*deep sigh*
Kasalukuyan akong nasa Veranda ng bahay ngayon. Ayokong lumabas. Tinatamad ako tsaka ayokong makakita ng mag-syota ngayon. Lalong-lalo na sila.
Napag-isip isip ko din na sa sobrang ka Bitter-an ko, kahit makarinig lang ako ng love songs sinasabi ko agad na 'Walang Forever' kahit nga makabasa ako ng mga love qoute nasasabi ko agad na 'Walang forever' pag napasyal naman ako sa facebook ko't iba pang sites at nakakita ng picture ng magkasintahan nasasabi ko din ng wala sa oras yung mga katagang yun. Nasanay na talaga ako.
Siguro Forever na akong ganito. Pero, walang Forever ehh. Kaya hindi ako permanenteng ganito. -_-
Nga pala, bukas na rin pala ang pasukan. Grade 10 na ako. Same school lang kami kaya di ko alam kung anong magiging reaksyon ko pag nakita ko ulit siya.
*deep sigh*
Naiiyak na naman ako. Tanginaa!!
Lahat ng pinagsamahan namin nawala ng ganun lang kadali. Ang sakit sakit lang. :( lahat ng ipinaglaban tsaka isinakripisyo namin nawala nalang bigla. Ganun ba talaga yun? Ang sakit. :(
Siya ang first love ko. Everyone thought we're a perfect couple. Kaya siguro ako umasa ng ganito, kasi yung mga tao din sa paligid ko umaasa din na kami talaga. Akala ko noon walang makakapaghiwalay samin. Pero, mali ako. Maling-mali.
"Raven, please? bumalik kana sa akin. Alam mo namang hindi ko kaya diba? Hindi ko kaya ng wala ka. Hubby naman.. please?" mahina kong pagkakasabi. Di lang pala ako Bitter sa storyang to. Isang malaking tanga din pala ako.
Hindi lahat ng bitter tungkol lang sa boyfriend o girlfriend nila. Minsan dahil din sa pamilya. Nung bata ako ideal man ko yung papa ko. Haha gusto ko, yung magiging boyfriend ko katulad na katulad ni papa. Pero nasira lahat ng yun nung iniwan niya kami ni Mama. Sumama siya sa ibang babae. Sirang sira ako nung mga panahong yun. Wala akong ganang mabuhay. Hanggang sa nakilala ko si Raven. Siya yung bumuo ulit sa'kin. Pero..
Siya lang din naman pala ang sisira sa akin ulit.
Parehong pareho sila ng papa ko. Pareho nila akong iniwan. Pero, mahal ko parin sila kahit ganun. Kahit sinaktan nila ako. Kaya lang ayaw na nilang bumalik ehh. Sawa na akong magmakaawa. Magmakaawa na sana balikan nila ako ulit. Umasa ako. Pero wala akong napala.
Kaya naging ganito ako. Ganito ako ka-Bitter. Kinamumuhian ko ang salitang 'love'. Naiinis ako pag naririnig ko yan. Kasi wala namang True love ehh. Lahat ng importante sayo kinukuha. Lahat nialalayuan ka. Napapansin mo ba yun? Na lahat ng mahalaga sayo nawawala. Nakakainis diba? Kaya ayoko nang dagdagan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Kasi baka mawala sila ulit.
Bukod kay Mama tsaka sa bestfriend ko. Ayoko nang dagdagan ulit ang mga tao sa buhay ko.
Pinahid ko yung luha ko. Ayoko nang umiyak ulit. Ayoko na. Lalaban na ako. Para sa sarili ko. Kasi awang-awa na ko sa sarili ko mismo ehh.
Natapos lang ang araw ko kakaiyak. Normal na sa akin yun. Kasi bukas pipilitin kong maging masaya ulit. Pipilitin kong ibalik yung dating Kamira. :)
Pagkatapos ng isang matinding drama. Umakyat na ako sa kwarto ko.Busog pa naman ko kaya di na ako kumain ng hapunan. Humiga agad ako tapos tinitigan ang kisame. .
