Jewel's P.O.V.
Tulad ng sinabi ni Dale, hindi na nga ako nakalalabas ng bahay kung wala namang importanteng pupuntahan. Kahit nga pag grocery hindi ko na rin magawa dahil bawal.
Pero ngayon pinayagan niya kaming lumabas ni Darrel. Gusto kasi ni Darrel na mamasyal sa mall ngayon kaya wala rin siyang magawa kung hindi pagbigyan ang anak, ang umuugnay sa amin.
Nandito na kami sa Jollibee ngayon dahil gutom na raw ang anak ko.
Habang pumipila sa counter kasama ang anak ko ay may nasilayan akong pamilyar na hitsura na nakaupo sa malayong table dito.
Hindi ko masiguro kung siya nga dahil medyo malayo siya mula sa kinatatayuan ko at may mga palakadlakad. Dahil sa gusto kong makumpirma, lumapit na ko pero bigla akong pinigilan ng anak ko.
"Where are you going mom?"
"May lalapitan lang tayo baby, tara." Saad ko sa kanya.
Lumapit pa kami ng kaonti at hindi nga ako nagkakamali.
"Eric!" Sigaw ko.
Gumawi ang tingin niya sakin at nabigla rin siya "Ate!"
Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Grabe sobrang namiss ko siya. Ang huli pa naming pagkikita ay nang ipanganak ko si Darrel. Hinarap ko siya.
"Bakit nandito ka sa mall? Diba may pasok ka? Nagbubulakbol ka ba?" 4th year college na siya at apat na taon ang agwat ko sa kanya.
"Ate naman, mabait kaya 'tong kapatid mo. wala kasi kaming pasok ngayon kaya naisip kong mag relax muna." may paamo effect pa siyang nalalaman. Napansin niya ang batang katabi ko. "wait, siya na ba ang anak mo ate? Ano nga ulit pangalan niya?" Biglang nagtago si Darrel sa likod ko. Napakamahiyain niya talaga.
Lumuhod si Eric at pilit pinapalapit si Darrel, "Hey young man, come here. Im your uncle. Your mommy's little brother."
Lumapit din si Darrel sa kanya at agad niya itong kinarga. "what's your name, young man?"
"D-Darrel." nahihiya niyang sabi.
"Your so cute, adorable. You look like your mom."
"Really?! But my mom told me that I'm like my dad" yup!
"No! You look like your mom" sige patulan mo pa Eric. Kitang-kita naman.
"No."
"Yes, kid"
"No"
"Tama na nga yan Eric, kahit kailan wala ka pa ring pinagbago. Para ka pa ring isip bata." Pag-aawat ko
"Habulin naman ng chicks ate."
"Heh! Playboy!"
Inilapag na rin niya si Darrel. "Kamusta na pala si dad?" Tanong ko. five years ago pa simula ng nag kausap kami at kahit pa itinaboy na niya 'ko bilang anak, daddy ko pa rin siya.
"He's still busy. Puro trabaho ang inaatupag niya. Minsan na nga lang siyang umuwi ng bahay dahil sa business." my dad is a CEO of international milk product. Karespe-respeto siya as a businessman, as a father. Mabait siya sa lahat ng empleyado niya sa kumpanya and also sa bahay nuon. He's really sweet on us. Kaya nakakalungkot na naputol na ang aming komunikasyon.
"I miss him so much." Nagbabadya na tumulo ang luha ko.
"Ate," hinawakan niya ko sa magkabilang balikat. "Ma pride lang si dad but I know, he really miss you too." sabay yakap sa'kin. Ano ba yan napaka emotional naman namin.
Bigla namang may kumalabit sa likod ko. "mom where's your father? I want to see him and punch him because he makes you cry." Natawa kami pareho sa sinabi ni Darrel.
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Eric. "Pwede ko bang matawagan si dad?"
Agad naman niyang ibinigay ang cellphone niya. Kahit ang number ni dad ay iba na rin. Sa tuwing tatawag ako sa kumpanya para kausapin siya, ang laging sinasabi ng sekretarya niya ay busy siya.
Ilang segundo rin bago niya sinagot.
[ Eric where are you? wala kang pasok ngayon kaya pumunta ka dito sa kumpanya. I Need you here ] mahinahon niyang salita.
Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi kumawala ang malakas na hagulgol. Sobrang namiss ko ang boses niya.
[ Hello? Are you there? Eric. ] huminga muna ako ng malalim. Ito na ang pagkakataon para muli kaming magkausap.
"d-dad? I-its me, kumusta na po kayo?" Nauutal kong sabi.
[Where's Eric? Where's my son? I want to talk to him, where is he? ] halatang ayaw niya akong makausap. Hindi ko siya sinagot sa halip.....
"Dad I miss you. I miss you so much, daddy." Tuluyan nang kumawala ang hagulgol ko. Hindi siya nagsalita. Ilang segundo rin na tanging iyak ko lang ang maririnig sa usapan namin. Akala ko ay ganun din ang sasabihin niya pero....
[ I don't have a daughter anymore. ] malamig niyang pagkakasabi at naputol na ang linya.
