Ariana.
Pta naman oh, ano ba kasing ginagawa ko dito bukod sa nakaupo at nakatali ang mga kamay at paa ko ha?!
Tsk!
Teka.. Ngayon na yata ang laban namin na ibinagay sa amin ni Master!
Shtangis naman oh! Wala ba siyang balak pakawalan ako?! Bakit ba kasi pati bibig ko nakatakip pa?! Ang OA na niya!
"Hmm! Mmm! Mhmmhmm!!!" Pambihira talaga! Hindi ako pu-pwedeng mawala ruon. Wala na nga ako sa traning namin pati ba naman sa laban?!
Ano pang silbi ng pagiging leader ko kung pawala wala ako?!
"Aray! Ano ba?!" Ikaw kaya ang biglang alisin sayo yung tape sa bibig. Ang sakit diba?! Imagine! "Pakawalan mo na ako dito pwede ba?! May laban - "
"Let's have a deal." Sa kaniyang sinabi, para akong ginanahan. Ewan. "Kapag nanalo kayo, I'll set you free."
"Pero kapag natalo ka.." Hinawakan niya pisngi ko ng mahigpit at iniangat iyon. "Ibabalik kita dito, at hindi na pakakawalan pa hangga't hindi kayo nagkakasiraan ULI."
What?!
Paanong panalo?!
"Gusto ko.. Kayong SNSD ang champion. Hahaha!" Sinisimulan na niyang alisin ang tali ko sa paa. "Kaya ko iyon sinabi.. Kasi alam kong malabong manyari iyon. May Infinite pa. Hahaha!"
"Walanghiya kang kupal ka!" Sa mga oras na to, nanga-ngati na mga kamay ko at parang gusto ng humawak ng kutsilyo para maipampatay sa kaniya!
Kung sino ka mang lalaki ka, mauuna ka sa impyerno! Tandaan mo iyan!
Naalis na rin ang aking tali sa kamay, pero itinali rin nung pagtayo ko. Hindi pa rin nila inaalis ang blind fold ko. Bwisit!
Pangit siguro sila, at nahihiya silang ipakita ang mga mukha nila sa magandang katulad ko noh?! Aish!
Naramdaman ko namang mukhang nakasakay ako sa isang kotse at nagsisimula na iyong umandar.
***
At sa pagtigil ng kotse, alam kong nandito na ako sa lugar kung saan gaganapin ang laban.
"Get ready." Sabi nung lalaki, sabay tanggal na sa tali ko. At bigla rin inalis ang panyo na nakatakip sa mata ko at itinulak ako buti na lang napahawak ako sa pader.
Pag talikod ko, wala na sila. Galing niyo rin!
"Ariana! Thank God you're here!" Salubong sa akin nina Belle at ng iba pa. "Asan ka ba nung mga araw na nasa training kami, ha? Bakit ka pawala wala?"
Bumuntong hininga ako at sinamaan siya ng tingin. "I was lost."
"Lost?" Ulit ni Mia, at nagkatinginan silang lahat. "Bakit, galing ka ba sa gubat? Buti hindi ka natuklaw ng ahas."
"Tngek! Kung hindi mo nagets, wag ka na lang magsalita. Dahil wala akong balak ipaintindi sayo ang sinabi ko! Tara na, let's get ready!"
Sorry siya kung namurahan ko siya, wala ako sa mood makipaglokohan.
May sari sarili kaming room kung saan kami pwedeng maghanda habang hindi pa nagsisimula ang laban. Kaya hindi namin makikita ang ibang group dahil nasa kabilang room rin sila.
In-invite ni Master ang kabilang Gang Bang. Na itinatawag na, Gangster Lab. Malay ko kung bakit Gangster lab ang tawag nila sa kanilang barangay.
Ibang klaseng barangay ang meron kami, hindi barangay na parang sa Juan for All at All for Juan. Hindi ninyo ako mage-gets kasi hindi niyo pa naman ito nae-experience. Bakit? Tanong niyo sa gumagawa ng storya.
Magka-bati naman ang Gang Bang na Kill Death sa Gangster lab. Kami ang Kill Death, ang Gang Bang ay ang tawag sa lugar kung saan mismo nagpupuntahan ang mga gangsters kapag may laban o meeting.
