"so? Maghapon mo nalang titigan yang wallpaper mo?pikit pikit din pag may time baka mamaya mahubaran na yang si papa tj sa kakatitig mo pweede naman kasi puntahan ehh"""
Muntik ng maitapon ni krystine ang cp niya sa sobrang gulat nasa pool area na kasi silang tatlo napansin siya ni meg sa ginagawa niya habang si jane patuloy lang sa pag langoy!!! Nabatukan niya ito sa sobrang gulat!!totoo naman kasing tinitiigan niya ang wallpaper ng cp niya picture nila ni tj nong bday ni jane maganda ang kuha kaya yun ang ginawa niyang wallpaper niya para kahit sa cp lang ehh masaya na siyang titigan ito
"ouch napakamot nalang si meg sa ulo niya" alam mo kayong dalawa ni jane!! Ang hilig niyong manakit nagtataka ako kung bakit? Bestfriend niyo ba talaga ako?nakangusong sabi nito habang patuloy na hinahaplos ang parting binatukan ni krystine
"ang oA mo kasi makasigaw ka naman rinig ng lahat!!!
"buti nalang maganda ako hindi halatang inaape niyo ako
"inaape agad? Tampo kana niyan!! Hindi bagay sau"naiiling na wika ni krystine talaga namang madalas nila itong batukan kasi makulit minsan ehh may pag ka isip bata pero syempre yun yong lambingan nilang tatlo sanay na sila sa ganitong sitwasyon
"ewan!!! Ehh kasi naman bakit ba ayaw mo nalang sabihen ung nararamdaman mo sa kanya todo tago ka. Ng feelings mo!!! Wala naman masama kong ikaw ang unang aamin dba para dka nahihirapan!!!"biglang seryosong sabi nito
"alam mo naman kong bakit hindi pweede diba??? Ayokong mailang siya okey na sa kin yung ganito atleast nakakasama at nakakausap ko siya!! Bilang bodyguard ko
Megan's PoV
Sa totoo lang gusto kong mainis nagpapaka tanga itong bestfriend namin ehh ayaw pa kasing aminin yong nararamdaman niya kay papa tj si papa tj naman ang manhid haist
Kahit na lagi akong nasasaktan sa dalawang to mahal na mahal ko sila para ko ng mga kapatid yan e!! Kaya ayokong nakikita silang nasasaktan naalala ko nga nung may umaway sa kanila noon ako pa talaga ang gumanti para sa kanila --- ako kasi yong tipong kapag galit galit talaga
Si krystine sa totoo lang Hindi naman dati ganyan yan lalo na nung naging sila ni ivan vocal sya sa nararamdaman niya lagi !!!
Kaya nagtataka ako kung bakit hindi niya magawang maamin kay tj na gusto niya ito!! Sa amin nga ayaw pa niya aminin dati e pero d kami naniniwala hanggang sa napaamin namin siya!!!
Ehh ano kung may girlfriend siya masama bang mag kagusto sa taong taken na? Hindi naman diba?!
Hay naku kung ako siya matagal ko ng inamin kay tj na mahal ko siya
____()):))
"ano ba kayong dalawa akala ko ba mag su swimming tayo bat ako lang ata ang kanina pa nag eenjoy? Nakalapit na pala sa kanila si jane umupo ito sa tabi ni megan at uminom ng juice!!! " hindi kaba natatakot sa mga tauhan ni tito dito?sis?tanong nito matapos uminom ng juice
"hindi? Bat naman ako matatakot sa kanila?takang tanong ni krystine
"e kasi ang dami dami ehh atsaka tingnan mo ang lalaki ng katawan nakakatakot pa naman"
"ewan ko ba naman kela daddy pero naiintindihan ko naman sila ehh mula nung may mga taong gustong pumatay sa pamilya namin lalong naghigpit si daddy "
"sinu kaya yung gumagawa ng ganun sainyo may idea kaba?si megan naman ang nag salita!!
Napailing si krystine!!!
"wala!! Sa tuwing nag tatanong ako kela daddy at kuya sinasabi lang nila na wag ako mag alala sila na ang bahala umayos non!!
"malamang kalaban yan ni tito sa pulitika"
"I dont think so jane!! Wala akong alam na may kaaway si daddy sa pamumulitika"
"Look who's there "-sabay silang napatingin sa deriksyong tinitingnan ni megan!!! Nakita nila si tj na nag lalakad sa malawak nilang hardin Hindi siguro sila nito napansin dahil sa ibang dereksyon ito nakatingin "papa tj!!!tawag dito ni megan talagang pinanindigan niyang tawagin itong papa hehe napatingin naman ito sa gawi nila, nag wave naman dito sI meg na sinuklian nito ng ngiti,,,,"come here join us"sabi pa ng dalaga,,,
Hindi maiwasan ni krystine ang ma tense habang papalapit si tj sa kanila panu ba naman mapanukso ang mga tingin ng dalawa niyang kaibigan!!! Bigla tuloy pakiramdam niya ay namumula na pisngi niya!!!
