"Tatay Jun, hanggang 12 lang pala ang klase ko ngayon." Paalala ko kay Tatay Jun, ang driver namin, habang tinitingnan ang schedule ko.
Kung iniisip niyo ay napakabait kong bata dahil nagpapasundo ako pagkatapos ng klase ay nagkakamali kayo. First day ko kasi sa bago kong school dahil kakalipat lang namin ng bahay.
"Sige anak, i-a-alarm ko 'yung cellphone ko para hindi ko makalimutan." Sagot naman ni Tatay Jun. "Sige po tay."
Tatay ang tawag ko sa kanya dahil nakagawian ko na. Kahit sina papa at mama ay tatay ang tawag kay Tatay Jun. Ayaw nilang ipatawag na manong o yaya ang mga kasamahan namin sa bahay. Sabi nga, kasama namin sila sa bahay at ang bahay ay binubuo ng pamilya. Kaya pamilya na ang turing namin sa kanila.
"Naku anak, traffic pa ata. Mukhang may nagkabungguan sa banda roon"
"Ano ba naman 'yan, tay, unang araw pa lang mukhang male-late pa ako."
"Hindi bale anak, gagawa ako ng paraan para makasingit"
"Salamat, tay."
Habang nag-iisip si Tatay ay binaling ko muna ang tingin ko sa bintana. Napatingin ako sa isang kotse na katapat ng kotse namin. Hindi naman ganoon katinted ang salamin ng bintana ng kotse niya kaya agad ko rin nakita ang tao sa loob. Nakita ko ang lalaking nakaupo sa back seat nito na mukhang tahimik at malalim ang iniisip. Mukha siyang matalino at mayaman. Mababakas din sa mukha niya na may pagkastrikto at mature mag-isip. Maputi siya at bagay sa kanya ang medyo brown niyang buhok. Siguro may pagka-cool din siya o hindi kaya music lover dahil naka-earphone siya. At higit sa lahat gwapo. Iwinasiwas ko ang dalawa kong kamay sa hangin para mawala ang iniisip ko.
Ano ba 'yan. Wag kang kumire diyan Loujille. Papasok ka pa, oh. Nakakaano ka na eh, ha.
Ano kaya ang pinapakinggan niyang music? Teka, parehas kami ng uniform. Tiningnan ko 'yung coat ko at hindi nga ako nagkakamali, parehas nga.
Paglingon ko uli sa bintana ay wala na 'yung kotse niya. Tiningnan ko 'yung lane kung saan nakahinto 'yung kotse nila kanina at nakaungos na ang mga kotse. Siguro ay naalis na 'yung nagkabungguan.
"Nakaalis na? Ang bilis naman?"
"Sino anak?"
"Ay, wala po, tay."
Umandar na rin ang kotse namin at iniisip ko pa rin ang mukha nung lalake. Nakabisado ko agad 'yung mukha niya. Witwiw!
Mukhang ang lungkot niya. Dahil siguro sa pinapakinggan niyang music? Ganun naman kapag nakikinig ka ng music, di ba? Minsan sa sobrang feel na feel mo ay nadadala ka na. Ako nga minsan ay napapaiyak, eh.
"Nandito na tayo, anak. Ingat ka. Goodluck sa iyo." Binuksan na ni Tatay Jun ang pintuan para lumabas ako.
"Salamat, tatay. Ingat din po kayo. 'Wag niyo po kalimutan, 12 po uwian ko." Paalala ko kay Tatay Jun. Nginitian niya naman ako bilang assurance.
"Austria Academy." Basa ko sa gate ng school. Tiningnan ko 'yung logo sa coat ko. Austria Academy, tama naman. Baka kasi nagkamali ng paghatid sa akin si tatay Jun, eh.
Pagpasok ko sa loob ay napa-OMG na agad ako. Malaki ang school na 'to kumpara sa school ko dati at syempre dahil mayaman ang mga nag-aaral dito ay may pagkamodern na ang kagamitan dito. Nawala ang pagkamangha ko sa school na ito nang may magsigawan. Napatingin naman ako sa kaliwa at may napansin akong kumpulan.
Ano kaya ang meron sa bagong dating na kotse na 'yun at halos takpan na ng mga babae?
"Nandyan na siya!" Sigaw ng isang babae na halos mapatid na ang litid sa kakasigaw.
"Andyan na si Andrei. O my God!" Sigaw pa ng isang babae habang tumatakbo papunta sa kumpulan.