"Someday, I will. Makakamove-on din ako. Tiwala lang."
Yan lang yung nsabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ay hinila na ako ng antok.
~~~~~
[MORNING]
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock sa may side table ko. 5:30 am pa lang gising na ako. Si-net ko kasi yan kahapon. Baka kasi di ako magising ng maaga't ma-late pa ako. First day of school pa naman ngayon. Tsaka 8:00 am mag-sstart ang class. Nasanay na rin kasi ako na palaging maagang pumasok. Halos wala nga akong late last year eh.
Bumangon na ako at syempre ginawa ko na ang dapat kong gawin. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako agad. Nadatnan ko si Mommy sa kusina at naghahanda ng breakfast. Usually kasi laging siya ang naghahanda ng breakfast ko kahit na may katulong naman. Gusto nya kasi kahit papa'no ay makabawi daw siya sa mga time na sobrang busy niya. :) Ang sweet ni Mommy diba? ^__^
"Good morning, Mom." lumapit ako sakanya then I kissed her sa pisngi. "Good morning din Baby. I cooked breakfast for you, baby. Kaya kumain kana." Tapos nag-smile sya. Ang sweet talaga ni Mommy.
Tahimik lang kaming kumakain ni Mommy. Then suddenly nagsalita sya.
"How are you?" tinignan ko si Mommy tapos itinuon ko ulit yung pansin ko sa pagkain. "I'm fine, Mom. How about you?" I answered kahit hindi nakatingin sakanya.
"I know you're not." Tinignan ko ulit si Mommy nung sinabi nya yan. Nakita ko yung awa sa mata niya. Naiiyak na naman ako dahil sa nakikita ko. Pati Mommy ko naapektuhan na dahil sakin. Pero ayokong umiyak sa harap niya, kasi alam kong mas lalo lang siyang masasaktan. Gusto kong maging malakas sa harap niya.
"Mom, I told you. I'm okay. Don't worry. Malalagpasan ko rin lahat ng ito." Tapos ngumiti ako ng hindi Peke. Pagkataos kong sabihin yun di na ulit nangulit si Mommy. Sakto rin na natapos na akong kumain. Tumayo ako then I get my bag. Papasok na ako.
"Mom, I gotta go." Lumapit ako sakanya tapos ki-niss ko ulit yung cheecks niya. Binigay niya naman sa akin yung baon ko. "Ingat Baby."
Lumabas na ako ng bahay. Nagpahatid ako sa Driver namin. Ayoko kasing maglakad. Madadaanan ko kasi yung Bahay nila Raven. Same Village lang kasi kami. Noon kasi inaabangan nya ako lagi pag dadaan ako sa kanila. Tapos sabay na kaming maglakad papuntang School. -____- Eto na naman. Pano ako makakamove-on nito? -____- tsss. Walang forever.
"Andito na tayo Levi." Di ko man lang napansin na andito na pala kami sa tapat ng school. "Salamat Manong." Tapos bumaba agad ako at naglakad papasok ng school.
Kung tinatanong nyo kung sino si Levi. Well, ako parin yan. Levi Kamira Nolan kasi ang whole name ko. :) Levi ang tawag sa'kin nila Manong Driver tsaka yung mga katulong sa bahay. While si Mommy ko naman 'Baby' or di kaya ay Kamira.
Hinanap ko kung saan yung magiging room ko. Nainform na kasi kami eh. Old student din kasi ako dito kaya kabisado ko lahat ng Sections.
Nang makita ko na ang section ko pumasok agad ako tapos naghanap ng mauupuan. Napili ko yung sa medyo gilid, sa tabi ng may bintana. Nilagay ko lahat ng gamit sa Desk ko. Tinignan ko yung relo ko. 6:55 pa lang pala. Ang aga ko. :3
Medyo wala pang tao kaya napagpasyahan kong maglibot-libot muna.
