Come Back to Me

By feelinggeeky

8.6K 686 108

Dumating ka na ba sa puntong nagmahal ka ng dalawa at di ka makapili sa kanila? Yung tipong mahal ko o mahal... More

PROLOGUE
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
EPILOGUE

22

197 21 0
By feelinggeeky

CHAPTER TWENTY TWO

Pinilit kong ikalma yung sarili ko. I am so proud of him , natupad nya yung pangarap nyang maging isang sikat na painter na hindi lang pang Pilipinas kungdi pang world class. Napakagat ako sa labi ko at pinigil ko yung sarili kong umiyak.

Nung nakita ko siya gusto kong tumakbo papunta sa kanya, gusto kong isumbong sa kanya lahat ng mga paghihirap na pinag daanan ko nung naghiwalay kami. Pero ..pero hindi ko yun pweding gawin.

Baka ipagtabuyan nya pa ko.. di naman ganong kakapal ang mukha ko para gawin yun.

"Yumi"

Napatingin ako kay Carmie na nasa pinto ng C.R. May malungkot itong expression habang nakatingin sakin. Lumapit ito at kumuha ng tissue na malapit sa kinaroonan nya.

"ohhhh" abot nito.

"para san to?" tanong ko pagkatapos kong abutin yung tissue.

"papaiyakan ka na eh" sabi nito.

Napangiti ako ng pilit sa kanya. "obvious ba?"

Tumango ito. "nanlalaki butas ng ilong mo eh"

"hoyyy hindi ahh!" medyo natatawa kong sabi kasi di naman talaga.

"talaga kaya tingnan mo sa salamin"

Di ko nakailangan tumingin kasi alam ko naman na hindi. "kaw talaga" nasabi ko na lang.

Kinuha ko yun. "di ka pa din nakakamove on sa kanya" sabi nito.

Hindi ako sumagot. Kasi theres no point in denying at wala ding kwenta kung umuo ko kasi wala na kong magagawa. Matagal ng wala kaming forever ni Darren.

"pero alam mo girl, di na ko magtataka at di ka makamove on. Putik! sa gwapo na yun Mas gwapo sa ex mong isa na nakita natin."

Ou mas gwapo na siya kay Luigi nagkalaman ang katawan nito at hindi na ito nakasuot ng salamin.

"Hotshot siya girl! grabehhh" pagpapatuloy ni Carmie na nagsimula ng magdaydream dito.

"ang swerte swerte mo sa kanya!!!"

"dati...." sagot ko. "Wala ng kami" dugtong ko pa.

"girl sa kwento mo impossible makalimutan ka nya ng ganung ganun lang minahal ka nya ng todo todo at im sure mahal ka pa din nya kahit slight lang" sabi nito .

"walang impossible Carmie. Tara na" yaya ko sa kanya palabas ng C.R

Nilakasan ko na lang yung loob ko. Nakasunod si Carmie sakin.. Bumalik kami sa kinakakupuan namin. Kasalukuyang idinedescribe ni Darren yung mga sikat na paintings nya.

Ang laki ng pinagbago nya. Ibang iba na siya. Tama kaya ang sinabi ni Carmie na possible pala kayang na baka mahal pa din ako nito?

'stop it Yumi' sita ko sa sarili ko. Kasi ang ambisyosa ko. Alam kong kapag lumapit ako dito baka ipamukha pa sakin nito na nasasabi ko lang na mahal ko siya ay dahil sa kung anong mayroon siya ngayon at ayaw ko yung mangyare. Kasi hindi yun totoo.

Iniiba ko na lang yung iniisip ko pero bakit ganon bakit parang kahit na ang layo-layo ko kapag dumadako yung paningin nya kung saan kami nakaupo. Pakiramdam ko sa akin sya nakatingin.

Kung sakin kaya talaga siya nakatingin.. ano kayang iniisip nya sakin.

"This is my favorite paintings that I have paint" sabi nito at nag-aapear sa screen ang isang magandang obra ng magkasintahan na magkahawak ang kamay at nakatin sa langit. Ngunit may kung anong kakaiba sa paintings na parang illusions parang magkahawak yung kamay nila na nagbitaw.

May kung ano akong naramdaman sa puso ko habang tinitingnan ko yung painting nayun.

"I draw it for special someone in my life." Sabi nito.

"It full of emotions"

Nagpalakpakan yung mga audience bilang pang sang ayon.

"ang galing nyang mag paint no wonder kaya siya naging successful"

Narinig kong sabi ng katabi kong reporter sa kasama nya.

Pagkatapos nun ay hinayaan na ang media na makalapit sa bawat paintings. Hinila kagad ako ni Carmie para mainterview ang guest na si Darren.Pero hindi ako nagpahila , pumuwesto na lang ako sa dulo. Buti hinayaan ako ni Carmie.

Marami na yung taong nakapalibot dito. Sunod na sunod yung tanong na tinatanong sa kanya.