"Hoy kayo." Lahat sila tinuro turo ko, nagsilingunan sila sa akin at pumila ng pahalera. "Ayaw kong matalo tayo. Alam kong, ginawa ninyo ang best niyo sa training. Pero alam ko ring kulang pa iyon, at iyon ay ilabas ninyo sa MISMONG laban. Maliwanag?"
"Sana nga manalo tayo, Ariana."
"Walang sana sana, mananalo tayo!" Lumabas ako saglit para sana maningin ng weapons at para ring magtanong kung pwede bang gumamit ng weapons para sa laban.
Pero saktong pagsara ko ng pinto at pagharap, ay nakatayo duon ang Hunter.
"The money will be mine."
"No. MINE." Tinabig ko siya at umalis, pero hinarap niya uli ako. "Ano?!"
"Bring. It. On."
Hinarap ko naman siya ng maayos at tinuro. "Fine. Wala akong pakealam sa pera, ang gusto ko lang ay manalo. If you want, sayo na ng buong buo ang pera na dapat ay sa amin. Pero.. Sa akin ang trophy. Ano, clear?"
Umirap ako at umalis.
Pagkatanong ko sa naga-assist ng weapons, ay ang sabi hindi raw pu-pwede. Dahil special battle raw ito, at hindi lang basta normal gang fight.
Kutsilyo, pana at yung parang chain lang naman ang weapons namin dito. Bawala ang baril dahil hindi yun patas sa laro.
Pagbalik sa room, sinabi ko naman iyon sa mga kasama ko. Tumango sila at mahinang natalon na kita sa kanilang naghahanda na sila at nagaalis ng kaba.
"Let us all call on the Gangster leaders, together with their Gangster members!" Dahil duon naglabasan na kami, nagka-tinginan pa kami nina Zack at mukhang gulat na gulat sila nung makita nila ako. Inalis ko tingin ko sa kanila at ngumiti.
Alam kong gets na nila iyon.
Naglabasan na kaming lahat, at todo hiyawan at palakpakan naman ang mga gangsters. Halatang excited na sila.
"SNSD!" Hiyawan naman ang lahat nung iangat nung Assistant ang braso ko. Ganun rin naman sa iba pang grupo, parang pantay lang ang hiyawan. Maliban sa EXO na masasabi ko na iyon ang pinakamalakas na sigaw.
"Now, let us wait for the master to decide who will be the first two groups to be on the big circle where they will start to fight!"
Napahawak ako sa dibdib ko. "Kapag nanalo kayo, I'll set you free."
"Pero pag natalo kayo.. Ibabalik kita dito, at hindi na pakakawalan pa hangga't hindi kayo nagkakasiraan ULI."
Kailangan kong manalo. Kailangan na kailangan. Gusto ko namang makakain ng pagkain at hindi yung puro lang ako inom! Tapos isang tinapay lang sa isang araw!
"It's the T-Ara and Super Juniors! Please step on the big circle, and get ready.. In a count of 5! 4!..3! 2!.. FIGHT!"
Nagatake na ang lahat, pero hindi ako makanood dahil andun ang mga kaibigan ko. Ayaw kong makita silang nasasaktan.
Hinarap ko mga kagrupo ko at isa isa uli silang tinuro. "Belle, do your secret kick. Aira, your special secret punch. And Mia, please do your best. Others.. Please try your best."
Lahat sila nagsitanguhan this time, nanuod na ako ng laban, pero hindi naman ako tutok sa kanila. And Ariana, take your best shot.
"T-Ara and Super Juniors lost the game! Thank you very much, Now is the turn for the SNSD and 2ne1, to step on the big circle.. And in a count of 5, you'll start."
Idinikit na sa amin nung assistant yung sticker sign para sa SNSD. Saka kami nagpwesto na kami sa big circle, pareho kami ni Bianca na leader. Paano to? Pasensya na lang, Bianca.
"FIGHT!" Umatake na kaming lahat, ginagawa naman ng mga kasamahan ko ang best nila para manalo kami dito.
E kami ni Bianca, eto. Mahinang nagsusuntukan sa mukha at nagsisipaan sa tiyan. "Bianca, sorry."
Kumunot ang noo niya habang ako bigla ko na lang ako umikot sa ere at inangat ang binti ko para isipa sa kaniyang tiyan. Kaya ayan, napalakas.
Muntik na siyang lumabas sa big circle, tsk! Panalo na kami nun kapag ang leader ay lumabas sa circle. Buset!
