SUICIDE OUTBREAK: Round Two

By weareseriouslyinsane

15.2K 425 309

LITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Suicide Outbreak: Round Two More

SUICIDE OUTBREAK: Round Two
TEAM RIGHTEOUSNESS
Cure #1: En Gin
Cure #2: An Act of Random Kindness
Cure #3: Reset
Cure #4: Lorenzo
Cure #5: Hacienda Vizares
Cure #6: Attack On Table
Cure #7: Sa Pamamagitan Ko
TEAM FAITH
Cure #1: Reyalidad
Cure #2: Faith, War, and Sergeant Crayton Carascal
Cure #3: The Misfortune of a Culprit
Cure #4: Hustisya
Cure #5: Maiingay Na Gabi
Cure #6: Si Pastor
Cure #7:Well, It Just Happened
TEAM HOPE
Cure #1: Sa Laban ng Buhay
Cure #2: La Reine de Coeur
Cure #4: A daughter's message
Cure #6: The Soul of Realization
Cure #7: Gitara
Cure #8: Sementadong Gubat

Cure #5: Super Diego

287 13 13
By weareseriouslyinsane

Cure #5: Super Diego

MALAMIG at ga-butil na pawis ang tumulo mula sa noo ni Super Diego habang pinagmamasdan ang mga magnanakaw na tumatakbo sa kalsada. Kahit tirik na tirik ang araw ay hindi pa rin matitigil ang layunin niyang pigilan ang dalawang lalakeng nakasuot ng mga itim na damit at ang mga mukha'y natatakpan ng mga panyong kulay itim din. Alam niyang galing ang dalawa sa isang malaking bahay, dala-dala ang ilang sako na nakasabit sa mga balikat ng mga ito.

Napakunot na lamang ng noo si Super Diego at mabilis na ihinakbang ang mga paa para dali-daling makalapit sa mga ito na ngayon ay nasa dulo na ng bangketa. Animo'y hinahabol siya ng aso sa sobrang tulin ng takbo niya. Ni hindi niya na alintana ang pawis na kanina pa dumadaloy mula sa kanyang noo. Ang gusto niya lang ay magawa ang misyon niya, ang ipagtanggol ang bayan niya sa mga naaapi.

Nang marating ang dalawang magnanakaw ay buong pwersa niya itong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa kwelyo ng dalawa na para bang mga laruan lamang ang mga ito. Sa sobrang lakas niya'y napigilan niya itong tumakbo gamit ang dalawa niyang kamay. Walang kahirap-hirap niyang pinag-umpog ang mga ulo ng dalawang magnanakaw, dahilan para mahilo ang dalawa at hindi na makatakbo pa. Nang makitang wala nang takas ang dalawa ay saka lang siya naging kampante.

Narinig niya na ang malakas na tunog ng wang-wang na nanggagaling sa sasakyan ng mga pulis. Alam niyang ilang minuto lang ay dadating na ang mga ito kaya wala na siyang inakasayang oras. Mabilis siyang tumakbo papalayo sa pinangyarihan, baon ang mga hiyawan, palakpakan at ngiti ng mga mamamayang nakasaksi sa nagawa niyang kabayanihan. Walang nakakikilala sa kanyang pagkatao. Ang alam lang nila'y siya si Super Diego, isang bayaning handang ibuwis ang buhay para sa bayan.

SI SUPER DIEGO, isang sampung taong gulang na batang nagtatago sa likod ng pulang kapa at pulang maskara. Suot niya ang asul na t-shirt na nanggaling sa minamahal niyang ina at maong na short na gamit na gamit na. Kaiba sa mga bayaning tulad nila Super Man at Batman, si Super Diego ay isang simpleng bata lamang...na may malikot na imahinasyon. Wala siyang super powers, wala siyang kahit ano...tanging ang pulang kapa na sumisimbolo sa pagiging bayani lamang ang meron siya. Iyon lang ang meron siya.

