Lost Chapters of Spaces to fi...

By sunako_nakahara

68.2K 1.2K 525

Some hidden parts of Spaces to fill. Read at your own risk More

Lost Chapters of Spaces to fill
Lost Chapters of Spaces to fill: First Point of View: Marriel
Lost Chapters of Spaces to fill: Second Point of View: Yueh
Lost Chapters of Spaces to fill: Fourth Point of View: Shiloh
Lost Chapters of Spaces to fill: Fifth Point of View: Aidan
Lost Chapters of Spaces to fill: Last Point of View: Iexsha

Lost Chapters of Spaces to fill: Third Point of View: Jhas

5.3K 140 104
By sunako_nakahara

Lost Chapters of Spaces to fill: Third Point of View: Jhas

"Rejection"

After Epilogue

Jhas' POV

"Alam ko naman na hindi na kailangan ng madramang message para sa ikinasal.. masyado nang madrama ang kwento nila at ngayong happy ending na kayo wala ng madramang mga salita pa.. pero ito na lang ang hinihiling ko.. sana kung may problema man kayo gaya ng dati hawak-kamay nyo pa din sosolusyunan ang lahat.. Aidan and Iexsha.. masayang-masaya ako para sa inyo dahil nakuha nyo na ang Happy Ending nyo" tapos noon ngumiti ako at inabot ang mic sa mc at bigla na lang ako nilapitan ni Iexsha at niyakap..naiiyak na sya noon
"Salamat Jhas"
niyakap ko din sya "ano ka ba?Maid of Honor mo ako.. trabaho ko magbigay ng message.." nilayo ko ang sarili ko sa kanya at pinunasan ang mga luha nya "sayang ang mascara! tahan na" tumango sya at umupo na para pakinggan ang sasabihin ni Yueh na Bestman nila.. ako naman pupunta na sana sa table ko kaso mas pinili kong umupo sa may table ng mga kabarkada namin

"hi" nasabi ko na lang.. nasa table ngayon si Denise, Telli at Kristel
lahat sila ngumiti sa akin "Ang ganda ng message mo..maikli pero malaman" sabi ni Denise
"ayoko kasi ng masyadong madadrama" sabi ko. tapos tumingin ako kay Telli "si Johan?"
"papunta na dito..di kasi nya maiwanan ang work nya pero dahil malakas sa kanya si Iexsha, nag-undertime sya"
"Kailan ba ang kasalan nyo ha Telli?"
"Di naman kami kasing yaman nitong sina Iexsha..saka na kapag nakapag-ipon na kami..ang importante.. Engage na kami.. teka, kayo ba ni Seth?"
nakita kong nag-pout si Kristel "di nga yun nagyayaya!"

natawa si Denise "hoy!sabihin mo agad kapag gusto nyo na magpakasal..magdadiet muna ako ng bongga..baka di ako maganda sa Maid of Honor dress ko..buti pa itong si Jhas..ganda lang!"
"sira..kailan ba ako naging maganda? nabubulag ka lang!"
"hindi ah! heto talagang si Jhas di pa din nakikita ang ganda nya..right gals?"
"tama si Denise, Jhas.. maganda ka.. inside and out.."
"ano ba kayo..wala naman akong pakialam doon.. ang importante sa akin masaya ako" tumango lang sila sa akin tapos nag-usap na sila..mas pinili ko tumahimik at tumingin sa paligid

ang daming nandito..sa Manila Legacy hotel ang Reception.. sponsor si Raph, yung kaibigan ni Iexsha na Vice-President dito.. yung pinakamalaki nilang hall ang gamit..nakikita ko sya kasama yung Ate Sam ni Iexsha.. Andito din yung mga taga-Asian Peace Association.. pati yung mga taga-SJBU at yung mga kaklase namin sa Highschool.. ningitian ko silang lahat

gaya ng dati..

nakita kong binabatukan ni Aidan si Yueh..napahaba ata talaga ang message nya..okay lang yan..siguradong pinilit sya ni Marriel na habaan ang sabihin at hindi puro panlalait kay Aidan..

tumingin-tingin pa ako sa paligid hanggang sa makita ko na ang hinahanap ko

Wearing an Americana..nakatayo lang sya malapit sa Principal table..nakangiti habang tinitingnan ang bagong kasal..

pero alam ko at alam nya na hindi sya ganung kasaya

gaya ko..