Lahat sila ay nagtatakbuhan habang kilig na kilig papunta sa kumpulan na iyon at may mga dalang regalo. May birthday ba? Baka birthday nung Andrei? Ay grabe lang, ha! May grand entrance kapag may birthday. Sayang lang tapos na ang birthday ko kaya hindi ko mae-experience 'yan. Dahil curiosity kills the cat kahit siyam pa ang buhay ng pusa ay pumunta ako roon sa kumpulan. Puro tilian na ang narinig ko habang lumalapit. Makikitsismis lang. Bakit ba? Kinalabit ko ang lalaking nasa harap ko at sigurado akong bakla siya dahil nakaclip pa ang bangs niya.
"Sino 'yung Andrei? May artista ba na nag-aaral dito? Birthday niya ba?" Sunod-sunod kong tanong kay kuyang nakaclip ang bangs.
"Ay, nako, ateng pretty, walang may birthday at sa sobrang pogi ni Andrei mylabs ay napagkakamalan na siyang artista." Sagot niya sa akin saka tumili. Confirm na talaga. Bakla nga talaga siya.
"Ah, akala ko artista, eh." Umalis na ako na nanlulumo. Akala ko ay magkakaroon na ako ng schoolmate na artista. Gusto ko kasi 'yung ganun. Hindi naman pala niya birthday, eh. Bakit may mga regalo pa silang nalalaman?
"Teka, ateng pretty! Wala ka bang i-aabot na regalo kay Andrei? Akin na at isasabay ko sa pagbigay." Habol sa akin ni kuyang nakaclip ang bangs.
"Ha? Required ba 'yun? Teka, bibili lang ako sa bookstore." Alam ko may bookstore dito. Sosyal talaga 'tong school na 'to. Natawa si kuyang nakaclip ang bangs pati ang kasama niyang babae. Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit sila tumatawa.
"Loujille Ferrer." basa ng kasama niyang babae sa ID ko. "Mukhang bago lang siya, Janice." Dugtong niya pa.
So, Janice pala ang pangalan ni kuyang nakaclip ang bangs.
"Kaya pala. Wag ka mag-alala i-introduce ko sa iyo si Andrei mylabs." Sabi ni Janice saka umakbay sa akin. Nakikinig lang ako sa kanila habang naglalakad kami papunta sa locker ko. Multi tasking lang.
"Si Andrei Tristan ang bunsong anak nila Mr. George at Mrs. Andrea Austria. Ang kuya niya ay nasa ibang bansa at nag-aaral ng doctor. Sinasabi rin nila na si Andrei raw ang mag mamanage ng school na 'to kapag nakapagtapos na siya sa college." Tatango-tango lang ako sa pagkukwento ni Janice habang naglalakad. Mukhang marami siyang alam about sa Andrei na 'yun. So, sa kanila pala ang school na ito.
"Ay, Loujille, anong year ka na ba?" Tanong ng babaeng kasama ni Janice.
"4th year section A." Sagot ko sa kanya.
"Sakto! Magka-klase pala tayo." Sabi ni Janice.
"Buti na lang at magkaklase tayo." Nakahinga naman ako nang maluwag dahil magkaklase pala kaming tatlo. Mabuti at may kaibigan na ako sa klase namin.
"By the way, Loujille, ako nga pala si Eunice Vernon." Sawakas at nagpakilala na rin ang babaeng kasama namin. Akala ko wala silang balak magpakilala.
"Ako naman si Jan Eric Lianto, pero pwede mo akong tawagin na Janice. Tutal friends friends na tayo." Pakilala naman ni Janice. Natatawa naman ako sa naiisip ko, Jan Eric to Janice?
"Salamat, may kaibigan na ako dito at ka-klase ko pa."
Mabuti talaga at nakilala ko sila. May makakausap at makakasama na ako sa school na ito.
"Naku, wala 'yun! Sadyang ayaw lang namin makisalamuha sa mga R-I-C-H dyan" Hindi ko naman na-gets ang sinabi ni Janice. Ayaw niya makisalamuha sa mga rich tapos dito siya nag-aaral. Alam ko kasi mayayaman ang mga nag-aaral dito dahil hindi biro ang tuition fee rito.
"Teka, bakla, hindi ka ata maintindihan ni Loujille eh."
Tama ka Eunice, hindi ko talaga maintindihan.
"Sige kambal, ikaw na ang mag-explain ayusin ko lang ang foundation ko." Pagpapaubaya ni Janice.
