JASON LEE IS BACK.
JASON LEE IS NOT DEAD! HE'S BACK A HERO.
RUSSIAN GOVERNMENT CONDONES JASON LEE.
GOVERNMENT OF RUSSIA, THROUGH ITS PRESIDENT, REWARDS JASON LEE WITH HIGHEST MILITARY HONOR.
At marami pang naglabasang headlines sa iba't ibang pahayagan at sa media na pumupuri sa kagitingang ipinamalas ni Jason at ng mga kasamahan nya. Maraming pasaherong nakaligtas din ang nagpa interview para patunayan ang kabayanihang ginawa ng CIA operatives. Hindi na sila nakaiwas dahil sa eroplano mismo ay may mga pasaherong myembro ng media na syang unang nagpakalat ng balita.
Personal na kinausap din si Jason ng Russian President para magpasalamat at personal ding humingi ng sorry si Jason sa ginawa nya ilang taon na ang nakararaan.
Pati ang iba't ibang state heads ay nagpahayag ng pag hanga sa ginawa ni Jason at ng buong grupo.
As usual, parehong nagki claim na naman ang China at Pilipinas kay Jason [lol].
Bumalik na agad si Jason sa China. Iniwasan nya ang sobrang daming media men na gustong makapanayam sya. Hindi sya sanay at lalong hindi sya handa sa nakakalulang kasikatan na ito.
Definitely, hindi na sya pwedeng bumalik sa pagiging CIA agent. Bistado na sya. Alam na ng lahat na buhay sya.
Napatunayan nya yun dahil pagbati lang ang ipinaabot ng CIA sa kanya sa pamamagitan ni Capt. Ford. Wala itong nabanggit na babalik pa sya sa ahensya. Surely, mamimiss nya ang matinding action sa mga missions.
Pagbalik nya sa China ay nagulat na naman sya dahil sa sobrang daming sumalubong sa kanya. May mga high ranking officials din. Kompleto pa sa tarps na lahat naglalaman ng pagbati at pasasalamat sa kanya.
Nandodoon ang mga magulang nya na kitang kita ang pagiging proud sa kanya. Ang syang niyakap ng mga magulang. As usual, kun todo iyak na naman ang Mama nya.
May mga media na naman. Kahit saan yata sya pumunta ay hindi sya tatantanan ng mga ito.
Nagulat na lang si Jason ng biglang may sumugod sa kanya at agad syang binigyan ng maalab na mga halik sa labi. Si Mei iyon. Kabikabilaan ang flash ng camera sa mga kaganapan at marami ang napapahiyaw lalo na sa naganap na halikan.
Nagpaunlak sya ng maikling panayam at mukhang satisfied na satisfied naman ang mediamen sa mga sagot nya.
Sa wakas ay nakalusot din sya sa mga tao. Agad syang sumakay sa sports car na naghihintay sa kanya at dumeritso na ng bahay. Ang Dad nya na proud na proud ay nagpaiwan at game na game na sumagot sa media.
Si Mei ay ihinatid na muna nya sa bahay nito. Tumatanggi pa nga ito pero ang sabi nya ay magpapahinga muna sya.
Haaaay..what a long day...no..what a long years!
Agad na tumuloy si Jason sa kwarto at nagpahinga. Ngayon nya lang yata naramdaman ang sobrang tinding pagod.
Lumipas nga ang mga araw na hindi pa rin mawala wala ang hype sa kasikatan ni Jason.
In fact, sumagad na yata ang followers nito sa social media. Laging trending pa rin ang #AlDub..este..#JasonisBack.
Hindi tumitigil ang media sa pagpipilit na muli syang makapanayam. Ang iba ay iniiwasan nya, ang iba naman ay sadyang gumagawa talaga ng paraan.
Samantala, sa Pilipinas walang pagkakaiba. Lalong lumaki ang grupo ng sumusuporta kay Jason.