"si Shiloh ba tinitingnan mo?" narinig kong bulong ni Denise
"oo" ayoko na magsinungaling pa
"ganun pa din ba?mahal mo pa din sya?"

kahit tanggap ko noon pa ang katotohanang yun..parang bigla na naman akong di makahinga "oo"
"Paano kung sabihin mo sa kanya na mahal mo pa sya?"
"anong ibig mong sabihin?"
"well,alam naman nating lahat na mahal nya si Iexsha..pero napalaya nya ito..sya pa nga ang naghatid kay Iexsha sa airport..kaya naman baka pwede na?"
"ewan ko..di ganung kadali yun" tapos pinag-isipan ko ang lahat ulit habang tinitingnan sya

ano Jhas?titingnan mo na naman ba sya sa malayo gaya noon? wala na si Iexsha at wala ka ng karibal sa kanya..ikaw na ang pinakamalapit na pwede nyang mahalin..pero ang tanong

gaano kalapit yun para mapansin nya na malapit ka na at ang tanging gagawin na lang nya ay abutin ka?

medyo may duda ako doon..

"Jhas!sayawan na!" narinig kong tawag ni Kristel sa akin at kasama na nya si Seth..andito na din pala si Johan at nasa dance floor na sila ni Telli..si Denise naman kasayaw na nung pinsan ni Iexsha
"sige..susunod na lang ako" tumango sya at nakangiting inabot ang kamay ni Seth..nakakatawa na nagatampo pa sya kay Seth dahil hindi sya niyayayang magpakasal pero masaya pa din sya sa simpleng sayaw na makukuha nya

siguro ganun din ako kapag nagkataon..ewan..

tutulala pa sana ako ng may biglang kumulbit sa akin at nakita ko nalang ay isang kamay sa harapan ko..parang tumalon ang puso ko tapos ngumiti akong tiningnan kung sino yun

"alam mo..kung hindi ka lang Maid of Honor namin..matatawa ako sa reaction mo"
aaminin ko 300% disappointed ako pero inabot ko pa din ang kamay ni Aidan at nagpunta kami sa dance floor..madami na ding nagsasayaw noon

"di ba dapat si Iexsha ang kasayaw mo?"
"oo nga..kaso bago pa ako nakapagsalita..hinila na sya ni Shiloh"
"second choice na naman pala ako" alam ko napatigil sya noon..umiwas ako ng tingin
"hindi yun sa ganun jhas.."
ngumiti ako "eto naman si Aidan..nagbibiro lang ako" tapos noon tumingin ako sa paligid..nakita ko si Yueh na sinasayaw si Marriel..nakapatong ang baba ni Yueh sa ulo ni Marriel at parehas silang nakapikit at masayang-masaya.. natutuwa ako para sa kanila

tapos nakita ko na sila

si Shiloh at si Iexsha

nagkwekwento si Iexsha base sa galaw nya at tawang tawa sya sa sinasabi nya habang nagsasayaw pa din.. si Shiloh naman nakangiti lang at tinitingnan si Iexsha.. sa paningin ng iba alam ko nasa isip nila pinapakinggan ni Shiloh si Iexsha

pero sa tingin ko at alam ko..

minememorya na ni Shiloh ang hitsura ni Iexsha..ang babaeng kaisa-isa nyang minahal na ngayon wala na talaga sa kanya

nice Jhas..sige pa.. saktan pa ang sarili..

"nagtatampo na talaga ako"
"huh?" napalingon ako kay Aidan
tumingin sya kina Iexsha at napangiti na para bang wala lang sa kanya ang nakikita nya

samantalang ako..

upos na upos na sa pagseselos..

