NICA'S POINT OF VIEW
Thanks God it's firday! \m/ Mamayang gabi na pala yung gig namin. Yay! Eggzoited na ko, tapos makikita ko na rin sila Ate Gab at Kuya Zac. Oh well, di pa nila alam na nandito ko surprise ko nalang sila maya. ^__^
Tinignan ko muna phone ko, bago bumangon. Uy may nagtext!
From: Zyrene bully!!
Goodmorning soon-to-be-my-wifey! Gising na ha?
Kitakits na school maya. Take care. :*
Napakunot naman noo ko dun. Soon-to-be-wifey nya mukha nya! Nagsisimula nanaman to mambully at bwisitin ang araw ko. Pabayaan na nga!
FASTFORWARD >>
*School*
Naunan na pumasok yung tatlo. Wow ha! Di manlang talaga ako hinintay. >__<
"Diba sya yung fiancé ni Prince Zyrene?"
"No waaay! Di maaari!"
"Ang cute nya."
"Yah. She's so cute."
"Waaah! Prince Zyrene ko, babawiin din kita wag ka mag-alala."
Ansabe naman nung huli? Sige te! Sayo na, ok lang! Sakanila na yung bully na yun! Isaksak nila sa baga nila. Hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na ko agad sa classroom. Nauna na kasi yung tatlo, mga walangya! Iwan daw ba ko? Haay.
"Goodmorning Nics!" bati nila sakin. Lumapit na ko agad at inayos yung bag ko.
"Ooh~ Whats with the face?" tanung ni Cassey.
"Mukhang kang constipated. Hahaha!" sabi ni Sab. Ok? Kahit kelan talaga tong babaeng to.
"Che! Shut up Tyron!" Ha! Take that! :P
"Yo! Bat narinig ko ang maganda kong pangalan?" nandito na pala tong apat. Mukhang galing sa practice. Wet look ang pogi nila lalo na si Zy--Ehrm! Nevermind! Di ako attracted bully sya bully!
"Ay ang hangin!" pagpaparinig ni Sabrina
"Ay may umepal." pagpaparining din ni Tyron
"Goodmorning wifey!!" napatingin ako kay Zyrene at sa paligid lahat kasi sila nakatingin samin.
"Wifey?!" sigaw nung tatlong bruha kong kaibigan.
"Wifey! Di mo manlang ba babatiin ng Goodmorning ang Hubby mo?" HUBBY?! Sheez! Bat parang bumilis ang tibok ng puso ko tapos parang namula ko. Whooo! Aircon please! Walangya ka Zy!
FASTFORWARD >>
*Canteen*
"Kyaaah! Kinikilig ako." kinikilig na sabi ni Cassey.
"Wifey daw? For the win! Hahaha." sabi naman ni Yana.
"Uuuy, kinikilig na yung isa dyan!" tapos tinusok tusok pa ni Sabrina yung tagiliran ko. -__-
"Shut up!" Walangya ka Zyrene! Kasama rin ba to sa plano mong pangbwibwisit sakin? Well kung oo, effective sya dahil nabwibwisit ako! Maya maya dumating na rin yung mga lalaki dala yung pagkain namin.
"Here wifey, kain ka ng madami ha?" tapos nilagay nya sa harap ko yung foods.
"Pft!" napatingin ako dun sa tatlo na mga nagpipigil ng tawa kaya tinignan ko sila ng masama buti naman natinag.
"Uy, Sab! Sorry na." out of the blue na sabi ni Tyron.
"Che! Walangya kang hayop ka! Dahil sayo napa-Office ako! Di kita mapapatawad!" sabi naman ni Sab. Ah, mukhang alam na!
"Sorry na, kahit wag mo na bayaran yung 5 pesos." sabi ni Tyron.
"Di ko talaga babayaran yun! Di rin kita mapapatawad!" sabi naman ni Sab at inirapan sya. Nakatingin lang kami sakanila habang nagbabangayan. Bagay sila infairness. Yiiie.
"Edi sorry na." sabi ulit ni Tyron. Hm, mukhang affected much si Tyron dahil galit sakanya si Sab di kaya may gusto na sya? Samantalang dati wala syang pakialam pero ngayon sorry ng sorry.
"Bakit muna kita papatawarin?" tanung ni Sab. Mukhang kinikilig ang bruha!
"Kasi pogi ako." tapos nagtaas baba ang kilay nya.