Patatalo ba naman ang mga kaibigan nya. Pagkakataon na nilang matanggap ang sports car na ipinangako ni Rock. Na postponed lang yun dahil nga baka pagdudahan sila kung makakatanggap sila ng sasakyan ng sabay sabay mula sa kompanya ng sasakyan ng mga Lee. Pero ngayong ok na ang laha ay baka pwede na. Pero may pag aalangan pa rin sila. Hindi nga pala naging maayos ang pagsasama ni Paulene at ni Rock. Ipinangako lang naman ni Rock ang sasakyan na yun para tulungan nila itong suyuin si Paulene pero ngayong hindi nauwi sa maganda ang naging relasyon ng dalawa....tsk tsk.
As usual, nakatutok na naman sa telebisyon ang mag anak na Pedotche. Si Paulene lang ang wala na sadyang umiiwas sa mga balita. Ang huling nasaksihan nya ay ang pakikipaghalikan ni Rock sa airport ng China. Galit ba sya? Parang hindi. Lungkot...actually matinding lungkot lang ang nararamdaman nya. Maliwanag na kase sa kanya ang lahat. Wala ng Jason na babalik. Kung noon posible, ngayon sobrang imposible na.
"Astig talaga ng Jason na yan ano tito? Magka apelyido pa kami. Sana nga kamag anak na lang yan ng tatay ko. O sana sya na lang ang tatay ko. Paglaki ko.." naputol ang sinasabi ni Glec dahil sa tawag ng ina na kalalabas lang mula sa kwarto. Nagulat pa ang parang matandang magsalita na si Glec. Palibhasa ang mga kasa kasama at nakakausap nito ay mga matured na kaya ganun.
"Glec nasa TV ka na naman! Anong sinabi ko sayo?! Diba pinagbawalan na kitang manood ng TV dahil baka lumabo na yang mga mata mo! Pag walang pasok kung hindi TV ay ipad ang hawak mo! Punong puno na ng radiation yang mata mo!" galit ang boses ni Paulene.
Agad namag napatayo ang bata at pumasok sa kwarto.
"Ate mali naman yang ginagawa mo eh! Kung bitter ka ay huwag mong idamay yung bata. Karapatan nyang makilala ang tatay nya!" marahang angil ni Art.
"Alam mo ba ang sinasabi mo Art? Hindi ako bitter! Pinoprotektahan ko lang ang karapatan ko sa bata. Alam mong anytime ay pwedeng makuha saakin ni Rock ang anak ko at hindi ko pagdududahan yan sa impluwensya na meron ang mga Lee! Ikamamatay ko pag nangyari yun Art! Ikamamatay ko! Alam mo...kung meron man akong pinagsisisihan, yun ay ang pag gamit ng apelyido ni Rock para sa anak ko. Binigyan ko lang sya ng mas mabigat na karapatan kay Glec. Kahit kelan ang tanga tanga ko talaga! Ang tanga tanga ko!" napaluha na si Paulene pero sineguro pa rin nya na hindi sya maririnig ni Glec na nasa kwarto na.
"Mas magiging tanga ka ate kung ipagkakait mo ang karapatan ni Glec na makilala ang tatay nya at makilala sya ng tatay nya! Ipagkakait mo ang magandang kinabukasan ng bata! Baka naman pwedeng this time huwag munang sarili mo lang ang isipin mo!" sagot ni Art.
Lumagapak ang pisngi nito sa matinding sampal ni Paulene na kita ang poot sa mga mata.
"Art hindi mo naiintindihan ang damdamin ko dahil wala ka pang anak! Kahit ang mga Lee pa ang pinaka mayaman sa mundo hinding hindi ko ibibigay ang anak ko kay Jason dahil si Glec lang ang meron ako! Kesehoda pang magpakamatay ako sa pagta trabaho para sa anak ko basta ang gusto ko nasa akin lang sya! Selfish na ako kung selfish pero walang nanay ang namimigay ng anak! Tandaan mo yan!" at agad na pumasok ng kwarto si Paulene.
Mahigpit nyang niyakap si Glec at nag sorry sya dito dahil napagtaasan nya ito ng boses.
Yumakap naman ito sa kanya at parang langit iyon sa pakiramdam nya. Napapikit pa nga sya.