"ang asawa ko bago ko pa maisayaw hinila na ng bestfriend nya..at ito namang kasayaw ko sa lalaking din na iyon nakatingin..pambihira.. naiinsulto na kagwapuhan ko ah"
sa sinabing iyon ni Aidan di ko mapigilan ang hindi matawa "sira"
mas ngumiti sya "sa wakas ngumiti ka din.."
"di naman ako nakasimangot"
"hindi nga..pero alam ko ang hitsurang yan"
"anong hitsura?"

sumeryoso sya "hitsurang nasasaktan pero nagtitiis lang"
napaubo ako ng konti tapos ngumiti pa din "di ko alam ang pinagsasabi mo"
"mahal mo pa sya ano?"
"anong-"
"si Shiloh..mahal mo pa sya" statement na sya at hindi tanong
"ganun ba ako ka-obvious?"

"hindi naman..nahahalata lang kapag tinitingnan mo sya.. yung tingin na para bang sya lang ang nakikita mo.. yung wala ng iba..ganun..ganyan din kasi ako makatingin kay Iexsha lalo na nung pagkatapos ko syang unang iwan"
"ang lala ko pala"
"okay lang yan..sabihin mo nga kaya sa kanya na mahal mo pa sya?"
"bakit ba lahat kayo gustong umamin ako kay Shiloh?"
"aba..madami pala kami..tingin kasi namin may pag-asa"

"talaga?"
"yeah..parehas kayo ni Shiloh, Jhas..parehas kayong mabait at tapat magmahal..oras na siguro para sumaya kayo parehas"
"di ko alam" yun na lang nasabi ko

ngumiti ulit sya at doon ko lang napansin na tapos na pala yung tugtog "sana makatulong ito" tapos hinawakan nya ang kamay ko at ginuide ako papunta kina Iexsha

papunta sa kanya

"kahiya-hiya naman pero pwede ko na ba mahiram ang asawa ko?" binitawan na nya ang kamay ko at hinila si Iexsha na napatawa na lang
"baliw ka talaga Mhine!"  tumingin sya kay Shiloh "aja!" tapos tumingin sa akin si Iexsha at nag-wink at umalis na..sinundan ko sila ng tingin at nakita ko kung paano inikot ni Aidan si Iexsha at buong pagmamahal na hinalikan sa noo

nakakainis

tapos nakita ko na lang na may nakalahad na kamay at tiningnan kung kanino yun

at tuluyan ng nagulo ulit ang sirkulasyon sa katawan ko

"pwede ka bang isayaw,jhas?"

si Shiloh na talaga yun.. at nilagay ko na ang kamay ko sa kamay nya

parang bumalik lang si Jhas na mahal pa din ang lalaking ito kahit na halos 3 taon na ang nakakaraan

para akong walang pinagkatandaan

kaso heto na naman ako..kahit na sinaktan nya noon..

gusto pa din sya bigyan ng chance..chance na hindi nya hinihingi pero kusa kong ibibigay

ako pa din talaga ang Jhas na mahal na mahal si Shiloh

biglang nawala ang tao sa paligid.. alam ko.. heto na naman ako nag-aassume sa lahat ng actions nya..

pero kung pwede ko bang icherish ang sandaling ito..bakit ba hindi?

inilagay ko ang kamay ko sa may balikat nya at nilagay nya ang mga kamay nya sa may bewang ko.. at bigla na lang naming narinig ang tugtog

np: Last Chance- MYMP (pakinggan nyo po!)

This is my last dance with you

napasinghap ako.. alam ko na tamang-tama ang kanta

This is my only chance to do all I can do

alam ko na ito na ang huli kong pagkakataon para magtapat

To let you know that what I feel for you is real

kaya naman sasabihin ko na sa kanya..for once.. magiging matapang na ang isang simple at ordinaryong jhas

This is the last chance for us
This is the moment that I just cannot let end

ano man ang kalabasan..handa na ako.. sanay na naman ako di ba?