"Ha! Sa ganda kong to? Papatawarin kita? Over my dead sexy body. Never."
"Concistence much?" tanung ni Tyron. Ha? Concistence? -__-?
"Pft! Hahahaha! Concistence ka dyan! Conceited, tanga!" pagko-correct ni Sab. Yun pala yun!
"BWAHAHAHAHA! Ang tanga mo tol!" sabi nung tatlong lalaki in unison. Mukha naman napaisip si Tyron na mali pala sya kaya nagtawanan kaming lahat. Hahahaha!
ZYRENE'S POINT OF VIEW
Ang cute kumain ni Wifey ko. ^___^ Ang ganda nya grabe. Shit! This is so gay, pero di ko mapigilan mahal ko eh. Kayang kong gawin lahat para sakanya kahit magpaka-korni pa ko. Ok lang! Para naman sakanya.
"Hi Zyrene." napatingin ako dun sa babae.
"Oh, Hi." bati ko. Ex ko yata to? Anu na name nito?
"Miss me?" tanung nya.
"*cough* *cough*"
"Uy, Nics! Ok ka lang? Juice oh." tapos inabutan sya ni Yana.
"Y-yes. I'm fine. Ehem!" tapos kumain na ulit sya after nya inumin yung juice.
"So it's true fiancé mo pala sya." sabi nya habang nakatingin kay Nica.
"Yes, she's my fiance." proud na sabi ko.
"Devon!" may tumawag na babae sakanya. Ah, Oo pala Devon pangalan nya.
"Oh, I see. Well then I have to go. So, see you around?"
"Yah, sure." I smiled
"Bye babe." at umalis na sya. Ha? Babe?
NICA'S POINT OF VIEW
Babe pala ha! Pagbuhulin ko lalamunan nila e! Grr! Nakakabwisit! Magsama sila nung malanding babae na yun! Mga walangya! Naglandian pa talaga sila sa harap ko. Hello? Fiancé here! Lechugas! Kadiri! Kadiri! Nakakita lang ng malaking bogelia tong Zyrene na to nakalimutan na nya na may fiancé sya and worst! Katabi pa nya tapos nagawa pa nya makipaglandian?! Pwe!
"Kawawa naman yung manok." sabi ni Cyrus.
"H-ha?"
"Nics! Kawawa nga naman yung friend chicken mo." sabi ni Yana. Eh? Napatingin ako sa kinakain ko. Hala! Kawawa nga gutay gutay na. >____<
"Hahahaha! Alam na!" tapos nag-apir sina Sab at Cassey. Eh?
"Geunyeoneun jiltu!" (She's jelous) sabi ni Yana tapos ngumiti ng nakakaloko.
"Ani!" (No) depensa ko. >____<
"Jeongmallo?" (really?) sabi ni Cassey at Sab sabay talaga ah. -___-
"Ne!" (yes) sabi ko.
"Heh! Hahahaha!" nagtawanan ulit sila. Yung mga lalaki naman mukhang clueless sa pinag-uusapan namin. Mabuti na rin yun!
"Shikkeureowo!" (Silence!) sigaw ko sakanila
"Fine. Fine! Hahaha." Sab. -___-
"Pre, anu daw pinag-uusapan nila?" tanung ni Tyron.
"Aba ewan ko! Baka usapang Alien." sabi ni Paul.
"Beb! Anu yung pinag-uusapan nyo?" tanung ni Cyrus
"Nothing. Hahaha." Yana.
"Kumain na nga kayo!" sabi ko, tyaka nagpatuloy sa pagkain.
*Restroom*
Nandito kami ngayon sa restroom, pinauna na namin yung apat.
"Uy, Nics! Kanina kapa nakasimangot dyan." sabi ni Cassey.
"Baka nagseselos nga talaga?" sabi ni Sab ng may halong pang-aasar.
"Tanggalin mo na yung baka! Dahil nagseselos nga talaga yan!" sabi ni Yana.
Tinignan ko sila ng masama. Selos selos! Psh.
"Haynako Nics sa tagal tagal nating magkakaibigan ngayon kapa ba magdedeny? Kilala kana namin di mo kelangan magdeny samin!" sabi ni Yana.
"Psh. Ako nagseselos? Hell no! Wala akong pakialam kahit maghalikan pa sila sa harap ko! Magsama sila nung Devon nya! Mga losers! Bagay sila parehong malalandi!" sabi ko.
