SUICIDE OUTBREAK: Round Two

By weareseriouslyinsane

15.2K 425 309

LITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Suicide Outbreak: Round Two More

SUICIDE OUTBREAK: Round Two
TEAM RIGHTEOUSNESS
Cure #1: En Gin
Cure #2: An Act of Random Kindness
Cure #3: Reset
Cure #4: Lorenzo
Cure #5: Hacienda Vizares
Cure #6: Attack On Table
Cure #7: Sa Pamamagitan Ko
TEAM FAITH
Cure #1: Reyalidad
Cure #2: Faith, War, and Sergeant Crayton Carascal
Cure #3: The Misfortune of a Culprit
Cure #4: Hustisya
Cure #5: Maiingay Na Gabi
Cure #6: Si Pastor
Cure #7:Well, It Just Happened
TEAM HOPE
Cure #2: La Reine de Coeur
Cure #4: A daughter's message
Cure #5: Super Diego
Cure #6: The Soul of Realization
Cure #7: Gitara
Cure #8: Sementadong Gubat

Cure #1: Sa Laban ng Buhay

376 14 16
By weareseriouslyinsane

Cure #1: Sa Laban ng Buhay

PINASADAHAN ko ang kabuuan ng aking repleksyon sa salamin at inayos ang gusot sa blusa nang makita kong may sumilip pang isang pasa sa braso ko. Kinagat ko na lang ang aking labi nang mapagtantong hindi ko ito matatago gamit ang uniporme kong masyado nang maliit para sa akin, kaya minabuti kong kunin ang polbo na binigay sa akin ng bakla kong pinsan at pinahiran ng kaunti ang pasa ko sa braso.

"Bakla kung gusto mo talagang ipagpatuloy iyang kagustuhan mo, gamitin mo ito. Lagyan mo ang mga pasa mo pero kaunti lang, a? Iyong tipong tutulad pa rin sa kulay ng balat mo." Iyon ang eksaktong sinabi ni Butch na hindi ko kailanman kinalimutan. Tama siya, gamit na gamit ko talaga ang bagay na ito.

Paglabas ko ng kwarto ay bumungad kaagad sa akin ang mesang walang ibang nakalatag kun'di isang maliit na pitsel. Kumakalam pa naman ang sikmura ko, mabuti na lang at wala si nanay o tatay at baka makita ko na naman ang awa at paninisi nila sa sarili nila. Marahil ay hindi na naman sila pinautang ng pang-agahan man lang namin.

Kailangan ko na naman yata ng raket.

KAHARAP ang salamin ay itinali ko nang maayos at mahigpit ang buhok ko at sandaling natigil ang mata ko sa pasa ko at napangiwi. Hindi pa nga gumagaling ito ay madadagdagan na naman ng pasa ang mukha ko. Siguro ay iiwas ko na lang ang ito hangga't maaari.

Nagsimula na akong maghubad ng uniporme at pinalibutan ang dibdib ko ng makapal na tela. Nang matapos ako sa dibdib ko ay tinulak ko ito nang madiin at dinama kung masakit ba o hindi. Nang makuntento ako ay sinuot ko ang sandong yumayakap sa balingkinitan kong katawan at ang aking kamay naman ang pinaikutan ko ng tela.

Pinasadahan ko ng huling tingin ang sarili sa salamin bago lumabas ng banyo rito sa underground kung saan may gaganaping laban - laban kung saan kasali ako.

"Madel! Our little tigress..." Nginitian ko ang sumalubong sa akin pagkalabas ko - ang nagpakilala, nagturo sa akin sa raket na 'to at naging ama-amahan ko. "Mr. Chan," pagtawag ko sa kan'ya at pinagdikit ang palad at kamao ko 'tsaka yumuko bilang respeto. Pag-angat ng ulo ko ay bahagyang bumagsak ang balikat ko nang mapansin ang sobrang pagbaba ng timbang niya.

