Pagkatapos ko mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako para kumain ng almusal. Second day ko na sa bago kong school at I'm so excited. Sana ay makita ko na siya.
Pumunta na ako sa dining area at naabutan ko roon sina mama at papa.
"Good morning papa at mama." Bati ko sa kanila saka ko sila niyakap at humalik sa pisngi nila.
"Good morning din, hija." Bati rin sa akin ni mama. Pinaghain naman ako ni Nanay Rosa at binigay niya ang gatas ko.
"Thank you, nanay Rosa. Kain na po kayo." yaya ko sa kanya.
Usually kapag almusal ay bread and milk lang talaga ang kinakain ko. Pero si papa kasi eh, sabi niya kailangan ko na raw masanay sa heavy breakfast dahil pumapayat na raw ako.
"Kamusta naman ang first day sa bago mong school? " Uminom muna ako bago ko sagutin si mama.
"Okay naman po, ma. Wala naman kaming gaanong ginawa kasi bukas pa po ang regular class."
"Bukas? Does it mean na pwedeng hindi ka pumasok?" Tanong ni papa pagkarinig niya sa isinagot ko kay mama.
"Baka in-orient lang sila kahapon Louijie, di ba anak?" sagot naman ni mama.
"Hindi po pwedeng lumiban, papa, dahil may mga activities din po kaming ginagawa o di kaya may post test kami. Parang ganun na nga rin po 'yung sinabi ni mama." Sagot ko kay papa. Napatingin naman ako kay mama at nginitian niya ako. Medyo nag-iba naman ang mood ni papa at napatikhim siya. Why o why naman kaya?
"Akala ko walang pinapagawa sa inyo ang Austria. Napag-iisipan ko kasing ilipat ka" nagulat naman ako sa sinabi ni papa.
Seryoso? Ang bilis magbago ng isip ng papa ko. Hindi ako pwedeng lumipat ng school. Hindi ko pa nga siya nakikita, eh. Mama, tulungan niyo ako.
"Ano ka ba naman, Louijie, hindi ba ikaw pa nga ang may gustong sa Austria natin pag-aralin si Loujille?" Tatango-tango ako kay mama bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.
Ipaglaban niyo ako, mama. Kaya niyo 'yan.
"Napag-isipan ko lang naman Camille. Ayaw ko lang masayang ang perang binabayad natin sa Austria."
Sa tingin ko nagiging intense na ang pag-uusap. Ayaw ko lumipat ng school. Hindi pa ngayon, dahil hindi ko pa siya nakikila. Hindi ko nga man lang nakasalubong sa hallway kahapon.
"Papa, ganun naman po talaga sa Austria. Nakasaad naman po sa student handbook lahat ng schedule, program at kung ano pa ang kaganapan sa school. Kaya don't worry po. Saka hindi naman po magiging number one school ang Austria kung hindi sila magaling magturo, di ba?" Pagtatanggol ko sa school na pinapasukan ko.
Jusko! Saan ko nahugot 'yun? Hindi ko nga binabasa ang student handbook. 'Yung schedule lang 'yung tiningnan ko roon saka 'yung mga araw na walang pasok.
Tumango-tango naman si papa sa sinabi ko. Mukhang naconvince ko siya. Yehey! Magbunyi. Sabog confetti.
"By the way, may mga kaibigan ka na raw sa bago mong school?"
"Opo ma, dalawa po sila. Classmate ko nga rin po sila." Sagot ko kay mama.
Ang bilis naman kumalat ng balita na may new friends na ako.
"Ano nga pala ang pangalan nila?" Tanong naman sa akin ni papa.
"Si Janice po at Eunice, pa" Biglang kumunot ang noo ni papa at medyo nagulat si mama sa sagot ko. Bakit kaya? May mali ba sa sinabi ko?
"Ang sabi sa amin ng mama mo ay isang babae at isang lalake. Pero dalawang babae 'yung nabanggit mong pangalan." Medyo natawa ako sa sinabi ni papa. Nakalimutan ko pala sabihin ang tunay na katauhan ni Janice.
