He's A Devil [Fin]

By mundongsaging

251K 5.3K 1K

"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED More

He's a Devil
Devil # 2
Devil # 3
Devil # 4
Devil # 5
Devil # 6
Devil # 7
Devil # 8
Devil # 9
Devil # 10
Devil # 11
Devil # 12
Devil # 13
Devil # 14
Devil # 15
Devil # 16
Devil # 17
Devil # 18
Devil # 19
Devil # 20
Devil # 21
Devil # 22
Devil # 23
Devil # 24
Devil # 25
Devil # 26
Devil # 27
Devil # 28
Devil # 29
Devil # 30
Devil # 31
Devil # 32
Devil # 33
Devil # 34
Devil # 35
Devil # 36
Devil # 37
Devil # 38
Devil # 39
Devil # 40
Devil # 41
Devil # 42
Devil # 43
Devil # 44
Devil # 45
EPILOGUE
Author's Note

Devil # 1

17.4K 254 28
By mundongsaging

 Chapter 1

Naglalakad ako sa gymnasium ng Leonel International High School dahil napagkasunduan namin ng bestfriend ko na si Leslie na dito magkita. Inikot-ikot ko ang tingin ko sa paligid hanggang sa makita ko na siya.

"Eunice!" sigaw ni Leslie.

Hindi ko maintindihan kung bakit siya sumisigaw kaya naman napatigil ako sa paglalakad ko at nilingon-lingon ang paligid ko. Tuloy tuloy padin siya sa pagsigaw niya, "Eunice! Eunice!"

Biglang napaupo na lang ako sa sahig sa sobrang sakit ng pagkakatama ng bola sa ulo ko. Nagtakbuhan naman ang ibang mga tao at si Leslie  papunta sakin para tulungan ako . Sobrang sakit ng pagkakatama ng bola sa ulo ko. Parang sinadya na ibato sakin ang bola sa sobrang lakas ng pagkakatama.

"Miss, okey ka lang?" tanong ni Joshua. Isa sa mga sikat na estudyante dito sa LIHS at captain ng basketball team.

"Okey lang yan pare. Hayaan mo na yan, maglaro na ulit tayo," sabi ng isang lalaki na kateam mate niya habang pinupulot ang bola, "Mahina lang naman yung pagkakatama ko ng bola sa kanya. Pasalamat siya hindi yun malakas. May patayu-tayo pa kasi malapit sa court, alam namang may naglalaro."

Siya pala ang nakatama sakin ng bola at hindi daw malakas ang pagkakatama ng bola? Kung siya kaya ang batuhin ko ng bola.

"Kung nag-iingat ka kase para hindi ka nakakatama!" naiinis kong sabi.

"Ikaw pa may ganang magalit! Ikaw nga yung di nag iisip diyan," sigaw niya sakin, "kung hindi ka humaharang-harang sa gilid ng court. Alam mo namang may naglalaro."

Ang mga taong tumulong sakin na tumayo kanina, nanonood na ngayon sa sagutan naming ng lalaking ito. Napatingin naman ako kay Leslie at ibinalik sakin ang isang ekspresyon na parang sinasabi na 'wag kana makipag-away.'

Kahit na parang pinagsaabihan na ako ni Leslie, hindi ko ito pinansin at lalo ko pang sinagot ang lalaking nasa harapan ko, "Ikaw na nga yung nakatama diyan eh. Tapos wala man lang sorry?"

Mukhang lalo pa siyang nainis sa sinabi ko, "Sino ka ba ha? Bakit kailangan ko magsorry sayo? Dapat kasi, ginagamit mo yang utak mo."

"Makaalis na nga. Wala akong panahon para makipag away sa mga makikitid ang utak" sabay hila ko kay Leslie dahil ayoko nang gumawa ng mas malaki pang eksena.

Hinatak ko si Leslie hanggang sa makarating kami sa classroom at doon na lang kami sa loob ng classroom habang hinhintay ang bell.

"Eunice, bakit mo naman sinigawan 'yun?" tanong niya sakin.

Huminga at ng malalim atsaka sumagot, "Ako pa kasi yung sinisisi niya. Siya na nga yung may kasalanan. Akala mo kung sino."

"Pero Eunice, mali kasi ang ginawa mo. Maling kalabanin yung lalaking na iyon. "sabi niya.

Napakunot bigla ang noo ko, " Ha? Sino ba siya? " tanong ko. Hindi ko kasi kilala 'yon. Ang alam ko lang kayear level naming siya dahil nakikita ko siya madalas sa hallway ng juniors at dahil nga kasama niya ang mga varsity, paniguradong player din siya.

"Siya lang naman si Adrian. Siya yung tinatawag nilang Prince Devil ng Pilot Class. "paliwanag ni Leslie.

Napatahimik na lang ako bigla. May naaalala ako tuwing maririnig ko ang pangalan na Adrian.

"Okey ka lang?" sabi ni Leslie.

"Wa-wala," sabay iniba ko na ang topic, "bagay lang talaga sa kaniya na tawaging Devil. Nakakainis ang ugali niya."

"Sus. Bakit ganyan yung mukha mo nung sinabi ko yung pangalan niya?"

"May kapangalan kasi siya," sagot ko. Pero para sakin, napakaimposible na siya 'yung taong matagal ko ng hinahanap. Iba ang ugali nila. Walang respeto sa babae at napakayabang ng tao na 'yon. Kabaligtaran 'yon ng ugali ng Adrian na kilala ko.

Hindi na natapos ang usapan namin ni Leslie dahil narinig na namin ang pagtunog ng school bell na nangangahulugang tapos na ang recess break namin.