Tumango siya at nakangiting hinila ako patungo sa iilang lalakeng nasa mahabang mesa kung saan palagi siyang nakaupo. "Gentlemen, meet Madel Arkia. One of the toughest underground fighters we have!" Hindi man magandang pakinggan dahil sa pagiging iligal ng pinagkakakitaan ko ngayon, pero nakaramdam ako ng saya nang banggitin ito ni Mr. Chan na parang isa akong kampyon sa palarong pambansa.

Nawala na ako sa mga papuri niya sa harap ng mga kaibigan dahil sa sobrang tuwa. Siya ang nagturo sa akin na makipaglaban. Siya rin ang nagturo sa akin na walang baba-babae sa pagiging underground fighter, lahat pantay-pantay ang tingin. Walang hinay-hinay, walang maaawa sa 'yo kahit babae ka pa. At sa kabila ng pagiging estranghero namin sa isa't-isa ay hindi ito naging hadlang sa pagkakaroon ko ng magaan na loob sa tuwing kasama ko si Mr. Chan.

Bumuntong hininga ako at nagpaalam kay Mr. Chan at sa mga kaibigan niya nang tinawag na ako. Pinakilala muna kaming dalawa sa mga nanonood, bago may maskuladong lalake na lumapit sa bandang gitna namin at magsisilbing referee.

Pagkatunong ng bell ay umatake kaagad siya kaya umatras ako at iniwasan ang mga suntok niya. Ang paulit-ulit na pagtawag ng pangalan ko ang nagbigay sa akin ng kumpiyansang matatalo ko ang lalakeng ito, kaya nang makahanap ng pagkakataon ay tumakbo ako sa likod niya at pinulupot ang aking kanang braso sa leeg niya. Tumalon ako para makabwelo at malakas na hinila siya pababa at bago pa man siya matumba ay umalis na ako sa likod niya at pinanood ang kan'yang pagbagsak. Matagal bago siya nakabangon, kaya umupo ako nang hindi tumatama ang aking pang-upo sa semento at hinintay siya, o ang referee na nagbibilang sa gilid niya. Bago pa umakyat sa lima ang nabilang ng referee ay nakabangon na siya at lumakas ang hiyawan sa paligid.

Tumayo kaagad ako nang bigla siyang sumugod papunta sa aking pwesto. Panay ang pagtapon niya ng suntok at nang harangan ko ang papalapit niyang kanang kamao sa aking tiyan ay bigla na lang lumipad ang kaliwa niyang kamao sa aking pisngi. Napaatras ako sa lakas ng pagkakasuntok niya at bahagya akong nahilo, nakuha ko pang umiwas sa sumunod niyang suntok. Aangat na sana ang paa ko para sipain siya nang may biglaang sumigaw ng, "Pulis! May mga pulis!"

Naalarma ang lahat nang marinig pag-alingawngaw ng pito. Agad na akong tumakbo hanggang sa napunta ako sa mga taong nagsisiksikan. Tulakan at sigawan na ang lahat para makatakas. Nakita ko pang hinanap ako ni Mr. Chan pero hindi niya ako nakita, hanggang sa hinila na siya paalis ng mga bodyguards niya.

Sumiksik ako lalo sa palakas nang palakas na pito. Ngunit bago pa man ako nakalusot ay may malaking kamay na'ng humawak sa akin. Hinila ako ng pulis na nakahuli sa akin kaya marahas na ginalaw-galaw ko ang braso ko. "Bitiwan mo 'ko! Bitiwan mo 'ko! Wala akong kinalaman dito, sir! Napag-utusan lang ako na pumunta rito! Sir, please!" paulit-ulit na sigaw ko habang pilit kumakawala sa hawak niya. Hindi nagsalita ang pulis pero kinakaladkad na niya ako palabas.