"Kasi bakla po si Janice. Ang totoo niyang pangalan ay Jan Eric Lianto at si Eunice naman ay Eunice Vernon." Tumango si papa at nangiti si mama. Ayan maliwanag na sa kanila ang lahat.
"Alam niyo po ba, matalino sila. Kasi nakapasa sila sa entrance exam sa Austria at Valedictorian si Eunice at second honorable naman si Janice." Nakita kong naimpress si papa sa sinabi ko.
Alam ko naman na may taong kinuha si papa para tingnan ako sa school. Pero wala naman akong ginagawa na masama kaya pinapabayaan ko na lang.
"I see. Hindi basta-basta ang makapasok sa Austria dahil mahirap talaga ang entrance exam nila. At take note, kailangan nilang maipasa ang tatlong exam at interview para masabing qualified sila for scholarship." paliwanag ni mama.
Grabe naman pala ang pinagdaanan nila Eunice at Janice. Tatlong exam ang ipapasa mo. Kulang na lang ng isa para hanggang 4th quarter na. Pero deserving naman silang dalawa sa scholarship.
Patapos na ako kumain at sumulyap ako sa wrist watch ko. Medyo maaga pa naman pero okay lang. Baka magkaroon na naman ng traffic. Pagkatapos ko magpunas ng bibig ay tumayo na ako para magpaalam sa kanila.
"Pa, ma, papasok na po ako."
"Ingat, anak." Sabi ni papa.
"Ingat, have a great day." Sabi naman ni mama.
Huminto ang kotseng sinasakyan ko at bigla ko naalala ang pangyayari kahapon. Nakared light kaya tumingin ako saglit sa bintana. Makikita ko kaya siya? Napatingin ako sa side mirror nang may makita akong kotse na pamilyar. Oh my god! Hindi ako pwedeng magkamali, 'yun yung kotse kahapon. 'Yun yung kotse niya. Medyo naka-ungos kami kaya hindi kami nagkatapat. Sayang, dapat tapat kami uli. Dapat palit na lang sila nung kotse na nasa unahan niya para walang hadlang sa pag-iibigan namin. Teka, anong sinabi ko? Erase, erase. Iwinasiwas ko ang kamay ko sa ere para kunwaring mabura ang iniisip ko. Pagtingin ko sa side mirror ay wala na 'yung kotse niya.
"Ang bilis naman. Wala na agad?"
"Ano 'yun, anak?" Tanong sa akin ni Tatay Jun na nakatingin sa rear mirror.
"Ay, wala po, tay." Sagot ko kay Tatay Jun.
Kaskasero siguro 'yung driver nun. Nawala agad, eh. Naku, magdahan-dahan siya kung hindi mawawalan ako ng forever. Ano uli 'yung sinabi ko? Ang kire ko ata. Kating-kati na akong sabihin kay Tatay Jun na bilisan niya magdrive para maabutan ang forever ko, kaso nakakahiya kay tatay Jun. Kaya nung makarating kami sa school ay agad-agad akong bumaba at nagpaalam kay tatay Jun. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto.
"Bye, Tatay Jun. Ingat po kayo. Ganung oras pa rin ang uwi ko." Pagpaalam ko kay Tatay Jun.
Pagdating ko sa gate ay agad-agad kong isinwipe ang ID ko para makapasok. Nakita ko ang kotse niya na pinagkukumpulan ng maraming babaeng nagtitilian. Pinilit kong makasingit para makapunta sa harapan upang makita siya. Bumaba siya sa kotse na parang artistahin ang dating dahil mas lumakas ang tilian. Kulang na lang ng red carpet para sa grand entrance niya. Tinanggal niya ang earphones sa tenga niya saka niya ito ibinulsa.
"Hoy, ateng, kanina ka pa namin tinatawag." Nagulat ako sa nagsalita. Nakita ko naman si Janice na katabi ko na at kasama si Eunice.
