"Ma?"
Tawag ng dalaga sa kanyang inang kasalakuyang nasa bintana nila at malalim ang iniisip.
"Bakit anak?" Tanong ng ina nito.
"May trabaho na po ulit ako."
Nakangiting sabi ng dalaga, Lumiwanag naman ang muka ng kanyang ina
"Talaga anak? may pagkain na tayo araw araw?"
Tumango ang dalaga habang nakangiti,
Bigla namang sumulpot ang nakababata nitong kapatid na si Marco,
"Tawaga ate? Mewon na kana uwe twabaho? Yey!" Sabi nito habang tumatalon talon pa ng dahil sa saya.
Masaya si Quin dahil sa reaksyon ng kanyang mga mahal sa buhay, pero ng sabihin ni Quin kung nasaan sya mag tatrabaho ay umatras agad ang kanyang ina, pero sa huli ay nakumbinsi nya din ang kanyang ina na pumayag para sakanila rin naman daw ang gagawin nya,
Kinabukasan na ang pag alis ng dalaga, susunduin sya ni Aling mercy, kaya laking pasasalamat nito ng dahil di nya na kelangan pang gumastos ng pamasahe,
Dumating na ang araw ng pag alis ng dalaga,Kasalakuyan syang nag aayos ng kanyang buhok kailangan nyang mag mukang tao dahil nahihiya sya sakanyang magiging amo kung mag muka syang pulubi sa harap nito.
Matapos nyang ayusin ang kanyang buhok ay kinuha nya na ang kanyang bag at lumabas na ng kanilang barong barong na bahay, Ang damit na suot nya ngayon ay hiniram nya pa sa kanyang kaklase kaya ang laki ng pasasalamat nya sa kanyang kabigan na iyon, Ng dahil sakanya ay may nasuot syang maganda.
Maya maya dumating na ang van na sinasakyan ni Aling mercy.
Huminto na ang van at pinagbuksan na ang dalagang matyagang nag antay kanina pa,
"Tara na iha," Yaya ni Aling mercy sa dalaga
Kumaway muna ito sa kanyang kapatid at ina tsaka tuluyang pumasok ng sasakyan,
Habang nasa kotse ang dalaga ay hindi ito mapakali kaya tinanong ng matanda kung ano ang problema nito.
"Iha may problema ba?"
Sumagot naman ang dalaga.
"Natatakot po akong iwan ang pamilya ko paano wala silang pagkain bukas? Paano na sila aling mercy? Di ko kakayanin kung meron mang mangyari sakanila."
Natatarantang sabi ng dalaga habang palinga linga sa loob ng sasakyan
ngumti naman ang matanda at nagsalita.
"Wag ka ng mag alala kanina ay bumili kami ng grocery para sa pamilya mo, madami iyon at sigurado akong di nila mauubos iyon ng isang araw lang."
Nagliwanag ang muka ng dalaga at nagpasalamat sa matanda sobrang saya ang nararamdaman ng dalaga ng mga oras na iyon. Pakiramdam nya hulog ng langit ang matandang nasa tabi nya.
----
Naramdaman ng dalaga na huminto ang van kaya't naalimpungatan ito at naputol ang kanyang masarap na pagtulog.
"Nandito na po ba tayo?"
tumango ang matanda at ngumiti.
"Oo anak andito na tayo sa maynila."
Bumaba na sila ng sasakyan para makapasok na sila ng bahay.
Pagbaba ng sasakyan ng dalaga ay namangha sya sa laki ng bahay ng kanyang papasukan, di nya akalain na makakarating sya dito sa bahay nato,
Mansiyon ang nasa harapan ng dalaga, Di parin sya makapaniwala hanggang ngayoj ay nakatingala ito sa harap ng bahay na nasa harapan nya.
Hanggang sa niyaya na sya ni Aling mercy na pumasok sa bahay.
"Tara na iha. Pumasok na tayo sa loob"
Pagpasok ng gate ng bahay ay sinalubong sila ng mga cute na aso. Ang dalaga naman ay nagpanic at lumundag para makayakap sa matanda,
Natawa naman ang matanda sa reaksyon ng dalaga, pinababa nya na ito at pinakilala sa mga aso.
