" Bwiset! Ang kapal kapal kapal niya talaga! Ang kumag na yun hindi nahiya na nahuli ko siya tino-two time ako! " sigaw ko.
" Hoy Rain, pinagtitinginan na tayo oh, maghunus dili ka babae. " sabi ni Lorelie habang pinapakalma niya ako
" Tsaka maawa ka naman sa lamesa oh! Walang kasalanan pero binubugbog mo " dagdag ni Lorlene.
Sina Lorelie and Lorlene ang kambal kong mga BFF's
" Sorry lamesa, naiimagine ko kasi pagmumukha ng walang hiya kong EX "
Nang nakita ko ang mukhang unggoy kong EX na may kahalikang ibang babae, sinipa ko ang kanyang my precious (yung sa gitna ng kanilang paa? Alam niyo na yun) He called me names but the fuck I care. At ang gago, ako na nga ang niloko, siya pa ang galit. Sarap sipain ulit.
" Oh ayan, nasisiraan na ng bait " sabi ni Lorlene
" Kainis! Totoo pala talaga ang sinasabi nila na isa siyang manloloko, feeling gwapo, two-timer! Yung mukhang pwet na yun! "
" Kung nakakalimutan mo, nainlove ka sa tinatawag mong mukhang pwet "
Sila nga talaga ang aking BFFs as in BWISET FRIENDS FOREVER.
" Alam niyo hindi kayo nakakatulong eh. Mas nabwibwiset ako pag kinakausap ko kayo "
Nag-appear ang dalawa. Kambal tuko talaga.
" Tara na nga baka pababayarin sa akin tong lamesa " sabi ko.
Tumayo na kami. Lumabas na kami sa cafe and preparing ourselves to go separate ways.
" Bye Bitterella. See you at school bukas. LOVE YOU " nagflying kiss si Lorlene
" Hindi kaya ako bitter. Sadyang walang kwenta ang lalakeng yun. "
" That's what bitter people say " sabi ni Lorelie
Nagtakbuhan na ang magkambal bago ko sila matamaan ng aking high heels. Nakadrugs ba ako nung nakipagkaibigan ako sa kanila? Nah. Kidding. Whatever happens kahit gumunaw man ang mundo I wouldn't trade them for anything else. Naks kumukorni na ako.
While I was walking, suddenly umulan.
" FUCK! " I shouted out of frustration. Wala pa akong dalang payong. I didn't make an effort to protect myself from the rain. Hindi ako sumilong. I just kept walking. Tutal, what for? Basa naman ako.
HETO AKOOO~ BASANG BASA SA ULAAAAAN~
Sarap tuloy gumawa ng music video.
Bukod sa mukhang pwet kong EX, pinakaayaw ko ang ULAN. Why? Kasi naalala ko ang pag-iwan sa akin ng tunay kong nanay. Sabi ni Mudrakels, nakita niya ako sa harap ng kanyang beauty parlor habang umuulan. Kaya pinangalanan niya akong " Rain ". Hay naku, idagdag niyo pa na umuulan nung nahuli kong lumalandi EX ko.
PURO LANG BA KAMALASAN NANGYAYARI SA AKIN PAG UMUULAN?!
May sabi sabi na nagrerejoice ang heaven pag umuulan. So, sinasabi niyo bang nagrerejoice ang heaven sa kamalasan nangyayari sa akin pag umuulan? Ganern?
Nakarating na ako sa bahay at nakita ako ni Mudrakels.
" Bebelu, ano ginagawa mo dyan? Umuulan ng bongga. Pasok ka ditenes! Imbyerna kang bata " Pumasok na ako " Hintay lang iha, gucci ako ng towel "
Have I told you that my Mudrakels is gay? Siya ay si Ariel sa umaga at...Ariana sa gabi.
Bumalik siya na may dalang towel at pinunasan ang aking buhok.
" Saan ba yung boylet jowabels mong fafa? "
Ayan na naman. Ang lechugas na mukhang pwet.
" Wala na kami. " walang emotion kong sabi.
Hindi na siya nagtanong pa. Alam niya na I don't want to talk about it. Hindi man kami magkadugo ni Mudrakels, but he...or she knows me best like a real mother.
" Buti naman. Hindi ko masikmura ang fez niyang dinaanan ng wrecking ball pakalat ditech. " sabi ni Mudrakels.
Tumawa ako. Like mother like daughter talaga.
Naligo na ako at nagbihis. I lie on my bed, took my phone out. Dinelete ko lahat ng bagay na related sa bwiset kong EX.
Tomorrow will be my first day as a second year student in college. New school year. New life.