Napasabay siya sa saliw ng paboritong kanta na nagmumula sa mp3 player niya, halos nakalimutan na ang mga laruang magnanakaw na nasa magkabilang kamay. "Ikaw ang magsasabing kaya mo 'to! Tulad ng isang tanglaw sa gitna ng bagyo." Ilang linya pa ng kanta ang sinabayan niya habang pikit na pikit pa ang mata nang marinig niya naman ang pagtawag ng ina.

"Diego, tama na ang paglalaro. Halika rito para mainom mo na ang mga gamot mo. Baka sumakit pa 'yang dibdib mo, eh. At saka bakit suot mo 'yang kapa at maskara? 'Di ba't sabi ko'y wag kang maglililikot at baka atakehin ka na naman ng asthma?" may halong pag-aalala na turan ng kanyang ina.

Naramdaman niya ang pagtapik ng ina sa balikat niya, dahilan para imulat na ang mga matang kanina lang ay nakapikit pa. Muling tumambad sa kanya ang katotohanang kahit kailan ay hindi siya magiging kasing-lakas at kasing-tibay ni Super Diego.

Napatingin siya sa mga bagay na nakakabit sa katawan niyang halos buto't balat na. Puting-puti ang paligid. Tanging ang kapang suot ang makulay na bagay na makikita sa lugar. Tiningnan niya ang ina na nakatayo sa tabi ng isang nurse na may dala ng mga gamot niya. Hindi niya maintindihan ngunit naramdaman niya na lang ang bahagyang pag-init ng mga mata na sinundan ng pagtulo ng masaganang luha na dumaloy sa kanyang pisngi.

"'Nak, tahan na... Sige, hahayaan pa kitang maglaro mamaya. 'Wag ka lang umiyak, makasasama sa 'yo 'yan, eh..." maluha-luhang sabi ng ina niya na mas lalong nagpaiyak kay Diego.

Isang taon na rin siya rito sa ospital at laging ganito ang nangyayari. Hindi siya makapaglaro. Hindi niya magawa ang mga bagay na dapat ay nagagawa ng isang batang katulad niya. Imbes na chichirya ay samu't saring gamot ang pinipilit niyang lunukin...mabuhay lang. Kung ang iba'y kapwa bata ang kinakalaban, iba ang kanya. Wala siyang ibang kalaban, kundi ang kamatayan.

"Diego, inumin mo na ang gamot mo," paalala naman ni Nurse Lia, ang nurse na laging nagdadala sa kanya ng gamot. Tumango lang si Diego at nanginginig ang mga kamay na kinuha mula sa tray ang apat na piraso ng tableta at isa-isang isinubo sa bibig. Inabot sa kanya ang isang basong tubig na kaagad niya namang ininom. Nang matapos ay pinahiga na siya sa kama at tinakpan ng kumot.

"Tulog ka muna." Isang masuyong halik sa noo ang ibinigay sa kanya ng ina habang kinukuha ang mga laruan niya.

At kahit ayaw niyang matulog ay alam niyang makatutulog pa rin siya dahil sa epekto ng gamot na ininom niya. Ganoon naman lagi. Gigising siya, kakain, iinom ng gamot at matutulog. Walang pagbabago. At kahit bali-baligtarin man ang mundo, hindi niya kayang lokohin ang sarili at sabihing kaya niya ito, na malalampasan niya rin ang lahat. Bata lang siya pero alam niya ang totoo sa hindi. Narinig niya minsan nang nagkukunwaring tulog siya, sinabi ng doctor sa kanyang ina na malapit na siyang mamatay. At paunti-unti, kahit mahirap ay tinatanggap niya iyon. Wala nang pag-asa.

Maya-maya pa'y nakadama na siya ng antok hanggang sa maipikit na lang ang mga mata at tuluyang makatulog na.

MABILIS pa sa alas kwatro ang ginawa niyang pagtakbo para maabutan ang nagkukumahog na shop lifter na nanggaling sa isang mall. Gamit ang bilis ay naabutan niya ito nang walang kahirap-hirap at napigilang tumakas pa. Ni hindi siya hiningal at hindi nanikip ang dibdib niya.

