ⓒ All rights reserved for Sword Seeker #2 (War of the Gods). This is a fantasy/adventure book. All language and concept used here are ALL MY OWN WORK and ORIGINAL. Countless hours of writing this story are product of my own imagination. Please do not copy/reproduce in any way.
°•○ ENJOY ○•°
Valdesis's POV
⊙﹏⊙
Totoo bang si Jake ang nakikita kong naka tayo sa ibaba ngayon?!
Hindi ko alam pero matapos kong maramdaman ang malakas na enerhiya kanina, bigla nalang na hulog ang katawan ni Jake sa mga halaman at nag-iba na agad ang itsura niya!
Sa pagkakaalam ko, isang bihira ang pagkakaroon ng pangatlong anyo sa isang shifter. Makukuha lang nila ito kapag ang nilalang ay magkakaroon ng pambihirang lakas at taglay para mapili kang karapat-dapat na magkakaroon ng kapangyarihan. Kahanga-hanga!
"Jake?" Rinig ko kay Sheena.
Siya ngayoy naka tayo habang pinagmamasdan ang panibago niyang anyo.
Nanatili ang katawan niyang mortal, pero isang higanteng pakpak ng aguila ang lumabas sa kanyang likod. May mga koko rin siya na katulad ng isang mabangis na leyon at mga pangil na handang ilabas ang bangis nito sa isang kalaban. Kita ko rin ang pagbabago ng braso niya dahil may nakikita na akong balahibo ng isang leyon, pero ang nakakatakot sa lahat ay ang kanyang mga mata, na ngayoy kasing pula na ng pulang buwan.
"Subukan mo kayang kumuha ng larawan para di mo talaga to makalimotan?" Sabi ko sa nilalang.
Oo, kahanga-hanga nga siya pero tsk! ako parin ang malakas.
Agad ko namang kinulekta ang lakas ko at inisip ang kapangyarihang apoy. Nilakasan ko ito at minuto ang dumaan, nagsimula ng masunog ang mga dahon na naka balot sa katawan ko. Di naman nagtagal, nagawa kong maka wala sa mga halamang naka balot sa katawan ko. Nasunog rin ang damit ko at sa tingin ko umuusok pa ata ang katawan ko.
Napaka init ko talaga.
"Nagbibiro ka ba?! May oras ka pa talagang pumorma diyan!" Rinig ko sa isda at napa pikit naman ako sa paninira niya.
Agad akong nagpakawala ng bolang apoy at itinira sa derekyon niya. Agad siyang nahulog sa lupa at muntik na akong matawa sa porma ng pagkahulog niya.
"Luna?" Napa tigil ako bigla dahil sa tawag ni Jake. Agad akong napalingon at na gulat.
Isang kahoy ang naka tayo sa harapan niya na may hugis katawan. Hindi lang isang ordinaryong katawan lang ang naka korte nito, dahil kamukhang kamukha ito ni Luna.
Isang makintab na bagay ang napansin ko sa kamay niya at nanlaki naman ang mga mata ko nung na mumukhaan ko ito.
"Ang piraso, nasa kanya ang piraso!" Gulat na salita ko.
"Ano pang hinihintay natin?! Kunin na natin to!" Bigla nalang sumugod si Sheena sa kahoy na korteng Luna na ikinagulat ko.
Kasing bilis na ata ng kidlat ang kamay ko para pigilan siya pero bigla nalang siyang napatapon ng malakas. Huminto ang puso ko nun, pero mas na gulat ako sa nagdulot nito.
⊙﹏⊙ Ang mga ugat ng malaking puno.
"Ayos ka lang isda?!" Inis na tanong ko. Gusto kong pumunta sa kanya, pero ang mga ugat kanina ay parang may mga mata na minamasdan ang mga galaw namin. "Manatili ka lang sa pwesto mo at wag na wag kang gagawa ng hakbang para maulit yun."
"Kung ganun, anong plano natin ngayon?" Tanong niya na alam kong may halong takot.
"Hindi niyo ba ramdam? Hindi lang ito isang ordinaryong puno na tumubo lang sa lugar na ito, kakaiba ang enerhiyang bumabalot sa punong to at sigurado akong, may kinalaman ang piraso nito." Biglang salita ni Jake. Talaga bang kaylangan niya pang sabihin ito? Masyadong halata na nga ng sitwasyon, ngayon pa talaga niya ipapaliwanag ito.