"Ah, selos ka nga." sabay sabay na sabi nila tapos tumango tango pa sila. -___-
"Ewan ko senyo! Paniwalaan nyo gusto nyong paniwalaan!" sabi ko sakanila at lumabas na.
Habang naglalakad kami papuntang classroom may di kaaya-ayang tanawin akong nakita. Biglang sumama ang ihip ng hangin. Kumulo lalo dugo ko. -____-++++ Nasa pintuan lang nalaman yung dalawang malalandi habang naglalandian! Sino pa ba? No other than ang malandi kong fiancé at ang kanyang haliparot na EX!
*Maldita mode*
"Ehem!" pero mukhang di ako napansin. Wow ha! Teka lang.
"TABI! HAHARANG-HARANG!" at dumaan ako sa gitna nila sa sobrang lakas ng pagkakadaan ko napa-upo si haliparot na Devon sa sahig. Tinignan ko sya sabay...
"*smirk* *flips hair*" at pumasok na ko agad sa classroom. Serves her right!
SABRINA'S POINT OF VIEW
Nakita nyo yun? Wahahahaha! Ang galing ni Nica. Obvious na obvious na selos si atiii! Tinignan lang naming tumatayo mag-isa si Devon. Poor girl. Ang sama makatingin.
"Lagot ka." sabi ko kay Zyrene at pumasok na kami sa classroom.
Pinuntahan agad namin si Nica na mukhang bored habang naka-halumbaba sa desk nya. Wala pa yung iba, nasan naman kaya yung mga yun?
"*clap* *clap* *clap* Bitch please?" sabi ni Yana at Cassey at nagtawanan kami sabay apir.
"Psh! Shut up guys." sabi ni Nica tapos nag-roll eyes.
"Taruuush! Haha. Di ka pa nagseselos sa lagay na nyan?" tanung ko.
NICA'S POINT OF VIEW
"HINDI!" pagdidiin ko. Di naman talaga ako nagseselos e. Naiinis lang, magkaiba yun! diba?
"Wow! Hindi daw oh. Pero obvious naman!" sabi ni Yana. Seriously? Hindi talaga nila ako tatantanan?
"Hindi naman talaga! Badtrip lang ako kaya ganun." sabi ko. Totoo naman. >_>
"Ge, sabi mo e." sabi ni Cassey
"Haynako naman oh. Alam mo para kang constipated." napatingin ako kay Sabrina.
"Constipated?" tanung ko.
"Oo, kasi ang pagtingin mo kay Zyrene parang tae, HINDI MO MAILABAS!"
"Woah! San mo naman nakuha yun? Pero ang galing ah! Agree ako, constipated nga si Nics!" pag-sang ayon ni Yana.
"Waaah! Edi constipated ako kay Paul? Hihihi." mahinang sabi ni Cassey.
"Parang ganun nga Cass. Hahaha. Pero mas matindi naman yung isa dyan, obvious na todo deny pa. Kung sino pa yung mga nasa paligid nya yun pa yung mga mas nakakakita at nakakaramdam!" sabi ni Sabrina. Wow ha! Daming alam ng babaeng to. Kaloka!
"Oo nga e. Grabe no? Pag nandyan todo taboy, pero pag wala naman na si guy hinahanap, tapos pag may kasamang iba ang sungit!" Cassey
"Trula mga bakla! Halatang halata na nga todo palusot parin. Kaloka!" Yana
"So ganun? Ako pinagtutulungan nyo? Wow ha! Thankyou ah! Kaibigan ko talaga kayo. Alis na nga kayo ako nanaman nakita nyo!" pag-tataboy ko sakanila. Basta Nics! Di ka nagseselos ha? Wag mo sila pansinin mga baliw lang yang mga yan. Wag mo pansinin! >.<
"Nics! Galit ka ba?" napatingin ako dun sa nagsalita. Oh! Speaking of the devil. Di ko nalang sya pinansin.
"Uy, Nics! Wala lang yun. Sorry na." *pout* Jeez! Bat ang cute nya mag-pout! >.<
"Uy, wifey! Pansinin mo naman na yung hubby mo." tapos kinakalabit nya ko. Ignore him Nica! Naiinis ka sakanya. Yung tatlo naman nagpipigil ng tawa. Pagbuhulbuhulin ko sila eh!
