"Ang bilis naman, may pasok na agad. May hang over pa ako sa week ends." humihikab na sabi ni Karen.
Nandito kami sa classroom. And, yeah. Its already monday.
Tama si Karen, may hang over pa nga ang week end. Dahil hanggang ngayon, nagfflash parin sakin ang sinabi ni Myrtle.
"He's courting you."
Seryoso ba siya? I mean, sigurado ba siya?
Si Alec, nililigawan ako? Ehh. Kailan pa? Tsaka, bakit niya ako liligawan? Gusto ba niya ako?
Hay ewan. Ayoko ng mag isip.
Sumasagi palang sa isip ko si Alec, nag iiba na agad yung pakiramdam ko. Para bang kinakabahan na di ko maipaliwanag.
"Kyaaaaahhh!"
"Omerged! He's here!"
"Our hero, our prince. Why so handsome?"
"Waaahhhh. Taga satin yung nililigawan niya?!"
"Oh noes, is that Jyra he's courting?"
"Waaaaahhh. Prince Alec!"
Halos mabingi ako sa pagtili ng mga kaklase ko, at sa kabilang room, rinig ko hanggang dito.
Pero teka, sino daw ang andito? Si Alec? Anu namang ginagawa niya--
"Good Morning Jyra."
Nagulat ako nang mapansing nasa harap na pala siya. Ngumiti siya ng napakatamis.
At may dala siyang..
Uhh, bouquet of flowers? O.O
"Uhh. G-Good morning." nauutal kong sagot.
Naiilang ako ngayon. Nakatutok kasi saming dalawa ang mata ng lahat. May mga nakataas ang kilay, may mga naka cross arms, at kung anu ano pang ekspresyon.
"Here," inabot niya ang bouquet of flowers sakin.
"For you," nag abot din siya ng chocolates.
I feel overwhelmed. Kasi...Si Alec... Binigyan ako ng bulaklak at tsokolate?
Ibig sabihin, tama nga si Myrtle? Nililigawan ako ni Alec?
"Uhh. T-Thankyou." ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
I can't help not to blush in this moment.
"Kyaaaahhh. Siya nga! Its Jyra." sigaw ng isa sa mga usi na kanina pa nakamasid samin.
"Yeah, its her." naka cross arms na umalis ang isang group of girls, at noo'y sunud sunod na silang umalis. While, ang mga kaklasi ko naman ay nagsiupo na sa proper places.
"Haba ng hair mo, friend!" kinurot ako ni Karen sa bewang.
"Uhh. I'm sorry for bringing a short commotion here, Jyra."
Napansin siguro ni Alec ang pagka ilang ko dahil saming dalawa nakapokus ang attensyon ng lahat.
"I-Its okay." ngumiti ako sa kanya.
That made him smile too.
"Then, see you at the Accounting class!" wika nito bago tuluyang umalis.
Accounting Class?
Ay oo nga pala. Magiging magkaklase kami for this whole week dahil nagleave ang teacher nila.
Nilibot ko ang tingin ko sa mga kaklase ko. Nakataas ang mga kilay nila, specially yung mga kababaihan.
"Uh oh, this doesn't sounds good." biglang sambit ni Karen.
* Accounting Time.
Nagulat ako nung biglang tumayo si Karen sa seat niya.
Sakto naman ang pagdating ng klase nila Alec.
Walang alinlangan siyang umupo sa tabi ko.
"Hi seatmate." kumindat pa siya sakin.
"So cuuttee." mahinang sabi ng nasa likod ko.
"Hello." tanging nasagot ko.
"I'm Alec Brandon Chaii Dungo. And you are?" inabot niya ang kamay niya sakin. Anu bang trip neto?
"Alec?" warning ko.
"Haha! Why so serious, Jyra?" tinignan niya ako ng diretso sa mata.
"Wala naman."
"Are you tensed, dahil katabi mo ko?" he flash that mysterious smile.
"Anu ka ba. Wag nga ako pagtripan mo." ewan ko ba, bakit ang sungit ko. Siguro malapit na akong datnan ng bisita ko, kaya ganito.
"So, you're irritated?" biglang naging seryoso ang tono niya.
"Ha?"
"You don't want me here?" cold na ang boses niya.
"Wala naman--
"Yeah, she doesn't want you there, Prince Alec. And she's so irritated now!" singit ni Maui.
"I'm not talking to you!" Alec said to Maui. And he coldly went out of the room.
A...anung...nangyari...don?
* DISMISSAL
"Karen. Anung gagawin ko? Palagay mo ba nagalit siya?"
"Haleer! Manhidity strikes again, Jai?"