"Sya si Pong" Turo ni Aling mercy sa kulay brown na aso, "At sya naman si Zing" Sabay turo nito sa isa pang asong puti.
Bakas sa muka ng dalaga ang takot, ngunit sinubukan nya pading hawakan ang aso, ng hawakan nya ito ay dinilaan sya, natuwa ang dalaga sa ginawa ng aso first time nya palang makakita ng aso.
Matapos ang ilang minutong pakikipaglaro sa aso ay pumasok na sila sa loob,
Iginagala ng dalaga ang kanyang mata sa paligid ng bahay, hindi sya sanay na ganto ang kanyang ginagalawan malayong malayo sa bahay nila.
Nawala sa pag iisip ang dalaga ng may tawagin sya ng matanda at pinapunta sa dining room,
nang makarating sya sa Dining room ng bahay ay nakita nyang may nakaupong lalaki na sa tanscha nya ay kasing edad nya at isang lalaki na nasa 5 pataas at isang babae na mukang 16 palang, At Babae at lalaki na nasa gitna.ng lamesa na nasa 30 at 40 na ata ang edad
Agad nya itong binati.
"Magandang araw po, ako po si Aliyah Quin Smith, anak po ako ng aking ina na si Casey Vergara smith at rick smith, meron po akong kapatid na lalaki sya po ay si Marco smith."
Matapos nyang magsalita ay tinignan nya ang mga ito, Ang batang lalaki ay nakangiti sakanya pati ang babae at yung matanda yung kasing edad nyang lalaki e parang wala lang nangyari.
"Magandang umaga din iha, nako magpapakilala nadin ako. Ako nga pala si Scarlet monteverde at ito ang aking asawa na si Cleo monteverde," sabay turo sa katabi nyang lalaki. "Eto naman si Princess chloe" sabay turo nito sa babaeng nakangiti sakin agad itong kumaway kaya't kumaway rin ang dalaga. "Sya naman si Joseph" Sabay turo sa 5 years old na baby. Nginitian lang ng dalaga ang bata. 'At ito naman si Xavier Kyle" sabay turo sa kasing edad nya.
Hinintay nyang batiin sya ng binata pero walang ng yaring batian, Di nalang pinansin ng dalaga ang binata.
"Iha, magpahinga ka muna sa kwarto mo." Nakangiting sabi ng kanyang amo na si Scarlet
"Ako po may kwarto?" Di makapaniwalang tanong ng dalaga,
"Oo naman, ituturo sayo ni aling mercy" Matawang tawa na sabi ni Scarlet.
Napatango na lang ang dalaga at pupunta na sana sya ng kwarto nito kasama si aling mercy ng biglang tawagin sya ng binata.
"Uhm Hey miss?"
Lumingon naman ang dalaga,
"Ano po iyon sir?"Magalang na sabi ng dalaga
Habang ang mga nakapligid saknila ay naguguluhan kung bakit tinawag ng binata ang dalaga.
"Do you have any fashion, Ang baduy mo e." Sabi ng binata sabay ngisi
napatingin naman ang dalaga sa kanyang suot na damit, At tinignan ng masama ang binata.
Di nalang pinansin ng dalaga ang pinagsasabi ng binata, at tuluyan na syang pumunta sa kwarto nito.
Naiwan naman.ang binata na nakangisi ng dahil sa naasar nya ang dalaga.
Nagulat sya ng mapansin nyang sakanya lahat nakatingin ang kanyang pamilya.
"Why are you guys staring at me Like that? Did i do something wrong? Im just said my opinion, about her Fashion."
Sabay sabay na tumayo ang kapatid at magulang nito at dumiretso sa kani kanilang kwarto naiwan naman ang binata sa lamesa.
"What the heck? Aish."
Tumayo ang binata habang pailing iling at dumiretso na ito sa kanyang kwarto.
His personal maid (On-Going)
By EymsParker
P R O L O U G E Aliyah Quin Smith, Galing sya sa mahirap na pamilya kaya kelangan nya pang kumayod at magtra... More