"Che! Dun kana sa Devon mo, tutal gustong gusto mo naman! Dun ka nalang magpakasal! Shoo! Alis!" at binugaw ko sya na parang aso.
"Nagseselos ka ba?" biglang tanung nya.
"H-hindi ah!" sabi ko tumingin sa ibang direction. Hindi naman talaga! >_>
"Eh, bat ka nagagalit pag kinakausap ko si Devon?" teka! Oo nga bat nga ba ko nagagalit? So what kung mag-usap sila? Err!
"Ewan! Lubayan mo na nga ko, alis alis!" pagtataboy ko sakanya. Anu bang nangyayari sakin? Samantalang dati naman wala akong pakialam kung makipaglandian sya sa iba! Haaay.
FASTFORWARD >>
*Lunch time*
"Guys! Hiramin ko muna yung fiancé ko ha?" napatingin ako kay Zyrene.
"Ha? Pinagsasabi mo?" mataray kong tanung.
"Basta." *wink* at hinawakan nya ko sa wrist.
"Ayoko!" pagpupumiglas ko, pero lalo nyang hinihigpitan yung pagkakahawak nya.
"Sige lang, pwedeng pwede!" sabi Yana. Walangya ka Yana!
"Kahit wag mo na sya ibalik." sabi ni Sab. Wow ha!!
"Oo naman, ok lang samin, dali alis na kayo" pagtataboy samin ni Cassey. Uwaaa! Kaibigan ko ba talaga sila?
"Teka! San kayo pupunta? Sama ko." habol no Tryon kaya binatukan sya ni Sab.
"Ang tanga mo naman talaga kahit kelan! Magde-date yung dalawa oh tapos sasama ka pa? wag kana umepal! Hala sige! Zyrene, alis na kayo. Bye!" at pinagtulakan pa nila ako lalo. Wow! Bestfriend ko ba talaga tong mga to?! Seriously?
Wala na kong nagawa nung ninila na nya ko palabas ng classroom at ang mas nakakainis pa ay pinagtitinginan kami. >.<
"San ba kasi tayo pupunta?!" iritang tanung ko, pero di sya kumikibo dire-diretso lang sya. Ay naman oh! Habang naglalakad kami nag-slide yung kamay nya mula sa wrist ko kaya ngayon holding hands na kami. Ang lakas nanaman ng tibok ng puso ko tapos parang nakuryente ako. Ay naman Zyrene!
"Omp!" bigla syang huminto sa paglalakad kaya nabangga yung mukha ko sa likod nya. Sakit sa ilong ah! Agad akong napatingin sa paligid nasa garden pala kami sa school. Tapos may nakalatag na white blanket sa bermuda grass at may basket na nakalagay dun.
"Anu to? Picnic?" natatawang tanung ko.
"Yep!" sagot nya.
"Yung totoo Zy, anung trip mo?" tanung ko.
"Wala naman, gusto lang kita masolo masama ba yun?" eto nanaman po yung kakaibang feeling. Anu bang nangyayari sakin? Di naman ako ganito dati sakanya ah?
"Psh. Ewan ko sayo!" sabi ko at umupo na sa blanket umupo din sya sa tabi ko at isa-isa nyang nilabas yung mga pagkain.
"Ikaw nagluto nyan?" tanung ko.
"Yep! Para sayo." nakangiti nyang sabi. Sige na, aamin na! Kinikili na ko. Walangya ka Zyrene! Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan ng kung ano-anu.
"So, galit kapa ba sakin?" tanung nya.
"Hm. Ewan." sabi ko sabay subo nung pagkain. Infairness ang sarap ha!
"Psh. Basta bati na tayo ha? Ha? Ha?" pangungulit nya tapos hinawakan pa nya kamay ko. Kuryente nanaman!
"Che! Dun ka nalang sa Devon mo." sabi ko.
"Devon nanaman. Wala nga yun! Past is past." sabi nya.
"May mag-Ex palang ganun? Wow ha!" sabi ko.
"Teka. Nagseselos ka ba?" muntik na kong mabulunan sa tanung nya.
"Ako magseselos? Hindi ah!" sabi ko.
"Nics." napatingin ako sakanya ng biglang sumeryoso yung tono ng pananalita nya.
"Hmm?"
"Mahal kita."
"*cough* *cough*" nabilaukan na kong tuluyan.
"Hala! Tubig oh." at inabutan nya ako agad ng tubig.