"Ehh kasi.."
Nataranta ako ng makita si Alec na naglalakad sa baba papunta sa building namin.
Nasa third floor kasi kami kaya kitang kita ko siya.
Wala sa sarili akong nagtype ng message.
To: Alec Dungo
Sasabay ako kay Karen ngayon. Ingat ka sa pag uwi.
Nagvibrate ata ang cellphone niya at agad niyang napansin ang text ko.
Maya maya lang nagreply siya.
From: Alec Dungo.
Okay. Take Care
Nalungkot ako sa reply niya. Hindi ko alam kung bakit. I just felt sad.
"Karen, uuwi ka naba?"
"Naku hindi pa Jai e. Pupunta kami ni Kuya sa puntod ni Papa. Death anniversary kasi niya."
"Ah, ganun ba? Osige. Ingaat kayo."
"Ikaw din. Bye Jai !"
Heto ako ngayon, nag iisang nagbyahe pauwi.
Sumakay ako ng jeep. Konti lang ang paseho ng driver. Mukhang mga estudyante rin, pero sa ibang school.
Binaling ko ang tingin ko sa bintana. Ang sarap ng ihip ng hangin. Sobrang nakakarefresh. Nakakawala ng stress. How I love nature.
"Para po!" sigaw ng isang pasahero.
Huminto naman ang driver. At isa isang bumaba ang lahat ng pasahero, pwera ako. Halaa, mukhang may project silang tatapusin kaya sa iisang kanto bumaba.
Sa pag andar ulit ng jeep, doon ko palang napansin na ako nalang pala ang sakay nito.
Ang pinagtataka ko, may mga pasahero kaming nadadaanan, pero hindi hinihintuan ng driver.
Ah, baka pauwi narin siya kaya ganon.
Maya maya pa, malapit na ako sa subdivision namin.
"Para po!"
Hindi parin hininto ni manong ang jeep.
"Para ho, manong."
Wala parin.
"Para po sa tabi."
Tinignan ko yung driver, nakatingin din siya sakin, doon sa mirror.
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Lalo kasing binilisan ni manong driver ang pagmamaneho.
Lumampas na ako!
"Oh Lord, please help me po." tanging nasambit ko.
At hindi ako binigo ng panginoon.
Traffic light - RED
Sinamantala ko na ang pagkakataon upang bumaba. Bumaba rin si manong at sumunod sakin.
This time, tumakbo na ako. Pero dahil malalaki ang mga hakbang niya, nahabol niya ako.
"Dito ka lang, eneng." hinawakan niya ang braso ko.
"Pakiusap po, bitawan nyo po ako." nagpupumiglas ako pero malakas siya.
Pilit niyang inilalapit ang mukha niya sakin, ako nama'y lumalayo.
Maiiyak na ata ako sa kaba. Anu bang problema ni manong? Bakit siya ganito?
Gustong gusto kong sumigaw ng tulong pero mukhang nabasa niya ang isip ko, kaya tinakpan ng isang kamay niya ang bibig ko. Habang ang isa naman ay nakahawak parin sa braso ko. Sobrang higpit ng hawak niya, pakiramdam ko, babaon na ang kuko niya sa kamay ko. Nasugat na na ata ang braso ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Patuloy parin ako sa paglayo at pagpupumiglas.
Ngunit unti unti narin akong nawawalan ng hininga dahil sa pagkakatakip niya ng bibig at ilong ko.
"Lord, I know you'll never left me." ipipikit ko na sana ang aking mga mata.
Nang biglang..
*PUK!*
May sumuntok kay manong driver, kaya nabitawan niya ako.
Hinang hina akong tumingin sa direksyon niya.
Thank God!
"Who the hell give you the permission to touch her?!"
Patuloy ang pagsuntok ni Alec sa driver.
"You reckless man!" *Puk. Puk*
"Alec!" hinila ko si Alec palayo driver.
Nakahandusay na kasi sa sahig yung driver, at bugbog na bugbog na ang katawan niya.
Ngayon ko lang ulit nakitang ganito si Alec. After more than a year, waring nanumbalik ang monster side niya.
"Do that again and you'll die!!" nanginginig parin sa galit si Alec.
"T-tama na." I held his hand for him to calm down.
"Go get lost!" at sinipa niya ang nanghihinang driver.
"Tama na, please."
Tumingin siya sakin with so much anger and concern. Then, he suddenly hug me.
"Don't do that again Jyra. I'm so worried!"
"Yeah. I'm sorry."
"You...you make me feel anxious."
I felt that weird feeling again.
The fast heartbeat.
The fireworks.
The butterflies in my tummy.
My heart thumps.