Kabanata 27
Yusef's POV
As much as I want to wrick the face of that asshole mas importante parin na nasa tabi ako ni Kelly. Nasa pribado na syang kwarto ngayon dito sa hospital pero hindi parin sya nagigising. Kasalukuyan paring ginagawa ang mga test kung bakit bigla nalang syang hinimatay kanina. I'm so worried. At sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina gustong gusto kong sugurin ulit si Jake at bugbugin. Magbabayad sya sa ginawa nya kay Kelly.
Hawak hawak ko lang ang mga kamay nya habang natutulog. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha nya. Putlang putla ito at bakas sa mukha ang pagod. Hindi nya naman kailangan sanang akoin lahat ng responsibilidad para sa anak namin. She could've just told me. Hindi nya sana naranasan ang lahat ng ito. Napalingon ako sa pinto ng mahina itong bumukas. Iniluwa doon si Yilee na bakas din sa mukha ang pag'aalala.
" How is she? " tanong nito ng makalapit ito sa paanan ng kama ni Kelly. Humugot ako ng malalim na hangin. Napakabigat parin sa akin na nangyayari ito sa kanya na wala man lang akong magawa.
" Wala paring malay. Hanggang ngayon wala pang result ang mga test na ginagawa ng mga doktor. " kahit iniiwasan kong hindi kabahan pero hindi ko parin mapigilan ang utak ko na mag'isip ng mga posibilidad. " Kinakabahan ako. " mahina kong sabi sabay halik sa kamay ni Kelly. Naramdaman ko ang paghawak ni Yilee sa balikat ko.
" Kuya don't think too much. Baka naman stress lang sya sa work. Or baka naman buntis na naman sya. " hindi ko nalang tinanong kung papano nya nasabi na baka buntis lang si Kelly. Sana nga ganun lang ang rason kung bakit sya nahimatay. Sabi kasi ng katulong nila sa bahay ilang araw na itong may sakit kaya hindi nakakapasok sa trabaho. Tapos nangyari pa ang ganun sa kanya kanina. I swear, kapag may masamang nangyari kay Kelly magbabayad ang gagong yun.
" By the way, ginawa mo naba ang pinagawa ko sa'yo? " tanong ko sa kanya. Ngumiti ito.
" It's over and done Kuya. Tinawagan ko na ang lawyer natin to file the case against Jake. I can't believe he did such things to Kelly. Pinagkatiwalaan pa naman nya ito. " sagot nito habang nakatingin parin kay Kelly. Kahit ako hindi rin makapaniwala. Yes, Jake is an asshole but I can't imagine he can do that to Kelly. Pero kasalanan ko rin naman. Kung hindi ko pa sya tinalikuran noon sana hindi nya nararanasan ang lahat ng 'to.
" How's Clark? " tanong ko ulit. Napagdesesyonan ko narin kasi kanina na sa bahay ko muna si Clark pati ang yaya nito. Iyak pa naman ito ng iyak kanina habang kausap ko sa phone. Hindi naman ako pwedeng umuwi dahil wala namang ibang titingin kay Kelly dahil nasa probinsya raw ang mga kapatid nito. Kaya tinawagan ko agad si Yilee para kunin si Clark sa bahay ni Kelly at ihatad sa bahay ko.
" He is okay when I left him. My ghad Kuya he really looks like you. He is so gwapo. Kelly really did a great job to raise your son. Ang talino pa. " napangiti ako. Nakikita ko nang magiging spoiled sa kanya si Clark. Giliw na giliw kasi ito sa anak ko. Wala na itong bukam bibig kanina sa phone kundi papuri para sa anak ko nang magkita na sila. Syempre proud na proud naman ako dahil anak ko ito. At mas proud ako kay Kelly. Yilee is right, she really did a great job. Kahit sya lang mag'isa ng mga panahong yun nakakaya nya para lang sa anak namin. But now that I'm here, hindi na nya mag'isang haharapin ang lahat. Because I'm here now. May mga pinag'usapan pa kami ni Yilee. Natigil lang kami ng pumasok na ang doktor. Napatayo agad ako.
" Are you the husband? " tanong nito. Nagkatinginan kami ni Yilee tapos ay bumaling ako kay Kelly na wala paring malay hanggang ngayon. Saka ako tumingin ng diritso sa doktor.
" Mapapangasawa nya pa lang po. Ano pong resulta dok? May problem ho ba? " tanong ko na agad. Kinakabahan na kasi ako.
" Wala ba syang kapatid o malapit na kamag'anak man lang? " tanong nito ulit. Umiling ako. Masyadong malayo ang mga kapatid nya sa ngayon kaya ako lang naman ang malapit sa kanya. Humugot muna ito ng malalim na hininga.
" Can I talk to you for a moment Mr. Ibarra please. " seryuso nitong sabi sa akin sabay talikod at lumabas na. Napatingin ako ulit kay Yilee na bakas na din ang pagkabahala. Hinawakan nito ang kamay ko. Tiningnan ko rin si Kelly. Nilapitan ko sya at hinalikan ang kanyang noo pagkatapos ay pinagdikit ko ang mga noo namin. Ayokong mag'isip ng kahit anong bagay na negatibo. Ayokong magpadala sa kaba ko dahil kailangan kong magpakatatag para sa kanya.
" Everything will be alright baby. I promise you. I love you so much. " bulong ko sa kanya. Hinalikan ko pa sya ulit bago ako lumabas ng kwarto. God, sana naman hindi masamang balita ang sasabihin ng doktor sa akin. Bulong ko sa isip ko bago ako naglakad papunta sa opisina ng doktor.