"Pasensya na. Hindi ko kayo narinig." Sagot ko kay Janice.
"Naku, ikaw Loujille, ah. 'Wag mong sabihin na kakaribalin mo pa 'tong si Janice." Mapang-asar na saad ni Eunice.
"Baliw ka talaga, Eunice. Hindi no." Sagot ko.
Jusko! Hindi talaga Eunice. Hindi halata, talaga. Napatingin ako sa guard o alalay niya na busying busy sa pagkuha ng mga regalo. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya lalo na nung malapit siya sa amin.
"Good morning, Andrei, mylabs!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Janice na halos makabasag na ng eardrum sa lakas.
Itong baklang 'to para-paraan eh. Lumingon siya sa amin saka ngumiti. 'Yung ngiting 'yun ang lalong nagpatili kay Janice. Tae, gusto ko na rin tumili rito. Nakakalusaw ang ngiti niya.
"O my god! O my god, tumingin siya sa akin. I can't breathe!" Halos mamatay sa kilig si Janice sa pagngiti ng crush niya.
"Oo, alam namin. Nakita rin namin. O, ito tubig, uminom ka muna para mapaos ka." Basag kilig talaga itong si Eunice kahit kailan. Binigyan niya ng bottled water si Janice at take note nagyeyelo pa.
Iba ka talaga, Eunice.
"Feeling ko kami na."
Agad agad? Kapag tiningnan, kayo na? Eh paano 'yan, tiningnan ko siya kahapon, so it means na kami na kahapon. Kabit ka lang Janice.
Bigla namang binatukan ni Eunice si Janice "Aray naman kambal. Masakit kaya." reklamo ni Janice habang hinihimas ang ulo niya.
"Kailangan mo 'yan para magising ka. Nananaginip ka na naman kasi nang gising." Sagot ni Eunice sa kanya. Kumanta pa si Eunice ng Halik ng Aegis.
After ng kaganapan na 'yun ay pumunta na kami sa room namin. Habang paakyat kami ng hagdan ay may isang hindi makaget-over sa nangyari kanina.
"Grabe, buo na ang araw ko kambal." Kilig na kilig si Janice habang nakaangkla kay Eunice.
"Tinamaan talaga ang isang 'to, Loujille." parinig naman ni Eunice.
"Oo nga. Hindi na nawala 'yung ngiti, eh." Sagot ko kay Eunice. Humuhugis puso na nga ang mata ni Janice sa kilig.
"Ito na pala ang room natin." Sabi ni Eunice kaya napahinto kami sa paglalakad.
"Ok, this is it. Walang sisira ng araw ko. Breath in breath out" Ani Janice.
Grabe talaga ang nagawa ng ngiting iyon kay Janice. Jusko, ako nga pigil na pigil ang kilig eh.
"Mauna na nga tayo, Loujille, may balak pa ata na magyoga si Janice." Pagyaya sa akin ni Eunice.
"Oo nga. Tara at mauna na tayo." Hinatak ko na si Eunice papasok ng classroom.
Pagkaupo namin ay inayos ko na ang mga gamit ko. Tiningnan ko kung may kulang. Maya maya kasunod na namin si Janice.
"Mga baliw kayo, iniwan niyo ako sa labas." reklamo na naman ni Janice saka pabagsak na umupo sa upuan niya.
"Sorry naman, Kambal. Akala kasi namin magyoyoga ka sa labas, eh." Pagpapaliwanag ni Eunice kay Janice na pinipigilan ang pagtawa.
"Sorry, Janice, mapapatawad mo ba kami?" Sumakay naman ako sa kabaliwan nilang dalawa. Hindi na nagawa pang sumagot ni Janice dahil sa hiyawan na naganap. Palapit nang palapit ang hiyawan hanggang sa humiyaw na rin ang mga babae naming classmate na nasa room na rin.
"Don't tell me! Don't tell me!" Halos maghysterical na si Janice pero puro don't tell me lang ang sinasabi saka tumili.