Lunes, pagkahatid nya kay Glec sa school ay dumaan sya sa puntod ng panganay nya. Nakaramdam sya ng matinding lungkot. Nangangamba syang baka matigil na ang pagdalaw dalaw nya dito. Baka ipagbawal na ni Rock. Ilang sandaling nagtagal sya doon.
Magtatanggali nang makarating sya ng canteen. Mabuti na lang at nakaluto na ng ilang putahe ang katulong nya sa kusina.
Ilang sandali pa ay nagsidatingan na ang mga parokyano nilang construction workers.
Nakatutok na naman ang mga ito sa TV. Nag aabang ng Newsflash. Lagi na lang Jason Lee ang bukambibig ng mga ito kaya pag nandidito si Paulene sa canteen ay hindi sya makaiwas. Kahit saang sulok naman kase ng canteen ay dinig ang sound ng TV. Hindi na rin nya dinadala madalas si Glec sa canteen dahil baka magduda ang mga kumakain. Baka mahalata ang similarities ng mag ama. Alam pa naman ng mga ito na Lee din ang apelyido nila. Binibiro pa nga sya nung isang linggo ng isang kustomer na kamag anak daw nila si Jason Lee.
"Ayan na! Na korner na naman yata ng media si Jason. May interview na naman! Tragis nababakla na yata ako sa lalaking yan eh!"
Tawanan ang mga kumakain.
Hindi namalayan ni Paulene na napapatutok na rin pala sya sa TV.
"So Jason, are you really done working for the CIA?" anang nag iinterview na babaeng reporter. Taga BBC news ito. Ang tamis pa ng pagkakangiti nito kay Jason. Live ang kuha sa bahay ng mga Lee sa China at tandang tanda ni Paulene ang parteng iyon ng living room ng mga Lee. Nakikita pa nga sa background yung salamin na pinagsalaminan nya dati kasama si Kuya Rudy.
"Ang gwapo talaga ng lokong to oh! Ang astig pa! Pag lalaki ang anak ni Misis, Jason ang ipapangalan ko pare." anang isang kustomer na construction worker. Sinaway naman ito ng katabi dahil maingay daw.
"Yeah, I think so..I mean, my service has officially been terminated by the agency...so I think I'm done working for them." ani Jason na ngumiti pa kaya lumabas na naman ang mga dimples nito. Napayuko na lang si Paulene.
"So what's next to you..I mean you know, your million fans all over the world would like to know if they'll be seeing more from you."
Natawa si Jason na naka de kwatro pa sa pag kakaupo sa napakagarang sofa. Very authoratative na ang dating nito. Naka Amerikana pa. Mouth watering.
"Well, I might consider joining the cast of the Avengers in the next installment of the movie if that's what my fans as you call it, wanted me to do so they can see more of me." natatawa pang sagot ni Jason.
"Surely, Marvels would welcome you with open arms." patol ng reporter.
"Ha ha! I'm not a good actor, you know..and I dont wanna be blamed if the next installment wouldnt earn a dime because of my poor acting skills. Anyway, to answer your question, I want to focus next to our business. You see, my father is not getting any younger and he really wanted me to take over, so, being a not so obedient son..I'll be assuming his post as the CEO of the Lee Group of Companies in the next few months." confident na sagot ni Rock. Kababakasan na ito ng pagiging CEO. Super young and super yummy na CEO ng multi-billion group of companies.
Nakapako na naman ang mga mata ni Paulene sa TV. Hindi nya resist.
"You're not getting any younger either. Do you have any plan of settling down and have your own family?" tanong ng reporter.
Namutla si Paulene. Kung maaari ay ayaw nyang marinig ang sagot ni Jason pero alangan namang patayin nya ang TV. Baka magsialisan lang ang mga kustomer nila.
Kitang kita ni Paulene na natigilan si Rock. Sumeryoso ang mukha nito.
Maya maya ay sumagot ito na hindi mo mababasa ang tunay na saloobin.
