Project: #MOVE ON (taglish)

By wattiehottie

246 4 0

Paano nga ba ang mag move on? Ano ang time limit ng pagiging tanga? Kailan mo ba masasabing: STOP! IT HURTS s... More

Prologue
Glass Slippers are Bitch
The Half-eaten Apple
The Witch and a Break Up
BELLE of the Ball (Part I)
BELLE of the Ball

An Act of Sister Love

14 0 0
By wattiehottie

DISCLAIMER: This story does not involve any true person or relationships. This is purely out of the imagination of the writer. If you know someone with same name as the characters, its purely coincidental. Read at your own risk

Np: Don't Stop by 5 Seconds of Summer

Chapter 3
An act of sister love

She never thought that there will come a time that she will hate Saturday, but that's what she's feeling right now. Ngayon kasi iyong planong hang-out nila sa beach.

Hindi naman sa nagseselos siya sa girlfriend ng crush niya, pero feeling talaga niya may kababalaghang mangyayari mamaya. Tapos, mukhang hindi pa ata k7mbinsido sina Grace na wala siyang feelings sa lalaki tapos parang may balak pa ata siyang ireto ng walang hiyang lalaki kang Dylan.

Hala! Ang dami pala niyang dapat poproblemahin. Hay naku!

"Hoy! Queenie! Tara na!" Kiming nginitian naman niya sina Katie at sumakay na sa kotse nito.

"San banda ba tayo magkikita? Nandoon na ba sila?" Kabadong tanong niya sa dalawa.

"Well, doon daw sa friends cove tayo. Nirentahan ata ni prince charming iyon para sa girlfriend slash princess niya," Sagot naman ni Grace sa kanya, na busy sa pagkutingting sa radio. Tinigilan lang nito iyon nang ipakanta ang 'Don't Stop' ng 5 seconds of summer.
Naki sing along din naman agad sila habang papunta na sa beach kung saan katatagpuin niya ang mga kaibigan. Tawanan pa sila, sapagkat walang wala sila sa tono. After 10 minutes, eh umabot din sila sa destinasyon.

Kinuha naman agad niya ang bag pati na ang basket na nilagyan niya ng pagkain. Gusto niya sanang mag sign of the cross, para mawala din ang takot niya sa mangyayari. Pero nakatingin sa kanya sina Katie, baka ano pa masabi ng mga ito. Ngumiti nalang siya at inaya na ang mga ito na hanapin ang cottage.

Buti nalang at hindi naman masyadong malayo ang cottage sa kung saan sila nagparking kaya nakita nila agad ito. Napahinga siya ng maluwang ng makitang dalawa lang ang nandun na sweet na sweet pa. Atleast, di na niya kailangan problemahin ang isang matchmaking scheme ngayon.

"Guys! Andito kami!" Excited na tawag ng lalaki sa kanila ng mamataan na silang palapit. Napatingin naman din sa gawi nila ang babaeng kasama nito.

Binati naman nila agad ang mga ito nang makalapit na.

"Buti naman nakarating na kayo! Siyangapala, i want you all to meet my girlfriend, Regina. Babe, meet my friends, Grace, Kate and the one and only, Queenie."
Nginitian naman agad sila ng dalaga, ewan lang niya kung sincere o hindi. Nang mapatingin ito sa gawi niya, mas lumaki ang ngiti nito, again ewan niya sincere ba o hindi.

Uyyy. Gumagawa ka naman ng issue diyan, akala ko ba hindi ka nagseselos?

Pinilig naman agad niya ang ulo sa naisip.

"Its nice to finally meet you. Especially you Queen. Wait, can i call you that?" Wika nito sa kanya. Tumango naman siya at nginitian din ito.

Walang halong plastik po iyon, aking mga kaibigan. Siniko naman siya ni Grace sa tagiliran. Oh, ano naman problema nito? Hindi na siya nakatingin nsa direksiyon nito sapagkat biglang yinakap siya ng babae. Wait..

"Thank you, thank you! Naappreciate ko talaga iyong pagwelcome niyo sa sweetie ko dito. He adjusted really well because of you. At saka, i love your taste! Salamat at binigyan mo ng direksiyon ang walang kataste taste na nobyo ko," wika nito nang lumayo na ito sa kanya.

Napakamot naman ng ulo ang lalaki na siyang pinagtawanan nila.

"Tama ka din, eh! Wala ngang taste ang mokong na iyan. Muntikan ba namang hello kitty necklace sana ang bibilhin niya?" Pagsusumbong niya sa babae na siyang lalong kinatawa nila.