"Oo, promise, hindi ko sasabihin sa iyo, Janice. Kahit maglupasay ka pa diyan." Pambabasag na naman ni Eunice. Halos niyuyugyog na ni Janice si Eunice at todo pa rin ang tili niya.
Ano ba ang kaguluhan ang nangyayari? Pagtingin ko sa pinto ay nakita ko siya. Parang slow motion ang pagpasok niya. Para siyang nasa isang music video, kulang na lang ng music. Teka, classmate ba namin siya? Papunta siya sa? Teka, papunta siya sa direksyon ko. Huminto siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"May nakaupo ba rito?" Tanong niya. Mas lalo kong natitigan yung mukha niya. Tiningnan ko ang mata niya, ang mata niyang malungkot na para bang malalim ang pinagdadaanan niya. Bakit ganun? Bakit walang emosyon ang mga mata niya.
"Huy, kinakausap ka." Mabuti na lang at kinalabit ako ni Janice kaya bumalik ang diwa ko. Jusme! Natulala ako sa harap niya.
"Ha? Ah, eh, wala. Walang nakaupo rito. Wala akong katabi." Nakasagot naman ako kahit mautal utal ako. Umupo naman siya sa tabi ko. Kapag sineswerte ka nga naman. Kahapon magkatapat lang ang kotse namin ngayon magkatabi na kami. Lakas ko talaga kay papa God. Thank you papa God magpapakabait pa ako lalo. Ito na po ba 'yung destiny?
"Miss, may problema ba?" Natauhan na naman ako sa pagtatanong niya. Ano ba yan, nakatingin pa rin pala ako sa kanya. Napayuko ako sa hiya. Feeling ko namumula na ako sa hiya rito.
"Wala naman. Ako nga pala si Loujille Ferrer, transferee." pakilala ko sa kanya. Binigay ko ang napakaganda kong ngiti at in-extend ko ang kamay ko for shake hands. Tumingin naman siya sa harap.
Aray naman! Ang sakit talagang umasa. Halata ba na gusto kong mahawakan 'yung kamay niya? Pero bakit ko ba kasi ginawa 'yun? May sarili na atang isip itong kamay ko. Teka, ano ba ang sinasabi ko? Hindi pa nag-uumpisa yung klase naglalandi ka na Loujille. Pero, masakit talaga sa bangs. Hindi pinansin 'yung kamay ko. Kaya binaba ko na lang ang kamay ko at yumuko. Napahiya ako.
"Andrei Tristan Austria." Agad na napa-angat ang ulo ko nang magpakilala rin siya.
"A-andrei, nice meeting you." Shete, bakit ako nag-i-stutter?
Kalma, Loujille. Kalma lang.
Dumating na 'yung Adviser namin at syempre start na rin ng first subject. Tiningnan ko ang schedule at English pala ang first subject. Nagdiscuss lang siya about sa ibibigay niyang quiz. Ang bakla naman na nasa likod namin ay inspired talaga. Panay taas ng kamay si Janice, kaya halos siya lang ang may recitation. Tatlong subject na lang nang biglang bumukas ang speaker.
"Good morning, everyone! Your next teacher will not attend your class because of faculty meeting. Your assignment will be send to you via e-mail. Class dismiss. You can now leave your classroom. Thank you." Pagkatapos ng announcement ay nagtayuan na ang mga kaklase namin. Pati si Andrei umalis na rin. Ang bilis, ah. Excited lang umuwi? May lakad ata? Inayos ko na ang gamit ko para makalabas na. Ang daming assignment. Puyatan mamaya.
"Sabay-sabay na tayo bumaba." yaya ko kanila Eunice at Janice.
"Loujille, pasensya na. Pupunta kasi kami ng library para gawin 'yung assignment natin." Sagot sa akin ni Eunice.
"Ikaw ba? Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong sa akin ni Eunice.