"We will come to that..I mean you know, every man has this dream of settling down and have his own family and I'm no different but I think this is not the proper timing yet. I still have some impediments from previous relationship and I think I need to settle it first." parang wala sa loob na sagot ni Jason.
"What do you mean by impediments from previous relationship? Have you been married with someone before?"
"I'd like to believe...yeah. And please I dont wanna talk about my previous relationship with her. It has been long over."
"I'll respect your decision Mr. Lee but there are rumors that you and Ms. Jennifer Grand or Mei are now officially together. What is the truth behind this clamour?"
"I wouldnt confirm nor deny it. Lets just see what's in store for the two of us."
"But do you see her as your next Mrs. Jason Lee?"
"It would be an honor for me..I mean Mei is such a fine lady, you know?.." at nag paalam na si Jason. Hindi na sya komportable sa usapan.
Samantala, bumagsak ang hawak na mangkok ni Paulene dahil sa mga narinig. Hindi na nya napigilan ang sarili napaluha na sya. Namamadali syang pumasok ng kusina at doon ibinuhos ang sama ng loob. Hindi man nya maamin sa sarili ay umaasa pa pala sya na babalikan sya ni Jason. Sila ng anak nila.
Tumunog ang cellphone na nasa bulsa nya. Si Sandy iyon pero hindi nya sinagot ang tawag. Hinayaan nya lang na nagri ring iyon. Hindi nya kayang makipag usap kahit na kanino at this state of her mind...and heart. Basag sya all over.
Ilang araw na parang laging wala sa sarili si Paulene.
Nakabuo sya ng desisyon matapos ang mahaba habang pag iisip. Ibibigay nya ang kalayaan ni Rock. That's the least that she could do and she owes it to him.
Tulog na ang lahat sa bahay ng buksan nya ang laptop. Nagdadalawang isip pa sya pero kailangan nyang gawin ito para kay Rock. Hindi naman sya ganun ka selfish.
Hindi nya alam kung binubuksan pa ni Rock ang fanpage nya o na recover na ito ni Kevin but she has to try this.
Binuksan nya ang chatbox para mag send ng message kay Rock.
Ilang sandaling nakatingin lang sya sa monitor pero hindi nya alam kung ano ang ita type. Finally nag type na sya. Grabe ang kaba ng dibdib nya.
Paulene: Rock...
Ilang minuto na ang lumilipas ay walang sagot. Ni walang indication na nakita nito ang message nya. Sabagay naka offline nga pala ito. Ang tanga lang. Sabagay, kelan ba sya hindi naging tanga?
May lungkot sa mata na tinitigan nya lang ang profile picture. Matagal ng picture ito. Poging pogi na ito noon pero mas pomogi ito ngayon. Mukhang hiyang sa bagong girlfriend. Hanggang ganito na lang yata ang magagawa nya. Tumingin sa nakaraan ni Jason dahil alam nyang hindi na magiging kanya ang kasalakuyan at hinaharap nito.
Ila log out na nya ang facebook nya ng biglang nakita nya sa chatbox ang indicator na nagta type ang kabila. Talo pa nya ang may nag uunahang kabayo sa dibdib.
Nagbilang sya ng ilang sandali. Nauwi sa pagkunot ang noo nya. Ang tagal naman kaseng mag type. Ang tagal talaga. Kinabahan na sya. Bat ang tagal? Puro sumbat na ba iyon?
Jason's official fanpage: Ano
Napanganga si Paulene. Sa tagal nyang naghintay sa pagta type nito yun lang pala ang reply? Three letters na nga lang, wala pang punctuation? Pero grabe pa rin ang kaba nya. At least nag reply ito at malakas ang kutob nya na si Rock iyon dahil tagalog ang reply.
Ano ire reply nya? Wala syang maisip. Actually nakalimutan na talaga nya ang mga gusto nyang sabihin dito dahil sa kaba.
Nag type si Paulene sa chatbox.
Paulene: I love you....(binura nya din agad iyon).
Hindi na pwede yung ganun dahil alam naman nyang mapapahiya lang sya. Ito nga lang na ginagawa nya ay parang papampam na sya kay Jason.