"hi kumusta jane, megan" nakangiting bati ng binata sa dalawa ng makalapit ito sa kanila ,,nakasanayan na nitong jane lang at megan ang itawag sa dalawa ito kasi ang gusto nila
"were good tj how about you,, we heard the bad news thank god ok kana ngayon"nakangiti ring wika ni jane
"upo ka!! Samahan mo kami "si meg
"ahh hindi sige ok lang ako nakakahiya naman sainyo,, naglakad lakad lang ako tinatamad na kasi ako humiga "
"anu kaba huwag kang kj okey lang naman ehh diba tin?baling ni megan kay krystine
"Ahh hmmmm yeah okey lang troy sige na umupo ka muna jan papahain lang ulit ako kay yaya ng makakain natin"sagot ng dalaga !! Dali dali itong tumayo at tinungo ang kusina!! Naiwan naman ang tatlo!!! Napaupo rin si tj t. Sina meg at jane naman nagkatinginan nalang at parehong naiiling!!!
_;:::()/\\
Nadatnan ni krystine ang tatlo na masayang nag kukwentohan ang totoo umalis siya kasi bigla siyang na conscious sa itsura niya pulang pula ang pisngi,, nahihiya siyang makita ng binata iyon alas 5 na ng hapon kaya meryenda nalang ang pinaluto niya sa cook nila!!!! Ang hot talaga ni tj kahit nakatalikod kitang kita parin niya yung maputi nitong Braso naka pambahay na short lang kasi ito at sando!!!!
"ang saya niyo ah"wika niya ng makalapit sa tatlo!!!
"masarap kasi kausap itong si tj e palabiro " si jane
"nag paluto ako ng meryenda natin kay yaya maya maya andito na yun"sabi naman ng dalaga!!!Paupo na sana ito ng mapansin ang sugat ng binata sa tagiliran na nag dudugo bakat kasi sa puting sando nito namantsahan ng dugo"troy yong sugat mo?? Tarantang wika pa nito yaya kunin mo yung firstaid kit natin paki bilisan lang"utos ni krystine sa yaya nila na nooy nakabantay lang sa d kalayuan wala.kasi ngaun ang mag inang Melissa at Mildred dahil namili!!! Ng stocks nila sa bahay ''si jane at meg nagkatinginan lang na para bang may naiisip na gawin!!
"sissy ikaw na bahala sa sugat ni tj a swimming lang kami"si jane
"oo nga huwag kang mag alala tj magaling yang si tin !! Nursing muna kinuha niyan bago nag shift ng course so siya na. Bahala sayo
Dugtong ni meg!! Katakot takot na tingin ang binigay ni tin sa dalawa na tinawanan lang ng mga ito!!! Kiniditan pa siya ni meg na para bang sinasabi na kaya mo yan sissy its youre time to shine pinandilatan niya ito pero lumusong parin ang dalawa sa tubig---naiiling nalang si tin na binaling ang attensyon kay tj napabuntong hininga na lamang ang dalaga buti nalang d nahalata ni tj!!!!
Maya maya pa nanjan na ang isa sa maid nila dala ang box ng pang linis ng sugat!!!!
Medyo nahihiya naman si tj na hubarin sa tapat ng dalaga ang damit niya hindi siya sanay sa ganito Lalo nat anjan ang mga kaibigan nito
Pero dahil nag pilit si krystine napasunod naman siya nito
Kumikirot parin ang sugat niya medyo napapangiwi parin siya kapag na dadantayan ito ng bulak na may alcohol!!!!
Nanatiling nakatitig lamang siya sa ginagawa ng dalaga!!! Heto na naman ang puso ko parang may kung anu na namang nararamdaman na hindi ko maintindihan.sabi iyon ng isip ng binata!!!!
Matagal na niya nararamdaman ang ganito hanggang ngayon ayaw niyang patulan!!! Lagi nalang niyang ipinapaintindi sa isip niya. Na mali ang mag kagusto siya sa iba Lalo na sa babaeng kaharap niya Langit at lupa ang agwat nila sa isat isa!!!!
Sa wakas natapos din ng dalaga ang ginagawa!!! Benda nalang ang inilalagay nito!!! Parang kuryente ang pakiramdam na madikit yung kamay ng dalaga sa bewang ng binata!!!! Alam niyo Yung parang nayayakap niya ito!!!!
Jane's pov
Para lang kaming nanonood ng live na movie ni meg pareho kaming kinikilig sa nakikita naming ayos ngayon ni krystine at tj
Halatang kabado si tin tin at ganon din si tj ramdam namin yong ilangan factor nilang dalawa!!!
May nararamdaman sila sa isat isa ehh ramdam ko sa titig ni tj sa kanya
Kaya lang may problema ehh pinipigilan niya dahil nga may jowa na siya!!!
Pero nandito kami ni meg tutlungan namin silang ma develop sa isat isa