Before I know that theres a chance were more than friends

aaminin ko na..

So don't let go, don't let go

kaso ng magsasalita na ako..nakita ko syang hindi nakatingin sa akin

Make it last all night

at sinundan ko kung saan sya nakatingin

This is my last chance to make you mine

nakatingin sya kina Iexsha na masayang nagsasayaw

I kept my feelings so deep

di ko mapigilan ang hindi magreact..kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mga luha.. ang tahimik kong pagsigaw..

I kept my dreams of you and me somewhere inside

ang tanga ko na naman para maniwala sa pangarap ko

Although I prayed that you would see it in my eyes

pero isipin mo nga naman..paano ba nya makikita lahat ng meron ako..kung ganitong hawak na namin ang isa't isa

But this is my last chance to say

siya pa din ang tinitingnan nya

Whats in my heart before you stay out of my life

hindi pa ako nakakapagsalita..sira na ako.. durog na durog..kasi ang masakit talaga

And then youll understand the way I feel inside

di man lang nya ako matingnan para malaman nya ang lahat

So hold me close cause it feels so right

pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hawak nya sa akin.. baka sakali kayanin ng pagpikit gawan ng ilusyon ang lahat

na gawing akin kahit man lang ang sandaling ito..kahit ito lang

Make this dream reality

"sana pagmulat ko..sa akin ka na nakatingin..ako na ang nakikita mo" bulong ko sa kanya

So close and yet so far

"hawak na kita..gaya noon..gaya noong pekeng relasyon na binigay mo sa akin.. pekeng pag-asa na pinadama mo.. ang lapit mo na..pero hindi pa din"

Gotta find a way into your heart

"hindi ko alam kung bakit pinipilit ko pa ding sabihin ang mga ito kahit dapat ang tagal ng wala"

Gotta speak my mind

"pero ayoko na magkamali..ang hindi ko masabi ang nararamdaman ko hanggat kaya ko pa.. hanggat kinakaya ko pa"

Gotta open up to you this time

"sasabihin ko na lahat..kahit na alam ko mababale-wala pa din ang lahat"

I cant let you slip away tonight

"MAHAL NA MAHAL PA DIN KITA SHILOH"

This is my last dance with you

at minulat ko na ang mga mata ko matapos sabihin yun

This is my only chance to do all I can do

at tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan

To let you know that what I feel for you is so real

dahil sa kahuli-huliang pagkakataon..mas pinili nyang pumikit kesa tingnan ako..tingnan ang nadarama ko

So don't let go

"I'm sorry" yun lang ang narinig ko sa kanya pero sapat na yun..sapat na yun para maintindihan ko..

Just make it last all night long

na hindi pa din kahit sa huli..sa Last Chance kong ito

This is my last chance to make you mine, yeah

na-reject ako..hindi na talaga sya pwedeng maging akin

To make you mine

hindi na

natapos yung kanta na hindi nya minumulat ang mga mata nya.. nanginginig na ako..alam kong bibigay na ako..

kailangan ko na syang palayain..dahil hindi sya bibitiw pero hindi nya papansinin man lang ang nadarama ko..

ang tanga ko talaga..

pangalawang beses na..sa iisang tao..

di pa ako nadala..

kaya nanginginig man pero inalis ko na ang hawak ko sa kanya..pati ang hawak nya sa akin.. at lumayo sa kanya..

at doon lang sya nagmulat.. doon lang sya tumingin sa akin..

nakita lang nya ako ng pinalaya ko na sya..

alam ko bibigay na talaga ako.. patuloy ang pagtulo ng mga luha.. patuloy ang pagkadurog ng puso ko..

at umatras na ako

nang umatras..

nang umatras habang nakatingin pa din sa kanya..

tapos tumalikod na sya..

at nawala na lahat sa akin noon..

kaya tumakbo na ako paalis..bumalik ang ingay..bumalik ang mga tao..

pero hindi umalis ang sakit..

