[Michelle's P.O.V]
Grabe, nagulat talaga ako nung sinabi ng george na siya daw ang anak ng may-ari ng school. Puutek! E bakit naman kasi hindi ko nakilala yun? Ay tama, di ko pa pala nasasabi sainyo, transferee lang ako sa school na to' kasi public school lang naman talaga ako dati e. Pero nung nakapasa ako sa scholar ship exam ayun, nakapasok ako dito.
Daldal ko na masyado, pero grabe! Natatakot parin ako. Pano kung matanggal ako sa scholar ship? Edi pataaay! Wala namang trabaho si tatay tapos si nanay maliit lang ang kita sa ukay-ukayan! Haaaaist.
First day ko pala ngayon sa trabaho, sinabihan ko si ate jinky na every hapon hanggang gabi nalang ang trabaho ko, para makapag review pa ako kung tanghali..
"Look who's here.. Ang babaeng sinabihan ng tanga at bobo ang nagiisang george dela rosa." Sabi ni Maddie. Isa siya sa mga sikat dito sa school, at sobrang mean niyan. Halata naman diba?
Pero wait, pano niya nalaman tungkol dun??
"Teka, anong ibig mong sabihin? Pano mo nalaman yan?" Tanong ko.
Natawa naman siya pati mga alipores niya, Tch! Kala mo nman maganda, e tadtad sa make-up mga feslak nila. Mukhang clown na. HAHAHA!
"You really don't know? Kalat na sa buong campus ang ginawa mo."
Gulp.
Double gulp.
Tripple gulp.
o.o
0.0
O.O
OA na author. Pero WHAAAT? Kalat na? Sheeeemay! Huhuhuhu. T.T Speechless ako. Tae naman oh. Pano nangyari yun?
"Oh ano? NGANGA ka? Mag ingat ka kase sa mga taong binabangga mo." Sabi ni maddie. Tapos nag grand exit sila with matching flip hair pa. Tsss.
Ako naman eto, naiwan sa hallway na nkayuko. Pano ba naman kasi lahat ng attention nasa saakin. Pahiya ako dun ah.
Naglakad nalang ako papuntang locker kasi kukunin ko pa books ko na iniwan ko.
Pagbukas ko, may envelope at flower na naman sa loob. Binasa ko ang laman ng envelope yung mahina lng, yung ako lang ang nakakarinig.
"Never frown even if you're sad because you'll never know who is falling inlove with your smile." Napangiti naman ako sa nababasa ko. Haays! Sino kaya tong mysterious admirer na to'?
Binalik ko yung envelope sa loob ng locker ko tapos kinuha ko yung mga books na kaylangan ko para sa klase ko mamaya. Nagumpisa na rin akong maglakad pabalik sa room.
**
"Mich, ano yung chismis na kumakalat dito sa school na pinagsasagot mo daw ang anak ni Mr. Dela Rosa?" Tanong ni kiko.
"Nakng naman kiko oh, Alam ko bang anak yun ni Mr. Dela Rosa? Ikaw kaya tapunan at batuhin ng frees bee sa ulo hindi ka magagalit? Tapos instead na mag sorry sya saken, tatawa pa sia? Tama ba yun ha?" Sagot ko tapos umalis na.
Naiinis ako, Si George yung mali pero ako pa yung nagmumukhang mali? Hustisya naman oh. Nakakabwiset! T.T
Sorry napmura ako. Nagiinit lang talaga ulo ko. Dapat hindi nalang ako mag pa apekto sa mga sasabihin nila. Tama, yun nalang gagawin ko.
[Mysterious Admirer's POV]
Hindi muna ako magpapakilala kung sino ako ngayon.
Matagal ko ng sinusundan at sinusubaybayan si Michelle. Oo mahal ko siya. Simula noon hanggang ngayon.
Bestfriend ko si Mich nung bata pa kami, Pati parents namin mag bestfriend din, pero dahil sa nangyaring aksidente, namatay parents niya, tapos siya napagkamalang patay na rin, pero alam ko sa sarili ko na buhay siya kaya nung 1st year HS ako nag pa imbestiga na ako about sa nangyare. Tama ang narinig niyo, I was 13 years old young nung pinahanap ko si mich, hnd alam yun ng parents ko.