"Putangina!" sigaw niya bigla nang kinagat ko ang kamay niya. Nakawala ako at tumakbo na papunta sa likurang bahagi ng lugar. Hinahabol niya ako at ng isa pa niyang kasama. Todo iwas ako sa mga upuang natumba at pulis na humaharang sa akin. Nakakita ako ng bintana at dali-dali akong umakyat pero napasigaw ako nang may humawak sa paa ko. "Huli ka balbon!"

PINALOBO ko ang aking pisngi at sinuntok-suntok iyon habang nakikipagtitigan sa lalakeng kaharap ko. Ang alam ko ay isa rin ito sa mga underground fighters na nahuli ng mga pulis.

"Bakla!"

Napatayo ako nang marinig ko ang boses ni Butch at ang ilang pagkalampog ng mga gamit. Siguro ay natamaan ng bakla sa liit ng espasyo ng presinto at sa taba niya. Halatang tinakbo lang niya ang distansya ng presinto mula sa amin dahil tagatak ang pawis niya nang makaharap na ako. "Nako, nako! 'Buti na lang at nagkita kami ng machong bodyguard ni Mr. Chan. Kailangan nating umalis dito. S-si Mayla..."

"Anong nangyari sa kapatid ko?" Tumaas ang boses ko.

"N-nabundol siya, tumakas ang may sala... Tumama ang ulo niya sa malaking bato. K-kailangang operahan."

"Hoy! Anong naririnig kong umalis? Hindi pwedeng umalis 'to. Kailangan niyang makulong ng labindalawang oras." Hinarap ni Butch ang pulis na biglang umepal, at kinausap niya ito.

Hindi ako makapagsalita, o makagalaw man lang. Pakiramdam ko nga'y ni paghinga ay hindi ko kayang gawin dahil sa nalaman ko. Si Mayla...

"Sa daigdig ang buhay ay ganiyan, mayroong, ligaya at lumbay. Maghintay at may nakalaang bukas." Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang marinig ko ang kantang biglang lumabas sa radyo rito sa loob ng presinto. "Palabasin niyo ako! Menor pa lang po ako, palabasin niyo 'ko rito! Maawa po kayo! Sige na po, palabasin niyo ako! Parang awa niyo na..." Wala na akong pakialam kung mukha na akong baliw na nagwawala rito sa loob pero kailangan kong umalis. Kailangan ako ng kapatid ko! Kailangan ako ni Mayla...

Dumaan ang tatlompung minuto ay nakasandal lang ako sa pader at nakatulala nang may lumapit na pulis at tinulungan akong makalabas. Agad akong niyakap ni Butch at doon ko binuhos sa balikat niya ang sakit ng nararamdam ko ngayon. Wala na bang mas lalala pa rito? "Okay na, inayos ko na ang mga kailangan ayusin dito. Pwede na nating puntahan si Mayla," ani Butch habang hinahagod ang likod ko para tumahan.

"Butch..." Pinunasan ko ang aking basang mukha. "Paano 'to? May babayaran tayo rito, sa mga pinagkakautangan nina mama. T-tapos ngayon..." Hindi ko na maituloy ang sinasabi ko dahil ayokong marinig iyon mula mismo sa bibig ko. Tahimik lang naman si Butch, pero nang sinabi ko iyon ay nilingon niya ako at nginitian, "Huwag ka nang mag-alala sa penalty, binigyan ako ng pera noong poging bodyguard ni Mr. Chan," aniya at kumindat.

Nang makaalis na kami sa presinto ay kaagad kong kinuha ang aking cellphone para tawagan ang nag-iisang taong alam kong makakatulong sa akin. Halos maitapon ko pa ito nang hindi ko mabuksan dahil wala nang baterya. Kaya iyong kay Butch na lang ang ginamit ko. "Hello?" Una kong narinig ang hindi pamilyar na boses pagkasagot sa ikatlong ring ng tawag. "Kay Sir Arnold po, please."

"Sino po sila?"

Bumuntong-hininga ako at kinagat ang pang-ibabang labi. "M-madel Arkia."