Naglakad lakad ako sa lobby.. "Wala parin talagang ipinagbago." napangiti nalang ako sa mga nakikita ko. Kahit papano na-enjoy naman ako kakalakad. Nung medyo napagod na ako pinuntahan ko ang favorite place ko dito sa school. Which is sa likod ng School. :D Gusto ko dito kasi hindi mainit. Wala nga lang magandang view. Pero gusto ko parin. Pag andito ako nakakapag-isip ako ng matino. I do really missed this place. :-)
Since hindi pa nag-bell, umupo muna ako sa may bato. Pagkaupo ko naramdaman ko agad ang hangin. Napapikit nalang ako."Hmmmmm.." Patuloy parin ako kakapikit ng biglang...
*crrraaaatttccchhh* (tunog po yan ng mga nalaglag na dahon galing sa puno)
Napadilat ako agad. Lumingon-lingon sa paligid. Ewan ko pero kinakabahan ako. May multo ba dito? T___T jusko po. Bata pa po ako. Pag yang multong yan nagpakita sa akin, mababaliw ako. Huhu matatakutin po akong bata. T____T
"S-sino yan?" tanong ko. Kahit pa naginginig na ako sa takot.
"Wife..."
Kilala ko yang boses na yan. Sheeettt!! Ba't siya nandito? T___T Si Raven yung multo. -___- Talagang mababaliw ako sa multong to. Noon pa ako baliw dito eh.
Di ko nalang pinansin yung boses. Bakit? Pag pinansin ko ba uunlad ang ikonomiya ng pilipinas? Hindi diba? HINDII!! joke lang. Ang totoo hindi ko lang talaga alam kung anong sasabihin. Tsaka teka? Bakit pa niya ako tinatawag na Wife? Tang*ina talaga 'tong gagong 'to ohh. Sinaktan na nga ako, tapos paaasahin pa ako ulit. Tssss.. WALANG FOREVER!
"Wife..."
Sheett!! Lumalapit siya. Anong gagawin ko?? Tutunganga nalang ba ako dito? Naman ohh. Pagdating talaga sakanya tiklop ako. T___T Pero kelangan maging matapang ako. Tsaka may girlfriend na yung tao lumalandi pa sa harap ko. -____- Mga lalaki nga naman ohh. Kaya ayun umakayat na lahat ng dugo ko sa ulo ko.
"Wife? huh! Kapal din ng apog mo pre ano? Pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin? Ano gusto mong response ko jan sa pa 'wife' 'wife' mo?? Hubby ba? Okay then. Hey HUBBY? How are you? Tsss.. Fvck Raven!! Just Fvck!" Sa wakas. Nakapagsalita din ako. -___- Di ako makapaniwala na nasabi ko yan sa kanya. Pero naiiyak na naman ako.
"I-I'm sorry.."
*riiiiiiiiinngggggg riiiinnnnggg rrriiiiinnggg*
YEEESS!! Saved by the bell. Pagkarinig ko sa bell tumakbo ako agad. May flag Raising pa ehh. As usual.
Di ko alam kung anong sasabihin sakanya. Kung tatanggapin ko ba ang sorry niya o hindi. :( Should I?? Pero di ko naman ata siya pwedeng patawarin ng ganun ganun nalang. After what he did? Tsk. Nek nek niya. Mahal ko parin siya, oo. Pero di naman ganun kadali yun eh.
*Fast forward*
Tapos na ang Flag raising kaya pumasok na kami sa kaniya-kaniyang sections namin. Naupo ako sa upuan ko wala pa namang teacher kaya nagbasa-basa lang ako ng libro. Kahit pa wala akong maintindihan. Di ako maka-focus eh. Naaala ko parin yung kanina.
"Gosh! Classmate natin siya!!" Narinig kong tili ng mga babae kong kaklase. "Really? KYAAAAHHHH abot kamay ko na siya. ^o^" Kanina pa talaga 'tong dalawang 'to kakatili. Sinong 'Siya' ba ang tinutukoy nila? -_____-
Tas may napansin akong pumasok sa pintuan ng classroom namin. Tapos..
WHAT IS HE DOING HERE??!!!