Hi! Ako si Pabebe girl! No! ako si Hugot lord. Yan lagi ang tawag nila sakin ewan ko ba sakanila dyusko.
Masyado silang JOHN MICHEAL! NanJOHN lang pag MICHEALangan.
Taga Advise! Pati problema nila prinoproblema ko na din. Pero paano naman ang problema ko sa Love!? Sino namang kayang makapag Advise sakin?
By the way. Ako Alexandra Jimenez, But you can call me Alex, Pwede din namang ganda ang tawag nyo sakin. Maliit na bagay lang naman yun. Mas kilala ako sa pangalang Hugot lord, Diko nga alam kung bakit? Bakit nga ba? Tanong ko sa sarili ko.
"Alex!? Alexandra?" Sigaw sakin ng babaeng nasa harapan ko.
"Ano ba yun!? Sigaw ko din, nakakabadtrip e, dami ko pang tanong sa sarili ko.
"Eto na nga, kasi diba, yung ex ko may girlfriend na. Tapos parati parin syang lumalapit sakin, para bang nanglalandi, yung ganon?" Sabi nya sakin. (Yung kwento nya with actions pa.)
"Una sa lahat teh, wag kang assuming? Malay mo nakikipagkaibigan lang pala sayo? Masyado ka lang, atsaka pano mo naman nasabing nilalandi ka?" Tanong ko sakanya.
"Kasi ano.... Alam mo yun? Kasi nung kami pa, lagi nya akong binibigyan ng chocolates, tapos ngayon din bigay padin sya ng bigay." Sabi nya with actions nanaman si ate.
"Alam mo teh, pwede kang sumunod sa yapak ni FPJ, pero alam mo may point ka, nakakabwisit talaga yang mga taong may iba na tapos lumalandi pa sa iba, mga hindi matutong makuntento, mga kawalangyahan ng mga malalanding yan e, pag nakita ko sa recto yan ipapa kidnap ko yang mga bwisit na yan e. Yan ang dahilan ng mga break ngayon, actually kahit dati. Ang daming taong makakati!" Yung kwento ko with actions na din. Nakakahawa tong babaeng to.
"Hahaha. Parang naranasan nyo na ah?" Sabi nya.
"Ha? Excuse me? Halos 17 years na akong single, at hindi ako handa sa landian na yan, ok na ako sa kaibigan. kasi pag kaibigan enjoy lang. pero pag may jowa ka. malaki ang posibilidad na masasaktan ka nyan!" sabi ko.
"Tama tama. So ano pong advice nyo sakin?" Tanong nya.
"Ang advice ko lang sayo iha, sabihin mo sakanya ng maayos na ayaw mo na, sawa ka na. Sawa ka ng masaktan ulit. itigil nyo na hangga't maaga pa, kasi lalong tumatagal lalong lumalala yan. kaya hangga't may araw pa sabihin mo na. pwede din namang gabi te ah? baka sa umaga mo lang sya kausapin e." sabi ko sakanya.
"Hahaha. Syempre naman diba, Thanks a lot. Sa advise sa lahat lahat, lalo na sa hugot." Sabi nya sabay alis.
Bigla ko ulit naisipi yung problema ni ate.
Dyusko kung ako yun ang sasabihin ko sa lalaking yun.
"Alam mo para kang HIGAD! Ang kapit mo na ang KATI KATI mo pa!" Hayaan ko nalang yung words na sumampal sa napaka kapal na muka nya.
Sobrang daming ganyan, yung feeling nila porket madaming nagkakagusto sakanila pogi na tingin nila sa sarili nila? Edi wow. Kaya kahit sinong babae kaya nilang landiin! For your information! Hindi lahat! Yung iba din kasi higad din pala! Nakikapit na nakikati pa! Yan tuloy bibilog ang tyan mo ng maaga.
Habang iniisip ko yun, nakaramdam ako ng gutom, akala nyo manhid ako noh?
Pagkatingin ko sa tabi ko. Ang haba na ng pila na magpapa advice. At nangunguna na ang bestfriend kong walang humpay na ligaya!
"Oy! Gaga ka! Kain na tayo kanina pa ako nagugutom noh? Iwanan mo na yang mga yan!" Sabi nya.
"Toh naman! Iniwan na nga ng jowa iiwan ko din ba sila?" Sabi ko.
"So ano? Hindi ka kakain? Sige bahala ka dyan! Kakain ako ng ULTIMATE BURGER STEAK! With PEACH MANGO PIE!" Sabi nya.
Bigla akong nabingi sa sinabi nya.
"Hanu daw!?" Sabi ko sa isip ko.
"Alam mo sabagay may point ka tara kain na tayo! Yaan mo na sila, mamaya na. Kailangan ko ding kumain para madami akong ma advise." Sabi ko.
"Dami pang Dada! Kakain nalang yan teh!?" Biro nya.
"Oo na! LATER NALANG GUYS!!" Sigaw ko.
Uhhhhhh. Yun nalang narinig ko sakanila.
A/N: Guys! Ako nga pala yung nagsulat or nag write ng story na Ang Crush kong pangit. Sorry guys :( nakalimutan ko na kasi yung story eto nalang abangan nyo :) Enjoy lang sa lahat! Humalakhak lang!