Maine
"I don't wanna see your face here, ever again."
Napaismid ako. Hmfs! Nakakaasar. Hindi ko maintindihan yung taong yun. Ang sama ng ugali! Hindi ko naman talaga sinassadya eh!
Napaka clean freak. -_-
Akala niya ipagsisiksikan ko sarili ko dito?! Hah! Hah! Hah...
T.T
Paano na ako ngayon?! Ang pangarap ko! Para sa mga lola ko! Maine naman eh! Clumsy eh! T.T Pati kamalditahan mo, inilabas mo!
Siya kasi eh! T.T Naiiyak talaga ako. Nakakaasar.
Lumabas na ako ng TeleCom. Haaay. Makapunta na nga lang sa palengke. Bibili muna ko ng pasalubong. Pampalubag loob sa news ko sa kanila mamaya. T.T
Pinuntahan ko yung suki namin sa palengke. Si Lola Tidora, hopia na munggo ang gusto. Si Lola Tinidora naman, tikoy. At si Lola Nidora, pili nuts. Sosyalin diba? Buti na lang taga Bicol yung nagtitinda ng mga ito.
Pagkatapos kong mamili naglakad na ko papuntang sakayan.
Nakalimutan kong magdala ng payong. :/ Ang init eh.
"Ate, pahingi barya." Tinignan ko yung kumalabit sa akin. Batang pulubi. Ang dungis dungis talaga niya. Kawawa naman. Naghanap ako ng barya sa wallet ko at inabot sa kanya.
Mukang tuwang tuwa ito. Nagpasalamat ito sa akin at umalis na. Nakakatuwa sila. Kasi kahit sa maliit na bagay marunong silang makuntento at matuwa. Sana lahat tayo ganun, noh?
"Tabiii!" Aray! Aray naman ah! Makatabig eh noh!
"My bag! Oh my god! May bag!" Napatingin ako doon sa babaeng nasigaw. Naiiyak na siya. Napatingin din ako doon sa tumatakbo. Medyo napapabagal takbo nya dahil marami nakakasalubong. Alam na alam ko na kung saan ang labas niya kaya tinungo ko yung shortcut papunta dun.
Loko kang magnanakaw ka ah. Babanggain mo pa ako. Beastmode na talaga ako ngayon!
Saktong pagkadating ko doon sa kanto ay makakasalubong ko uli siya. Nagtago ako sa gilid ng pader para ndi niya ako makita. Humanda ka sa akin ngayon kuya. May patabi tabi ka pa kanina ah. Sinilip ko siya, medyo malapit na siya sa akin. Hindi siya naka concentrate sa harap dahil panay tingin niya sa likod niya. May mga humahabol din kasi sa kanya.
Nang makalapit na siya ng husto sa akin, pinatid ko siya at dinamba. Pinaghahampas ko siya ng bag ko.
"May patabi tabi ka pa kanina!! Loko ka!! Prinovoke mo ako! Provoke! Akina yang bag!" Nang maagaw ko sa kanya yung bag, akmang tatayo siya pero nadamba uli siya nung mga taong bayan. Haay. Grabe ah! Yung effort ko na inexert doon ah! Hundred one percent eh. Nakakaprovoke si kuyang magnanakaw eh.
May dumating na mga tanod at sasakyan. Bumaba sa sasakyan yung babaeng nanakawan.
"Ohmy! Thanks! Thank you so much!!" Naiiyak na pasasalamat ng babae.
Ngumiti lang ako at tumango.
"Mag-ingat ka na sa susunod, miss. Marami talagang ganyan dito." Nagpasalamat din yung babae sa tanod.
Itinayo na nila si Kuyang magnanakaw. Nagpaalam na din ako. Gusto ko na talagang umuwi. Haaay.
Pero pinigilan ako nung babae. "Wait, miss. Please let me do you a favor." Pakiusap nito. Naglabas ito ng kung ano sa bag at iniabot sa kanya. Pera. Hindi lang basta pera, maraming pera.
Ngumiti ako at umiling. "Ang paggawa ng kabutihan ay hindi napapalitan ng kahit anong materyal na bagay. Masaya ako at natulungan kita. Pero walang kapalit yun." Sabi ko sa kanya. Oha! Isa yan sa mga natutunan ko kay Lola Nidora. :)
Pero hindi siya nagpaawat. "Okay then, saan ka na lang pupunta? Sasamahan na lang kita."
Medyo makulit din siya no?
"Uh.. Wag....."
"Pauwi ka na ba? Come, ihahatid na kita." Binuksan niya yung pintuan nung sasakyan niya.
Pagod na pagod na ako ngayon, kaya sumakay na rin ako.
"I'm really glad na nandoon ka kanina. You're really brave, you know. Biruin mo, hinabol mo pa talaga siya. Gosh, samantalang ako kanina sigaw lang ng sigaw."
Madaldal siya, in fairness. Pero mas napansin ko siya ngayong magkalapit kami. Maganda pala talaga siya. Hindi ko lang napansin kanina kasi napagod ako dun kay kuyang nangprovoke sa akin.
"Anyways, I'm Aldrina. What's your name?" Masiglang tanong pa niya.
"Maine." Nakangiti ko namang sagot. Ang iksi kong sumagit, hano? Pagod kasi talaga ako at.... Stressed. Gee.