"JHAS!!!!!" narinig kong sigaw ni Iexsha pero yumuko na ako at tuloy pa din ang pagtakbo ko hanggang sa nakita ko na lang ang bukas na elevator.. may tao sa loob pero blurred na ang lahat.. kaya pagkapasok ko pa lang sinandal ko na ang ulo ko sa malamig na pader ng elevator para hindi makita ang kahihiyang meron ako "ground floor..salamat" yun na lang ang sabi ko at naramdaman kong pinindot na nya yun at gumalaw pababa

pinilit ko pa ding tumayo..inalis ko na ang contacts ko.. hindi magandang kumbinasyon ang contacts at mga luha..

pinipigilan ko na makapag-ingay..ayoko na kaawaan ako ng kung sino man ang kasama ko sa elevator..tama na ang kahihiyan ko ngayong gabi..tama na..

at naramdaman ko na nasa ground floor na kami..mabilis akong lumabas sa elevator..pinunasan ko ang mga luha pero patuloy pa din itong natulo..naaninagan ko pa naman ang dadaanan ko..kaso..

wala naman talaga ako pupuntahan..

pero sa lagay kong ito..kahit saan..wag lang dito..

kaya naglakad ako ng naglakad.. wala namang pumapandin sa akin..o wala lang ako napapansin dahil sa labo ng mga mata ko at sa mga luha..

Flashback!!

"SI IEXSHA ANG MAHAL KO AT HINDI IKAW!!!!!!!" 

natigilan ako sa pagyugyog ko kay Iexsha..pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig para magising sa isang panaginip.. humahagulhol na si Iexsha..pero mas nararamdaman ko ang galit ko..kaya naman sa unang pagkakataon..

nanampal ako..

"HOW DARE YOU!!!HOW DARE YOU!!HOW DARE YOU!!!!"  bawat how dare you na yun..tig-iisang sampal mula sa akin..pagkatapos noon..dinadagukan ko na rin ang dibdib ni shiloh

at hindi ko na kinaya..humagulhol na din ako..ang sakit sakit..

tapos naramdaman ko na niyakap nya ako "I'm sorry jhas..hindi ko sinasadyang saktan ka..please..let me explain" pero hindi ko na kaya marinig pa ang isa na namang kasinungalingan..kaya inalis ko pagkakayakap nya sa akin at umatras  

"SORRY???ANONG MAGAGAWA NG SORRY MO??!!PINAGMUKHA MO AKONG TANGA SHILOH!!PINANIWALA MO AKO NA MAHAL MO DIN AKO!!ANONG GINAWA KO PARA SAKTAN MO AKO???"  
"let me explain-"  
"EXPLAIN?????HINDI NA KAILANGAN SHILOH! HINDI AKO TANGA PARA HINDI KO MAINTINDIHAN ANG NANGYAYARI!!DI BA SABI KO NAMAN SAYO NOON..ALAM KO NG NABIGLA KA LANG!!SABI KO..AYOS LANG SA AKIN..ITIGIL MO NA NGA!!!PERO ANONG SINABI MO..SINABI MO..GUSTO MO AKO!!NA MALI AKO SA AKALA KO!!!!TAPOS NGAYON..TAPOS NGAYON.."  mauubusan na ako ng hininga pero pinipilit ko pa ding hindi manghina
"alam kong mali ako..natakot ako jhas..nagulat..hindi ko alam na may gusto ka sa akin!"  
"SO PARANG KASALANAN KO PA ANG LAHAT????OO KASALANAN KO NAMAN..KASALANAN KO NA NAGKAGUSTO AKO..NO SCRATCH THAT..NA MINAHAL KO ANG ISANG KATULAD MO!!!ANG TANGA KO..ANG TANGA TANGA KO..ANO NGA BA ANG MERON AKO PARA MAHALIN MO??WALA!!!PERO AKO NGA SI TANGA..NAGPAKASAYA..AKALA NGA TUNAY ANG LAHAT..SIGURO PINAGTATAWANAN MO AKO KAPAG NAKATALIKOD NA AKO???SIGURO SINASABI MO KUNG GAANO KATANGA SI JHAS PARA AKALAIN NA MAHAL MO!"  

yung galit ko sobra sobra na.. hindi ako ito.. hindi ako ang taong nanunumbat..ayoko ng ganito..

pero hindi ko na kaya..

