are so much alike, kahit na half sister ko lang siya. We have the same likes and hobbies, kaya kahit na nagbago na ako, hindi ko parin maiwasang maging close sa kanya. But sometimes sa sobrang close namin, palagi niya na akong inaasar. She knows what makes me irritated.

"We'll do it again when you go back to Philippines. Besides, it's been what, 7.. 8 long years since you went there. So, ine-expect ko na suaunod kayo don, soon. Right mom?" Baling ko kay mommy.

"Of course , hija."

Then maya-maya tinawag na yung flight ko, kaya nagpa-alam na ako sa kanila.

"Bye, Xhyril. Take care, okay? We will miss you." Si mom.

"Oo nga sis. Mawawalan ng maldita sa bahay. Skype tayo palagi ah? Wag ka munang mag-shopping, saka na pag nandon narin ako." Nakangising paalala ni April.

I rolled my eyes. "Whatever!"

Tapos si Patrick naman ang lumapit sakin. Hinarap ko siya. "Ingat ka don ah? Wag kang magpapaligaw sa iba. Dapat ako lang manliligaw mo, okay?" Seryosong saad niya.

Inirapan ko nga. "Wow ha? Demanding? Sige na, I gotta go. Bye.." Saka ko na hinawakan yung mga maleta ko. Oo, 'mga' talaga. Saka na ako naglakad papasok sa loob.

I didn't even bother to look back. Hindi gawain yon ng mga magaganda.

Okay. Honestly, I'm gonna miss them. Sa loob ng anim na taon, nasanay na ako na palagi silang kasama. Even though sometimes naiisip ko na hindi naman ako belong sa family nila. That I am an excess bagage. But still, they treat me like I really belong to them.

Mommy Leia treats me like her own daughter, kahit na minsan hindi maganda yung pakikitungo ko sa kanya. Ganon din si April. Tinuring niya akong tunay na kapatid kahit na anak lang ako sa labas ni dad. Minsan nga pakiramdam ko na mas mahalaga pa ako kina mommy ay April kesa kay dad. Because all he care about is his company. Mas pinagtutuunan niya pa yon ng pansin kesa sakin.

Okay, enough Xhyril. Stop thinking about other things. Prioritize your plan.. and that is your revenge. Hindi kana dapat masyadong nagpapadala sa emosyon mo dahil wala naman yang maidudulot na maganda sayo. Only pure pain and disappointments. Just like before.

Hindi ko na namalayan na nakapag-take off na pala 'tong eroplanong sinasakyan ko. Kung hindi pa siguro nag-instruct yung mga flight attendants tungkol sa mga precautionary measures ay hindi ko pa malalaman.

Tumanaw ako sa labas. Nasa tabing bintana kasi yung seat ko. I can't still believe that after six long years ay makakabalik na ulit ako sa Pilipinas. The country who witness the most painful yeara of my life. So painful that caused me to change into a new person now. Hindi ko tuloy  maiwasang maalala yung mga nangyari dati..

(FLASHBACK)

"Tigilan mo na ako. Ayoko sayo. At kahit kailan hinding hindi kita magugustuhan. Alin ba ang hindi mo maintindihan don? Stay away from me. I don't f*cking want you."

"P-pero... mahal k-kita."

"Wala akong pakialam." Balewalang sagot niya na nagpabuhos sa mga luha ko noon.

"Xander... kahit konti ba... hindi mo ako... m-minahal?"

"Kahit konti... hindi kita minahal."

(End of Flashback)

Kahit konti... hindi kita minahal.

Kahit konti... hindi kita minahal.

Kahit konti... hindi kita minahal.

Kahit konti... hindi kita minahal.

Kahit konti... hindi kita minahal.

Kahit konti... hindi kita minahal.

Kahit konti... hindi kita minahal.

Kahit konti... hindi kita minahal.

Mga salitang paulit-ulit na bumabalik ngayon sa utak ko. Mga salitang mas lalong nagpapatindi sa galit ko sa kanya.

