Austria Academy (COMPLETED)

By DwarfEllah

106K 3.6K 376

WELCOME TO AUSTRIA ACADEMY! Sa paaralang ito magtatagpo ang landas ng dalawang estudyante. Isang nagmamahal... More

Prologue
Characters
Chapter 1: First Day
Chapter 2: Seatmate
Chapter4: Asaran 101
Chapter 5: Savior
Chapter 6: Ignoring Him
Chapter 7: Visitor
Chapter 8: Harana
Chapter 9: Celebration
Chapter 10: Closure
Chapter 11: First, Second, Third and Last
Chapter 12: Meet the Team
Chapter 13: Lunch Break Trouble
Chapter 14: Caught in an Act
Chapter 15: Confession
Chapter 16: Banat ni Bestfriend
Chapter 17: Nomination
Chapter 18: Just a Kiss on Your Cheeks
Chapter 19: Someone is Jealous
Chapter 20
Chapter 21: His Confession
Chapter 22: Another Scratch
Chapter 23: Domino Effect
Chapter 24: Sick
Chapter 25: Nurse
Chapter 26: Misunderstanding
Chapter 27: Bar
Chapter 28: From Sweet To Cold
Chapter 29: Trust and Patience
Chapter 30: The Truth
Chapter 31: Giving up
Chapter 32: Babe
Chapter 33: Curiosity
Chapter 34: Questions
Chapter 35: Officially Yours
Chapter 36: Alone
Chapter 37: Duet
Chapter 38: Breakfast date
Chapter 39: Date PT.2
Chapter 40: Date Pt3: Street food
Chapter 41: It's fake
Chapter 42: They are back
Chapter 43: Announcement
Chapter 44: Snow White and The Seven Dwarfs
Chapter 45: The Revelation
Chapter 46: The Untold Story
Chapter 47: For You
Chapter 48: Spy and Lies
Chapter 49: Time to Escape
Chapter 50: Searching
Chapter 51: Drunk
Chapter 52: Break up
Chapter 53: Still Fighting
Chapter 54: Chasing
Chapter 55: Too much
Chapter 56
Chapter 57: The Accident
Chapter 58: Meet His Family
Chapter 59: Still hoping
Chapter 60: A Nightmare
Chapter 61: Downfall
Chapter 62: Acceptance
Chapter 63: It's You, Again
Chapter 64: He's Back
Chapter 65: Confuse
Epilogue

Chapter3: New Classmate

5.4K 114 30
By DwarfEllah

Pagkatapos ko gawin lahat ng assignment ko ay humiga na ako. Habang nakahiga ay tinitingnan ko ang cellphone ko. Password, password, password. Anong password ba? Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto ko, 8:00 na. Hindi pa ata nagtatawag si Nanay Rosa para maghapunan. Bumangon ako nang may kumakatok sa pinto.

"Loujille? Anak?" Binuksan ko ang pinto at nakita ko si nanay Lyn na hawak ang telepono. Iniabot niya sa akin ang telepono at sinabing si mama ang nasa kabilang linya.

"Hello ma? . . Ganun po ba?. . Sige po, mauuna na ako. . . Ingat po kayo. . . Opo opo. . Babye po." Binaba ko na ang telepono at bumaba na rin para maghapunan. Naabutan ko si nanay Lyn sa sala at iniabot ko sa kanya ang telepono.

"Nay Lyn, may luto na po ba?"

"Paluto na siguro 'yun anak. Kaunting pakulo na lang. " sagot sa akin ni Nanay Lyn.

"Sige po. Sabay-sabay na tayo kumain, nay." Pumunta kami sa kusina at nadatnan namin si Nanay Rosa na nagluluto.

"Hindi ba uuwi sina ma'am at sir?" Tanong ni nanay Lyn.

"Late na raw po sila makakauwi, eh. Kaya mauuna na akong kakain. Dito na lang po tayo kumain." sagot ko habang pinapanood ang ginagawa nilang pagluluto.

"Sige, anak. Kaunting pakulo na lang at pwede na 'to." ani Nanay Lyn. Umupo ako sa isa sa mga upuan sa bar counter saka inilabas ang cellphone ko. Ito na naman tayo sa password.

"Nanay Rosa, nanay Lyn, ano po ang ginagamit niyong password" tanong ko sa kanila. Baka makakuha ako ng idea para sa password.

"Ako, anak? Hindi ako naglalagay ng password. Kasi walang password dito sa cellphone ko." Nilabas ni nanay Lyn ang cellphone niyang 1100 ba 'yun? Basta lumang model na cellphone.

"Eh, ikaw, Nanay Rosa?"

"Number ang password ko, anak." sagot ni nanay Rosa habang nagluluto.

"Edi hindi madali mahulaan 'yun, nay?" paninigurado ko.