Siniko naman siya ni Kate, ano bang problema nitong dalawa? Pwede na ba siyang magdemanda ng physical assault? Kaninapa kasi siya sinisiko nitong dalawa ah!

Sinimangutan niya ang dalawa na agad naman napansin ni Regina kaya napatanong ito na, "You okay? Is something wrong?"

Umiling naman agad siya sabay sabing, "Wala, naisip ko lang ang init no? Swimming na tayo?" Sabay hila na rin kina Grace at Kate. Napasunod nakang ang dalawa dahil sa lakas ng pagkahil niya

.
"Oh?magswiswimming ka na naka-t shirt?"tanong ni Grace sa kanya ng huminto aila ilang dipa mula sa tubig. Umiling naman siya at tiningnan ang dalawa.

"Kayo ha, ano ba problema niyo kanina? Nakakahiya, siko kayo ng siko sa akin, baka ano pang isipin ng babaeng iyon. Mukhang mabait pa naman, atsaka maganda din ha! Pinapahiya niyo naman ako sa gf niya!" Litanya niya sa mga ito.

Nagkibit balikat naman si Kate. "Well, para kasing plastik iyong pakikitungo mo sa babae eh! Girl, obvious ka kanina eh! Selos ka ano? Aminin mo na kasi, pinapatagal mo pa!"

"Anong selos? Hoy! Bestfriend lang tingin ko sa mokong na iyon! Ano ba dapat ko pang aminin? Nakakaloka kayo!" Bulalas naman niyang sabi.

"Ano bang aaminin mo?" Napasigaw naman siya ng biglang may magsalita sa may likuran niya. Nang tingnan niya ay ang lalaki lang pala.

Wait, narinig niya kaya ang pinag uusapan namin? OMG. Sana naman hindi. Shit!

Pinag-aralan niya ang reaksiyon sa mukha ng lalaki, mukhang wala naman itong narinig. Curiousity lang iyong nababanaag sa expression niya. Nakahinga naman agad siya ng maluwag.

"Ahm. Ano, kasi, ah, aminin ko daw na. Na nakalimutan kong magpalit ng damit! Ioge ha? Palit muna kami!" At akmang aalis na siya nang biglang pigilan siya sa kamay ng lalaki.
Nakakunot noong tiningnan naman niya ito. Ang laki ng ngiti nito. Ano kaya nakain? hmm

"May regalo ako sa iyo," pa-mysterious na wika nito habang naka-smirk sa kanya.
Tinaasan naman niya ito ng kilay. Ano ba ang pakulo ng lalaking ito at parang weird naman? At wait, teka, weird din biglang kaba iyong dibdib ko habang nakatingin sa nakaka-hipnotismong mata ng lalaki. Baka naiinitan lang ako. Iyan! Seguru iyon!

"Ano na naman bang pakulo ito at-" di na niya natapos ang kanyang sasabihin ng may biglang magsalita sa likuran ng lalaki. Napalaki naman ang mata niya ng makilala ito.

"Hey guys! Sorry na-late. Todo practice kasi eh!" Wika ni Dylan aka Mr. Everybody-Wants-Me-You-Should-Too Aberasturi. Pinaningkitan naman niya ng mata ang lalaking hawak hawak pa rin sa kamay niya.

"Know what? I dont even wanna ask!" Gigil na gigil na wika niya dito sabay sapilitan pinabitaw ito sa pagkakahawak sa kanya at tumakbo papunta sa pinakamalapit na changing room sa lugar na iyon.

Inis na inis pa rin siya habang nagpapalit ng swimsuit ng dumating sina Katie at Grqce.

Tumikhim ang dalawa para kunin ang atensyon niya pero no reaction lang siya.

"Uyy. Okay ka lang? Galit ka ba sa amin?"

"Sorry na. Atsaka, di ko rin pala alam pupunta iyong mokong na iyon dito. Promise! Hindi ko naman hawak schedule ng pinsan ko na iyon!" Wika naman ni Katie.

Yup. Pinsan po ni Katie ang mahanging Dylan na iyon. At para sa kaalaman ng lahat, ang lalaking mahangin pa sa hangin ang bully niya noong elementary days pa niya. Kung iniisip niyo naman na "grow up Queen!" Well, paunahin niyo iyong lalaking iyon sapagkat kahit ngayon eh nangbubully pa din ito sa kanya.