Nang dahil sa curiosity at challenged nagawa niya akong saktan ng ganito? Well, humanda siya. Because I'm not the old Isay he used to know before.

Iba na ako. 'Coz I am now Xhyril Patterson, at hinding hindi na ako makakapayag na masaktan niya pa ulit, dahil this time siya naman ang sasaktan ko. At hindi lang siya. Marami sila.

(FLASHBACK)

Hindi ko na napigilan ang paghagulgol ko sa sahig habang pinapanood ko ang unti-unti nilang paglayo sakin. Sobrang sakit pala.

Sobrang sakit na marinig mo mismo sa taong mahal mo na hindi ka man lang niya minahal kahit konti. Kahit katiting man lang.

Hanggang sa humahangos na dumating sina Mia at Scarlet. Dinaluhan nila kaagad ako, bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala at awa para sakin.

Mabilis akong yumakap kay Scarlet at humagulgol sa kanya.

"Scar, he left me. P-pinaglaruan niya lang ako. Ni..loko niya lang ako. Niloko niya lang ako." Paulit-ulit na sambit ko habang umiiyak.

"Isay... Please calm down. Stop crying." Parang batang alo nila sakin kahit pareho din silang umiiyak.

Ewan ko ba. Imbis na tumigil ako ay parang mas naging dahilan pa yon para mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Because I can feel how concern they are for me.

Mga ilang minuto rin kaming nanatili doon bago ako tuluyang kumalma. Pero kahit na tumigil na ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko parin yung sakit sa dibdib ko. It's so intense, that I don't know if I can fix it again. My heart is now shattered into pieces.

"Xhy, okay kana ba?" Tanong sakin ni Mia.

Tumango nalang ako. But I know that it's the opposite of what I'm feeling right now.

"Nakausap na namin yung mga teachers mo. They said that you should see the principal daw because there are some important matters they will discuss to you. Ayaw sabihin samin eh." Ani Mia.

I just nod again. Parang wala na akong lakas magsalita pa.

"Gusto mo bang samahan ka namin?" Offer ni Scarlet.

Sunod-sunod na iling ang ginawa ko. "N-no... kaya ko na. May clase pa kayo diba? Sige na, mauna na ako. Bye..."

"You sure?" Bakas parin ang pag-aalala sa kanila.

"Yeah.. Thank you sa lahat." Sabi ko. Bago parang wala sa sariling naglakad na palayo.

Pakiramdam ko napakabigat ng mga paa ko habang tinatahak ang daan papunta sa Principals Office.

Pagkapasok ko palang ay ang seryosong mukha na agad ng principal namin ang bumungad sakin. As if she's really expecting me to come.

"Good morning, ma'am." Walang buhay na bati ko.

She just ignored my greeting and lend me the chair in front of her table.

"Ma'am, pinatawag niyo raw po ako." Tanong ko ng makaupo na ako.

"Yes. Ms. Amarillo. I will go straight to the point. Pinapunta kita dito para i-discuss ang status ng scholarship mo dito sa Panterine High."

Kinabahan ako bigla kaya napaayos tuloy ako ng pagkakaupo. "B-bakit po? A-no pong meron sa... scholarship ko?"

"Your scholarship has been terminated. Hindi kana pwedeng mag-aral dito sa Panterine High." Daretsong saad niya.

Hindi agad nag-sink in sa utak ko yung sinabi niya. Parang nabingi ako. Pakiramdam ko hindi totoo 'to. Na isang napakalaking joke lang lahat.

"Ma'am joke po ba 'to? kasi... h-hindi po nakakatuwa eh. Joke lang po 'to diba po?" Naiiyak kong tanong.

Her face softened. "I'm sorry, hija. But this is true. You're two weeks absent.  Many of your subjects failed."

Humarap akong mabuti sa kanya, kahit nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luha. "P-pero ma'am...  babawi naman po ako e. Hahabulin ko po yung mga failed subjects ko. Gagawin ko po lahat, w-wag... wag niyo lang pong alisin yung scholarship ko..."

