[Kinabukasan]
Lianne's POV
Andito ako sa bahay at karga-karga ko si Baby Ian. Si Ivan naman nasa hotel ngayon. May kailangan daw kasing asikasuhin eh. Well, Pagkauwi ni Ivan pagpaplanuhan na namin ang binyag ni Baby. Marami na ngang nakalista kung sino ang mga magiging ninong at ninang niya.
Nangangalay na ko! Ibababa ko na nga si Baby.
Inihiga ko na siya sa crib niya. Tulog padin siya. Kelan kaya siya gigising? Gusto ko na siyang laruin. T.T
*tok tok* "Pasok po!" sabi ko. Baka Mamaya may dalang gift nanaman si Manang tapos kung anu nanaman ang laman.-_- Pumasok na si Manang.
"Ma'am ako na po mag-aalaga kay Ian. Magpahinga muna po kayo" sabi ni Manang. Hay salamat! Akala ko may creepy gift nanaman sakin eh.
"Sige po Manang. Kakamustahin ko lang po yung mga mananahi ko doon" sabi ko. Tumango lang si Manang sakin at lumabas na ko. Pumunta ko sa may garden ng bahay namin at doon ko sila tinawagan.
Jenessa's POV
Eto na ang biggest revenge ko Lianne Sweety! Good Luck sayo!
I Hope malagpasan mo ito! This is my game for you! Hope You Enjoy the Game Bitch!
This is the time! This is the time that Ivan will be mine! Sa mga supporters ni Lianne diyan , Get Lost! Go to hell with her! Bwahahahahahaha. *smirk*
Lianne's POV
"Sige po Nanay Lucy. Bye" sabi ko kay Nanay sabay end call. Hay! Buti naman at malakas ang boutique ngayon. Madami daw costumer eh.
Pumasok na ko sa loob ng bahay. Pumunta na ko sa kwarto. Wala doon si manang. Lumapit ako sa crib na baby.
OMG! Asan siya?! Where's my baby?! Where is he?! Tumakbo ako palabas ng kwarto nakasalubong ko si manang.
"Manang si Baby?!" nagpapanic na tanung ko kay Manang Vina.
"Iniwan ko lang po saglit sa kwarto. Nagtimpla po ako ng gatas niya sa kusina eh." sabi ni Manang.
"Pero manang kakagaling ko lang dun! Wala si Baby sa Crib!" halos mangingiyakngiyak na ko dito.
"Ha?!" sabi ni Manang sabay takbo papasok sa kwarto. Sumunod ako sakanya.
"Diyos ko! Asan na si Ian?!" sabi ni Manang. Tumulo nalang bigla ang luha ko.
"Di ko alam Manang" sabi ko. Asan na ba ang anak ko?!
"Tawagan mo po si Sir" sabi ni Manang. Nag'nod lang ako sakanya at tinawagan na si Ivan.
"Hello Ivan! Ivan si Baby! Si Baby Ian!"
"Oh? Bakit? Napano si Baby? Bakit ka naiyak?"
"Nawawala si baby! Iniwan lang *sniff* ni Manang si Baby dito saglit sa kwarto para magtimpla ng gatas ni Ian tapos nung tinignan ko si Baby wala na siya sa crib niya!" sabi ko habang naiyak.
"Ha?! Sige tatawag ako sa Police Station! Baka may dumukot kay Baby!" sabi ni Ivan. Inend call ko na. Kung pinadukot si baby alam ko na kung sino lang ang pwedeng gumawa nun!
Sino pa ba?! Edi si Jenessa! Walang hiya yung babaeng yun! Pati anak ko dinadamay! Makikita niya! Magkakamatayan kaming dalawa!!!
* ♪ I lost my mind neoreul cheoeumannasseulttae nero hanappaego modeungeoseun in slow motion ♪ *
0905******* Calling......
Sinagot ko yung tawag.
"Hello Sino *sniff* To?" sabi ko.
"Hello There Lianne! Jenessa Here! Teka! Are You Crying? Bakit? Dahil ba nawawala ang baby mo! Awwhhh! Poor You!" sabi niya sakin. Siya siguro ang kumuha kay Baby! Lagot ka saaking malantod ka!
"*sniff* Alam kong nasayo si Baby Ian! Hoy! Babaeng Malantod ka! Ibalik mo na saakin ang anak ko! Wag na wag mo siyang idadamay!" sabi ko sakanya.
"Oopssiiie! Kalma ka lang! Don't be too much over reacting! Well, Nasa akin nga ang cute na cute mong baby!" sabi niya. Siya nga ang kumuha! Sinasabi na nga ba eh!!! " Uwaaaaaaaaaaahhh! Sh*t Ang Ingay ng baby mo Lianne!! Hoy! Patahimikin niyo nga yan! Kung ayaw manahimik hampasin niyo!"
"Anu ba Jenessa!!! Wag na wag mong sasaktan ang baby ko kung ayaw mong magkamatayan tayo!!!" sabi ko sakanya.
"Ows? OMG! I'm So Scared!" sabi niya. Aba! May gana pang mang asar! "Well, Kaya ako napatawag dahil I want you to go here sa headquarter namin sa *tooooooooooooot* Ikaw lang! Wag kang magsasama ng iba! Lalo na ng mga Pulis kung ayaw mong sumabog ang ulo ng baby mo!"
"Sige Pupunta ako diyan!!!!!! Tandaan mo!! Wag na Wag mong sasaktan ang baby ko kung ayaw mong magkamatayan tayong dalawa!!" sabi ko sakanya.
"KFine! I'll wait you here! Oh! Wait! Wag na wag mo ring sasabihin to sa kahit sinuman! Ikaw at ikaw lang ang makakaalam K? Arraseo? Owh! Marunong nako Mag Korean!" sabi niya na may maarteng malanding tono! Bwisit! Sarap sapakin!
"Yah! Babo! Dangsin-eun jugneunda! Kuju!" [Hey Stupid! Mamatay ka na! Get lost!]
"Baka naintindihan ko?! Luh! Basic lang ang alam ko! Sige! Jalga!" sabi niya sabay end call. Nakakabwisit! Pati anak ko ginagamit niya! Walang hiya siya!
Dumating bigla si Ivan. "Yhan!" sabi niya sakin sabay takbo papalapit saakin.
"Alam ko na kung nasaan si Baby! Nakay Jenessa! Bwisit! Peste! Letche! Pati anak natin dinadamay niya" sabi ko. Napaiyak nanaman ako. Niyakap niya ko.
"Wag kang mag-alala magsusumbong ako sa pulis!" sabi niya.
"Mamaya pupunta ako sa headquarters nila sinabi niya saakin ang address! Ako lang daw ang pwedeng pumunta! Uuna na ko sainyo tapos sumunod nalang kayo kasama ang mga Pulis! Ito ang adress nila *tooooooooooooooooot*" sabi ko kay Ivan. Tumango lang siya.
Humanda ka na sakin Jenessa! Akala mo ikaw lang ang may pasabog? Ako din!
-----------------------------------------------------------------------