"Mr. Darren totoo bang sa public lang kayo nag-aral nung elementary?" narinig kong tanong ni Michelle isang journalist na madalas naming nakakasabay sa cover.

"Yes. That's true I studied in Hangga Elementary School " maikling sagot nito.

"What inspires you to paint?" tanong naman ng hindi ko kilalang journalist.

Mahina yung sagot ni Darren at hindi ko to naintindihan . Yung huling sentence lang yung narinig ko sa inga. " ----isang babae siya ang inspirasyon ko" . sabi nito.

"Mr. Darren may girlfriend na ba kayo?"

Natahimik yung ibang nagtatanong na media ditto. Si Carmie ang nagtanong nun. Nasa tapat ko si Carmie nun. Humarap ito sakin at kumindat sakin. Nagulat tuloy ako ng biglang napatingin sakin si Darren.

Nagtama yung mga mata namin.

Hindi man lang ito nagulat.

"yes" sagot nito ng nakatingin sakin pa din. "I love her so much" sabi nito na pakiramdam ko tinotorture ako

Si Carmie naman natahimik din. Samantalang ang ibang nandun ay kilig na kilig.

Kahit na gustong gusto ko ng umalis tiniis ko. I keep reminding myself na past is past.

Nung time na para kumain.

Hindi ako nakakain.

Pakiramdam ko busog ako kahit hindi naman madami ang kinain namin ni Carmie kaninang umaga at tanghalian.

Tinusok ko yung beef na nasa plato ko at tumango.

"I'm sorry Yumi" biglang sabi ni Carmie.

"dont be sira. wala kang ginawang mali." sabi ko.

"akala ko single pa siya.. na pweding maging kayo ulit."

"sabi ko sayo impossible na yun"

"masyado kang nega.. you know love also means giving unlimited chances"

"pero huli na kasi... " sagot ko naman lalo na nung nakita ko si Darren na nakalagay ang kamay sa bewang ng isang bababeng mukhang model.

Hindi ito si Phoebe na nakabangga ko dati.

Parang naramdaman nitong nakatingin ako at napatingin ito sakin. Katulad kanina walang emosyon ang mukha nito na parang hindi ako kilala.

Wala na yung sweet na Darren.

Hinalikan nito ang babae sa pisngi at nag flirt flirt pa.

Iniwas ko yung tingin ko.

Iba na talaga siya.

Wala na yung walang fashion sense na Darren, wala na din yung nerdy na salamin nya..

Siguro oras na tlaga para mag move on ako.

Nakita na Carmie yung tinitingnan ko. "Yumi" banggit nito sa name ko na wari ay may pagcoconfort.

Hindi ko alam after all this years pagkatapos naming magghiwalay ni Luigi iniisip ko pa din nababalikan nya ko.

Pero marami ng mag bago.

Mukhang imposible na lang yun Ngayon sa panaginip na lang maaring mangyare ulit. Ayokong kawawain ang sarili ko kakaintay sa isang bagay na wala ng kasiguraduhan.

He deserves to be happy and I can't be one of the reasons of his happiness anymore.

Lahat ng mga nararanasn nya ngayon dahil yun sa mga paghihirap at pagtyatyaga nya.

Nang matapos yung event. Proud ako sa sarili kong hindi ako umiyak kahit na ang sakit sakit.

Palabas na kami ng hotel nun ng nakita ko sa gilid ng mata ko na nakikipag flirt si Darren sa isang panibagong babae.

Hindi ko na lang ito pinansin kahit na parang dinudurog yung puso ko naging matatag ako.

Hanggang makasakay kami sa saksakyan tahimik lang kaming dalawa ni Carmie.

Halos 8pm na nun.

Nang makabalik kami sa Condo napagpapasyahan na gawin ni Carmie yung article nya sa condo ko ng magkasama kami.

Kawawa naman daw kasi ko.

Napailing na lang ako napatawa ng kaunti at nagthank you sa kanya.

Binuksan namin yung t.v att tulad ng inaasahan si Darren ang laman ng t.v.

"patayin na ba natin?" tanong ni Carmie.

"yung alin?" tanong ko naman.

"yung tv hahaha"joke nito.

Masyado kasing gloomy yung autmosphere ko habang nanunuod kami.

-----------


Continue Reading

You'll Also Like

Minsan By MaJee

Teen Fiction

125 2 7
“minsan, may mga bagay talaga na hindi mo aakalaing pagdadaanan mo. Minsan pa nga ay maguguluhan kang pumili kung sino ba talaga sa kanila ang dapat...
8.5K 325 58
Kapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang...
288K 3.3K 26
Kaya bang palitan ng pagmamahal ang nagumpisa sa pagkamuhi? Kaya mo bang mahalin ang taong walang iba ginawa kundi ang saktan ka? Kaya bang magpatawa...
789 22 23
Hanggang saan ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig? Ipaglalaban mo ba ito at titiisin ang lahat para sa iyong minamahal o mag paparaya na lang?
Wattpad App - Unlock exclusive features