SUICIDE OUTBREAK: Round Two

By weareseriouslyinsane

15.2K 425 309

LITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Suicide Outbreak: Round Two More

SUICIDE OUTBREAK: Round Two
TEAM RIGHTEOUSNESS
Cure #1: En Gin
Cure #2: An Act of Random Kindness
Cure #3: Reset
Cure #4: Lorenzo
Cure #5: Hacienda Vizares
Cure #6: Attack On Table
Cure #7: Sa Pamamagitan Ko
TEAM FAITH
Cure #1: Reyalidad
Cure #2: Faith, War, and Sergeant Crayton Carascal
Cure #3: The Misfortune of a Culprit
Cure #4: Hustisya
Cure #5: Maiingay Na Gabi
Cure #6: Si Pastor
Cure #7:Well, It Just Happened
TEAM HOPE
Cure #1: Sa Laban ng Buhay
Cure #2: La Reine de Coeur
Cure #4: A daughter's message
Cure #5: Super Diego
Cure #6: The Soul of Realization
Cure #8: Sementadong Gubat

Cure #7: Gitara

392 15 16
By weareseriouslyinsane

Cure #7: Gitara

Pinunasan ko ang pawis sa aking noo gamit ang kanan kong braso, saka pumikit nang mariin at nagbuntong-hininga. Tirik na tirik ang araw, pero hindi ko 'yon alintana. Kailangan kong makahanap ng magandang trabaho para sa kinabukasan ng kapatid ko. At para na rin mabili ko ang hinihiling niya na gitara.

Hindi ako nakapagkolehiyo, ni hindi ako nakapagtapos ng hayskul dahil sa hirap ng buhay. Ngunit gano'n pa man, umaasa pa rin ako na magkakaroon ako ng maganda at maayos na hanap-buhay.

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako mapapadpad. Maaaring abutin ako nang paglubog ng araw, ngunit hindi ibig sabihin no'n ay ang pagkawala ko ng pag-asa. Nangako ako sa kapatid ko. At kailangan kong tuparin 'yon.

---

"Kuya!" masiglang tawag sa akin ni Jane, ang kapatid ko. Tumakbo siya papunta sa akin at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. Napangiti ako sa ginawa n'ya kaya naman nagawa kong guluhin ang nakatali niyang buhok.

"Kumain ka na?" pagtatanong ko. Lumabi siya at umiling.

"Hindi pa. Hinihintay kasi kita," malambing niyang sagot. Tumango-tango lamang ako't umupo sa halos sira na naming upuan.

"Kamusta, Kuya? May trabaho ka na ba?" sunud-sunod na tanong ni Jane. Tumabi siya sa akin at tinulungan akong tanggalin ang marumi kong sapatos. Tiningnan ko siya at tipid na ngumiti.

"Wala pa?" aniya. Tila nahulaan niya ang nais kong sabihin kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tumango.

"Pasensya na," nahihiya kong sabi. Nag-iwas ako ng tingin upang hindi ko makita ang pagkadismaya sa kaniyang mga mata. Pero, taliwas sa inisip ko ang ginawa niya.

"Okay lang 'yan, Kuya!" saad niya sabay akbay sa akin. "We must accept finite disappointment, but never lose infinite hope."

Tiningnan ko siya at saka tinawanan. Sa edad na katorse, daig pa niya ako sa pagsasalita ng ingles.

"Aba! Porke't top one ka sa klase niyo, umi-ingles ka na ngayon? Paki-tagalog naman!" pagbibiro ko. Sinamaan niya ako ng tingin, at binigyan ng mahinang palo sa balikat sabay sabi ng, "Kuya naman! Minsan lang ako mag-English, pagbigyan mo na! At saka, ang ibig sabihin lang naman nang sinabi ko ay 'wag kang susuko! Habang may buhay, may pag-asa!"

Napangiti ako lalo dahil sa sinabi niya. Tama siya. Habang may buhay, may pag-asa.