Number na nga lang din ilalagay ko. 'Yung birthday ko na lang.

"Oo naman. Kasi hindi related sa akin." sagot ni nanay Rosa.

Hindi related? So it means hindi pwede 'yung birthday? Ano ba yan! Nakita ko si Nanay Lyn na naghahain na. Luto na pala 'yung ulam.

"Dapat po ba hindi related?" tanong ko pa kay nanay Rosa. Umupo na sila at nagsandok na ako. Di ko na sila hinintay na paghainan ako.

"Oo, anak. Kasi madaling mahulaan kapag ganun. Sabi nga, wag gagamitin yung pangalan o di kaya birthday. Common na kasi yung mga ganun." paliwanag ni Nanay Rosa.

Talaga, may sinabi bang ganun? 'Di ko alam, ah. Buti na lang at na-inform ako ni Nanay Rosa.

"Sabi pa nga nila, mas maganda raw kung combination ng word at number." pahabol pa ni Nanay Rosa. Tatango-tango lang ako habang kumakain. Edi mas lalong makakalimutan ko 'yun, kasi mahaba na 'yun kapag word at number.

"Sige po, susubukan ko."

Pagkatapos namin kumain ay niligpit na ni Nanay Rosa ang pinagkainan namin. Umakyat na ako sa kwarto para makapag-isip ng password ko. Inayos ko muna ang gamit ko para bukas at ginawa ang ritwal bago matulog. Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame habang hawak ang cellphone ko. Ito na naman tayo sa password. Pagulong-gulong na ako sa kama at hindi pa rin ako makaisip ng password. Pinikit ko ang mata ko baka sakaling makapag-isip ako ng password. Hindi dapat related. Hindi related. Bigla kong naalala 'yung nangyari kanina. Naalala ko 'yung mukha niya. 'Yung ang lapit ng mukha niya habang hawak-hawak niya 'yung cellphone ko. 'Yung mukha niyang nakakapagpatulala sa akin simula nung makita ko siya sa kotse. At dahil sa kanya ay namomoroblema ako sa password ko. Bumangon ako sa pagkakahiga.

"Hay, ano ba 'yan? Bakit bigla siya 'yung naisip ko? 'Yung password ko dapat."
Ginulo-gulo ko yung buhok ko. Bakit kasi biglang sumulpot 'yun, eh. Tiningnan ko 'yung cellphone ko. Confirm your password, tinype ko yung pangalan ko. Nung hinihingi na 'yung bago kong password ay bigla ko na naman siyang naalala. Ano ba 'yan, bakit ba hindi siya mawala sa isip ko? Kaya naman tinype ko na 'yung bago kong password.

Confirm your new password : tristan

Pinikit ko na ang mata ko dahil gusto ko ng matulog. May pasok pa bukas at regular class na. Sana magising ako nang maaga. Pinuyat ako ng password na 'yan.

***

Bumangon ako kahit gusto pang pumikit ng mata ko. Kailangan ko humarap kanila papa at mama na hindi mukhang antukin kung hindi ay mapapagalitan ako. Pigil na pigil ang paghikab ko nang nasa hapagkainan na at pinaghahainan na ako ng almusal.

"Ok ka lang ba, anak?" tanong ni mama, napansin niya ata na papikit-pikit ang mata ko.

"Ok lang po." sagot ko saka kumain nang tahimik, dahil sa totoo lang, hindi ko alam ang lasa ng kinakain ko ngayon. Subo, kaunting nguya at lunok agad ang ginagawa ko. Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na akong umalis. Gusto kong matulog. Para akong walking zombie nito, eh. Pagpasok ko sa kotse ay gusto kong humiga. Kaya naman humiga ako at nananalangin na bumagal ang oras. Gusto kong makatulog.

"Anak, ok ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Alalang tanong sa akin ni Tatay Jun.

"Hindi po. Alis na po tayo."

Naramdaman ko pa ang pagkapa ni tatay Jun sa noo ko. Tiningnan siguro niya kung may lagnat ako. Puyat lang talaga ako, Tatay Jun. Nagising ako nang may nanggising sa'kin. Ano ba 'yan, pati ba naman sa pagtulog sa kotse may manggigising?

"Anak, nandito na tayo sa school mo. Gumising ka na."

"Wala pa namang 7, eh." sagot ko kahit nakapikit dahil sa sobrang antok.

"Anak, 8:00 na. Late ka na" sagot ni Tatay Jun.