Based sa investigator namin, nag ka amnesia daw si mich at di na nya maalala ang mga nangyare. Tapos nakuha daw sya ng isang lalakeng nagngangalang Dinoy Maghirang, at yun ang kinikilalang tatay niya.
Masakit tanggapin na hindi niya na ako maalala pero kakayanin ko ang sakit na yun, kasi mahal na mahal ko si Mich at yun ang sinisigurado kong hindi mag babago.
[Michelle's POV]
Uwian na ngayon kaya dumiretso muna ako sa CR para mag bihis ng damit ko, naka pink shirt na ako na may tatak na Happy Hotdog tapos nag pantalon lang ako na fit at doll shoes.
Pagkatapos kong magbihis dumiretso na agad ako sa stall na pinagtratrabahuhan ko.
Hay! Sana maging maganda ang first day ko sa trabaho.
#AJA! Kaya ko to. Let the good vibes enter my day. No Bad vibes all the way. Muntanga lang ako, nag chachant mag isa. HAHAHA!
"Magandang hapon ate jinky." bati ko kay ate jinky na nag luluto ng hotdog.
"Magandang hapon din michelle, ang gagawin mo pala ngayon magtitinda ng hotdogs dun sa park na suot suot yung happy hotdog costume." sabi niya sabay turo dun sa costume. Nilingon ko nman ito.
Yay! Keribels na yan. Tumango naman ako tapos sinuot na yung costume.
-*-*-*-*-
"Happy hotdogs, bili na kayo! Masarap to. Juicy pa! Happy hotdogs. Bili na po kayo." sigaw ko habang nag iikot dito sa park. Konti palang kasi na bebente ko e. Tsk!
"Ate, dalawang hotdogs po." sabi ng bata. Kinuha ko yung hotdog tapos nilagay dun sa lalagyan, nilagyan ko din ng ketchup tapos binigay ko sa bata.
"Eto po ang bayad ate." binigyan niya ako ng 30 pesos, tig 15 pesos kasi ang isa.
Nagpatuloy ako sa pagtatawag ng tao, geez. Ba't ang hina ng benta? Goodvibes please? Sana naman maubos to.
Nagikot ikot pa ako dito sa park, tapos buti may bumili din, mga ilang hotdogs nalang ang nandito bago maubos, habang naglalakad ako may nadaanan akong lalaking naninigarilyo, Tsss. Ang baho ng amoy. -_- Di ba nila alam, smoke can kill? Ba't kasi nauso yang sigarilyo na yan. (-.-)
[George's P.O.V]
Nagka-POV na rin ako! Alam nio bang hanggang ngayon, nanggagalaiti ako dun sa babaeng yun? Grabe, perstaym yun bro. Sigaw sigawan ako? Huh! Di niya kasi alam kung sino kinakauusap niya e.
Pero, i admit it. Ako ang may kasalanan, sinadya ko talagang tamaan siya ng frees bee. Hahaha! Ang sama ko ba? Well, Im George Dela Rosa the bad boy in our school.
I find that girl cute when she's angry. Hahaha! Nagiging amazona sya.
Andito nga pala ako ngayon sa park kasama ang tropa ko, Patrick Rivero girlfriend niya si Ella Dimalanta ng sweet ng dalawang yan. Hahaha. Kasama ko din si Ivan Lacson, yan ang lalaking naniniwala sa slow mo at fast forward. Weird noh? Inlove yan sa bestfriend niyang si patchot.Ganda nun! XD And last but not the least sa tropa si Angelo Sabroso, tita niya si Vice Ganda. Galeng noh? Hahaha. Yang si Angelo, palaging kinukulit si Kathy. Classmate din namin, pero kabilang section. Ganda din nun e. Lol. Ako nalang walang pinagkakaabalahang babae. Hays! Time will come, i can find the right girl for me.
"Pare, yung babae. Nasusunog ang hotdog costume niya." sigaw ni angelo.