Sinimangutan niya ang dalawa. "Naiinis ako! Akala ko ba fun day ngayon? Good weather dapat eh! Biglang may hangin! Kainis! Atsaka kayo ha? Ano na namang pakulo niyo at di niyo pa ako tinitigilan tungkol sa selos selos na iyan? Wala akong gusto sa lalaking iyon! May nobya na siya okay? Hindi naman seguru evil witch ang tingin niyo sa akin at akala niyo eh mang aagaw ako ng nobyo ng iba? Ang bait kaya tingnan ng gf niya! Pareho pa kami ng taste! Hindi ng lalaki, wag kayo! Walang selos! Pero seguru may kunti. Kunti lang naman kaya kalimutan niyo na iyon! Atsaka, masama bang magkacrush sa kanya? Crush lang promise! Oh? Bakit nanlaki ang mga mata ninyo? Inamin na nga eh!"

At dahil di pa rin umiimik ang dalawa ay napilitan siyang lumingon sa pinagtitingin nito sa likuran niya at nanlambot naman ang paa niya sa nakita niya.

Malas day ba talaga ngayon?

-----------------------------------------------

"Im sorry sa narinig mo kanina," basag niya sa katahimikang namumuo sa pagitan nila ni Regina.

Yup, you read it right, si regina nga iyong nakasaksi sa confession niya kanina sa changing room. Sa lahat lahat ng taong pwedeng makarinig sa outburst niha, ang girlfriend oa ng lalaki ang naging audience nun.

Nasa may dalampasigan sila ngayon malayo sa cottage na inupahan nila. Nag aya kasi ito na makipag usap ng masinsinan kanina. Kaya heto, kabadong kabado ang drama niya dahil baka may sampalan effect na mangyayari.

"Wala ka namang kasalanan. Maybe i should be the one to feel sorry for eavesdropping to your private conversations." Napatingin naman siya sa side nito.

Nakangiti pa ng malamlam ang babae sa kanya. Ano ito? Is she dreaming? Bakit parang hindi galit ang babae? Oh baka, nagrerecharge lang bago iyong sabunutan drama nila mamaya? Naku po, wag naman sana. Bagong rebond pa naman hair niya.

Binalik naman niya ang tingin sa dagat bago nagsalitang muli, "Look, about my feelings, you dont have to feel weird about it. Hindi ko siya nanakawin sayo promise! Wala akong balak manulot, so sana walang sampalan o kaya sabunutang mangyayati ngayon!" Tumawa naman ang babae sa sinabi niya.

"Dont worry about it. Hindi dahil nalaman ko na may feelings ka sa boyfriend ko eh it means you have to stay away from him. I am not that type of girl. Malaki ang naitulong mo sa kanya mula ng magtransfer siya, and i am really thankful for it. Atsaka, the way i see it, hindi ikaw iyong tipo ng babaeng nang aahas."

Napahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi nito. Wait, teka lang, ang pangit ba niya at parang hindi man lang natethreaten sa kanya ang babae? Gosh!

Narinig na naman niyang tumawa ulit ito. Kaya tiningnan niya ito curiously. Ano ba nasa isip nito at tawang tawa lang? Joke ba talaga ang pagmumukha niya at tinatawan na ng mga tao?

"My gosh! Im so sorry! Tama pala talaga ang sinabi niya sa akin! You sometimes say what you're thinking unknowingly. Haha! I think i wanna keep you and make you my bff. Sana naging sister kita!" Biglang anunsiyo nito kaya naman napatabingi ang ngiti niya.

Patay! Lunod na lunod ka sa friendzone ateng! Pati sa gf, binestfriend ka! Ikaw na!

#doublekill

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHORS NOTE

Ewan ko lang ha, pero natatawa ako habang sinusulat ito.
I love my character.
At hindi po ako ang totong author nito.
Ang totoo niyan, ako ang isang hamak na tigsulat lamang.
Nang nasa isipan ng characters ko.
Ahaha kaya kung may hindi kayo nagustuhan.
Pakisapak nalang ng characters na iyan.
Salamt sa pagbabasa!

-wattiehottie

Continue Reading

You'll Also Like

212K 10.8K 73
His last year will be worst as hell.... His quiet life will put in danger... His happiness will turn to sacrifices.... His life will be ruined...
743K 15.7K 52
Bawat yugto daw ng buhay natin ay nakaplano na, pero kasama ba ang puso dito? Kilalanin ang story nila cathy at frenzy, magkaibang mundo pero pin...
78.8K 2K 37
Nagmahal... nasaktan... nag-move on? Move on. Iyan ang palagi kong naririnig sa mga tao. Pero gaano ba kadaling mag-move on? Madaling sabihin pero m...
8.9K 204 58
Its easy to love the people far away. It is not always easy to love those people close to us. Minsan kung sino pa ang mas malapit satin ay sila pa a...
Wattpad App - Unlock exclusive features