What? Napadilat ako at parang nawala ang antok ko. 8:00, jusko naman, anong oras na. Bumangon na ako at lumabas na ng kotse. Hindi na ko nakapagpaalam kay Tatay Jun sa sobrang pagmamadali ko. Hindi ko alam kung paanong takbo ang ginawa ko hanggang maabot ko ang 4th floor. Pagtapat ko sa room namin ay naghahabol ako ng hininga. Para akong nagmarathon. Grabe, akalain mong tumakbo ka sa hagdan. Buti hindi ako natisod. Binuksan ko na ang pinto at syempre center of attraction kapag late. 'Yung feeling na nagkamali ba ako ng classroom na pinasukan? 'Yung mga tingin nilang parang sinasabing "Anong oras na?" "Late ka na".

"Good morning, ma'am. Sorry I'm late." bati ko sa adviser namin.

"Come in, Ms. Ferrer."

Mabuti naman at mabait ang adviser namin. Nakayuko ako hanggang marating ko ang upuan ko. Tiningnan ko ang gamit ko kung nadala ko ba ang mga dapat dadalhin.

"Good morning, ma'am."

May isa na namang nagbukas ng pinto. Oh, may mas late pa pala sa'kin. Buti naman at hindi ako ang pinakalate.

"O my God! Classmate natin siya." rinig kong sabi ni Janice.

May bago kaming classmate? Pwede pa pala pumasok kahit late na siya. Sabagay, ngayon pa nga lang pala mag-uumpisa ang regular class. Eh, ito ngang katabi ko ay second day na pumasok.

"Tingnan mo, kambal, nakatingin siya sa'kin." kilig na kilig na naman si Janice. Ang assuming talaga nito, eh.

"Wag kang assuming, Janice, kay Loujille nakatingin." Pambasag na naman sa kanya ni Eunice.

Aware ba silang dalawa na naririnig ko ang pinag-uusapan nila? Yung papel ko? Saan ko ba nalagay 'yun? Naiwan ko pa ata. Makabili na nga lang mamaya.

"Psh." nagpakawala ng nakakarinding salita ang katabi ko.

"Come in, Mr. Briones"

Briones? Saan ko ba narinig 'yun. Pinagpatuloy ko ang pagchecheck sa gamit ko habang iniisip kung saan ko ba narinig ang apelyido na iyon. Nararamdaman kong niyuyugyog na ni Janice ang table niya. Kilig na kilig naman ata 'tong baklang 'to. Nang masigurado ko na papel lang ang naiwan ko ay tumingin na ako sa harap. Pagtingin ko ay nakita ko si Lance na nakatayo sa harap at pinakita ang schedule sa adviser namin. Pagkatapos iabot sa kanya ng adviser namin ang schedule niya ay napatingin siya sa gawi namin. Nakatingin siya kay Andrei at inilipat ang tingin niya sa akin. Ngumiti na naman siya. 'Yung ngiti niyang nakakahawa kaya napangiti na rin ako.

"Oh, ano, ouchness ka ngayon bakla. Sabi sa'yong si Loujille ang tinitignan, eh." komento ni Eunice.

"Umurong ka nga, Eunice, natatapakan mo yung buhok ni Loujille. Haba ng hair ng ate mo, eh." Natatawang komento ni Janice. Narinig ko pa ang pagpipigil ng tawa ni Eunice. Baliw 'tong dalawang 'to. Naririnig ko kaya sila. Kaya naman tumingin ako sa kanila.

"Mga baliw kayo, kanina ko pa naririnigang pinag-uusapan niyo." sabi ko sa kanila at napatigil sila sa pagtawa.

"Ok, class, since we have a new student here. Lets listen to him as he introduce himself."

Ang mga kaklase kong babae ay halatang nagpipigil ng hiyawan. Halatang tiling-tili na. Lalo naman 'tong nasa likod ko. Parang maiihi na ata, eh.

"Good morning, I am Lance Briones. I hope we can be friends."

1,2,3, takip ng tenga. Nagpakawala na ng tilian ang mga classmate ko. May sinabi pa ang adviser namin kay Lance pero hindi ko na narinig dahil sa tilian. Nakita ko na lang siyang papunta sa upuan na bakante na nasa harap ko.

"Good morning, baby Lance." bati sa kanya ni Janice.

"Goodmorning din Janice at Eunice." Natatawa pa si Lance na banggitin ang pangalan ni Janice. Kilig na kilig naman ang bakla habang pinapakalma siya ni Eunice.

"O my god, kambal tanda niya pa rin ako." tuwang-tuwa naman si Janice dahil sa pagtawag sa kanya ni Lance.

Jusko, ano ba akala niya kay Lance? Kahapon lang kaya kami nagkakilala kaya maalala niya pa rin.

"Baka nachamba lang." Pambabasag na naman ni Eunice sa kilig ni Janice.

"Kambal naman, eh." pagtatampo ni Janice.

Nilagay na ni Lance ang bag niya sa upuan niya. Doon nga siya pupwesto sa harap ko. Siguro lagi ako nitong nakangiti. Eh ngayon pa nga lang nakangiti na ko eh. Napatingin siya kay Andrei at binati ito.