"HINDI TOTOO YAN!!!" nakikita ko syang umiiyak..pero nagpapakatatag ako.. nang aabutin na nya ang kamay ko pero tinabig ko yun "hindi ko yan inisip sayo..mahalaga ka sa akin jhas..hindi ka tanga..hindi ko talaga ginusto ang lahat..nagkataon lang na-"
"nagkataon lang na mahalagang yun ay hindi sapat para hindi ako masaktan!!!!!"

at tatanungin ko na ang tanong na alam ko sisira sa akin.. "shiloh..isang tanong..kahit parang tanga na talaga ako dito..kahit alam ko na ang sagot..gusto ko lang malaman.. kaya mo ba akong mahalin?" tumingin lang sa akin si Shiloh..tapos tumingin kay Iexsha

malinaw pa sa sikat ng araw ang sagot

hindi nya ako kayang mahalin..hindi

bumuntong hininga ako at tumingin sa langit at hinayaan ang galit ko na mangibabaw "LEAVE!!!!!!!!!UMALIS KA NA SHILOH!!!!TAMA NA!!!ANG SAKIT SAKIT NA...SA BUONG BUHAY KO..HINDI KO PA RIN NARARANASAN ANG GANITONG KASAKIT..SA SOBRANG SAKIT PAKIRAMDAM KO HINDI KO NA KAYANG HUMINGA..PLEASE..TAMA NA..UMALIS KA NA..UMALIS KA NA HANGGAT KAYA KO PANG TUMAYO DITO AT HINDI MAGBREAKDOWN.. UMALIS KA NA!!!UMALIS KA NA KUNG MAY RESPETO KA PA SA AKIN.. UMALIS KA NA!!!!!!!!!!!!!!!"

alam ko humarap sya sa akin pero nakatingala pa din ako "alam ko..hindi mo ako mapapatawad kaagad.. pero hinihiling ko..sana mapatawad mo din ako.. dahil hindi ko ginusto ang lahat.. oo mali ako..pero hindi ko ito ginusto.. hindi lang ikaw ang nasasaktan..lalo ako..higit ako..dahil..ang taong mahal ko..at ang taong mahal ako.. parehas nawala sa buhay ko.. ito ang parusa ko..at tatanggapin ko ito" at umalis na sya..

hindi lang nya alam na sa pag-alis nyang yun..mas nasira lahat ng pag-asang meron ako

dahil sa mga huli nyang mga salita..

dahil AKO ang taong mahal sya pero HINDI AKO ang magiging taong mahal nya

flashback ends!

at hindi na talaga ako nadala..

bumalik na ulit yung sakit na binaon ko sa limot ng mangyari ang lahat ng iyon..bumalik lahat lahat at mas nadoble pa..

hindi ko alam kung saan ako papunta..wala na din ako halos makita..wala na rin akong pakialam..hanggang sa-

BEEEEEEEEEP!!!

liwanag lang ang nakikita ko..

sa isang iglap alam ko tatamaan na ako ng kung ano man iyon..di ako makaalis noon..ang tanging ginawa ko na lang ay ipikit ang mga mata ko

at may biglang humila sa akin palayo sa liwanag at payakap sa kanya

minulat ko ang mga mata ko at tiningnan kung sino ang nagligtas sa akin

at nakatingin lang din sya sa akin


"akala ko hindi na kita aabutan"


tumibok bigla ang puso ko ng marinig ko ang boses nya..ang bilis bilis.. "sino ka?" bulong ko sa kanya.. hindi sya sumagot at bigla na lang hinila ang kamay ko