"Ganun ba? Ayaw ko pa kasi umuwi. Gusto ko sana maglibot-libot muna. Hindi ba kayo kakain man lang?" Nagkatinginan sila Janice at Eunice sa tanong ko.
"Kasi, Loujille, idadagdag namin sa savings namin 'yung baon sana namin. You know, tipid tipid kasi graduating na tayo, eh." Nalungkot naman ako sa sagot ni Janice.
"Ganun ba? Sige, ganito na lang, samahan niyo ako kumain. Treat ko. Gusto ko talaga kumain." Nagpaawa effect talaga ako para umo-o sila. Hindi sila sumasagot kaya naman hinatak ko na sila. Gusto ko na talaga kumain.
"Naniniwala ako na silence means yes." Sabi ko habang naglalakad kami.
"Grabe, girl, gutom na gutom lang?" Natatawang komento ni Janice.
"Kasi a-angal pa kayo, eh." Sagot ko sa kanya. Habang naglalakad kami ay may humarang sa amin na lalaki.
"Hello, miss, ikaw 'yung transferee, di ba?" Nakakagulat naman 'tong si kuya. Kalat na kalat ba na may transferee na maganda? Andito na ang Habagat. Tiningnan ko siya, nakangiti siya sa akin. Enebeyen, koya, nakakasilaw ang ngiti mo. Endorser ka ba ng anong brand ng toothpaste? Mukha naman siyang hindi nag-aaral dito. Hindi naman siya naka-uniform. Naka t-shirt na white at pants lang siya. Pero infairness, bagay sa kanya ang porma niya. Gwapo ni koya.
"Anong pangalan mo?" Tanong na naman niya. Bakit ba hindi nawawala ngiti ang nito? Lalo tuloy siyang gumagwapo kapag ngumingiti siya. Lakas maka hashtag ngiti pa more si koya, eh. Nakakatulala, ha. Di ako makapagsalita kasi 'yung ngiti niya nakakahawa. Bigla niyang tiningnan ang ID ko. 'Yung totoo, uso ba ang tinginan ng ID dito?
"Loujille Ferrer, pwede ba na Jille na lang ang itawag ko sa'yo? Ako nga pala si Lance Briones." In-extend niya ang kamay niya.
Pinagtitinginan naman kami ng mga estudyante dahil nandito lang naman kami sa hallway. Nakakahiya, pero, si koya kasi, eh.
"Hi Lance, I'm Janice, ang pinakamaganda sa klase ng fourth year slash spokesperson ni Loujille kapag siya ay natutulala." Nawala ang pagkatulala ko dahil na naman kay Janice.
"Nice meeting you, Janice." Medyo natawa pa si Lance sa sinabi ni Janice. Nakatanggap naman sa akin nang matalim na tingin si Janice. Nagshake hands silang dalawa habang natatawa si Lance. Halata naman kasi ang kabaklaan nitong si Janice. Nakakahiya, natulala ba ako kanina? Pero, nakakatulala kasi si koya, eh. 'Yung smile niya kasi, eh.
"Oo, ako 'yung transferee. Loujille Ferrer. Ok lang na Jille ang itawag mo sa akin." At sawakas nakapagsalita na ako. Nagshake hands din kami.
"Anong section kayo sa fourth year?"
"4-A." Sagot ko kay Lance. Bigla namang nagtilian ang mga tao sa paligid. Alam na kung sino ang paparating kapag tumili si Janice.
"Bro!" Sigaw ni Lance saka biglang binitiwan ni Lance ang kamay ko. Oh why oh why? Si Janice ang tagal niya nakashake hands tapos ako saglit lang. Pagtingin ko sa likod ay biglang tumalikod si Andrei. Anong meron? Iwasan lang?
"Sige, alis na ako. Nice meeting you." Pagpapaalam sa amin ni Lance.
"Sige, ba-bye, baby Lance." pahabol pa ni Eunice habang nagmamadali si Lance na habulin si Andrei.
Magkakilala sila? Bakit naman kaya iniwasan siya ni Andrei? Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nanenermon na si Eunice.