---

Bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad pauwi, wala na naman kasi akong nakitang trabaho. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kay Jane nito? Napabuntong-hininga ako. Nakakapagod na.

Malapit na ako sa bahay, nang mapatigil ako sa mabigat kong paglalakad dahil narinig ko ang sigaw ng aking kapatid. "Itay! Tama na po!"

Bigla akong kinabahan, kaya, mabilis kong tinakbo ang daan pauwi. Wala na akong naging pakialam sa mga nakabunggo ko makarating lang kaagad sa kinaroroonan ng kapatid ko.

Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Jane na nakalupasay sa sahig habang umiiyak. Nakatayo naman sa harapan niya ang aming ama, animo'y isa itong mabangis na leon kung makatingin.

"T-tama na po," nanangis na pakiusap ni Jane habang pilit na tinatakpan ang mukha gamit ang kaniyang mga braso. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang lapitan siya ni Tatay at sabunutan.

"Bigyan mo ako ng pera!" singhal sa kaniya ng aming ama. Tinabig ni Itay ang mga braso ni Jane at nilamukos niya ang mukha ng aking kapatid bago ito isinubsob sa sahig. Halos mabiyak ang puso ko sa aking nakita. Inihagis ko sa sahig ang dala kong bag, at walang pakundangan na sinugod si Itay.

"'Wag mong saktan ang kapatid ko!" sigaw ko sabay suntok sa mukha ng aming ama. Napaupo si Tatay sa sahig, at hindi agad nakahuma. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala kang karapatan na saktan si Jane. Hindi mo na nga kami inalagaan, uuwi ka pa rito para manghingi ng pera't manggulo?!" usal ko na may bahid ng hinanakit. Naramdaman ko ang paghawak ni Jane sa laylayan ng damit ko.

"K-kuya," aniya na tila inaawat ako. Nilingon ko siya't nginitian. Naupo ako para magkapantay ang aming mga mukha. Hinaplos ko ang namumula niyang pisngi, at pinahid ang luha sa kaniyang mga mata.

"Tumahan ka na, na'ndito na ako," pang-aamo ko. Sisinghot-singhot siyang tumango't tipid na ngumiti, ngunit agad din iyong nawala at napalitan ng takot ang kaniyang maamong mukha. Nanlalaki ang mga mata niya habang nakatingin sa aking likuran. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi lingunin ang kaniyang tinitingnan.

"Kuya!" dinig kong sigaw ni Jane matapos akong tamaan ng suntok ni Itay. Ngumudngod ang mukha ko sa sahig. Hindi pa man ako nakakabawi, lumapit na sa akin ang aming ama at ako'y kin'welyuhan.

"Akala mo may laban ka na sa akin, ha? Anak lang kita!" asik niya sabay bigwas sa aking panga. Narinig ko ang pagsinghap at palahaw ng kapatid ko. Sinubukan niyang awatin ang aming ama pero, hindi siya nito pinakinggan.

Sapilitan akong itinayo ni Itay, pagkatapos ay ubod-lakas niya akong sinapak. Napaatras ako't napasandal sa aming dingding. Umiling-iling ako upang bawasan ang aking pagkahilo.

"Ah!" daing ko nang sikmuraan ako ng aming mabagsik na ama. Napayuko ako't napahawak sa tiyan, ramdam ko ang matinding sakit dulot ng kaniyang kamao.

"Itay! P-parang awa niyo na po, tama na..." panaghoy ni Jane. Nanlalabo man ang aking paningin, nakita ko pa rin kung paano niya yakapin si Itay para pigilan. Ngunit sa halip na magpapigil, itinulak pa ni Itay ang kaawa-awa kong kapatid kung kaya't tumilansik ito. Tumama ang likod ni Jane sa aming kahoy na mesa. Nakaramdam na naman ako ng matinding galit.

Nanghihina man, nagawa ko pa ring sugurin si Itay at gawaran ito ng isang suntok sa kaliwang pisngi. Napaatras ng kaunti ang huli, ngunit agad din namang nakabawi. Binigyan muna niya ako ng isang nakakatakot na tingin bago muling sikmuraan. Tuluyan na akong napahiga sa sahig, at namaluktot dahil sa sakit.

