God Gave Me You (AlDub)

By LilBitMore

321 1 0

Madaldal, makulit, at magaling magpatawa. Yan si Maine Mendoza. Laki man sa hirap pero nagagawa pa ring magpa... More

Author's Note
Prolouge
Chapter 1- First Meet
Chapter 2 - First Fight
Chapter 3 - Tuloy Ang Pangarap

Chapter 4 - Damn this day!

13 0 0
By LilBitMore

Alden

Nagmamadali akong lumabas ng pad ko. Damn. I hate this day. My dad called me yesterday, importante daw. I postponed all my important meetings for this day just to meet him.

Sana lang importante talaga to.

"Marco, kay Dad tayo ngayon."

"Noted Sir." Sagot niya.

Tinawagan ko si Dehlia para siya na ang bahala sa mga bagong employees.
Pagkaraan ng isang oras nakarating na rin ako sa bahay. It's been..... Ilang months na nga uli? Taon ata. Matagal na akong hindi nakakauwi dito. Simula nung mamatay si Mom.

"Kuyaaaaaaa! My my my! You're here!"

"Aldrina." Ang bunso kong kapatid.

"Kakarating mo lang din? Dad called me. Important daw." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. So, he called her too. Wonder why.

"So, it's a reunion."

Napatingin kami sa nagsalita sa likod.

"Kuya Aldrin! You're here too!" Bulalas na sabi niya sa panganay naming kapatid.

I sigh. Yes. Matagal na kaming hindi umuuwi dito. May kanya kanya na kasing buhay.

"Yeah. He called me, too." Sagot ni Aldrin.

Tumingin siya sa akin. "Himala ata. Napapunta ka ni Dad." Pasaring na sabi niya sa akin.

I smirk. Hindi kami close na dalawa. Mas malapit ako kay Aldrina kesa sa kanya. Sa aming tatlo ako lang ang hindi masyadong nakakauwi dito. Ngayon na lang uli siguro.

"Uh. Let's get inside na. It's so hot here." Yaya ni Aldrina.

Pumasok na rin kami sa loob. Sa salas pa lang naririnig ko na ang tawa ni Dad. Mukhang may kausap sya.

Woman.

Woman?

Pagdating namin sa may dining, nakita namin si Dad at...

"Oh, hey there kids!" Bati niya sa amin. Tumayo siya para yakapin kaming tatlo.

"I missed you all so much!" Sabi pa niya sa amin.

"Miss you too, Dad." Sagot naman ni Aldrina.

Tumikhim yung babaeng kasama ni Dad. Kaya napatingin kami sa kanya.

"Oh. Where are my manners?!" Bulalas ni Dad.

"Lianna, these are my kids." Isa isa niya kaming pinakilala dun sa babae. "Aldrina, the youngest and my unica hija. Alden, pangalawa. At Aldrin ang panganay ko."

Ngumiti at tumango lang kami.

"And kids. This is Lianna. My fiance."
Ah. Fiance naman pala.

What?! FIANCE!!!!?

"FIANCE?!!" Sabay na tanong ni Aldrin at Aldrina.

"Uhm. Yes. Engaged na kami ni Richard. Isn't that great? Ako na ang magiging bagong mommy niyo!" Tuwang tuwa namang pahayag niya.

Bagong mommy? Tch. My ass.

Napakatagal na mula ng mamatay si Mom. Pero masakit pa ding isipin na magpapakasal uli si Dad. Don't get me wrong. I want him to be happy. Kaya nga umalis ako dito sa bahay na to. Kasi yun yung gusto niya.

Nakita kong sumimangot si Aldrina at umismid si Aldrin. Hindi rin ako kumibo.

"Um. Let's eat? Nagpaluto ako ng mga favorite nyong ulam." Sabi ni Dad.

Umupo na kami at nagsimulang kumain. Walang umiimik sa amin. Awkward.

"Uhm. So, Aldrina. I heard na mahilig ka sa mga bags and shoes. I bought you...." -Woman

"No. Dresses are my hilig. Not bags and shoes." Paismid naman na sagot ni Aldrina.

Tumikhim si Dad para sawayin si Aldrina.

"Okay. So, when is the wedding? " tanong ni Aldrin.

Seriously? Talagang okay lang sa kanya? Pero sabagay, what can we do? It's his life, anyways.

Biglang lumiwanag ang mukha ni dad sa tanong ni Aldrin.

"Pinag uusapan pa namin, son. Maybe this month or next month." Masayang sagot niya. Tumingin pa sita dun sa babae at ngitian ito.