"Naku, kayong dalawa, ha. Kunwari pa kayo. Halata naman na gusto niyong mahawakan 'yung kamay. Sana nag tig-isa kayo ng kamay para sa shake hands." Nakayuko lang kami ni Janice dahil parang sinesermunan kami ng nanay namin. Pero si Janice kahit nakayuko halatang nakangiti. Quotang-quota na 'tong bakla na ito ngayong araw.
"Nga pala, malayo na tayo. Pwede ng kiligin." Pagkasabi ni Eunice nun ay napangiti na si Janice.
"Grabe, kambal. Nakita mo ba? Yung ngiti niyang nakakalusaw?" Kilig na kilig na pagkukwento ni Janice.
"Hindi eh. Kasi di ka naman nalusaw." Basag kilig na sagot ni Eunice.
"Pero, nakakakilig talaga. Siguro magkakilala sila ni Andrei mylabs, no?" Patango-tango naman ako sa sinabi ni Janice. Magkakilala nga siguro sila.
"Naku, Jan Eric Lianto, akala ko ba loyal ka kay Andrei mylabs mo? Eh, ano 'tong baby Lance?" Natawa naman ako sa sinabi ni Eunice.
"Salamat, kambal, sa pagpapaalala mo sa akin. Alam ko naman na suportado mo ako sa pagmamahalan namin ni Andrei mylabs" Niyakap ni Janice si Eunice at umarte pa ang bakla na parang nahihiya.
"Concern lang ako sa iyo, kambal. Kasi alam mo naman, ako na lang ang nakakaintindi sa mga kabaliwan mo." Halos mangiyak-ngiyak na sagot ni Eunice. Grabe 'tong dalawang 'to. Parehas na baliw, eh.
"Grabe, kambal. Na-a-appreciate ko talaga 'yung pagpapainom mo sa akin ng gamot everyday." Ani Janice.
Nakainom kaya ng gamot ngayon si Janice?
"Ay, buti naalala mo 'yun. May bayad nga pala 'yun." Sagot sa kanya ni Eunice saka inilahad ang kamay niya kay Janice.
Baliw na talaga silang dalawang. Sumasakit ang tiyan ko sa pagpipigil ng tawa. Ang sarap kuhaan ng video.
"Dear Ate Charo, nandito po ako malapit sa cafeteria nang may makita akong nagyayakapan..." Natigil ako sa pag na-narrate nang tumingin sa akin si Eunice saka bumitiw sa pagkakayakap.
"Yuck! Yuck, ew! Lumayo ka nga sa akin, hindi kita kilala. Ang baho baho mo." Pag-iinarte ni Eunice saka tinutulak-tulak si Janice palayo sa kanya.
"Ouchness naman. Naligo naman ako. Saka pasalamat ka, naipangyakap ko sa iyo 'yung kamay na pinang-shakehands ko kay baby Lance." Dipensa ni Janice.
Natatawa ako sa kanilang dalawa. Si Janice todo emote. Umarte pa na umiiyak talaga. Kunwaring hurt na hurt ang lola mo. Samantalang si Eunice ay inirapan lang siya.
"Oh, siya, tama na 'yan. Kumain na tayo nang makainom na kayo ng gamot. Ako magpapainom ngayon." Pagyaya ko sa kanila papasok sa loob ng cafeteria. Pinahanap ko na sila ng upuan ako dahil ako na ang bahala umorder.
After namin kumain ay hinatid ko na sila sa library. Saan kaya ako pupunta? Bumaba ako at pumunta sa likod ng Academy. Ang daming puno sa parteng ito. Malilim dito at ang presko ng hangin. 'Yung mga tuyong dahon ay lalong nagpaganda. Akalain mo na may ganitong lugar sa Austria. Inilabas ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras.
"10:30 pa lang pala. Maaga pa."