Sinubukan kong itukod ang mga kamay ko upang makatayo, pero, isang matigas na bagay ang tumama sa aking bandang noo, dahilan upang ako'y tuluyang mahilo.

"Kuya!" Ang huli kong narinig bago tuluyang magdilim ang paligid ko.

---

Nagising ako dahil sa mahihinang yugyog sa balikat ko. Sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Jane. Tumayo ako mula sa pagkakahiga, at naupo.

"Ayos ka lang ba Kuya?" nag-aalala niyang tanong. Tiningnan ko siya at pilit na ngumiti kahit nakararamdam pa ako ng kaunting pagkahilo.

"Wala 'to," tipid kong sagot. "Ikaw? Ayos ka lang ba? 'Yong likod mo, kamusta? Ano'ng nangyari kay Itay?" sunud-sunod kong tanong habang sinusuri ang payat niyang katawan.

"Medyo masakit ang likuran ko. Tumama kasi ako sa mesa nang itulak ako ni Itay kanina," pagsusumbong niya."Pero,'wag kang mag-aalala. Wala ang sakit na 'to kumpara diyan sa mga sugat mo," natahimik siya saglit." Umalis si Itay dala ang pera na naipon natin," pagpapatuloy niya. Batid sa kaniya ang kalungkutan.

"Sorry, Kuya. Wala man lang akong nagawa kanina." Nag-iwas siya ng tingin at yumuko. Nakita ko ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. Hinila ko siya palapit sa akin upang yakapin, kahit may kirot pa akong nararamdaman, maipadama ko lang sa kanyang na'ndito lang ako lagi para sa kaniya.

"'Wag kang mag-sorry, wala kang kasalanan. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa'yo...nasaktan ka ni Itay nang dahil sa akin," biglang bumigat ang dibdib ko. Parang anumang oras, babagsak ang mga luha ko. Ayokong makita na nasasaktan ang kapatid ko. Pakiramdam ko'y, hinihiwa ang puso ko sa maliliit na piraso.

"T-tatagal ba tayo na m-mabuhay kung laging ganito, K-kuya?" pagtatanong niya. Kumalas ako sa yakapan namin, at tiningnan ang luhaan niyang mukha.Ngumiti ako't pinunasan ang mga pisngi niya.

"Hindi mahalaga kung gaano ka katagal nabuhay, ang mahalaga ay kung paano ka nabuhay." Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" sisinghot-singhot niyang turan. Hindi naalis ang tipid na ngiti sa aking mga labi.

"Kung umabot ka sa edad na sisenta, pero, puno naman ng kalungkutan ang buhay mo...sa tingin mo ba'y nagkaroon ng saysay ang anim na dekada mong pamumuhay?" ani ko. Nakatitig lamang siya sa akin.

"Hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay, Jane. Hindi natin hawak ang ating mga buhay. Pero, kung susulitin mo ang bawat araw na daraan sa iyong buhay, maaaring maging makasaysayan ito," pagpapatuloy ko.

"Sinasabi mo ba na dapat kong lasapin ang kahirapan na tinatamasa natin? Na dapat kong tanggapin ang mga palo't pananakit sa akin, sa atin ni Itay?" May bahid ng hinanakit ang pananalita niya. Pumikit ako saglit at bumuntong-hininga, pagkatapos ay muli kong sinalubong ang kaniyang mga mata.

"Hindi 'yon ang pinupunto ko rito, Jane. Hindi ko gusto na mahirapan at masaktan tayo," malumanay kong sabi. "Ang nais ko lamang sabihin ay, hindi porke't mahirap tayo, kailangan na nating maging malungkot. Hindi porke't lagi tayong nasasaktan, kailangan na nating sumuko. Hindi ba't sinabi mo noon; habang may buhay, may pag-asa? Ingles pa nga ang ginamit mong salita, 'di ba?" pagpapaliwanag ko. Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi, at sunud-sunod na tumango.