"What? Months only? Not year?" Bulalas na sabi ni Aldrina.

"Yes, hija. Ayaw na naming patagalin pa to. Diba, honey?"

Tumango tango naman yung babae. Tch. I don't wanna judge her, pero hindi maalis sa akin ang magduda.

Maybe it's his money she wants.

Or maybe not. Mukha naman kasi siyang may class.

Then what?

"Alden, hijo. I want you to be our best man." Dad

Napatingin ako sa kanila ng bigla.

"What? Me? No." Madiin kong pag tanggi.

"But why? Pwedeng si Julie ang maging bridesmaid. We'll invite her....."

"Shut up! Just shut up!" Napatayo ako sa galit. Oh yes. Hindi nga pala niya alam yung tungkol doon. Kasi busy siya sa sarili niya.

"Kuya...."

"I'm going."

"Alden. Sit down." Seryosong sabi niya sa akin.

"I still have a lot things to do. I have to go." Paalam ko. Hindi ko na kayang mag stay pa dito.

"Let him go. Besides, yun lang naman ang alam niyang gawin." Napatingin ako kay Aldrin. "Ang iwan ang sarili niyang pamilya para sa sariling kapakanan." He added.

Damn him. Para sa sarili ko? Sino ba ang may gustong umalis ako? At sino ba ang unang umalis?

Sinugod ko siya. I just can't control myself now.

Hinila ko yung collar niya at itinayo.

"Don't talk to me like you know exactly what happened before! Dahil, in the first place, ikaw ang unang umalis! Ikaw ang unang nakalimot sa pamilyang to!" Sigaw ko sa kanya.

Tinabig niya ako at sinuntok. Narinig kong tumili si Aldrina at sumigaw si Dad.

"Stop it you two!" -Dad

"Same to you! Wala kang alam dahil ang alam mo lang noon ay umasa ng umasa kay Mom!" Ganti niya sa akin.
Tumayo ako at sinuntok din siya.

Umasa? Damn him! Halos patayin ko na yung sarili ko dati para lang tulungan sila! Tapos umasa?! Ang kapal niya!

"I..." Hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil biglang tumayo yung babaeng kasama ni dad.

"I think I should go. This is all my fault. I'm so sorry, Richard." Umiiyak niyang sabi at umalis na.

"No, Lian!" Tumingin si dad sa amin. "Look what have you done! Para kayong mga batang kalye! Mga walang respeto!" Sigaw niya sa amin at umalis din.

"I can't believe this! I can't believe you two! Man! Grow up!" Bulalas ni Aldrina at nag walk out na din.

Umismid ako.

"Umasa ng umasa?" Tinignan ko si Aldrin na nakaupo. I smirk. "Sana naglalagi ka dito sa bahay noon para alam mo yung sakripisyong ginawa ko para sa pamilyang to." Sabi ko at umalis na din.

Sumakay na ako ng sasakyan. Damn. Napasuntok ako sa upuan. Kaya ayokong nauwi dito.

"Sir. Okay lang po ba kayo?" Tanong ni Marco sa akin. Napatingin ako sa kanya. Then, I sighed.

"Yeah. Deretso tayo sa office." Sabi ko sa kanya.

"Yes, sir."

Pagkadating ko sa TelCom, kinuha ko lahat ng appointments ko.

*Stephen calling...*

"Yes?" Sagot ko sa tawag niya.

"Can you come down for a minute? Dumating kasi yung ceo ng Huwei. He's looking for you." Sabi niya sa akin.

I sighed deeply. "Okay." Nag ayos ako at lumabas na ng office. I was busy texting Dehlia when someone bumped into me with.. a coffee. What a day!

Pero napakunot yung noo ko ng makilala siya.

"YOU!"

Damn this girl! And damn this day!

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 488 33
This story is dedicated to all ALDUB Nation. Mag-ingay! Wohhh! Masyado tayong nahuhumaling sa love team ng dalawa kaya naman naisipan ko rin gumawa n...
11.2K 188 19
Isang tahimik, mayaman, at matalinong babae ngunit isa siyang nerd at isang matipunong lalake guwapo at higit sa lahat mayaman ngunit isa siyang play...
97.1K 3.9K 42
Si Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo...
85.2K 3K 21
An AlDub / MaiChard / MaiDen FanFic A story of love, acceptance, and forgiving. Maine and Richard was married for five years. Almost perfect ang rel...
Wattpad App - Unlock exclusive features