"Good morning, bro." Tumango lang si Andrei. Pabebe talaga 'tong katabi ko. Patango-tango at psh psh lang. Mag-dubsmash ka na lang kaya Andrei nang mahaba masabi mo.

"Good morning din daw, Lance." Ako na ang bumati kay Lance para kay Andrei. Nakakahiya naman kasi mukhang hindi uupo si Lance hanggat hindi sumasagot si Andrei.

Thank you Andrei ha. You're welcome Loujille, 'yan na lang nasabi ko sa loob loob ko. Itong katabi ko talaga snobbers pagdating kay Lance. Napalingon si Lance sa akin with his bright smile. Shet, tigil tigilan mo ang pagngiti mo Lance masyado pang maaga para magpa kilig.

"Good morning, Jille."

What the? Ano 'yun. Kinindatan niya ko. Gusto kong itulak at hampasin ang katabi ko ngayon nang maalala kong si Andrei ang katabi ko.

"Quota na ang lola mo, ha. May kindat pa ngayon." Komento na naman ng baklang nasa likod ko.

Inggit much ba?

"G-good morning din L-Lance" bakit ako nag-i-stutter?

"Tsk tsk." At humuni na naman ang ibon na katabi ko. Puro sounds at patango-tango lang.

"Nice to see you again." Sabi ni Lance. Nginitian ko na lang siya at umupo na siya sa upuan niya. 'Yung adviser naman namin ay tumayo na sa harap at binuksan ang aklat.

"Psh."

Problema ba nito? Kanina pa huni nang huni. Ah, alam ko na. Di ko kasi siya binati kanina. Baka dapat batiin ko rin siya. Bumaling naman ako sa katabi ko at kinalabit ko siya.

"Good morning." Bati ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinapansin.

"Good morning, Andrei." Pag-uulit ko. Tumingin siya sa akin tapos nginitian ko siya. Sabi na eh, kailangan may pangalan pa. Ito kasing si Lance panay bro. Eh hindi naman sila magkapatid ni Andrei.

"Sabi ko good morning." Pag-uulit ko na naman for the third time.

"Yeah."

Yeah? Yun na ba ibig sabihin ng good morning sa lengwahe niya? Mas matindi pa pala siya sa mga jeje kung magpaikli ng words. Kumunot ang noo ko at ganun din siya. Oh, ano 'to gaya-gaya lang?

"Sabi ko, gooood moorniiing" Nakakunot pa rin ang noo niya habang magkaharap kami at ako naman ay naghihintay sa sagot niya. Hindi ba niya talaga magets? Kaya naman lumapit ako sa kanya para bumulong ngunit mukhang nagulat siya sa ginawa kong paglapit kaya lumayo siya nang kaunti.

"Goodmorning, Andrei Tristan!" Sigaw ko sa kanya. Ibubulong ko dapat 'yun nang pasigaw kaso lumayo siya. Biglang natahimik ang buong classroom at doon ko napagtanto na nakatingin na pala ang mga classmate namin sa akin. Shete, nakakahiya. Napayuko na lang ako.

"Is there any problem, Ms. Ferrer?" Tanong ng adviser namin.

"Wala po." Nahihiya kong sagot. Nanatili akong nakayuko at doon ko naalala ang ginawa ko. Napalakas pala ang pagsigaw ko.

Nakakahiya ka talaga, Loujille. Nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula sa katabi ko. Tiningnan ko siya kahit nakayuko ako.

"Tawa-tawa ka pa d'yan."
Natutuwa ka pa eh ang slow slow mo kasi.

"Insane." Bulong niya na narinig ko naman. Insane your face. Sinipa ko siya pero kinapos ako dahil na-ilag niya agad ang paa niya. Muli na naman siyang tumawa. Ok, suko na ako. May araw ka rin sa akin Andrei Tristan. Hintayin mo ang paghihiganti ko.

Authors note:
Please do vote or comment. Thank you very much !

Continue Reading

You'll Also Like

1.2K 42 13
Tagalog~English Medyo may comedy,love,kissing scenes,action SANA po kahit papa Ano ay may mag babasa po nitong story ko maraming salamat po sana po...
6.3K 605 57
Isang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mau...
130 1 45
Sa Angel Xavier Academy kung saan sa pangalan pa lang ay may anghel na paano pa kaya ang mga nag-aaral dito. Abangan ang pakikipagsapalaran ng apat...
37.6K 1.5K 156
Sa isang pambabae lamang na kolehiyo sa Pilipinas, limang estudyante ang mapapasubo sa isa't-isa. Si Lalisa, isang probinsyanang bagong lipat sa kole...
Wattpad App - Unlock exclusive features