Hindi rin nagtagal ay narinig ko na ang boses ni Mr. Chan na tinatanong kung okay lang ba ako't kung nakalabas na sa presinto. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kan'ya ang tungkol sa kapatid ko, o hindi. Sa huli ay mas pinili kong kainin ang hiya at humingi ng tulong. "I-iyong kapatid ko ho, Sir, nabundol po't tinakasan ng n-nakabundol sa kan'ya." Umiiyak na ako parang bata na nagsusumbong sa kaniyang ama. "A-ang kapal ng mukha kong manghingi sa inyo pero wala na ho talaga akong ibang m-malalapitan. Kailangan ko ho ng kalahating milyong piso..."

"Ang ganiyan kalaking pera, Madel, ay kailangang paghirapan. Hindi biro ang limang daang milyong piso," ani Mr. Chan sa kabilang linya. Hindi ganoon kalaki ang kailangan sa ospital, pero pagkatapos nito, titigil na ako sa pakikipaglaban. Kapag nakuha ko ang kalahating milyon ay magbabago na ang buhay namin. Mabubuhay na kami nang hindi nahihirapan. "K-kahit ano pong gusto ninyong gawin ko Mr. Chan. Para po ito sa kapatid at pamilya ko."

"Then let's have a match, Madel."

"SIGURADO ka na ba d'yan bakla?" tanong sa akin ni Butch habang inaayos ang buhok ko. "Hindi mo kakayanin si Mr. Chan!"

Wala na akong ibang alam na makakatulong sa akin. Si Mr. Chan lang ang tanging naawa sa akin at tumulong. Hindi tulad ng ibang nilapitan ko na ayaw sa akin dahil takot sila na makulong at makasuhan kung malaman man ng mga magulang ko na nagtatrabaho ako sa kanila. Alam kong matutulungan niya ako.

"Bading man ako Madel pero sa oras na mapatay ka ng Mr. Chan na 'yan ay hindi ako magdadalawang-isip na patayin din siya," seryosong saad niyang nagpangiti sa akin.

"Ito na lang ang pag-asa ko, Butch. Wala na akong ibang alam na paraan. Kailangan kong talunin si Mr. Chan. Pagkatapos nito ay titigil na ako," sabi ko at tumayo na nang makita ko ang paglabas ni Mr. Chan sa isang pinto. Nandito kami sa boxing gym sa kaniyang mansyon.

Kinakabahan man ay hindi ko iyon pinakita kay Mr. Chan. Pero pansin kong namumutla siya at mukhang nahihilo pa. Tinanong ko kung ayos lang ba siya pero ngumiti lang siya at sinabing nakainom lang daw siya. "Talunin mo ako Madel at sa'yong-sa'yo na ang kalahating milyon na hinihingi mo."

Tumango ako at pumikit. Huminga ako nang napakalalim at lumabas ang mukha ng pamilya ko, ang kapatid kong nakangiti lang sa kama ng masikip na kwarto sa ospital kahit nahihirapan siya. Para 'to sa kanila.

Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Mr. Chan at nagpakawala ng malalakas na suntok. Panay naman ang depensa niya sa mga atake ko. Tiningnan ko ang medyo kulubot nang mukha niya habang nagpapatama ng iilang suntok. Napalunok ako sa pagdadalawang isip sa gagawin ko. Gusto kong umatras na lang. Pero hindi, para 'to sa pamilya ko.

Napakagat ako ng labi at yumuko para mahila ang paa niya. Umatras ako at tiningnan ang hirap niyang pagbangon. Lalapit na sana ako para tulungan siyang makatayo nang itinaas niya ang kamay upang mapahinto ako. Tumayo siya at kita kong nahirapan ito. Ginalaw niya ang daliri na parang inaaya ako na lumapit pero niyukom ko ang aking kamao dahil may parang pumipilit sa akin na huwag gawin iyon. Pero kapag hindi ko gagawin iyon ay matatalo ako sa laban.

