I'm with you

By jhiyenisha

4 0 0

Iniwan ka man, ngunit hindi pa rin siya mawawala sa iyong tabi. More

A Short Story

4 0 0
By jhiyenisha

I'm with you

September 2015

by: @jhiyenisha

Ang kwentong ito ay hango sa imahinasyon ng may akda kung may pangalan, pangyayari na kahintulad sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng may akda.

Ps: No to plagirism

@jhieyenisha

A Short Story

I'm with you

Ako si Anastacia Sanchez 21 years old isang simpleng empleyado sa isang food manufacturing dalawang taon na akong nagtatrabaho dito at nasanay na akong sa naging schedule ko pang umaga man o panggabi ay ayos lang nagboboard ako malapit sa aking pinagtatrabahuhan subalit may pangyayaring hind inaaasahan kay napagpasyahan kong mag uwian na lang. Noong una ay sobra akong nahirapan kailangan kong gumising ng maaga para hindi ako late halos isang oras din kasi ang byahe ko minsan dalawang oras kasama na don ang paghiintay ng masasakyan palabas ng subdivision namin isang sakay ulit papuntang terminal ng tricycle patungo sa mismong planta na aking pinatatrabahuhan. Sa loob ng isang taon kong uwian ay nasanay na ako sa ganung set up tuwing pang umaga ako ay aalis ako sa bahay ng alas kwatro at makakauwi ako sa bahay ng mga alas otso ng gabi pero kapag sobrang traffic minsan alas nuebe na.

Tuwing umaga mabilis lang akong nakakasakay ahil may mga tricycle na palabas ng ganung oras pero tuwing gabi mahirap dahil yung tinitirahan kasi namin iba ang ruta pwede naman doon ako mismo bumaba sa tapat ng bahay namin kung may kasabay din akong taga doon pero kapag wala special 40 pesos eh kuripot ako kaya nilalakad ko na lang sayang din kasi sampung piso lang naman ang pamasahe hanggang sa kanto malapit sa street namin pambaon din ng kapatid ko yung 30 pesos kaya nagtityaga akog lakadin kahit may kalayuan ng konti may mga poste naman kaso minsan hindi binubuhay o yung iba ay wala talaga. Sa pag aalala ng nanay ko noong una ay sinusundo ako ng kapatid ko sa kanto pero noong nagtagal at nasanay na ako hindi na ako nagpapasundo abala din kais sa mga kapatid ko.

Aaminin ko na kada dadaan ako doon sa street namin sa lugar na madilim kadalasan at walang bahay ay natatakot ako pero nialakasan ko nalang ang aking loob. kapag nakakauwi ako ng ligtas ay napakalaki ng akiing ngiti dahail sa makikita ko pa ulit ang aking pamilya. Isa lang naman ang dahian ko kaya nagpasya akng mag uwian dahil ayoko ng maranasan ko ang isang mapait na pangyayari sa aking buhay.

Last year nagboboard pa ako malapit sa working place ko kahit medyo malate ko ng gising ay ayos lang. Ngunit nangyari ang hindi inaasahan, nasa trabaho ako at halos mag aanim na buwan din akong hindi nakakauwi samin dahil madalas ay wala naman akong day off kung meron man ay nasa boaring house lang ako at naglalaba hindi ako nauwi dahil kulang ang oras. Gaya ng sabi ko may hindi ako inaasahang pangyayari kakaregular ko lang noon at sobrang saya ko kaya napagpasyahan kong umuwi samin para sopresahin ang pamilya ko. Pero ako ang nasopresa pag uwi ko nakita ko na lang ang kapatid ko na umiyak sa labas ng bahay namin madaming tao at halos lahat sila ay abala ng makapasok unti unti akong pumasok sa loob ng bahay namin at ang sumasalubong sa akin ay hikbi ng mga taong nakapaligid ng tuluyan akong makapasok ng bahay ay doon ko lang lubusang naiintidihan ang lahat nakita ko si nanay na humahagulgol at inaasikaso ng aming mga kamag anak at sa harap niya ay isang puting kahon na kung saan doon nakahiga at natutulog ang aking ama. Umuwi ako samin para sorpresahin ang pamilya ko dahil naging regular na ako sa trabaho pero heto at ako ang nasopresa nadatnan kong wala ng buhay ang aking ama ni hindi ko man lang siya nayakap, nahalikan at nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal kaya pala ganun na lamang ang pangungulit niya sakin noong nakaraan na umuwi pero mas inuna ko pa ang akng trabaho at isipin ang oras, pera na masasayang kapag umuwi ako mas malaki pala ang nasayang ko. Simula ng mangyari ang pagkamatay ni tatay nangako ako sa sarili ko na kahit anong pagod ko sa magiging pagbyahe ko ay mag uuian ako dahil ayoko ng maranasan na hindi sila makita at makasama tiniis ko ang pagod para lgi ko na silang kasama.

