*Ericka Trishana Yumoko POV*
Sa isang iglap parang isang movie na pinapalabas sa utak ko ang lahat ng mga nangyari.
"Si Yra, sinisisi niya ang sarili niya. Una dahil alam niya na dapat siya lang ang dapat makidnap at hindi ikaw."
"Pangalaw dahil sa pag lalaban niya namatay ang mga magulang natin."
"At pang huli dahil sakanya nag karoon ka ng pinaka shock at dahil sakanya nawalan tayo ng magulang."
"Kaya naman nag pasyahan niya na lumayo satin. "
Bigla naman ako sumingit.
"Bakit naman kayo pumayag?"
Pag tatanong ko sakanila.
"Dahil mas gusto asikasuhin ni Yra ang sekreto ng pamilya natin."
Napakunut nuo naman ako.
"So may sekreto talaga ang pamilya natin?"
Pag tatanong ko.
"Oo pero sa tingin ko hindi pa ngayon ang tamang panahon, masyado ka pang nalilito."
"Saka baka napagod ka rin sa byahe mo at panigurado unti unti ng nag babalik ang mga alaala mo kaya naman kaylangan mo ng pahinga."
"Tama kaya naman bunso mag pahinga ka na."
Tumango tango na lang ako at saka na lang sila sinunod pumunta na lang ako sa kwarto at tinignan ang kisame.
Ano ba ang nangyayari sa buhay ko ngayon? Ang gulo ang gulo gulo, may biglang tumulong mga luha naman sa mata ko.
Ang ate ko, na alaala ko na siya ang lahat ng mga ginagawa naming masasayang bagay pati na rin ang mga bagay na kasama ko siya tuwing malungkot ako.
Ang ate ko, ang ate ko. Napahagulgol na lang ako ng iyak, ang sama ko ang sama sama ko. Pano ko nakalimutan ng ganun lang ang ate ko?
Ang ate ko na laging andyan sa tabi ko, ang ate ko na nag papasaya sakin. Ang ate ko na kahit kinalimutan ko na siya ako pa rin ang iniisip.
Sorry ate, sory kung kinalimutan kita. Ate asan ka na ba ngayon? Gusto ko ng mag kasama sama na tayo ulit lalo na ngayon na kakaalala na ko.
Bigla naman nag ring ang phone ko, ano ba yan istorbo kitang nag dra-drama ako eh. Kinuha ko naman ito at binuksan.
"Lengya, sino ka? Di mo ba alam na nakaka istorbo ka ha?"
(Wow, uso yung "Hello? Sino po sila?" o kaya naman "Hello uy musta na teka sino ka nga pala?" o kaya naman "Hello, sino ka? Di mo ba alam nakaka istorbo ka?" Uso yung mga ganun Trish.)
"Dami mong alam Xiumin, teka bat ka napa tawag?"
(Nasa pinas kasi ako ngayon, ay I mean kaming lahat pala.)
"Oh? Tapos? Pake ko?"
(Wow ang bait mo talaga, sinasabi ko lang sayo kasi kaibigan kita diba?)
Natahimik naman ako nun.
(Saka gusto mo ba mag kita bukas?)
"Sige ba, anong oras saka saan?"
(Sa may park malapit sainyo, yung private park ng pamilya niyo mga 1:00 ng hapon siguro.)
"Sige ba, ge matutulog na ko bye bye taba."
(Maka taba ka parang ang payat mo ah ge bye bye stick.)
Toot~toot~toot
~~
"Asan na ba ang walang hiyang yun? 1:00? Eh 2:00 na kaya? Ano may korea time din sila tulad ng filipino time? Lengya naman ako."
Naiinis na reklamo ko sa sarili ko habang nag hihintay sa isa sa mga bench dito sa park namin, nakakabanas talaga oh.
"Wag ka nga salita ng salita nag mumukha kang baliw."
Napatingin naman ako sa nag salita at tinignan ito ng masama.
"Sasapakin kita eh."
Inis na sabi ko kay Xiumin inakbayan naman niya ako bigla.
"Wag ka ng mag reklamo libre na lang kita ng ice cream."
Nag ning ning naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Aba sige ba minsan ka lang manlibre eh."
Pagkatapos nun ay nag lakad kami sa isang stall ng ice cream at habang nag lalakad ay nag kwe-kwentuhan kami.
Pagdating namin sa ice cream store may na sabi samin ang nag titinda na lubhang kina-awkwardan ng sitwasyon namin ngayon.
"Bagay kayo ineng."
Pag ka alis namin ang tahimik lang namin at umupo kami sa isa sa mga bench.
"Nga pala may sasabihin ako sayo."
Pang babasag ko ng katahimikan.
"Ano naman yun?"
Pag tatanong naman niya sakin.
"Na aalala ko na ang ate ko si Yra, bakit hindi mo manlang sinabi sakin?"
Ngumiti siya at nag buntong hininga.
"Dahil gusto kong ikaw mismong makaalala nun, saka baka sapakin ako ni Yra pag nalaman niya na sinabi ko sayo."
Bigla naman ako nag bakasakali.
"Nag kikita pa ba kayo ni ate?"
Tinignan niya ako at saka nginitian.
"Oo, nung nasa korea ka araw araw kaming nag kikita."
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Simula ng dumating ka sa korea binabantayan ka na niya, gusto nga daw niya sunugin ang buong grupo namin dahil sa ginawa namin niya sayo."
Natawa naman ako si ate nga yun.
"Pero sinabi niya na lumaki ka daw bilang isang maganda at mabait na babae, kaya proud na proud daw siya at hindi ka natulad sa kanyang tomboyin."
Natawa naman ako dun ulit, parang naiimagine ko na sinasabi yun ni ate.
"Pero ang sabi niya wala daw siyang balak na umuwi."
Nanlaki naman bigla ang mga mata ko, bakit?
"Kung nakakaalala ka na, naaalala mo na ba yung sinabi mo sakin?"
Napakunut nuo naman ako.
"Ano yun?"
Nginitian naman niya ako na may halong lungkot.
"4 years ago nag tapat ako sayo at sabi mo after 4 years sasabihin mo sakin ang sagot mo."
Bigla naman ito nag flashback sakin.
"Trish gusto kita, at hihintayin kita kahit anong mangyari."
To be continued....