Alam ni Diego na nananaginip siya. Pero gusto niya ito. Minsan pa nga'y gusto niyang mabuhay na lang dito sa lugar na ginawa ng imahinasyon niya. Sa panaginip, malaki at malakas ang pangangatawan niya. Gusto niyang kahit minsan man lang ay hindi na siya maging mahina. Na kahit sa panaginip lang ay magawa niya ang mga bagay na ipinagkakait sa kanya ng buhay.

Mas lalo niya pang pinag-ibayo ang paghawak sa kamay ng shop lifter para hindi na ito makapalag pa. Ilang segundo lang at nakita niya nang tumatakbo papalapit ang isang security guard na may maaliwalas na ngiti sa mga labi.

Akmang ngingitian niya na sana ang guard nang maramdaman niya ang bahagyang pagtapik sa kanyang balikat ng kung sino.

"ANAK, gumising ka na. Nagmamakaawa si Mama, gumising ka na..."

Napabalikwas si Diego matapos marinig ang boses ng ina. Nang imulat niya ang mga mata'y nakita niya ang luhaang mukha nito. Kakikitaan na ito ng kulubot sa mukha na dati'y makinis at tila ba'y walang kaproble-problema. Namumuti na rin ang dating itim na itim na buhok, hudyat ng pagkadami-daming problema na hinaharap nito.

Nakaramdam si Diego nang pagkamuhi. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang magdusa ang taong mahal na mahal niya nang dahil lang sa kanya. Bakit kailangang makita niyang hirap na hirap na ito nang dahil sa kanya? Ano bang nagawa niyang mali sa sampung taon niyang pamumuhay at ganito ang dagok na hinaharap nila?

"Mama..." mahina at nahihirapang sambit niya habang pilit na pinupunasan ang luha ng ina. Hinahabol ni Diego ang bawat paghinga. Kahit ang dibdib niya'y naninikip pa. Wala siyang ibang maramdaman, kundi sakit. Sakit na pisikal at sakit sa nakikitang lagay ng mahal niyang Mama.

"Akala ko...iiwan mo na si Mama. Wala ka nang heartbeat kanina. Sabi nila, patay ka na raw. Anak, 'wag mong iwan si Mama. Ayaw kong maiwan mag-isa..." Mas lalong lumakas ang palahaw ng ina, dahilan para paalisin ito ng mga doktor at nars sa paligid nila.

Gusto niya sanang pigilan ang mga doktor dahil wala siyang ibang kailangan ngayon, kundi ang yakap ng ina. Nanghihina siya. At alam niyang 'yon lang ang makapagbibigay ng lakas sa kanya.

Ngunit pati 'yon ay pinagkait sa kanya.

PUNUNG-PUNO ng galit ang mga mata ni Diego habang tinitingnan ang lalakeng nakapako sa krus. Hindi niya rin maintindihan ang sarili dahil sa dinami-dami ng lugar na gusto niyang puntahan matapos ang ilang oras ng pagaagaw-buhay, ay humingi siya ng tulong kay Nurse Lia at nagpahatid dito. Ramdam niya pa rin ang lubos na panghihina ngunit pinili niyang puntahan ang lugar.

Naalala niya ang turo sa kanya ng ina. Kaya raw ipinako sa krus 'yon dahil iniligtas niya ang mga tao sa kasalanan. Ibig sabihin, may super powers din siya. Makapangyarihan. Ngunit bakit hindi nito kayang ibigay ang simpleng hiling niya?

"Kung makapangyarihan ka, bakit hindi mo ibigay sa 'kin ang hinihingi ko? Kung makapangyarihan ka, bakit hindi mo kayang alisin ang sakit ko? Kalokohan! Kahoy ka lang, ni hindi mo kayang pigilan ang pag-iyak ni Mama. Hindi. Hindi ka makapangyarihan! Wala kang super powers. Mali si Mama. Maling-mali..." mapait na sumbat niya habang nakakapit ang maliliit at nangangayayat na kamay sa armrest ng wheel chair. Wala siyang pakialam kahit marinig pa ito ng mga taong nagdadasal din sa chapel ng ospital. Masaganang umaagos mula sa kanyang mata ang mga luha ng galit at kawalan ng pag-asa.