Heto na ako ngayon uwian para palagi ko na silang makasama ayoko ng maulit yun. Madilim man at nakakatakot ng aking dadaanan pauwi ay lagi ko na lang iniissp na kasama ko si tatay tuwing dadaan doon. Naalala ko pa noong high school ako kapag may project o practice sa bahay ng mga kaklase ko at gagabihin ako hinihintay ako ni tatay sa kanto para sabay na kaming umuwi kaht noong nagkolehiyo ako hinihintay pa din nya ako mahirap na daw kasi babae pa din ako at hndi din daw masasabi ang panahon.

Kaarawan ngayon ni nanay at eto ang unang kaarawan niya na wala si tatay kaya gagawin naming specia ang birthday niya sa bahay ay nagluto ang kapatid ko at ako naman ay bibili ng cake tuwing birthday kasi ni nanay ay wala naman cake kasi sapat lang ang kinikita ni tatay pangkain at pambaon noon. Bago ako dumiretso sa sakayan ng jeep paui ay dumaan muna ako ng mall malapit doon para bumili ng cake ang dami ng tao kaya medyo natagalan ako biyernes kasi ngayon walang pasok bukas. Bandang alas syete na ako nakalabas ng mall naghintay ako ng jeep nakasakay na ako ng 7:30 pm dahil halos ng dumadaan ay puno at hindi na nagsasakay sa pagbyahe ko naiisip ko ang magagandang ngiti ni nanay siguradong magugustuhan niya ang hinanda namin para sa kanya. Sobrang traffic ngayon nagkaroon pa ng banggaan kaya lalong tumagal ang byahe ko una sahudan ngayon pangalawa biyernes madaming estudyante ang nasa kung saan pa dahil walang pasok bukas kaya pagpinagsama sama ang lahat ng yoon ay isang matining traffic. Ang dating isang oras kong byahe ay naging dalawang oras at kalahati halos makatulog na ak sa jeep sa sobrang bagal ng usad. Kaya bandang alas diyes na ako nakasakay papasok sa subdivision mabuti na lamang at may tricycle pa hindi ako nagpaspecial kasi baka daw may umuwi pa ng oras na yun kaya hindi pumayag yung driver na kasunod ng nasakyan namin kaya no choice maglalakad ako. Hindi na ako nagpasundo sa kapatid ko dahil mawawalan naman ng kasama si nanay sa bahay maglalakad na lang ako.

Nakababa na ako at nag uumpisang maglakad mabuti na lang at maliwanag ang buwan kaya hind masyadong nakakatakot kahit walang ilaw yung ibang poste dadaanan ko na ang parteng walang kabahayan bago sumapit doon ay may nakita akong isang lalaki matangkad ito halata mong mukang matanda na ito dahil sa bigote niya ang mata niyang bilugan ay namumutla nakakatakot siya. Walang ibang dadaanan papauwi samn doon lang ang daan naglakas loob ako kahit natatakot na ako nanginginig ako habang naglalakad at pasimpleng sumisilip sa mamang nasa may poste inisip ko si tatay na kasama ko siya at mataimtim akong nanalangin. Sa takot at kaba ko na makadating sa bahay hndi ko namalayan na nakauwi na ako pagdatng ko sa bahay ay sumalubong sakin ang kapatid at nanay ko halatang antok na sila pero bago yun ay sama sama kaming kumain at ipinagdiwnag ang kaarawan ni nanay nagkwentuhan kami bago matulog bandang 12 na kami nakatulog ayos lang kahit gabihin ako ng gising dahil day off ko naman bukas.

Nagising ako sa ingay ng katok sa aming bahay lumabas ako ng kwarto at siyang bukas ni nanay ng main door si Aling sonya pala.

"MAre di ba ang anak mo ay uwian nakauwi ba siya kagabi" sabi niya at sa tono ng pananalita niya ang halong takot at pag alala.