Ano na nga ba sasabihin nya?
Jason's Official FanPage: May sasabihin ka pa? Inaantok na ko.
Nataranta na naman si Paulene.
Paulene: I'm setting you free. Let's talk about it.
Matagal bago mag reply si Rock. Nakita nyang seen na yung message nya eh. Naiiyak na si Paulene. Kung pwede lang e delete yung na sent na nyang message. Lalo kaseng bumigat ang kalooban nya.
Jason's Official FanPage: Alright..come to China and let's discuss all the details. Be ready with the papers. I'll be cooperative..that's a promise. This is a goodnight afterall. Makakatulog ako nito ng mahimbing. Goodnight.
At agad ng nawala yung green icon sa katabi ng pangalan ng page. Indikasyon na nag log out na ito.
Paimpit na napahagulgol si Paulene. Niyakap pa nya ang anak nyang tulog. Mabawasan man lang kahit na kunti ang kalungkutan na bumalot sa puso nya.
Kinabukasan ay agad na inasikaso ni Paulene ang papeles sa annulment nila ni Rock. Pati payroll card nito na hindi nya nabawasan kahit kunti ay hinanda nya. Isasauli na iyon. Kailangan ng matapos ito dahil sya lang ang mahihirapan kung patatagalin pa nya.
Pupunta sya ng China kung iyon ang paraan para maputol na ang ugnayan nya kay Rock. He deserves someone better at si Mei ang someone na iyon.
Limang araw lang ay naayos na nya ang mga kailangan.
Nagpaalam sya sa anak nya. Gusto nitonh sumama pero mariin syang tumanggi. Hinding hindi nya gagawin iyon. Ang paalam nya sa anak ay may importante lang syang aasikasuhin at bibilhan nya ito ng matagal na nitong inuungot na hard drive. Napapayag naman nya si Glec. Binilin nya ito sa yaya at sa Mama nya at mga kapatid.
Kinabukasan ay tumulak na sya papuntang China na puno na kaba at lungkot.
Mahigpit ang bilin ni Rock na dumeritso sya ng opisina nito. Susunduin daw sya ni Kuya Rudy sa airpot ng China dahil hindi nya alam kung nasaan ang main office ng Lee Group of Companies. Huwag na daw syang dadaan ng mansion.
Pagdating nya sa China ay agad naman nyang nakita si Kuya Rudy. Hindi nya napigilang maiyak. Bakit ba napaka emosyonal yata nya? Ok na yung dito pa lang ay maibuhos na nya lahat ayaw nyang umiyak sa harap ni Rock. Ayaw nyang magmukhang kawawa sa harap nito.
Kita ang magkahalonh lungkot at tuwa sa mukh ni Kuya Rudy. Nagkumustahan sila pero halatang iniiwasan nitong pag usapan ang tungkol sa kanila ng boss nito.
Narating nila ang opisina. Isa sa pinakamalaking building na nakita nya sa syudad ng Beijing. State of the art ang pagkakayari. Ang walling ay lahat halos glass na tinted. Nakakalulang tingnan at ang mga empleyado sobrang nakakailang. Mga class at desente. Sa tingin pa lang parang ang tatalino.
Nailang si Paulene sa suot nya. Naka jeans at simpleng blouse lang kase sya at sneakers. Mabuti na lang at iniwan muna nya ang back pack nya sa sasakyan. Parang magbabasura lang sa building na iyon ang peg nya. Ok pa nga ang suot ni kuya Rudy dahil naka formal na kasuotan ito. Sabagay driver kase ito ng malapit ng maging CEO.
Ni hindi sila sinita ng kahit na sino pagpasok nila. May mga bumabati pa nga kay Kuya Rudy. Bigtime lang ang peg.
Lalong palakas ng palakas yata ang kaba nya.
Pagpasok nila ng elevator na parang private elevator yata dahil maliit iyon kumpara sa iba ay pinindot ni Kuya Rudy ang 76th floor. Grabe naman palang taas ng aakyatin nila. Hindi kaya makasalubong na nila si San Pedro sa floor na iyon? Inaaliw na lang ni Paulene ang sarili sa sariling joke.