"T-thanks." I cleared my throat. "Anu nga ulit yung sinabi m-mo?" tanung ko, baka nagkamali lang ako ng rinig eh.
"Mahal kita Nica." shet!
"Naka-drugs ka ba? Pwede ba Zy! Pinagtritripan mo nanaman ako no?" tanung ko. Uwaaaah! Ang awkward!!
"Hindi. MAHAL NGA KITA NICA AUSTRIA!!" sigaw nya. Waaah! Di ko alam sasabihin ko kaya napatanga nalang ako sakanya.
"H-hehehe. Wag mo kong sigawan di ako bingi!" sigaw ko sakanya pampatagal ng awkwardness at kaba. Ajujuju. Di ako prepared, naman eh!
"Oh, look who's here." pareho kaming napatingin dun sa nagsalita. Ok, the devil is here.
TENTENENEN! DEVONYITA!!! joke!
"Picnic in the school? Sweet." and she smiled sweetly.
"What are you doing here?" cold na tanung ni Zyrene.
"Hm. Magpapahangin lang sana pero iba nadatnan ko. Mind if I join you guys?" tanung nya.
"Sure." sabi ko. Yuck! Napatingin sakin si Zyrene ng what-the-heck-look pero nagkibit balikat nalang ako.
"Thanks." at umupo na sya. "So kamusta naman kayo?" tanung nya.
"We're great just great!" sagot ko, bat kasi nandito to, baka masabihan pa kasi ako ng bitter pag di ako pumayag na makisali sya samin, ayan tuloy! Sige ngayon lang papakaplastik ako. >.<
"Hm. Zy, naaalala mo pa nun? Dito tayo madalas tumambay?" EH ANO NGAYON?! Lechugas ka!! Hello? Finacé is here. Hambalusin kaya kita dyan!
"Uhm. Past is past Devon." naiilang na sabi ni Zyrene tyaka tumingin sakin.
"Why? Magagalit ba yung fiancé mo? Di ko naman alam, under ka pala nya." at tumawa pa ang baliw! Take note: tawang PILIT pa!
"Di naman and in fact ok lang sakin yun." sabi ko at ngumiti ng FAKE.
"Dito ang tambayan natin dati lagi." sabi nya habang nililibot yung paningin sa paligid. "Di ko naman alam na dadalhin mo din pala yung fiancé mo dito." sabi nya. Ok, kalma Nica.
"Matagal na yun." sabi ni Zyrene.
"Hala, sorry Nica ha? Naalala ko lang talaga. Ang dami kasi naming memories ni Zy dito pero private na yun iba, like you know." uso mahiya girl, try mo.
Ngumit nalang ako at kinontrol ang sarili ko.
"Oh, ok lang pala eh. Tapos diba dito mo pa ko hinalikan nun? Yo're so naughty that time and--"
"Devon!" Zyrene cut her off.
Puchingining! Ibang usapan na ito! Sobra naman na yata. Hinalikan sya ni Zyrene? Iniimigane ko palang yung itsura nila habang naghahalikan parang may kung anung tumutusok na sa pusok ko. I can't stand it!
"N-nica, san ka pupunta?" tanung ni Zyrene.
"Look. It would be better kung umalis nalang muna ko, mukhang para senyo yung time na to para mag-reminisce ng happy memories nyo. Ciao!" sabi ko at naglakad na ko paalis, naririnig kong tinatawag nya ko pero di ko sya tinitignan, dumiretso agad ako sa cr.
Anung iniiyak iyak mo dyan Nica?! Diba pumayag ka naman na maki-join yung Devonyita na yun?! Tyaka so what kung naghalikan sila dati? Gawain naman yun ng mag-boyfriend at girlfriend diba? Pero bat ka nasasaktan!! Nakakainis! Habang nakatitig ako sa salamin nagulat ako ng biglang lumabas si Sabrina sa cubicle kaya agad kong pinunasan yung mga luha ko.
"Pupunasan pa, obvious naman na umiyak ka! Hilig mo talaga mag-deny!" sabi nya at lumapit sakin.
"Anu ba nangyari? Kala ko magkasama kayo ni Zy?" tanung nya.
"Tama kayo gusto ko nga si Zyrene di ko lang mailabas. Pero ngayon alam ko na, gusto ko sya." at naiyak na ko ng tuluyan kaya napayakap ako sakanya.