"Kamusta nga pala? May nakita ka na bang trabaho?" pag-iiba niya sa usapan. Sumimangot ako, at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa mga pisngi ko.

"Ayos lang 'yan, Kuya. Hindi pa naman katapusan ng mundo kung wala kang makita na trabaho, 'di ba?Ang mahalaga, naghahanap ka. Hindi ka tulad ng iba na umaasa sa pagnanakaw. Kaya, 'wag ka nang malungkot! Hindi ba nga..." nagkatinginan kami't nagkangitian sabay sabi ng, "habang may buhay, may pag-asa!"

---

Tiningnan ko ang gitara na nakasukbit sa aking likuran. Hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. Panigurado, matutuwa ang kapatid ko dahil sa sorpresa kong 'to.

Dalawang buwan na simula nang matanggap ako bilang trabahador sa isang maliit na kompanya. Maliit lang ang kita, pero, sapat na kaysa wala. At sum'weldo ako ngayong araw, kaya naman may pera ako na ipinambili sa second hand na gitarang dala-dala ko.

"Pare," usal ng lalaking bigla na lang umakbay sa akin pagpasok ko sa madilim na eskinita. "Holdap 'to," dagdag pa niya sabay tutok ng patalim sa tagiliran ko. Kahit lalaki akong tao, hindi ko maiwasan ang hindi kabahan.

"W-wala akong pera, Pare. I-ipinambinili ko na n-nitong gitara," nauutal kong sabi. Hindi maikakaila ang takot sa boses ko lalo pa nang maramdaman ko ang pagbaon ng tulis ng patalim sa tagiliran ko.

"'Yang gitara na lang ang ibigay mo sa akin."

"H-ha?"

"Ibibigay mo, o tutuluyan kita?!" Nataranta na ako dahil sa pananakot niya. Nararamdaman ko na rin ang unti-unting pagbaon ng hawak niyang kutsilyo sa aking tadyang.

"'W-wag...ibibigay ko na," pagsuko ko. Ipinatanggal ko muna ang pagkakaakbay niya sa akin, at ipinalayo ang balisong na hawak niya. Kunwari ay tatanggalin ko na ang gitara mula sa pagkakasukbit nito sa katawan ko, pero...

"Ah!" sigaw niya matapos ko siyang bigyan ng isang sorpresang suntok. Nabitiwan niya ang hawak niyang balisong, kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon upang sugurin siya nang sunud-sunod na suntok.

Sa mga oras na 'to, dapat ay tumatakbo na ako. Ngunit hindi ko magawa, dahil nakikita ko si Itay sa katauhan niya.

"Ah!" daing ko nang makaganti siya ng suntok. Napaatras ako dahil sa lakas ng ginawa niya. Kita sa mga mata niya ang labis na galit. Dumura ako sa gilid, nang malasahan ko ang dugo sa aking bibig.

Nanggigigil ako na sumugod sa kaniya. Binigyan ko siya ng suntok sa kanang pisngi, pagkatapos ay sinipa ko siya sa hita. Hindi maitatanggi ang sakit base sa naging reaksyon niya. Susuntukin ko sana siyang muli, ngunit nakaiwas siya.

"Puta!" sigaw ko matapos niya akong tamaan sa mukha. Napaatras akong muli, naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa sementadong pader dito sa eskinita. Napangiwi ako dahil sa sakit. Huminga muna ako nang malalim bago muling sumugod.

Sinipa ko siya sa kaniyang sikmura. Napayuko siya habang nakahawak sa tiyan, kaya, kinuha ko na ang pagkakataong iyon. Ibinaba ko muna sa isang tabi ang dala kong gitara, at kumuha ng bato. Muli kong sinugod ang holdaper para pukpukin nito. Kaso, nakailag siya't tanging daplis lang ang natamo.

Nagkakatitigan kami saglit bago sabay na napatingala dahil biglang kumulog. Mukhang nagbabadya ang malakas na ulan.