Niyakap ako ni Eric para i-comfort.
"Tahan na ate, mahal ka ni dad. I know that." Niyakap ko rin siya.
"Pero bakit sobrang lamig niya sa'kin? After five years na walang komunikasyon hindi man lang ba niya ko naalala?" Mas lalo pa kong umiyak.
"Of course not! Siguro galit pa rin siya at hindi niya pa rin tanggap na mas pinili mo ang asawa mo kaysa sa kanya." Sa tingin ko basang-basa na ang t-shirt niya sa mga luha ko.
"Mom please don't cry, I don't want to see you crying." Yumakap din si Darrel sa binti ko. Ano ba 'to, nagdrama pa kami sa public place.
Inayos ko na ang sarili ko at humarap naman kay Darrel na umiiyak na rin. "Don't cry, baby. Im okay now." Kinarga ko siya.
"Kayo ng asawa mo ate, okay ba ang pagsasama niyo?" Natigilan ako sa tanong niya.
"Uhhmm..... o-oo okay kami." Hindi niya dapat malaman ang nagagawa ni Dale sa'kin. Kung nagkataon baka malaman pa ni dad.
Masaya kaming nag salo-salong kumain. Pagkatapos ay nagpaalam na rin si Eric na didiretso na sa kumpanya habang kami ni Darrel ay sumakay na ng kotse at umuwi na.
Pagdating sa bahay, agad kaming pinagbuksan ni Dale ng gate. Nag day-off kasi siya ngayon.
Dire-diretso lang akong pumunta sa kwarto namin ni Darrel. Wala ako sa mood ngayon. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.
Humiga na ako sa kama at sinubukang matulog pero pumasok si Darrel sa kwarto at lumapit sa akin para kulitin ako.
"Mom our favorite movie time na!" Saad niya.
"I'm not feeling well baby. Maybe next time." Walang gana kong sagot.
"But momm-" hindi niya na natapos ang sasabihin nang pumasok si Dale sa kwarto.
"Don't disturb your mom. Come on." Naramdaman ko ang dahan-dahang paggaan ng kama at kasunod nun ang pagsarado ng pintuan.
Habang nakatingin sa kisame ng kwarto, hindi ko maiwasang maalala ang mga masasayang alaala namin ni dad.
(FLASHBACK)
"Hijah, do you want to learn how to bike?" Tanong ni dad.
"Really dad?! Yeah I want!" Napapatalon pa ako sa tuwa.
Nakaalalay siya sa akin habang nag-bibike ako. Nahihirapan akong i-control.
"Tingin lang sa malayo Jewel." sinunod ko ang sinabi niya. Unti-unting naayos ang paggalaw ng bike.
"I will not hold you this time okay? I want you to learn it on your own."
"Okay." sa Pagbitaw niya sa akin, nakayanan kong mag bike pero nawalan ulit ito ng balanse. gumewang ang bike at hindi ko na ma-control kaya naman natumba ako kasama ng bike. Sa sobrang sakit ay napaiyak na ako. Lumapit naman si dad sa akin at itinayo niya ako.
"Dad, I dont want to bike anymore." I said between the sobs. Ngumiti lang siya sa akin.
"No, don't stop Jewel. Sometimes you need to get hurt, dahil kung hindi ka masasaktan, that's lame! Use that wounds to achieve your goal."
(End of flashback)
Heto nanaman ang mga luha ko, nag-uunahan nanamang tumulo. Bigla namang bumukas ang pinto kaya agad akong nagtago sa kumot. Baka mag-alala nanaman si Darrel pag nakita niyang umiiyak ako.
Pinakikiramdaman ko lang siya. Pumunta siya sa gilid at may inilagay sa side table.
"If you're hungry, eat this." Kasunod nun ang pagsara ulit ng pintuan. Agad akong lumabas sa kumot. Nakita ko ang isang tray na may lamang mga pagkain.
Salamat, Dale.
************
Iminulat ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Tiningnan ko ang wall clock, 5 pm na pala. Lumabas na rin ako ng kwarto. Nakita ko sa may sala si Darrel at Dale na masayang nanunood ng TV. Ang sarap lang silang pagmasdan. Gumawi ang tingin ni Darrel sa akin at niyaya niya akong maupo sa tabi niya.
"Are you okay now, mom?" Tanong niya nang makaupo ako. Tumango na lang ako at nanuod gaya nila.
Sa may pinapanood namin ay masayang namamasyal ang mag-asawa at anak nila.
"Sana lagi tayong may family bonding" sabi ng babae na nasa TV. Sabay yakap sa asawa niya.
Nagtaka naman ako ng biglang hininaan ni Darrel ang volume ng TV.
"Mom, dad. can we have a family bonding too? Like what we saw on the TV?" Sabi niya. Tila hindi kumibo si Dale kaya sa tingin ko ay ayaw niya
"Darrel, your dad is so busy on his work." Ako na lang ang nagsalita. Yumuko ang bata at kita ang pagkalungkot niya.
"Who said I'm busy?" Kunot-nuo kong nilingon si Dale, nakatingin lang siya sa anak.
"Don't worry son, we will have a family day on next saturday."