-----
Naririnig ko ang tunog ng gunting.
*Snip snip snip*
Then, it stopped. Inayos ni Mama aking buhok.
" Ayan. Ganda mo bebelu. Di ko keri! " sabi ni Mudrakels.
Dahil ngayon ay first day, napag-isipan kong ichange ang style ng aking buhok.
Sinuklay ni Mama ang aking buhok.
" Wow Muds! Ang ganda! What do you expect from the best beautician in town " sabi ko at niyakap si Mama
Napakaganda ng pagkacut sa aking buhok ni Mama. Layered but not too long or short.
" Kahit anong pagpupuring gawin mo sa akin, hindi ko dadagdagan baon mo Bebelu. Hala humayo ka na! At jusme, wag kang magparami utang na loob "
" MA! "
Tumawa lang siya.
Lumabas na ako sa bahay at Papunta na sa eskwelahan where I am currently studying Mass Communication.
Pagpasok ko sa eskwelahan nakita ako ng magkambal.
" RAAAAAIN! " tawag sa akin ng kambal.
Wag kang lilingon Rain! SA NGALAN NG IYONG DIGNIDAD. Hindi mo sila kilala.
" HOY RAIN! YUNG BABAENG TINO-TIME NG-- " sabi ni Lorelie
Lumingon na ako.
" Lilingon naman pala eh " sabi ni Lorlene
Ipagsigawan bang tino-time ako? Oh eto mic, tulungan pa nga kita dyan.
" Sarap niyong sabunutan as in. Ano first class niyo? " tanong ko
Nilabas namin ang aming schedule form.
Kinompare ko ang mga schedule namin. Lahat ng aming klase ay pang-umaga. Ang daya! Halos magkaklase ang magkambal nato sa lahat ng subject?! Ang masaklap pa ni isang subject hindi kami magkaklase?!
" Teka, ang daya! Bakit same kayo ng schedule! Umamin kayo! Anong paglalandi ginamit niyo sa operator! "
" Hello, kahit nilandi namin ang operator, advantage na namin yun no! Sayang ang binigay na grasya ni bro. Tsaka sino ba naman yung ayaw sumabay magenroll dahil umuulan? Sino nga yun Rain? " sabi ni Lorelie.
Pinagdiinan pa talaga niya pangalan ko.
" Che! " sabi ko
" Don't worry same naman tayo ng lunch time so magkikita pa rin tayo. Eww " sabi ni Lorlene with a matching sound of disgust
I laughed. " Okay fine "
" So see you Rain! Don't miss us too much. Baka bigla ka nalang magsit in sa aming klase " dagdag ni Lorlene
" Ewan ko sa inyo " sagot ko and I waved at them.
My first class went on smoothly. Pagkatapos ng aking first class ay vacant ko kaya sa Foodcourt ako nagtambay.
Sa kalaki-laki at kalawak-lawak ng Foodcourt, nakita ko ang EX ko at yung babaeng mukhang paa.
In fairness bagay ah. Mukhang pwet + mukhang paa = True love. Nice!
Umalis ako sa Foodcourt. Kahit ano pa ang tinatawag ko sa kanya, it does not change the fact that I loved him. LOVED. Aside sa masakit sa mata siyang tingnan, masakit din tanggapin na wala na kayo at may pumalit sa iyo.
Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa gayuma. Pero nang narealize ko kung anong klaseng lalake ang ikinahulugan ko parang unti-unti akong naniniwala.
Umakyat ako sa rooftop.
Hay tanga tanga! Kahit gaano ka katalino sa akademiks talagang napapabobo ka sa pag-ibig.
Pagdating ko sa rooftop, sinigaw ko lahat ng kabwisitan sa buong katawan at buhay ko.
After kong magwala, naubusan ako ng energy at napaupo sa sahig.
I suddenly the strumming of a guitar then someone is...singing? May tao pala bukod sa akin sa rooftop?
(W/S: Play the video. Kunwari ganyan Hahahahaha. Kung walang net, ang title ng song is Heart Like Yours by Willamette Stone)
Sinundan ko kung saan nanggaling ang napakagandang boses. Isang lalake na nakatingin sa clouds ang nakita ko. Nagtago ako as much as possible para hindi ko siya maistorbo. Napapikit ako trying to feel his beautiful voice.
The song ended. Nang aalis na ako, may naapakan akong softdrink can. Shit!
PAHAMAK NA SOFTDRINK CAN. SARAP MONG SABUNUTAN.
" Sino nandyan? " sabi ng lalake in a cold voice.
Nasabi ko na lahat ng posibleng cuss words sa utak ko.
Should I show myself or parang aso lang? Play dead?