Bumobo ata ang isang to, dahil ata sa pagpalit ng anyo niya.
Pero gayun pa man, parang pahirapan na nga ito.
Ito na ang huling piraso sa sampo at ang pirasong ito ay kasing lakas ng limang piraso na pinagdaanan namin. Ito ang paliwang ng panginoon sa amin nung nasa langit pa kami. Pero ang hindi ko maintindihan, unang bagay sa lahat, bakit kami pa ang pinadala para sa pirasong to? Dumadaloy parin sa katawan namin ang dugong mortal.
Hindi man sa iniisip ko na mahina kaming nilalang, pero ang posibilidad ng pagkabigo namin ay kalahati sa utak ko. Hindi parin maitago na away ito ng mga imortal sa langit.
Handang handa akong isakripisyo ang buhay ko para sa misyong to, di dahil sa mga taong nakasama ko sa paglalakbay na ito, siguradong patay na ako bago pa ako maka balik sa pulang kaharian.
Teka, talaga bang inisip ko yun?
Napaka wirdo, parang di na ako yun ahh. Kaylan pa ako natutong magdrama? Nakaka panindig balahibo.
"V-Valdesis..." Tawag ni Sheena sa akin.
Sa oras na lumingon ako sa kanya, parang lalabas na ang mga mata ko sa bungo! Pinapalibotan siya ng mga halaman ngayon.
"SHEENA!" Biglang sigaw ko at aakmang tatakbo sa kanya ng....
"Tumigil ka!" Sigaw bigla ni Jake na nagpatigil sa akin. "Siguradong maiwawala yang ulo mo sa pwesto ng walang oras. Mag'isip bago gumalaw, hindi ito ordinaryong sitwason lang."
"Punyeta! sinasabi mo bang tatayo nalang tayo dito hanggang mapagod sila sa kakabantay?! Umiinit na ang dugo ko, uhaw na uhaw na ako sa away ngayon!" Galit na sigaw ko at na alala ko tuloy na di lang pala ako uhaw, gutom na gutom na rin ako!
"Sheena, gamitin mo ang kapangyarihang yelo mo at ipapatama mo ito sa dereksyong yan." Turo ni Jake sa kaliwa niya kung saan ang katawang kahoy ni Luna.
Ano ba ang iniisip ng lalakeng to?
Tumango si Sheena nun at naghanda. Tiningnan niya ako at parang may sinasabi ang mga mata niya na agad kong na basa. Naghanda na rin ako at naghintay sa salita niya, di ko man alam ang resulta ng planong to pero wala na man atang ma wawala kung susubokan namin ito.
"Isa.... dalawa... tatlo! ngayon na!"
Agad kong na ramdaman ang kapangyarihan ng isda at agad ko ring pinalabas ang akin. Kita ko ang paggalaw ng mga sanga ng halaman at parang hinahabol nila ang kapangyarihan namin na parating.
Sa oras na tumama ito sa katawang kahoy ni Luna, sumabay ang mga sanga na nagdulot ng maliit na pagsabog. Ang pinaghalong apoy at yelo ay nagpawasak sa mga sanga na nagdulot ng pagkaputol nito.
Kita ko ang mabilis na paggalaw ni Jake patungo sa piraso at parang ang bilis nito ay kasing bilis rin ng puso ko. SIGURADONG MAGTAGUMPAY SIYA!
"JAKE KUNIN MO!" Sheena.
Na gulat naman ako nung bigla nalang tumalsik ang katawan ni Jake sa malayo. Pero hindi lang ito ang nagpagulat sa akin, kundi ang mala kristal na harang na bumabalot ngayon sa katawang kahoy ni Luna.
"Jake!"
Di na ako nag-aksaya pa ng oras. Di na ako nag-isip at agad na sumugod sa dereksyon ng piraso.
Agad kong pinalabas ang kapangyarihan ko at itinira sa piraso pero tumalbog lang ito sa kristal na harang. Di ako tumigil hanggang nasa harapan ko na ang katawang kahoy ni Luna, pinagsusuntok ko ang harang at kita ko ang pagbiak ng kristal. Di naman nagtagal, ramdam ko na ang pagod.