-------------------------------------
Kelly's POV
Unti unting nalilinaw sa paningin ko kung nasaan ako ngayon. Nasa hospital ako basi narin sa klase ng amoy na naaamoy ko. May swero pa sa kamay ko at pakiramdam ko mas nanghina pa ako ngayon. Naramdaman kong may mabigat na bagay sa isa ko pang kamay at nakita ko doon si Yilee na nakatalukbong na natutulog.
Naalala ko na kung bakit ako nandito sa hospital. Pinagtangkaan akong gahasain ni Jake. Hindi ako makapaniwala na gagawin nya sa akin ang ganun. Mabuti syang tao. Kaya nga pinagkatiwalaan ko sya. Ang hindi ko lang maintindihan kung saan nagmula ang galit nya. Kung bakit ganun nalang ang reaksyon nya ng malamang nagkita na ang mag'ama. Muli kong inilibot ang mga mata ko pero wala ang nais kong makita. Si Sef. Kumusta na kaya sya? Sya ang sumalo sa akin ng mahimatay ako.
Iginalaw ko ang kamay ko para magising si Yilee. Maya maya naman ay gumalaw ito. Namilog agad ang mga mata nito ng makitang gising na ako.
" My ghad Kelly. Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo? T-teka tatawag lang ako ng doktor. " tatayo na sana ito pero pinigilan ko. Nakangiti akong tumingin sa kanya.
" Okay lang ako. Ang Kuya mo? " tanong ko.. Biglang naglikot ang mga mata nito pero agad namang nakabawi at ngumiti sa akin. Napakunot noo tuloy ako ng bahagya. May nangyari ba?
" Ahm umuwi lang saglit si Kuya pero babalik naman agad iyon. Alam mo bang pinag'alala mo kami. " sabi nito. Ngumiti ulit ako.
" Overpatigue lang siguro ito. Okay lang naman ako eh. " sabi ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin.
" May gusto ka bang kainin? " tanong nito. Umiling ako.
" Hihintayin ko nalang ang Kuya mo. Nag'aalala kasi ako kay Clark. " hinawakan nya ang kamay ko.
" Okay si Clark. Nasa bahay nga sya eh. Doon muna sila ng yaya nya sabi ni Kuya habang nagpapagaling ka dito. Alam mo giliw na giliw talaga ako sa anak nyu ni Kuya. Matagal nga akong napatitig sa kanya eh. Kamukhang kamukha kasi ni Kuya. " masigla nitong sabi. Nakakahawa ang pagkamasiglahin ni Yilee lalo pa at ikinwento nya ang una nilang pagkikita ni Clark. Naging magaan narin ang loob ko. Gustohin ko mang magtanong tungkol kay Jake pero parang hindi ko pa kaya. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa matanggap na nagawa iyon nito iyon sa akin. Nakakatakot sya. Parang hindi na talaga sya ang Jake na nakilala ko noon. Marami pa kaming napag'usapan ni Yilee. Marami naman kasi syang tanong tungkol kay Clark. Maya maya lang ay tinawag na ni Yilee ang doktor para sabihing nagising na ako. Halos tatlong araw pala akong natulog kaya pala parang hindi ko mayadong maigalaw ang katawan ko.
Gabi na nang dumating si Sef. Agad nya akong niyakap ng makita nya akong gising na. He even give me a pick on the lips na bahagyang ikinapula ng pisngi ko dahil nandyan lang naman si Yilee. So ibog sabihin na nito ay nagkabalikan na kami. Na okay na kami. Minsan kasi mas mabuti rin yung ganito. Saka na ang pag'uusap. Ang importante ay ang ngayon.
" Si Clark? " tanong ko sa kanya. Pinapakain na nya ako ngayon. Nagpaalam na kanina si Yilee dahil may pupuntahan pa raw ito. Pero mahigpit itong binilinan ni Sef na umuwi agad dahil nasa bahay nila si Clark.
" Wag kanang mag'alala sa anak natin. Inaalagaan sya ng mabuti sa bahay. Sarili mo dapat ang iniisip mo nang hindi ka nagkakasakit. " sabi nya sabay subo sa akin. Kaya ko naman sana ang kumaing mag'isa pero mapilit lang talaga ang isang 'to. Nahihiwagaan nga ako sa pagiging maalaga nya ngayon eh. Para bang isa akong mababasaging kristal na isang tabig lang ay mababasag na.
" Ano ba kasi ang nangyari sa akin? Tinanong ko kanina ang doktor pero sabi naman nya alam mo na raw. Ano ba talaga? " tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nakita ko ang paglikot ng mga mata niya at hindi na sya makatingin sa akin. Kinabahan tuloy ako. May malubha naba akong sakit? Inilapag nya ang pagkain ko sa lamesa at hinarap nya ako. Tinitigan nya pa ako. Napakunot noo tuloy ako. Hinawakan nya ang kamay ko na walang swero saka hinalikan iyon.. Mas lalo na tuloy akong nagulohan. " Natatakot na ako Sef. " sabi ko. Kinakabahan na kasi ako sa mga ikinikilos nya.
" Marry me. Please Kelly spend the rest of your life with me. Marry me baby. " namimilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Masaya ako oo, pero mas lalo lang akong nagulohan sa mga sinabi nya. Bakit sa ganitong pagkakataon sya magpopropose? May dapat ba akong malaman?
------------------------------------
Short UD.. Pxnxa na po kailangan ko lang talagang itawid 'to.. Babawi nalang ako sa susunod.. Salamat po ulit sa lahat ng sumuporta.. Mmwwuuaahh!