Halos marinig na nya ang kaba ng dibdib. Nagugusot na pala ang folder na hawak nya kaya inayos nya iyon. Tama sya. Wala ng ibang sumakay sa elevator. Dere deretso iyon. Private elevator nga yata iyon na exclusive lang sa opisina ng CEO.
Pagbukas ng elevator.
"Sige na Pau. Iisa lang ang opisina sa floor na ito. Hindi ka mawawala. Nasa labas yung secretary ni Boss. Inaasahan na nya ang pagdating mo. Bababa na ako. Nati tense ako eh. Kailangan kong mag yosi." si Kuya Rudy.
Napatango na lang si Paulene. Hindi na yata sya makapagsalita.
Lumabas na sya ng elevator. Agad naman nyang nakita ang secretary na mukhanh busyng busy sa telepono. Bata pa ito at maganda. Ang kikinis talaga ng mga Chinese. Bakit kaya?
Napahugot muna sya ng malalim na paghinga bago lumapit sa secretary.
Agad naman nitong ibinaba ang telepono.
"Hi, how may I help you Ma'am?" anito na nakangiti pa. Maganda nga lalo na sa malapitan.
"M..Mr. Jason Lee is expecting me Ma'am." kiming sagot ni Paulene.
"May I know your name please?"
"P..Paulene...Paulene L....Pedotche.." kinakabahan talaga sya. Muntikan pa nyang masabi ang Lee. Ang kapal lang.
"What was your name again?"
"Paulene Pedotche, Miss."
"Hang on a second. Let me confirm it first with Mr. Lee. It should be Paulene Powell...or maybe I misheard it."
Hindi na nakasabat si Paulene dahil tumawag na ang secretary.
Maya maya ay.
"Sorry about that. You can come in now, Ms. Pedotche."
"Thank you Miss." nakangiti si Paulene pero halata pa rin ang kaba nya.
Huminga muna si Paulene ng sunod sunod. Pagtapat nya sa pinto ay agad na bumukas iyon. High tech! May sensor. Eh di wow.
Tumuloy na sya at pilit na itinatago ang kaba.
Ang laki naman ng opisina na to! Puro high tech ang gamit. Saan ba naroroon dito si Rock.
Naglakad pa sya at nakita ang lalaking sobrang miss na miss na nya. Nakaupo ito behind his desk na
mukhang made of glass din. Executive na executive ang arrived nito. Bagay na bagay ang suot nitong coat and tie. Napalunok pa sya dahil napaka hot ng nakikita ng mga mata nya.
Nakayuko ito sa table at pinipindot mismo ang ibabaw ng table. High tech nga. May desktop na itong apple na nasa ibabaw ng mesa, mukhang computer pa ang mismong table nito.
Kung hindi nya lalakasan ang loob ay baka na gumiwang ang paglalakad nya. Nilakasan nya ang loob nya at naglakad palapit dito.
"Rock..." tawag ni Paulene na pilit na nilalabanan ang kaba.
Umangat ito ng tingin at tiningnan sya mula ulo hanggang paa. Hindi nya mabasa ang iniisip nito. Seryoso ito at walang kangiti ngiti.
"Its Jason. Illegal name ko ang Rock at kinalimutan ko na yun...legal na ako ngayon..finally."
Hindi nakaimik si Paulene. Para syang sinaksak sa puso.
Biglang lumiwanag ang mukha ni Jason na parang simpleng kakilala lang ang nasa harap nya.
"Anyway, have a seat. Let's start so we could get this done with as quick as we can." anito na inayos pa ang pagkaka upo. Inayos din nito ang coat. Nakakatuyo lang ng lalamunan.
Walang nagawa si Paulene kundi umupo sa upuan na itinuro ni Rock.
Namamawis na yata ang kamay nya.
"Kumain ka na ba? Kumusta naman ang byahe mo?" si Jason.