Nakita kong naaawa rin siya sakin, kaya  kahit papaano nagkaroon ako ng hope. Pero hindi rin nagtagal yon.

"Sana nga ganon lang yon kadali, hija. But this is not only about your academics status, marami ding students ang nag-request na paalisin ka dito. And even one og our major stock holder requested you out. I'm sorry Xhyril, but I am just a principal here. I can't do anything."

Sunod-sunod nang bumagsak ang mga luha ko. Napatayo narin ako at ginagap ang kamay niya na nasa ibabaw ng mesa. "Ma'am please... p-po. 'Wag niyo naman pong alisin yung scholarship ko. Please... po. Ito nalang po yung pag-asa ko para makapagtapos ng pag-aaral. Parang awa niyo na po." Pagmamakaawa ko habang parang dam na bumubuhos ang luha ko.

"Gusto kitang tulungan, Xhyril perl kahit ako walang magagawa. I'm just an employee here. Kung gusto mo, anv kausapin mo ay yung major stock holder na nag-kick out sayo dito. Si Mr. Johnsen."

"Po? Si... sir A-Alexander Johnsen po?" Gulat kong tanong.

"Oo. Siya yung one of the major stock holder na gustong magpaalis sayo dito."

Hindi ako makapaniwala. Bakit? Bakit gusto akong mapaalis ni Sir alex dito? May nagawa ba akong masama sa kanya?

Pakiramdam ko naubos na lahat ng lakas ko habang palabas ako ng Principals office. Parang hindi ko na kaya. Parang any minute susuko na ako.

Then naalala ko si mama. Sakin lang siya umaasa. Mataas ang mga pangarap niya para sakin kaya hindi ko dapat siya biguin.

Nagmamadali na akong lumabas ng Principals office. Kailangan kong puntahan si Sirl Alex. Kailangan kong magmakaawa sa kanya na ibalik yung scholarship ko.

Pero nagulat ako pagkalabas ko palang ng maabutan ko ang isang batalyong mga estudiyante ang nakaabang sa labas.

Biglang umahon ang kaba sa dibdib ko, pero hindi ko sila pinansin at nagtuloy-tuloy lang akong naglakad palayo.

"Ang kapal din talaga ng mukha mong panget ka para bumalik pa dito, ano?" Sigaw nung isang babae sabay tulak sakin. Hindi ako natinag at nilagpasan kolang siya.

"Oo nga! You don't belong here. Go away, monster!" Sigaw naman nung isa sabay batok naman sakin.

Hindi ko rin siya pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad kahit na ramdam ko na naman ang pamumuo ng mga luha ko.

Hanggang sa lahat na mismo sila ang sumugod sakin. May humila ng buhok ko, kumalmot sa braso ko, nanulak na halos mapasubsob na ako sa sahig. Pero hindi ko parin sila pinansin. Parang namanhid na ako.

"Umalis kana dito! Malandi ka! You idiotic slut! Go away!"

"Ang pangit pangit mo! Hindi ka nababagay dito!"

"Slut! Bitch! Go to hell!"

Kung ano-ano pang masasakit na salita ang narinig ko sa kanila pero parang nabingi na ako. Dahil kumpara sa sakit ng mga salitang binitiwan sakin ni Xander kanina, walang wala yung mga sinasabi nila sakin ngayon.

----
A/N:

Please expect a very slow update for the next two weeks, because I need to review for my Pre-finals exam. Hope you understand. :)

Continue Reading

You'll Also Like

278K 1.5K 58
what if you find out that your bestfriend is your husband's lover?
5.9K 56 14
Follow my account!πŸ€—On going ang story.Sorry kung hindi masiyadong nakakapag publish
2.2K 53 34
"Pwede bang hilingin ko sa'yo na kahit sandali lang, 'pag magkasama tayo, ako na lang ang isipin mo..." The photo used in the cover is not mine. Cred...
Wattpad App - Unlock exclusive features