Nagulat naman ako nung bigla nalang bumuka ang mga mata nito at nagpakita ang pulang kislap sa mga mata niya. Bigla akong napahinto, pero hindi lang ito ang nakakagulat dahil bigla nalang gumalaw ang kamay nito para hawakan ako sa leeg.
Napaka lakas! di ako maka hinga!
Sinubukan kong tanggalin ito pero ang higpit lang at ang lakas nito ay nagpapabilis ng pagkawala ng hangin ko.
"Bitiwan mo siya!" Biglang dating ni Sheena sa gilid ko. Ginamit niya ang kanyang sandata at hinampas ng malakas sa kamay nito na nagsanhi ng pagkahulog ko sa lupa.
Patay gutom naman akong huminga dahil dun at parang na mumula pa ata ang leeg ko dahil sa ng yari.
Nakita ko ang naputol na kamay ng kahoy pero laking gulat ko nung naging abo ito at ang katawang kahoy sa harapan ay nagkaruon ng panibagong kamay. Bumalik ito sa date at pumikit. Napahawak naman ako sa ulo nun dahil sa inis.
TUD!
Biglang dating ni Jake na may inis sa mukha.
"Imposible! Ni wala man lang kahinaan ang isang to!" Bulyaw ko.
"Uhmmm mga kasama, kaylangan niyo atang makita to." Salita ni Sheena.
Dahan dahan naman akong tumayo at tiningnan ang tinutukoy niya.
"A-anong ngyayari?" Takot na tanong ko. "Ano nanaman ba ito?!"
Hindi ako maka paniwala sa nakikita ko ngayon! ang kaninang mga katawan sa taas ng malaking puno ay isa-isang na huhulog sa lupa. Para silang mga uod na gumagalaw at ang iba sa kanila ay naka labas na sa halamang naka balot sa katawan nila.
Para silang mga patay kung gumalaw! Isang malagkit na bagay ang nakita kong bumabalot sa mga katawan nila, ewan kong san galing ito at habang tumatagal ay parang nakakadiri lang tingnan!
"Patay na ba sila?" Tanong ni Sheena sa akin.
"Wala na tayong pake kung buhay pa ba sila o hindi ang importante, lahat ng haharang sa daan para di natin makuha ang piraso ay kaylangang mawala." Sagot ko.
"Wala akong naaamoy sa kanila para matukoy kung buhay pa ba sila o hindi. Ang bagay na bumabalot sa katawan nila ay napaka tapang lang ng amoy, na hinaharangan ang gusto kong malaman, pero mga mortal parin sila. Kinakaylangan parin natin maka sagip ng buhay." Jake.
"Tsk! patay na kung patay! nakakadagdag lang sila ng oras!"
"Ano ka ba Valdesis!" Sheena at tiningnan niya ako ng masama.
Kulang nalang ata sigawan ko ang pagmumukha niya dahil sa di pagsang-ayon sa gusto ko, pero ang nakakainis lang dahil hindi ko ito magawa! Kinakampihan niya ba ang lalakeng to?! tsk!
Hinila ko siya para pumunta sa likod ko na may inis na mukha. Mahigpit ang pagkahawak ko sa braso niya pero alam kong hindi ito makakasakit sa kanya. Pinulot ko ang sandatang nahulog ko at hinanda ang apoy sa talim nito.
"Pumili kayo, sila ang ma wawala o tayo para sa misyong to." Salita ko at naghanda.
Kung ito man ang magiging kataposan ko. Mamamatay akong lumalaban at may silbi sa mundong to. Pero gayun pa man, takot ang dumadaig sa akin ngayon.
Sumugod ako sa oras na may nakita akong pagkakataon. Rinig ko ang sigaw ni Sheena sa likod pero binaliwala ko ito. Nilawakan ko naman lahat ng pandama ko at naging listo sa lahat ng bagay. Pansin ko agad ang mabilis na galaw ng mga halaman, at alam kong patungo ito sa dereksyon ko.
Hinampas ko ang nag-aapoy kong sandata sa mga halaman at agad naman itong na sunog at naging abo. Pero ang nakakainis lang dahil bumabalik ito sa date, at di naman nag tagal nagpatuloy parin ang pagdami nila.
"YAAAHH!" Sigaw ko sa oras na nasa harapan ko na ang piraso.