"Oo heto nga siya bakit?" sabi ni nanay

"Nagjojogging kasi si Alex tuwing umaga di ba nadaanan niya yung parteng walang kabahayan malapit satin may nakita siyang babae na walang buhay hindi makilala kasi basag ang muka nito wala ding pakakakilanlan dahil limas ang mga gamit nito mabuti at hindi ang anak mo ang biktima" sabi ni Aling Sonya.

"May suspek na ba daw?'' nanay

"Yun nga wala daw alam mo naman na madilim sa lugar na yun kaya walang nakapansin wala pang kabahayan" sa sinabi ni Aling Sonya ay napagpasyahan ko na sumama sa kanya sa presinto kasama din ang anak nitong si Alex baka kasi yun lalaking nakita ko kagabi ay siya ang may kasalanan. Nang makadating kami doon ay kinuwento ko sa mga pulis ang nangyari nilarawan ko din sa kanila yung lalaking nakita ko at sinabi din nila na narape din daw ang babae. Pinakiusapan kami ng mga pulis na manatili muna sandali sa presinto dahil nga maliit lang ang lugar namn tiyak na makikita agad nila ang suspek may record na din pala yun lalaki dto nahuli na siya noon dahl sa pagnanakaw pero naareglo dahil pinatawad na lang hindi naman daw kasi ganun kalaki ang naging utang.

Nagtanghalian na lang kami malapit sa presinto matapos noon ay bumalik na kami at ilang minuto lang ang nakaraan may kasama na ang ilang pulis na lalaki at inumpisahan na tanungin kasama kami kinumpirma ko din sa kanila na siya ang lalaking nakita ko ng gabing yon. Sa pagtatanong ng mga pulis doon ko napagtanto na halos magkasunod lang kaming dumaan noong babae ang kaibahan lang ay ako ang nauna. Tinanong din nila kung may galit lang ba daw siya sa babae kaya nagawa ang bagay na yun wala daw pagnanakaw lang daw ang sadya niya pero nanlaban daw ang babae kaya niya napatay at na rape din niya dahil maganda daw sinabi din niya na sinakyan, sinakal at binato ng malaking bato ang mukha ng babae matapos yun ay nilimas niya ang lahat ng gamit nito.

"Sa salaysay mo ay may nauna pang dumaan doon ng bandang alas diyes pero bakit hindi ito ang iyong bnktima" sabi ng pulis.

"Hini naman po nag iisa yun naunang dumaan doon may kasama po siyang isang lalaki na nakaputi matangkad po ito malaki ang katawan at ang nakita ko po na babae ay siya (turo niya sa akin) kaya naghintay pa po ako ng kaunting minuto para makapangbiktima. Sa sinabi ng suspek ay nagulat ako dahil wala naman akng kasama ng gabing yun at base sa paglalarawan niya ang nakita niyang kasama ko ay ang tatay ko.

Naalala ko pa ang palaging sinasabi ni tatay na palagi lang siyang nasa tabi namin para protektahan kami. All these years na hindi ko nakasama si tatay at sa panahong nagtatrabaho ako at hindi umuwi hindi ako pinabayaan ni tatay.

****END***

A/N

May mga bagay na hindi natin inaasahang magyayari kaya habang nakakasama pa natin ang ating mahal sa buhay ipakita at iparamdam natin sa kanila ang pagmamahal at importansya para kung sakaling kuhanin na nila satin ay hindi tayo magsisi. Kahit gaano tayo kaabala sa trabaho o pag aaral huwag natin silang kalimutan.

@jhiyenisha


*****

Wala kasi akong magawa sa buhay kaya heto..pagpasensyahan niyu na kung panget.. Sabagay wala naman magbabasa pero kung meron man maraming salamat sa pag gugol mo ng oras at panahon..

Gusto ko lang ilabas yung nasa utak ko kaya ganto.. Alam ko naman hindi maganda ^_^ pero WALANG MAKAKAPIGILAN SAKIN... We have freedom of expression and this is the way im expressing may weird side ^_^...


Continue Reading

You'll Also Like

590 81 8
Ubod ng sungit ang professor ni Shanna na si Prof. Xevie. At dahil graduation na, sa wakas, hindi na niya ito makikita pang muli. Ngunit sa araw ng c...
1.1K 107 8
a short epistolary
648K 21.1K 50
Porcia Era Hart * Chrisen
Wattpad App - Unlock exclusive features