Sa huli ay tumakbo ulit ako at lumusot sa gitna ng binti niya at bumaliktad - magkaharap ang mga likod namin. Inabot ko ang leeg niya at hinila. Sa bigat ni Mr. Chan ay hindi ganoon kalakas ang pagkabagsak niya.

Aatras sana ako nang magulat ako sa mahigpit na paghawak niya sa kaliwang paa ko. Tumayo siya at kasabay noon ang pag-angat ng binti ko. Patalon-talon ako at agad na pinalipad ang kanan kong paa papunta sa mukha niya, pero laking gulat ko nang mahawakan iyon ni Mr. Chan at napabaliktad ako.

Pilit kong abutin ang paa niya pero hindi ko maabot iyon. Hindi ko naman magawang magpumislag nang sobra dahil mahihilo ako. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang akong binitawan ni Mr. Chan kaya agad kong tinakpan ang aking mukha. Napasigaw ako at halos tumakas ang puso pero parang huminto ang oras nang wala akong naramdamang sahig na tumama sa ulo ko. Tinanggal ko ang pagkakatakip ng aking mukha at nakita kong isang dangkal lang ang pagitan namin ng semento. Awtomatiko akong napatingin kay Mr. Chan at nakita ko ang ngiti niya.

Pakiramdam ko ay lumilindol nang makatayo na ako. Ang lakas pa ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Tumawa lang si Mr. Chan ay ginulo ang buhok ko. "Y-you never fail to amaze me, Madel." Aniya sa gitna ng mabibigat na paghinga. "Wala talaga sa bukabularyo mo ang pagsuko." Ngumiti ako sa kan'ya at nagbiro pa. "E, Mr. Chan, sa 'yo ko rin naman natutunan 'yon. Sabi mo nga hindi ba? Ang mga taong agad sumusuko ay hindi nananalo. Ang mga taong laging panalo ay hindi kailan man sumuko."

Niyakap niya ako nang napakahigpit na halos hindi ako makahinga. "Bumalik ka na, anak. Ang alam ko ay ooperahan na ang kapatid mo." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko at nilingon ang isa sa utusang nanonood lang. "Ihatid mo na sila, Melvin."

"Panalo ka be?" tanong sa akin ni Butch nang makalapit na ako sa kan'ya. Lumingon ako kay Mr. Chan na ngayon ay nakaupo na at umiinom ng tubig.

Malawak ang ngisi ko nang nilingon ko si Butch at tumango. "Tara, kailangan tayo ni Mayla."

PAGKAPASOK ko ng bagong kwarto ni Mayla kinabukasan ay halo-halong emosyon ang nakita ko sa mga magulang ko. Nandito silang lahat, at isang lalaking naka-amerikanang hindi pamilyar sa paningin ko.

"Miss Madel Arkia?" Lumapit siya at inabot sa akin ang isang malaking evelope. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na pumanaw na si Mr. Arnold Chan kaninang madaling araw dahil sa sakit sa puso..." Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko at nanlamig ang buong katawan ko sa narinig. Nangingilid ang aking mga luha habang pinapanood ang lalake sa pagkuha ng envelope. "This is last will and testament na binago niya dalawang araw bago siya namatay. Tatlompung porsyento ng ari-arian niya ay mapupunta sa inyo, at ang natitirang pitompung porsyento ay mapupunta sa mapipili mong charity."

Nanginginig ang kamay ko habang pinagmamasdan ang envelope na magbibigay sa amin ng bagong buhay.


Continue Reading

You'll Also Like

67.7K 104 5
A collection of desires that are considered immoral, dirty, and judged by society. For 18+ people only
637K 860 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞
2.8M 3.3K 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
448K 18.3K 51
Mint Fuentes, a certified homophobic. People of equal gender loving each other disgusts the hell out of her. She believes that woman are for man, an...
Wattpad App - Unlock exclusive features