Kasing tigas na ata ng bakal ang harang sa harapan ko! Nilakasan ko pa ito at agad kong nakita ang pagbiak nito na nagsanhi ng pagkidlat sa paligid.
⊙﹏⊙ !!!
Isang pwersa ang lumabas na hindi ko man lang na pigilan. Napa tapon ako at agad kong na ramdaman ang sakit sa oras na tumama ako sa lupa. Umubo ako na may kasabay na dugo at nainis naman ako lalo nun.
May biglang humawak sa balikat ko at agad ko naman itong hinawakan at binali. Amoy na amoy ko sa kanya ang malagkit na bagay kaya di na ako nagdalawang isip pa.
Rumami sila ng rumami at walang katapusang pagsusuntok rin ang pinaggagawa ko. Habang tumatagal, nababalot na ng malagkit na bagay ang mga kamay ko.
Tinanggal ko ito at agad na pinahid sa damit ko, kakadiri!
"Valdesis!" Lingon ko sa kaliwa at agad ko namang pinakawalan ang apoy sa kamay ko. Na sunog ang isang mortal at nagsisigaw naman ito sa sakit.
"Ano ka ba! di ko sinabing sunugin mo!" Biglang batok ni Sheena sa akin.
"Eh na gulat ako eh! at isa pa, patay na ang mga to!" Bulyaw ko rin sa kanya.
"Patayin mo nga ang apoy!" Sigaw niya ulit pero tiningnan ko lang siya.
Kita ko ang inis sa mukha niya at muntikan ko ng halikan ang mga labi niyang na nginginig sa inis. Lintik talaga.
Bigla siyang nagpakawala ng kapangyarihan at agad namang na basa ang lalake sa tubig na lumabas sa kamay niya.
(-___-'') Ako pa talaga ang inutosan niya.
*UBO*UBO
Bigla nalang na tumba ang lalake sa lupa at nag-uuubo. Parang may kung anong lalabas sa lalamunan niya dahil lumalaki ito. Di naman nagtagal, may biglang lumabas na parang uod sa bibig niya. Natumba ang katawan niya sa lupa at pansin ko ang gumagalaw na bagay galing sa bibig niya. Napakawirdong bagay! Kasing laki ata ito ng alaga ko sa baba!
Napaka wirdo naman ata ng pagkakalarawan ko sa bagay na ito! Pati ako kinikilabotan sa sarili ko.
"Eww! ano yan?!" Sheena.
Nakapagtataka. Ang lalake kanina ay parang bumalik sa normal! Na wala ang malagkit na bagay sa katawan niya dahil na tubig ng isda at ang maputla niyang mukha kanina ay nagkakakulay na!
Lumuhod ako at naghanap ng pulso........
⊙﹏⊙
"Anak ng palaka, buhay siya!" Sabi ko.
"TALAGA?!" Sigaw ni Sheena.
At dahil sa ngyari, isang plano ang bumuo sa utak ko.
"Makinig ka isda, hahatiin natin ang trabaho sa sitwasyong ito. Ikaw bahala sa mga walang kwentang yan at kami ng gong-gong na yun ang bahala sa piraso at sa letcheng halaman nayun. Mas magiging ligtas ka kung susundin mo ito. Kami na bahala at isipin mo lang ang trabaho mo."
Agad naman siyang tumango nun at naghanda. Tatakbo na sana siya ng bigla kong hinawakan ang kamay niya. Kita ko ang gulat niya at kalahati naman ng lakas ko ang ginamit para di niya lang mahalata na nagulat rin ako sa ginawa ko.
Tinitigan ko ang mga mata niya at parang may na babasa akong isang kislap. Dahan dahan ko namang nilapit ang mukha ko at tumigil bigla ang puso ko.
"Mag-iingat ka, isda." Bulong ko at hinila ang mukha niya para halikan.
Na alala ko pa ang unang pagkakataong na halikan ko ang mga labi niya, wala paring pinagbago. Mukha parin akong humahalik ng totoong isda. Di bale, ang rami pangpanahon pagkatapos ng digmaang to. Sisiguradohin kong tuturuan ko siya araw-araw kung pano humalik ng tama.
Pero sa ngayon, ako muna ang masusunod.
~(*+﹏+*)~
°•○●◇●○•°
Thank you for reading! Don't forget to vote and comment!!
rj