"Kumain na ako sa eroplano. Ok naman ang byahe ko." tipid na sagot ni Paulene. Grabe na kase ang pagkailang nya. Hindi na nga sya makatingin ng deretso kay Rock..este kay Jason pala.
"Nahihilig ka sa mga pagkain sa eroplano ha? Sinusulit mo talaga ang bayad mo." nakangisi pang turan ni Jason.
"Oo eh. Sayang naman..hindi ko na bibilhin yun." si Paulene na hindi maka pirme ang kamay sa lap nya.
Dead air ng ilang sandali. Napatingin si Paulene sa mukha ni Jason at nahuli nya itong nakatitig sa kanya. Kumalabog na naman ang dibdib nya. May saya pa nga yatang gustong kumawala doon. Pwede pa bang mabago ang kapalaran nya?
"So...where's the documents? Hand it over so I could affix my signature right away." walang anumang turan ni Jason na kinuha ang parker pen sa pen holder.
Nanlumo si Paulene. Gusto nya punit punitin ang hawak ng folder.
"I..ito.." at inilapag na ni Paulene ang folder sa ibabaw ng desk.
Agad na kinuha iyon ni Jason at binuklat. Hindi na ito nagbasa. Hinanap na lang yata ang pipirmahan nya at pinirmahan. Gustong mapaluha ni Paulene pero pinigil nya.
Ilang sandali lang ay isinara na nito ang folder at nakangiting tumingin sa kanya. Inabot din nito sa kanya ang folder.
"There..we're both free! I think this calls for a celebration!" anito na hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti samantalang sya ay nagdurugo sa loob.
"Hi sweetie! I'm so hungry, can we have our lunch now?....Oh you have a visitor! Should I wait for another couple of minutes?" ang sexy ng boses. Kilala ni Paulene ang boses na iyon. Boses ni Mei iyon. Pinigil nyang mapayuko. Grabeng torture naman yata itong pinagdadaanan nya ngayon.
"No need babe...errr..sweetheart. Let's go..Ms. Po..Powell knows her way out, right Pau?"
Napatango na lang si Paulene.
"Ihahatid ka ni Kuya Rudy sa airport. Hindi magandang impression kay Mr. Powell kung magtatagal ka dito sa China." ani Jason na blangko na ang impression ng mukha.
Napatango na lang si Paulene. Baka hagulgol kase ang lumabas sa bibig nya pag ibinuka nya.
Kinuha nya sa wallet ang payroll card ni Jason at inilagay nya iyon sa table.
"Ano yan?" kunot noong tanong ni Jason.
"Payroll card mo. Hindi ko binawasan yan. At yung titulo nga pala ng resort, hindi ko kinuha kay Manang Lydia. Pwede mo ng isalin sa pangalan mo iyon." grabeng kontrol ang ginawa ni Paulene sa sarili.
Ilang sandaling natahimik lang si Jason na nakatingin sa card. Magsasalita sana ito subalit parang nagbago ang isip.
Finally ay nagsalita rin ito.
"Have a safe trip." anito na nakangiti pa.
"Thank you..Mr. Lee."
Agad ng tumayo si Paulene bitbit ang folder.
Pilit nyang nginitian si Mei nasa sofa. Ngumiti naman ito sa kanya. Ang ganda nito. Nagsusumigaw ang elegance and sophistication. Bagay na bagay sila ni Jason.
Hindi nya alam kung paano nya narating ang parking area. Namalayan na lang nya na pabalik na sila sa airport ni Kuya Rudy. Ang nakaka bad trip pa hindi man lang sya makaiyak dahil baka kung ano pa ang isipin ni Kuya Rudy.
So, this would be the end of everything? Ambilis! Sobrang bilis na sa sobrang bilis, nakakasira ng katinuan.
Bago sumakay ng eroplano ay hindi nya nakalimutang bilhin ni Paulene ang bilin ng anak nya. Hard disk talaga? Gaya nito yung naging subject ng mission nya dito sa China eh. Kung Maalaala Mo Kaya siguro itong drama nila, malamang ang title ay "hard disk." [Lol]