Wala siyang magawa. Wala siyang ibang masisi. Wala siyang ibang mapagbuntunan ng galit, kundi ang lalakeng nakapako sa krus.

"Diyos ka ba talaga? Alisin mo na ang sakit ko... Nagmamakaawa ako. Dinggin mo ako. Para sa Mama ko... Ayaw ko pang mamatay. Ayoko. Bata pa ako, gusto ko pang mabuhay." Naipikit na lamang ni Diego ang mga mata nang maramdaman ang muling paninikip ng dibdib.

"Hindi mahalaga kung gaano ka katagal nabuhay, ang mahalaga ay kung paano ka nabuhay."

Natigilan si Diego nang marinig ang tinig na iyon. Nang lingunin niya ang pinagmulan ng boses ay tumambad sa kanya ang isang matandang lalake na nakasuot din ng hospital gown. Kulubot na ang balat nito at puting-puti na ang buhok, senyales na nabuhay siya nang matagal na panahon. Isang ngiti ang masisilayan sa mukha nito na para bang natutuwa pa ito sa nakikita.

"Nasasabi niyo po iyan kasi matanda na kayo," katwiran ni Diego na ngayon ay muling nakatingin sa unahan ng chapel. Pilit na iniinda ang sakit na nararamdaman sa bandang dibdib.

"At nasasabi ko ito dahil kahit matagal na akong nabuhay, pakiramdam ko'y wala pa ring saysay ang buong pagkabuhay ko. Alam mo na...walang katuturan." Ngumisi ito nang mapait habang pinupunasan ang nangingilid na luha sa mga mata.

Panandaliang hindi nakaimik si Diego ngunit nang makaisip ng sasabihin ay muli siyang nagsalita. "Ang tanga naman po ninyo, ang haba na ng panahon ninyo at wala pa ring katuturan ang buhay niyo?"

Tumawa lang ang matanda at nilaro-laro ang buhok ni Diego. "Maswerte ka.. Hindi lahat ng tao'y nabibigyan ng pagkakataon para maisip ang totoong misyon nila sa mundo. Minsan, huli na. Minsan, nangamatay na't lahat ay hindi pa rin. Tulad ko."

"Eh bakit hindi kayo galit?"

Humalakhak lang ang matanda. Hindi tuloy mahinuha ni Diego kung nababaliw na ba ito o ganoon lang talaga ito kung makitungo sa tao. "Dahil alam kong may plano Siya. 'Wag kang mawalan ng pag-asa, Iho. Balang-araw, makakamit mo rin ang gusto mo. 'Wag kang magalit sa kanya. Tinutupad niya ang mga dasal natin, hindi lang nga natin alam kung kailan."

Naguguluhan man ay tumango na lang si Diego. Magsasalita pa sana siya para tanungin ang pangalan ng matanda ngunit natigilan siya nang makita ang isang nurse na humawak sa balikat nito. "Si Lolo Jose talaga, oh. Hinahanap ka na po ng anak ninyo..."

"Ha, sinong anak?" kunot ang noong tanong ng matanda.

Kitang-kita ni Diego na isang ngiti na lang ang tinugon ng nars. Pagkaraa'y tumingin naman ito kay Diego at nagsalita, "May Alzheimer's Disease kasi itong si Lolo Jose, nakakalimutan niya ang mga bagay-bagay."

Maya-maya pa'y nakita na lang ni Diego na naglalakad na paalis ang nars at 'yong Lolo Jose. Ngunit imbes na bumalik na sa kwarto ay nanatili lang siya doon habang iniisip ang mga nangyari. Mas lalo lang siyang naguluhan sa tinuran ng matanda. Kung may Alzheimer's Disease ito tulad ng nakikita niya sa TV, paano nito nasabing walang katuturan ang buhay niya.