Tiningnan ko 'yong holdaper, nakatingala pa rin siya. Ngumisi ako bago muling sumugod. Napaatras at napaupo siya dahil sa pagsuntok ko. Hindi pa ako nasiyahan, sinipa-sipa ko siya sa tagiliran.

"Wala kang k'wenta! Ang lakas-lakas ng katawan mo, hindi ka magtrabaho!" panenermon ko. Ngunit, bigla akong napatigil sa pagsipa nang maalala ko si Jane. Tiningnan ko 'yong holdaper at saka bumuntong hininga.

"Tama na. Wala rin naman akong mapapala sa pagbugbog sa'yo," usal ko. Tinalikuran ko na siya't kinuha ang dala kong gitara.

"Ang sabi ng kapatid ko; habang may buhay, may paga-asa. Kaya naman, bubuyahin kita at hindi na isusuplong. Kasi, alam ko..." isinukbit kong muli ang gitara sa aking likuran, "may pag-asa pa na magbagong buhay ka." Hinarap ko siyang muli. Laking gulat ko nang nasa harapan ko na siya.

"Wala na akong pag-asang magbago," asik niya sabay diin ng patalim sa sikmura ko upang lalo itong bumaon. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kutsilyong nakatarak sa aking katawan.

"A-ah..." singhap ko nang bunutin at muli niyang isinaksak ang kutsilyo sa akin. Napakapit ako sa mga balikat niya. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa aking bibig.

"Wala akong k'wenta, 'di ba?!" sigaw niya sabay suntok sa akin, matapos akong saksakin. Napahiga ako sa lupa. Hindi pa siya nasiyahan, sinipa-sipa pa niya ako. Napaubo ako na may kasamang dugo.

Kasabay nang pagpatak ng mga luha sa aking mata, ang pagbuhos ng ulan. Sinubukan kong gumapang palayo sa lugar na 'yon, pero pinigilan ako ng taong kasama ko.

"Ano?!" galit na tanong sa akin ng holdaper. Tumalungko siya sa ulunan ko't sinabunutan ako upang iangat ang aking mukha. "Lalaban ka pa bang hayop ka? 'Tang ina mo kasi, e! Ibibigay na lang, ayaw mo pa! 'Yan ang bagay sa'yo!" galit niyang turan sabay subsob ng mukha ko sa sementadong daan. Panibagong sakit na naman ang aking naramdaman.

"A-aaah..." ingit ko nang maramdaman kong kinapa niya ang bulsa ng suot kong pantalon.

"'Tang ina! Ito ba ang walang pera?! Hayop ka! Sinungaling!" huli niyang saad. Pinukol pa niya ako ng bato, bago tuluyang umalis. Napaluha ako lalo. Ang pera na pinaghirapan ko para sa aking pinakamamahal na kapatid...ninakaw lang ng kung sino.

Malakas na ang buhos ng ulan, ramdam ko na ang pagdaloy ng lamig sa aking katawan.

"Para kasing gitara ang buhay natin, Kuya. Minsan sintunado, minsan nasa tono..."

Napangiti ako nang maalala ko ang nakangiting mukha ni Jane, pati na rin ang sinabi niya. Napahawak ako sa gitara na nakasukbit pa rin sa aking likuran. Mabuti na lamang at hindi ito kinuha ng taong 'yon.

Unti-unti nang pumipikit ang aking mga mata. Diyos ko, patawarin niyo po nawa ako sa mga kasalanan ko. Kayo na po nawa ang bahala sa kapatid ko. Kung mawawala man ako sa kaniya, 'wag niyo po sana hayaan na mawala ang pag-asa sa puso niya...

"J-ja...ne..." usal ko sa kawalan. Nararamdaman ko na ang katapusan. Alam ko, hindi na ako makararating pa sa amin. Pero, sana...kahit man lang ang gitara kong dala ay makarating sa kaniya.


Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 84K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
8.6M 242K 13
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
2.8M 3.3K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
2.5M 2.6K 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
Wattpad App - Unlock exclusive features