"Ay oo nga pala, I almost forgot. Nalaglag nga pala itong folder mo kanina nung habulin mo yung guy." Inabot niya sa akin yung folder ko na may laman na resume at ibang documents ko. Kita niyo? Ni hindi ko namalayan na nalaglag na pala to. Nakuu. Buti na lang nakita niya.
Nagpasalamat ako sa kanya. Ngumiti siya uli. Lalo siyang gumaganda kapag nakangiti.
"Nag aapply ka pala. Based sa mga documents mo dyan, obviously na sa isang call center ka nag aapply. I bet na natanggap ka. I can feel it." Mahabang pahayag nito.
Natanggap daw. T.T Naalala ko na naman tuloy. -_-
"Uh. Hindi nga eh. Hehe" Malungkot kong sagot. Halatang nagulat siya.
"But why?"
"Pabebe kasi yung may ari nung TeleCom eh." Inis na sabi ko.
"Ha?" Napatingin ako sa kanya. Ay oo nga pala. Sosyalin to. Hindi niya nagets yung sinabi ko.
"I mean, yung may ari ng TeleCom na nag interview sa akin masungit, suplado." Pabuntong hininga kong sabi.
At tumawa lang naman siya. "Hmm. So sa TeleCom ka pala nag apply. But, what happened? Bakit ka naman sinungitan?" Tanong pa niya.
Ikinwento ko sa kanya yung nangyari. Inilabas ko na rin yung sama ng loob ko. "Alam mo yun, yung hindi ko naman talaga sadya. Napaka clean freak naman kasi niya. Kalalaking tao eh. Nakakaasar. Tapos sabi pa niya ayaw na niya akong makita. Hah! Feeling naman niya ipagsisiksikan ko sarili ko sa kanya. Bwisit siya! Nakakaa...." Napahinto ako ng makita kong natatawa siya sa akin. "Uh sorry madaldal na ba ako masyado?"
"No no. It's okay. Natutuwa lang ako sa iyo." Nakangiti niya uli sabi. Maya maya ay tumahimik siya bigla. Naiilang tuloy ako. Gee.
Sasandal sana ako ako at iidlip saglit ng tumili siya. Shemay naman! Pati ata atay ko tumalon sa gulat eh!
"Great! Great! Great! I'm such a genius! " sigaw pa nito.
Hala. Kinakausap niya sarili niya. Bigla siyang humarap sa akin. Napakalawak ng ngiti niya ngayon, kasing lawak ng universe. Hindi niyo maimagine no? Wag ng imaginin, ang sagwa eh. Haha
"I'll help you."
Ha? Ano daw?
"Tutulungan kitang maghanap ng work." Nakangiti niya sabi. Inilabas niya yung phone niya at parang nay itinext. Pagkatapos ng ilang minuto ay malawak uli ngiti niya.
"Akina to ha." Kinuha niya sa akin yung folder ko.
Paglipas ng isang oras ay nasa tapat na kami ng bahay ko. Bumaba ako at nagpaalam.
"Someone will call you later. Don't turn off your phone okay." Nakangiti niya sabi at umalis na.
Hano daw? O.o
Pumasok na ako sa bahay.
"Sa tingin niyo natanggap kaya si Maine?" Narinig kong tanong ni Lola Tidora.
"Oo naman! Matatanggap siya. Matalino si Maine, Tidora. Naniniwala ako sa kakayahan niya." Sagot naman ni Lola Nidora. Lalo akong nalungkot sa narinig ko. Paano na yan? Umaasa sila. T.T
"Oh Maine! Andyan ka na pala! Grabe. Kanina pa kami nag aantay sayo! Excited eh! Hihi!" Masiglang sabi ni Lola Tidora. Nagmano ako sa kanila.
"Kamusta naman hija ang interview? " tanong ni Lola Tinidora.
"Okay naman po." Sagot ko. Ngumiti ako pero I'm sure na hindi umabot sa mata ko.
"Oh, bakit parang malungkot ka hija? Anong nangyari?" Tanong naman ni lola Nidora.
"Hindi ho. Pagod lang ho ako ngayon." Tanggi ko. Tinignan nila ako ng mataman. Umiwas ako ng tingin. At huminga ng malalim.
"Ano po. Uh, lola. Ano kasi...." umpisa ko nang biglang nag ring phone ko.
Dali dali kong kinuha. Hindi naka register yung number sa phone ko pero sinagot ko pa rin.
"Hello."
"Ako nga po. Yes. Opo....."
Nanglaki yung mata ko sa sinabi nung caller. "Talaga po!? Oh my god!!!" Nahawa na ata ako kay Aldrina. Pero... Shemssss!!!!
"Sige po. Opo! Salamat po. Salamat!" Naiiyak kong sabi. Binaba ko na yung phone.
"Hija anong nagyari? Bakit?" Tanong ni Lola Tinidora. Nakatingin sila sa akin lahat. Takang taka.
"Lola......"
"Tanggap po ako sa TeleCom!!!!" Masaya kong sabi. Bigla tumili si Lola Tidora at Lola Tinidora. Nagtatalon pa sila. Hahahaha! Ang saya ko! Sobra!!! Si lola Nidora naman, nakangiti lang. Pero alam kong masaya din siya kagaya namin. Grabe!!
Okay, telecom! Bukas, magkikita uli tayo! Yes!!! Tuloy ang pangarap!
~
Yung hindi ako naka get over sa kilig nung Sat. Hahahahahha!!! Shems eeeh. ❤❤❤
@BhabieYanz, thanks sa vote!
AlDub you all!
~LilBitMore