Nagturo na ang aming guro at gusto ko talaga makinig at maintindihan ang mga tinuturo niya ngunit masyadong umiikot sa isipan ko si Adrian. Paano kung siya na nga ang taong matagal ko ng hinahanap? Nakakadisappoint naman kung ganoon dahil kung sakaling siya nga, hindi na siya 'yung Adrian na nakilala ko noong bata pa ako.

Lunch break.

Kumakain kami ni Leslie sa may table sa ilalim ng puno. Masaya kaming naguusap ng mga bagay-bagay ng biglang may tumama na namang bola sakin.

Si Adrian panigurado ito.

Sa totoo lang, ayoko ng away. Ayoko din ng gulo kaya naman kahit labag sa kalooban ko, tumayo ako para pulutin at ibalik sa kaniya ang bola.

"Hep hep hep!" kaya napatigil ako, "Bawal mong hawakan yan. Ayoko sa mga taong katulad mo."

Napakasama talaga ng ugali. Paniguradong ang dami na nitong babae na pinaiyak. Walang hiya. Walang modo. Tama talaga na tawagin siyang devil dahil para siyang demonyo na may sungay sa mga ginagawa niya.

"Anong tinitingin tingin mo dyan? Akin na nga yang bola ko." sabay kuha ng bola na nasa harapan ko. Hindi ko nap ala namalayan na matagal nap ala akong nakatitig sa kaniya kaya naman agad kong ibinaling ito sa ibang bagay.

Lord, please lang. Pigilan niyo po ako. Please, pigilan niyo ako. Ayoko ng makipag-away. Ayoko ng makipagsagutan. Pigilan niyo po akong saktan ang taong nasa harapan ko.

"Eunice, halika na nga," sabay hila sakin ni Leslie sa braso ko, "Baka mapaaway ka na naman diyan."

"Wait," sabi ni Adrian kaya napatigil kami ni Leslie at nilingon siya, "Eunice pangalan mo diba?"

"Oo. Bakit mo tinatanong?" medyo tumataas na ang tono ng boses ko sa sobrang inis sa kaniya. Ayaw pa kasi akong tantanan.

"Wala lang. Ang panget pala ng pangalan mo. Ang panget sa pakinggan," sabay tawa niya, "Wag kana ulit magpapakita sakin pwede?"

"Umalis na nga tayo," sabay hila ko kay Leslie papalayo.

Kumukulo na talaga yung dugo ko sa lalaki na 'yon. Kung hindi lang ako mabait, siguro hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Mayabang. Walang modo. Sino ba mga magulang noon at parang hindi naturuan ng tama ang anak.

Nang medyo nakalayo na kami sa kanila. Umupo ako sa may sahig sa gilid ng pader. Umupo din naman si Leslie sa tabi ko.

"Bhes, bakit ba ang init init ng dugo sakin ng lalaking na 'yon?" ang sakit kasi nung sinabi niya na panget daw ang pangalan ko.

"Kung ako sayo, nilalayuan ko na si Adrian," sabi sakin ni Leslie sabay patong ng ulo niya sa balikat ko, "marami ng babaeng pinaiyak si Adrian. Sobra kasi kung mang-inis 'yon lalo na kapag malaki problema."

"Maluwag ata tornilyo," panloloko ko.

"Nag-aalala lang naman ako sa'yo. Sobrang sama kasi talaga ng ugali ni Adrian kaya nga Prince Devil ang ipinangalan sa kaniya ng school."

Biglang naalala ko 'yung baunan naming, "Leslie. Ang mga baunan natin naiwan natin sa may table."

"Hala, oo nga," sabay angat agad ng ulo niya.

Pagbalik naming, nakita kong andoon padin sa may puno si Adrian kasama ang mga kaibigan niya. Kamay minamalas ka nga naman. Paniguradong hindi padin titigil sa pang-iinis sakin si Adrian kapag nakita na naman ako.

Biglang lumingon siya sa kinatatayuan naming ni Leslie. Tumayo bigla ito sa kinauupuan niya at papalapit sa amin. Medyo tumatawa tawa ang ngumingiti pa ang loko.

"Diba sabi ko wag kana magpakita," sabay bato na naman niya ng bola sakin. Buti at sa may binti lang tumama at hindi gaano kalakasan.

"Tigilan mo na nga ako," sigaw ko. Naiinis na talaga ako sa mga sinasabi niya at lalong-lalo na sa pangbabato sakin ng bola.

Tumawa na naman siya at halatang-halata na nasisiyahan siya sa ginagawa niya. "Dapat lang sayo 'yan."

Hindi ako nagdalawang isip na sipain siya sa binti ng sobrang lakas. Hindi siya umiimik at tinitigan lang ako ng napakasama.

Nagulat na lang ako ng halikan niya ako.

Hindi ko alam ang dahilan pero kusa ko na lang kinuha 'yung bola niya at kumaripas ng takbo papunta sa banyo.

Butasin ko kaya 'to? O kahit ilang bola pa niya.

Hindi ko siya mapapatawad. 'Yung first kiss na matagal ko ng pinaghahandaan dahil gusto ko maging romantic, na wala na lang ng parang isang bula.


Continue Reading

You'll Also Like

966K 11.5K 65
All rights reserved™
66.1K 647 6
R18+ Mature Content Gay Story Don't forget to vote and comment
215K 7.1K 54
❝ Kahit saang lupalop ako mapunta, mapa impyerno man o langit ay wala din namang mababago saakin. Sapagkat natural lang sa isang katulad ko ang mamuh...
432K 4.4K 25
Mature Content || R-18 || SPG
Wattpad App - Unlock exclusive features