Sa bawat pag-ihip ng hangin ay hinahangin ang buhok ko. Nakakarelax at nakaka-antok ang hangin. Humakbang pa ako ng ilang hakbang at feel na feel ko ang hangin. Yung tinatangay lang yung buhok mo na parang may photo shoot. Kaya naman naisipan ko na magselfie. Makapagpalit ng dp.
"Ang hirap naman kapag walang monopad, nakakangalay." reklamo ko. Madala nga sila Eunice at Janice dito tapos mag picture kami. Masarap din kumain dito parang nagpipiknik lang. Pinicturan ko rin ang paligid. Ang perfect ng lugar na ito kung gusto mo magrelax. Napakatahimik, tanging ang mga huni lang ng ibon at ang bawat yapak mo sa tuyong dahon ang maririnig mo, napakapeaceful. Lumapit ako sa isang puno tapos naupo, sumandal ako at buti na lang walang antik. Baka kagatin ako, eh. Pinikit ko ang mata ko nang maalala kong magsound trip. Tiningnan ko sa bag ko kung may earphone akong dala.
"Ano ba yan! Wala rin akong earphone."
Ang hirap talaga kapag hindi ka naging girl scout. Sa susunod, dadalin ko yung monopad at earphone. Dahil wala akong dalang earphone ngayon ay nagpatugtog na lang ako. No choice, eh. Pero 'yung di naman kalakasan. Saktuhan lang. Naalimpungatan ako nang wala na akong naririnig na tugtog. Kinapa ko ang cellphone ko sa tabi ko pero hindi ko makapa. Nasaan na 'yun? Napadilat ako nang may marinig akong tumikhim. Nagulat ako dahil nasa harap ko siya ngayon.
"Madali lang mabuksan ang cellphone mo." Aniya saka inabot sa akin ang cellphone ko at kinuha ko naman. Napatingala ako nang tumayo siya at tumingin siya sa wrist watch niya.
"Kanina pa nag-announce na walang pasok. Bakit nandito ka pa?" Tanong sa akin ni Andrei saka tumalikod na at nagsimula ng maglakad.
"Mabuti pa, umuwi ka na. Baka masaraduhan ka pa." Pahabol niya pa.
Napatingin ako sa cp ko dahil naka-unlock ito. Paano niya nalaman? Napatingin ako sa oras at. . . What the! 12:30 na? Si tatay Jun, kanina pa ako hinihintay. Tumayo ako at sinukbit ang bag ko. Pinagpag ko ang palda ko saka tumakbo na palabas. Nakita ko naman si tatay Jun na parang may hinahanap.
"Tatay Jun, tara na po. Pasensya na sa paghihintay may ginawa lang. " Nginitian naman ako ni Tatay Jun habang pinagbubuksan ng pinto para makasakay na ako. Nilabas ko ang cp ko at nagtataka pa rin ako kung paano niya nalaman ang password ko.
"Tay, pwede po ba na hulaan niyo ang password ko?" tanong ko kay Tatay Jun.
"Bakit, anak, nakalimutan mo ba? Naku, mahirap 'yan." Sagot naman sa akin ni Tatay habang nagmamaneho.
"Ay, hindi po, tay. Pinapahulaan ko lang." Palusot ko pa.
"Loujille?" Patanong na sagot ni Tatay sa akin.
Teka, paano niya nalaman? Nakakapanlumo naman. Siguro tinitingnan ako ni tatay Jun kapag magbubukas ng cp. Espiya ata si tatay.
"Bakit ganyan ang mukha mo? 'Yun ba ang password mo, anak?" Tatango-tango ako kay tatay bilang tugon.
"Opo, tatay. Magaling kayo, nahulaan niyo."
"Eh, anak, kailangan mo ng palitan ang password mo kung ganun." Suggestion naman ni Tatay.
Wala naman akong maisip na ipapalit. Madali ko kasing makalimutan. Kaya nga 'yung number ko laging naka-save. Nakakalimutan ko kahit kabisado ko. Nakarating na kami sa bahay at 'yun pa rin ang nasa isip ko. Kailangan kong palitan ang password ko.