"Ganito kasi 'yan, Loujille. Kaya nasabi 'yun ni Janice kasi iba-iba naman ang mga estudyante rito. Pero hindi namin sinasabi na masasama mga nag-aaral sa Austria Academy." paliwanag ni Eunice.
"Eh kasi hindi naman kami mayaman gaya niyo. Nakapasok kami rito dahil sa scholarship. Nakapasa kami sa entrance exam at interview. Valedictorian kasi ako noong elementary at 2nd honorable naman si Janice. " Pagpapatuloy ni Eunice. Kaya naman pala nila nasabi iyon. Sabagay, hindi naman lahat ng mayaman ay mababait. 'Yung tipong parang ikakahirap nila kapag may lumalapit sa kanilang hindi nila kalevel. People now a days nga naman.
"At alam mo ba, ateng pretty, bet na bet ko talagang pumasok sa school na ito noong elementary pa lang ako. Kasi ang taas ng tingin nila sa school na ito at sa mga mag-aaral. Higit sa lahat, araw-araw ko masa-sightsung ang mylabs ko." Kilig na kilig na pahayag ni Janice saka ipinakita sa akin ang picture ng mylabs daw niya na nasa likod ng ID niya.
"Room 401." Basa ko sa taas ng pinto na kinatatayuan namin.
"Ito na ang room natin. Tara, doon tayo." Hinatak na ako ni Janice at Eunice sa loob ng classroom nang may makita silang bakanteng upuan. Lahat sila ay nakatingin sa amin. Ito na ata yung sinasabi nila na ayaw nila. Mapanghusgang tingin.
"Tara Loujille, doon tayo sa gilid, malapit sa bintana para madali ko matanaw sa labas si Andrei mylabs." Yaya sa akin ni Janice.
"Bilis! Bilis! Bilis!" Excited talaga itong si Janice. Parang mawawalan naman kami ng upuan. Nang makaupo na kami ay may lumapit sa amin na grupo ng babae.
"Oh! Look girls, mukhang may nauto na naman sila." Maarteng sinabi ng isang babae na halos maubos na ata ang lipstick sa sobrang pula ng labi niya.
"Oh! Dapat iwan mo na sila girl at sa amin ka sumama. Like duh! Wala kang mapapala sa kanila." Singit naman ng isa pang babae.
Mukhang sa inyo nga ako walang mapapala, eh. Tahimik lang sila Eunice at Janice samantalang 'yung mga babae ay nakatingin sa akin.
"If I'm not mistaken, ikaw 'yung bagong student. Ikaw ba 'yung nag-iisang anak ng mga Ferrer? 'Yung may-ari ng Ferrer Cars?" Tanong ng babaeng nasa unahan. Ito siguro yung leader nila.
"Oo, ako nga. Ako si Loujille Ferrer." Sagot ko sa leader nila.
"Pasensya na Jamilla kung kasama namin si Loujille pero FYI lang, hindi namin siya inuto na sumama sa amin. Natural bago lang siya rito kaya wala pa siyang kakilala." paliwanag ni Eunice sa kanila. Napataas ng kilay ang babaeng leader nila na si Jamilla.
"Okay, nerdy vampires. Hindi ko hinihingi ang opinyon niyo. Papiliin na lang natin si Loujille kung saan siya sasama. I'm pretty sure na sasama siya sa mga ka-level niya." Sagot naman ni Jamilla. Nakatingin silang lahat sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Ayaw ko ng ganitong feeling. Ayaw ko ng may nasasaktan at may naaapi.
"Go girl, choose na." Sabi nung katabi ni Jamilla na isa sa mga supporters niya.
"Sorry, pinipili ko sila Janice at Eunice. I'm happy with them." Sagot ko kay Jamilla na ikinagulat niya. Hinawakan ko naman ang kamay nila Janice at Eunice.
"Whatever! Let's go girls, alam ko naman na hahabol ka rin sa amin." iniwan na kami Jamilla at ng grupo niya. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Janice at Eunice at nginitian ko sila.
"Salamat Loujille." ani Eunice.
"Naku, wala 'yun. Mas gusto ko kayong makasama." Sagot ko kay Eunice.
First day pa lang may ganitong kaganapan na. Paano na sa mga susunod na araw?
Teka, 'yung lalaki kaya na nakita ko kanina, anong year na kaya siya? Sana makita ko siya.
Thank you for reading!