"Bakit mo yu - AH!" Tinadtad ko siya ng suntok sa mukha habang siya paatras ng paatras at ako ang palapit ng palapit.
At nung napansin kong malapit na siyang lumampas sa big circle, Akmang sisipain ko na siya sa tiyan pero bigla niya akong dinapa at sa pagtayo ko, tumilapon ako at..
Lumabas sa big circle.
"AWW! THE 2NE1 IS STILL UNDEFEATED BY THE SNSD! Next top, the Infinite and EXO." Inalalayan ako nung mga kagrupo ko, pero pumiglas ako at lakas loob na tumayo, sabay punta sa room at naglock.
Hindi maaari.
Ayaw ko ng bumalik pa duon. Ayaw - "AAH!!"
Bianca.
Hindi ako makapaniwalang nandito siya at lalaban sa Battle ni Master..
Pero ang hindi ako makapaniwala, bakit niya ako nagawang saktan ng totohanan? Bati naman kami at hindi kami mag-kaaway. Pero bakit?
Halos mahimatay na ako sa sandusenang suntok na ibinigay niya, at nung sa pagdapa ko sa kaniya at pagtilapon sa kaniya palabas ng big circle, para pa siyang nagalit.
Ano bang problema niya?
Dapat ko yata siyang sundan.. Hinarap ko mga kasama ko. "Babalik ako. Lexi, ikaw muna bahala dito. Tawagan mo ako kapag sabihan na ng mananalo. I'll be right back."
Tumango sila at umalis na ako, hinahanap siya dito sa mga rooms ng bawat grupo. Una kong sinilip ay sa Infinite, wala.
EXO, mas lalong wala.
Super Juniors, wala.
T-Ara, wala.
At maging sa aming room ay WALA.
Naalala ko na may room rin nga pala sila kaya dali dali naman akong nagpunta ruon, pero pagsilip ko wala rin.
Pero may naapakan ako.. Teka, ito yung sticker sign na ibinigay sa amin ng assistant. Tumalikod ako at nagbaka sakaling maabutan ko pa sila.
May fire exit dito sa back stage, kaya pumunta ako ruon.
Wala namang katao tao kundi yung van na papaalis na dating nakita namin sa labas ng Mall. Teka..
Hindi kaya..
"Hello?" Si Lexi yung tumatawag at hindi yung caller.
(May final round pa pala, asan ka na ba?)
"Pabalik na. Sige, bye." Ako na ang nagbaba ng phone, sinulyapan ko pa ang Van na nakaliko na, saka ako bumalik at lumapit sa mga kasama ko.
"2ne1, EXO and Infinite.. Please step on the big circle." Sumunod naman kami. It's a tie sa EXO and Infinite, kasi sabi sa akin ni Lexi hanggang sa matapos ang 3 minutes, wala paring napapalabas sa big circle.
"This will be the final round for the three of you. And dito rin natin malalaman kung sino ang magiging 1st placer, at ang magiging champion. In a count of 3..2.. 1 and ATTACK!"
Puro sipaan lang naman kami, suntukan at dapaan, minsan nga nagkakabalian pa ng buto e. Buti na lang sa final round ay hindi iyon qualified.
Napatumba ko saglit ng leader ng EXO, kaya naman nafocus ako ngayon kay Cean. Nahihirapan akong saktan siya pero sinubukan ko na rin. Nailagan niya yun at nasikmuraan pa ako sa tiyan.
Naiintindihan ko pa ang pananakit ni Cean, pero yung kay Ariana.. Seryosong seryoso siya sa laban. Anong nanyari sa kaniya? Baka naman hindi siya si Ariana.
Pero nagsorry siya sa akin bago niya ako saktan. Hindi ko maintindihan!
"AH!" Wala na, out na kami. Sabay sabay kaming 2ne1 na napatalsik sa big circle.
Ngayon, EXO at Infinite na lang ang natitira. Lahat ng gangsters sa buong paligid ay todo hiyawan at pagchi-cheer sa gusto nilang grupo.
Marami ang sa EXO dahil cool daw, psh.
"INFINITE WON THE SPECIAL BATTLE! CONGRATULATIONS! YOU MAY NOW TAKE HOME YOUR 1 MILLION PESOS!"
__________
Dedicated to: @NocturnalDawn