"yes..tawagan nyo ako kung may balita na kayo sa kotseng iyon..Salamat Officer" at binaba na nya ang cellphone nya..

nasa garden area kami ng hotel..dito nya ako hinila at nagpahila.. siguro nga hindi na nagana ang utak ko ng sumama ako sa kanya.. binili nya ako ng tubig para kumalma..at umepekto nga..

tumabi sya sa akin "nireport ko na yung sasakyang babangga sayo kanina..kaskasrro yung driver at nasa sidewalk ka..umiwas sya sa kotseng matatamaan nya at ikaw ang mapapahamak kung hindi kita nahila"
"salamat" yun lang ang nasabi ko..pamilyar yung boses nya pero di ko maalala kuung saan ko narinig yun noon..di ko naman maaninagan ang mukha nya masyado dahil di masyadong maliwanag sa parteng ito ng garden
"okay ka na ba?"
umiling ako "hindi na ata ako magiging okay" at para akong bata na nilagay ang parehas kong tuhod sa ilalim ng baba ko at tiningnan yung fountain sa unahan
"ako yung kasabay mo sa elevator kanina..hindi ko nga alam kung bakit..pero nang makita kita na ganyan ang lagay at lumabas ka ng hotel. hindi na ako mapakali..buti na lang sinunod ko ang isip ko"
"mukha na akong tanga ano?"
"hindi"
"alam ko..pero salamat pa din sa pagliligtas mo sa akin.."
"wala yun..uhmm.. alam ko na nakikialam ako pero..bakit ka ba umiiyak?"

mas madaling sabihin na chismoso sya kaso di ko magawa.. pinikit ko lang ulit ang mga mata ko at nagsimula na naman akong umiyak "naranasan mo na bang masaktan?"
"ano?"
"ganun kasi nangyari sa akin.. sinaktan ako ng dalawang beses ng mahal ko dahil sa hindi nya ako kayang mahalin.. noong una, ginamit nya lang ako para hindi nya masaktan ang mahal nya na hindi man lang cinoconsider ang nararamdam ko.. tapos ngayon.. kung kailan hindi na pwede ang mahal nya..nagpakatanga ako at umamin sa kanya.. at sa pangalawang beses..sinaktan nya na naman alo dahil di man lang nya pinansin ang pagmamahal ko sa kanya.." tapos ngumiti ako "kung sabagay..sino ba naman ako? isa lang akong simple at boring na babae.. madaming kapintasan at hindi naman pansinin.. alam ko na hindi ako maganda..dagdag pa na hindi ako outspoken na tao.. ano bang maipagmamayabang ko? talino? kabaitan? kailan ba yun makikita? yun ngang taong mahal ko na matagal ko na kilala at matagal na akong kilala..para sa kanya..hindi pa din sapat yun para mahalin ako..yung iba pa kaya na ang tinitingnan ay panlabas? sa lagay na ito..walang duda kung bakit ako laging nasasaktan.. kailanman hindi magiging sapat ang isang plain na katulad ko para mahalin"

"mali ka"
"anong-?" nilingon ko sya noon at nagulat ako dahil

hinawakan nya ang bawat sides ng mukha ko at maingat na pinunasan ang mga luha ko

"hindi man ikaw ang pinakamagandang babae..ang pinakasikat..ang  papinakapansinin..para sa mga taong mas alam gamitin an mga mata nila..gaya ko..

higit ka sa lahat ng iyon"

para akong natulala sa sinasabi nya..imposible..binobola lang ako nito

magsasalita pa sana ako ng biglang lumiwanag..

binuksan nila ang mga ilaw mula sa fountain..at dahil doon..nakita ko na ang kausap ko

ohmy..

ang gwapo nya..

pero ang mas napansin ko ay ang pagtitig nya pa din sa akin na parang minememorya nya ang mukha ko..

ang mga mata nya..unang tingin akala mo masyadong malamig.. kabaligtaran ni Shiloh na isang tingin mo pa lang malulusaw ka na

pero iba sa kanya.. dahil kahit gaano kalamig syang tumingin

sa likod noon makikita ang sincerity ng mga sinasabi nya..na para bang ako lang ang nakakakita ng warmth na yun behind the coldness

naku po..

