Maj's POV
"Maj, no will never be an acceptable answer for me. I hope you get it." pagpupumilit niya sa akin.
"Pero Ma'am, pasensya na po talaga kayo, pero katulad ng nasabi ko na, hindi na po ako nagsusulat matagal ng panahon. Hindi na po ako nakakaisip ng mga magagandang lathalain katulad noon. Ma'am, marami na po'ng nagbago mula noon. Mula noong araw na huli tayong nagkita, 'yong araw na hindi ako nakapasa sa scholarship dahil na rin sa kapabayaan ko. Pasensya po talaga, pero sana maintindihan at galangin niyo rin po ang desisyon ko." matigas kong paninindigan sa nauna ko ng desisyon kanina pa.
"Maj, don't talk to me as if you have a choice to disregard my offer. Say what you want to say about me, but for the sake of the company, I am very much willing to do whatever it takes to help in becoming number one again. I understand your sentiments, but it is time for you to be practical. Triple higher salary than your usual. I don't think that's a bad idea, especially para sa kapatid mo. Tama ba?, C'mon, how do you want to put it? Do you have conditions? rules? Go, say it, let's talk about it and close our deal. Ano? If you're not ready then, I will wait until next week, maybe? Tell me, how do you wanna out it?" mapilit niyang sagot sa akin.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lahat na ng pakiusap ginawa ko para tantanan niya ko pero walang epekto. Matigas din ang ulo niya lalo at may gusto talaga siyang makuha. Pero paano naman ako? Ayoko nang magsulat. Hindi na ko para sa pagsusulat, wala na akong imahinasyong sing likot ng utak ko noon. Hindi na gumagana yung mga salita kong akala mo eh may experience sa lahat ng bagay. Tapos na ako sa pagiging writer. Wala na ang mga salitang kayang bumuo sa wasak na damdamin ng babasa nito, wala na ang mga katagang dudurog sa puso mo o bubuhay muli sa natutulog mong damdamin. Wala na ang Maj noon. Wala na, at dapat niyang maintindihan iyon.
"Ma'am, I'm sorry but I really can't accept the offer." matahimik kong sagot sa kanya.
"You leave me no choice. I would appreciate if you'll tell your best friend that this is her last day. Please don't think this decision is about you not accepting the offer. It's about her poor performance. Have a nice day Maj."
"Teka po?! Ma'am, bakit po may ganoon? Ano pong ibig sabihin nito Ma'am? Bakit po nadamay si Wela dito?"
" Say yes and nobody gets involved."
Teka? So eto yung catch dito? Mandadamay ng ibang tao para lang makuha niya ang gusto niya? Is this how she plays her game? Such a dirty way! Ayoko, hindi ako papayag. Pero paano si Wela? Hindi noon kayang mag-isa at wala ako. Wala naman akong magagawa para mapigilan ang desisyon netong babaita na 'to. Teka, wala nga ba?
"Kapag ba pumayag ako, matatapos tayo dito ng mapayapa?" tanong ko sa kanya.
"You have my words, Maj. Just say the magic word." ngiti niya sa akin na parang nang-aasar talaga.
Maj, wala ng bawian to kapag nagyes ka na. Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Maj?
"Yes. I accept the offer. Just let everybody away from this issue, please."
"Then good, we're good Maj." assurance niya sa akin. "Wala ka bang conditions? I'm open for that to be discussed here, para malinaw ang offer. Any?"
"Wala po. Basta, this is just about me. Labas ang pamilya ko, ang kaibigan, ang kahit sino. Ako lang."
"That's clear. So deal. You made a right choice Maj."
Right choice? I don't think so. Umpisa pa lang alam kong mali na 'to tapos right choice ka pa diyan? Huwag mo kong patawanin. Tignan lang natin, maiinip ka din kakaantay sa kwento na inaasahan mo, kasi walang lalabas sa utak ko. Ikaw din ang susuko sa akin, tandaan mo yan.
"But before anything else, you will start next week for your new job. I will let your department be informed about this career move so you better get ready. Pero, bago ka magstart bilang writer. I prepared a vacation/seminar trip to you. Conference yon for writers, producers, directors and actors around the country. You'll be out for 5 days, pero 3 day seminar workshop lang yon, yung 2 days excess, use it to produce for a good outcome. Then pagbalik mo with your story, we'll present that sa board for their approval then dirediretso na. Understood?" sambit niya habang inaayos niya ang kanyang gamit.
"Sure."
"Nothing concerns you? Just sure?" tanong niya.
"This conversation is a one side story, I don't think my points matter. Ma'am."
"Hahahahahahaha, that's a good view actually. You're learning Maj. Very fast... Anyway, if you don't have any concerns, let me have mine. Just one condition for this deal Maj. DON'T FALL IN LOVE WITH THE CEO." sambit niya habang seryoso ang mukha na parang sobrang laking kasalanan ang magkagusto sa CEO ng company na 'to.
"I get it." deretso kong sagot sa kanya.
Umalis siya ng department ng hindi nagpapaalam sa head o section head namin. Agad naman akong dumerecho sa computer ko, at hindi namalayang gabi na pala. Inabot ng halos limang oras yung pag-uusap namin. Limang oras, na kung sana hindi siya dumating marami na sana akong naumpisahan at natapos na mga back log ko sa trabaho. Buti at wala si Wela sa area niya, nagmeryenda marahil. Hindi pa ako handang magkwento kasi kung sakaling mangungulit siya at mangagamusta. DON'T FALL IN LOVE WITH THE CEO, huh, as if mangyayare. Bakit kaya? sa dinamirami ng condition na pwedeng maisip iyon pa? Hindi naman niya pinahalatang may gusto siya sa CEO, sa pahayag niyang yon.
Maj, seryoso na ba 'tong nangyayare? Babalik na ko ulit kay ballpen at papel? Magsusulat na ko ulit?