'Di kaya't nakalimutan lang din niya?

ISANG LINGGO matapos ang pangyayari sa chapel ay umuwi na sina Diego sa bahay nila. Hindi dahil magaling na siya, kundi dahil hindi na kaya pang suportahan ng kanyang ina ang gastos sa ospital dahil naubos na ang perang ipon nila.

Nakaupo siya sa isang upuan sa tapat ng kanilang bahay habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro sa kalsada. Kahit wala na ang mga tubo at oxygen na nakakabit sa katawan niya na dating pumipigil sa kanyang gumalaw nang malaya, alam niyang hindi niya na rin magagawa pang tumakbo at maglaro. Dahil maaaring iyon pa ang maging mitsa nang pagkamatay niya.

Hindi. Hindi niya pa gustong mamatay. Kailangan pa siya ng Mama niya. Ngunit wala na siyang pag-asa. Bawat araw na lang ay nanghihina siya.

Akmang papasok na sana siya sa loob ng bahay dahil naiinggit lang siya sa mga bata nang biglang nakita niya ang isang humaharurot na sasakyan. Alam niyang sa sobrang bilis nito, ilang sandali lang ang kakailanganin at dadaan na iyon. Agad siyang napatingin sa mga batang naglalaro at napansin niyang nagsitakbuhan na ito palayo sa kalsada. Ngunit isang maliit na bata ang naiwan dahil nadapa ito. Walang katao-tao sa paligid, bukod sa mga batang nakapunta na sa gilid ng kalsada.

Walang ano-ano ay mabilis siyang gumalaw, hinakbang ang mga paang matagal nang hindi nakakakatakbo at dali-daling pinuntahan ang bata. Bata pa nga siya, pero hindi naman 'yon hadlang para may magawa siya para sa iba. Kaya niyang maging si Super Diego, tulad ng nasa imahinasyon niya. At ito na ang pagkakataong iyon. Kahit ito na ang una...at huli.

Handang-handa na sana siyang ibuwis ang patapos na rin namang buhay nang isang malakas na tulak ang tinamo niya, dahilan upang mapatapon siya sa gilid ng kalsada. Kasabay nito ang sigaw ng matanda. "Hindi mo pa oras, Iho. 'Wag kang sumuko."

At waring isang tagpo sa pelikula, ang bahagyang pagtigil ng pag-ikot ng mundo, nakita niya si Lolo Jose sa gitna ng kalsada. Isang malawak na ngiti ang nakapinta sa mga labi nito na para bang wala man lang itong takot sa mangyayari.

Kitang-kita niya kung paanong tumama ang sasakyan sa katawan ng matanda. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ng matanda. Mangiyak-ngiyak si Diego nang makita ang pagbagsak ni Lolo Jose sa kalsada. Nang matapos ang banggaan ay saka siya nakalapit sa matanda na balot na balot ng dugo ang ulo.

"Lolo..."

"Masaya ako at nakita ko na ang saysay ng buhay ko. Mahaba pa ang iyo, 'wag kang sumuko..."

Lumuluha man ay isang tango na lamang ang tugon ni Diego sa matanda. Alam niyang mahirap at walang kasiguraduhan ang labang haharapin niya. Ngunit sa lahat ng nangyari, walang lugar ang pagsuko. Hindi na siya susuko. Ngayon pa na nabigyan pa siya ng pangalawang pagkakataon para lumaban.

ųqֺ�


Continue Reading

You'll Also Like

67.4K 104 5
A collection of desires that are considered immoral, dirty, and judged by society. For 18+ people only
377K 11.4K 38
Universities Series #2
2.8M 3.3K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
6.6K 243 35
(If you like or love reading INTERSEX stories, here its is I'm writing again, thankyou for voting to my previous stories guys, hope you like this too...
Wattpad App - Unlock exclusive features