"kung sino man ang nanakot sayo.. hindi nya ginagamit ng tunay ang mga mata nya.. dahil ang nakikita ng mga mata ko ngayon..ay hindi plain..hindi boring at hindi lalong 'hindi maganda'

ang nakikita ko ay isang magandang babae na gugustuhin mong mahalin dahil sa kung anong meron sya sa loob nya..

isang babaeng kung sakaling magmamahal ako


ay mamahalin ko at alam ko..ako na ang pinakaswerteng lalaki sa mundo kapag nangyari iyon"

yung durog kong puso..

ito ba yung sinasabi ni Iexsha na kahit durog na yung puso mo..gugustuhin mo pa din tumibok ito?

"baki-?"

"JHAS!!"
inalis nya ang kamay nya sa mukha ko at lumingon ako sa natawag "Denise?"
"buti naman at nandito ka..kanina ka pa naming hinahana-" tapos nakita na siguro nya yung kasama ko at nanlaki yung mga mata nya na gulat na gulat sya
bigla akong napatayo..oo nga pala..magkakasabay kami umuwi "pasensya na sa abala" tapos lumingon ako sa kausap ko

at di ko napigilang


yakapin sya..

"salamat sa pagpapasaya mo sa isang rejected na taong katulad ko..salamat" tapos noon lumapit na ako kay Denise at nagsimula na kaming maglakad nang may bigla akong naalala

hindi ko pa alam ang pangalan nya!!

kaya lumingon ako "anong pangalan m-" kaso wala na sya

di ko alam pero parang mas mabigat pa nararamdaman ko ngayong di ko lang nakuha pangalan nya kesa sa kanina..nasisiraan na ata ako "di ko man lang nakuha pangalan nya"
"seryoso ka??"
"ha?"

hinawakan ni Denise ang dalawa kong balikat "ang lalaking kayakapan mo Miss Jhas Garcia..ay walang iba kung hindi ang

nag-iisang KUYA  ng dahilan ng pag-iyak mo..

si SHERVON CRIS VERRANO"

"ANO??????" di ko alam kung san ako mas magugulat..yung alam na nya yung dahilan ng pag-iyak ko o yung

"siyet"

ang taong pinagbuhusan ko ng drama ay KUYA  ng taong dahilan ng pagdadrama ko

at kaya pala pamilyar ang boses nya dahil narinig ko na yun nung tinawagan nya dati si Shiloh ng magkasama kami

"wow jhas..hindi mo alam yun?pero infairness Jhas..tingin ko trip ng kapalaran na magtagpo kayo..at tingin ko

pagtatagpuin pa kayo"

jusko..ano na naman po ito?

"wag na sana" ang nasabi ko pero alam ko at alam ni Denise

gusto ko pa sya makita ulit..sa future at sa buhay ko..

end of Jhas' POV!

A/N: ANO? eto ang pinakafave kong POV as of the moment..haha..too much drama..i love it!hahaha..

next ay kay Shiloh..still working on it..whew!!

sana magcomment kayo..seryoso..kailangan ng babaeng ito ang extra encouragement!hahaha..

so pavote, palike at pacomment!

thanks and

seeyah!!

-sunako_nakahara-

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1K 65 7
One-shots written in Filipino and English. Disclaimer: Everything here is purely fictional, okay? May be inspired by real life events, but characters...
2K 72 33
Phillie fits in every shoe. Except hers. Si Phillie na yata ang reyna ng labada sa buong barangay nila. The best pa na kapatid, anak, at kaibigan. Ma...
8.3K 154 11
"We are THE BAD GIRLS, and we stand here as one."