Lumingon ako sa babaeng tinuturo niya at halos maluwa ang mata ko sa nakita, yung babaeng sumisigaw sigaw saakin, nasusunog ang costume niya at halatang tarantang taranta na siya, hindi ko alam kung anong nagtulak sa paa ko na tumakbo papunta sakanya at binuhat sya ng pangkasal at hinagis siya sa fountain. Wala na akong choice, alangan namang pabayaan ko siya na nasusunog diba? Kaya okay na yun.
"Bkit mo ginawa yun, ha?" sigaw niya. Kita mo to' siya na nga ang tinulungan sya pa magagalit.
"Wala akong choice e, alangan namang pabayaan kitang nasusunog diyan. Tss, san ka ba nag tatrabaho?" tanong ko.
"Sa happy hotdogs." sagot niya, nagtatrabaho pala to samen. Hmm.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at binuhat sya ng pang kasal paalis dun sa fountain. Nabasa tuloy ako, syempre basa sya. -_________-
"Ano ba, ibaba mo nga ako. Nakakahiya oh. Ang daming nakatingin." Pagpupumiglas niya, tss! Pasalamat nga sya, tinulungan ko pa siya.
Huminto ako saglit. "gusto mo ba talagang bitawan kita? Tsaka may hiya ka rin pala noh? Tumahimik ka nga jan." Natahimik naman sya tapos lumakad na ulit ako.
Pagdating namin sa hotdog stand nadatnan namin si ate jinky na nag-liligpit na. Binaba ko naman tong babaeng buhat buhat ko. Di man lang nagpasalamat. Psh.
"Sir, ano pong nangyare?" tanong ni ate jinky na may halong pagkagulat. "At bakit basa po kayo ni michelle, tapos HALA! Bakit sunog tong costume?"
"Uhm, ate jinky sorry po. Hindi ko rin po alam kung bakit nagkaroon ng apoy e." Pagpapaliwanag ni michelle na nakayuko.
"Magbihis ka muna michelle, mag-uusap tayo mamaya."
Umalis na yung michelle. "Sir, pasensya na po talaga. Baguhan palang po kasi yang si mich, de bale. Kakausapin ko po sya mamaya."
"Ok lang po ate jinky, just let her now na kami ang may ari nitong hotdog stand. Don't fire her. Ok?" tumango naman si ate jinky, naglakad na rin ako pauwi, syempre basa ang damit ko baka mag ka sakit pa ako.
Aish. Bakit ko ba sinabing wag i fire ang babaeng yun? Haaaays!
[Michelle's P.O.V]
Nagbihis na ako ng damit ko dito sa CR, grabe. Nakakainis talaga yung george na yun. Grrr. Pero, thankful parin ako ksi tinulungan niya ako, dahil kong hindi. For sure tostadong taong hitdog na ako ngayon.
Nakakainis naman kasi e, san ba nanggaling yun apoy na yun? Aissh. Pagkatapos kong magbihis lumabas na kaagad ako. Sinalubong naman ako ni ate jinky sa daan.
"Michelle, mag usap tayo." sabi ni ate jinky na seryosong seryoso ang mukha. Ohem! Kinabahan tuloy ako.
"Ah. Sige po." sagot ko.
"Kilala mo ba yung taong naghatid sayo kanina?" tanong niya. Opo kilala ko yun. Siya si George Dela Rosa na sobrang yabang at nakakabanas ang mukha. Gusto kong sabihin yan pero nahihiya ako. Baka ma fire pa ako sa trabaho ng di oras e.
"Si George Dela Rosa po." sagot ko.
"You better say sorry to him, sila ang may-ari ng hotdog stand na pinagtatrabahuhan mo." sabi ni ate jinky at umalis na.
Okaaay-----WHAAAAT? Seryoso? Sila George ang may-ari? Like wtf? OMG! NKKLK.
Pano ako mag sosorry sa kanya?
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
3rd Chapter is done. Kamusta naman ang chapter na to? PLEASE COMMENT and VOTE it is highly RECCOMENDED! BE MY FAN ALSO. Thankyouuu! :*
Next Update? I don't know. HAHAHA!
Guys, this is my twitter account @BossKateP Feel free to follow me and ask for a followback. Thanks :*
-KATEniel™