DISIOTSO
Ang bilis ng panahon, hindi namin akalain na one year old na si Eight. Nandito kami ngayon sa Palawan ng family and buong barkada for this another milestone. Bale parang double celebration, birthday party and barkada reunion.
Nakakalakad na si Athen without crutches pero bawal pa din siya tumalon muna and tumakbo. Patuloy pa din ang rehab niya, after six months pa ulit ang check-up niya sa doctor. Pakiramdam namin, aalis na din siya right after niyang gumaling. May kontrata pa din kasi siya sa States at hindi pwedeng pabayaan kasi malaki ang babayaran nila.
In terms naman kami when it comes to Eight. Minsan inaasar na kami ng barkada na magbalikan na kasi dun din naman daw ang bagsak namin dahil obvious naman na meron pa kaming "thing" para sa isa't isa. Aware naman ako dun pero ayokong ako ang maunang mag-open ng topic. Kung tahimik si Athen about this, aba siyempre ako din.
"HOY! PAMBIHIRA NAMAN KAYONG DALAWA! AKALA KO BA OKAY KAYO? BAKIT HINDI KAYO NAG-IIMIKAN?" Nabingi ang lahat sa sigaw ni Vien na medyo lasing na. Wala na ang mga bata, tulog na sila kaya meron kaming sariling mundo ngayong mga medyo bagets pa. Sila daddy at ibang oldies ay tulog na.
"YES FRIEND! BAKIT SI SETHERE PA DIN ANG KATABI MO? AT BAKIT SI JEANIE PA DIN ANG KATABI NIYA?" Dugtong ni Vanessa, nakalean siya sa shoulder ni Blake at halatang lasing na din.
Yup, kasama namin si Seth at Jeanie. Hindi naman na ako bitter kay Jeanie. Sa panahon naman kasi na magkasama kami ni Athen these past few months, nawala na lang bigla yung galit at inis ko, kusa na lang akong nag-move on. Kung maging sila man or hindi, okay na sa akin.
Si Seth, ewan ko pero parang masyado na siyang busy lately kaya minsan ko na lang din nakakasama. Hindi na din siya masyadong ma-kwento, kaya nga pinilit ko siyang sumama dito para naman makapagchill siya kahit konti.
Wala na kaming selos na nararamdaman ni Athen, confident ako sa akin pero ewan ko lang sa kanya. Naging tahimik na din kasi siya tungkol sa status naming dalawa kaya hindi ko na din pinapakailaman.
"Wag niyong i-pressure! Dadating din tayo diyan sa tamang panahon. Baka maudlot pa yan, walang kasalang maganap!" Singit ni Hans, nakapatong na yung head niya sa lap ni Yves. Mukha namang masaya ang dalawa at nagpplano na magkaanak right after matapos ang modelling contract ni Yves.
"Oo nga. Sayang ang hinanda kong gown kung mauudlot!" Sabat ni Conrado, kinurot naman kagad siya ni Miel. "Gown para sa'yo! Naman 'to tamang hinala palagi. Nasa tuwid na daan na ako di ba?" Natatawa niyang paglalambing kay Miel, inirapan lang siya nito. Hindi ko mapagilang mapa-smile sa kanila. Kahit naman bully sila sa akin ay hindi nila ako iniwan.
"Kayo, kelan ba kayo ikakasal?" Pagbabalik ko ng pangaasar sa kanilang dalawa.
"Pagtapos nung sa inyo." Seryosong sabi ni Miel.
"So...hindi na kayo magpapakasal? Live-in, live-in na lang?"
"Tiwala kami sa inyo. Hindi niyo kami bibiguin." Nakakaloko ang ngiti ni Conrado sabay nod kay Athen.
"Talaga lang ha?" Pang-aasar ko pa din sa kanila.
"Oo. Hindi na lang kami magsasalita." Humalakhak na akala mo kinikilig na hindi malaman si Miel. Naguguluhan na ako minsan sa mundo nitong dalawang weirdong ito.
"Sethere! Magpalit nga kayo ng pwesto ni Athen! Juice colored! Babalik pa tayo sa pa-tweetums?" Inis na natatawang sabi ni Vien. Pinipigilan na siya ni Quiero pero ayaw niya papigil.
"Ayaw ni Lazz." Seryosong sabi ni Seth. Kanina ko pa napapansin na agitated siya at hindi siya masyadong tumitingin sa direksyon nila Athen.
"Lazz, may malisya ba kung tatabihan ka ni Athen?" Tanong ni Vien.
"Wala. Baka lang kasi hindi komportable si Jeanie kapag iba yung katabi." Sabi ko sa kanila, walang halong pagpplastic yun ah pero feeling ko iba ang dating sa kanila.
"Ano ka ba hindi naman ma-out of place yan, hindi na others si Jeanie sa amin at kung ano man ang nangyari sa inyo dati, wala na yun sa amin dahil okay ka na. Kaya mawalang galang na magtabi na kayo ni Athen, birthday naman ni Eight!" Litanya ni Vien. Tumatango naman sila Vans sa sinasabi niya.
Nagtama ang tingin namin ni Athen. Tinignan ko din si Seth at Jeanie, mukhang hindi sila komportable na magkatabi. Siyempre naman kasi hindi naman sila masyadong close.
"Ang bagal! Talagang pinanindigan mo yang pagiging mabagal mo, bro ha!" Pangaasar ni Hans kay Athen.
"Lipat na!" Gatong ni Blake.
"Oo nga bro, para manahimik na 'to!" Natatawang sabi ni Quiero sabay siko kay Vien pero hinug niya din afterwards.
"Lilipat na yan!" Pangaasar ni Yves sa kuya niya.
Dahan-dahan namang tumayo si Athen, inaalalayan siya ni Jeanie. Si Seth ay hindi pa din kumikilos sa pwesto niya, parang ayaw niya talagang gumalaw.
"Eto na nga di ba?" Tumatawang sabi ni Athen saka siya naglakad papunta sa tabi ko. Dun lang yung time na gumalaw si Seth at lumipat sa tabi ni Jeanie.
Sinundan ko siya ng tingin at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko. Yung tinginan nila ni Jeanie parang may something pero hindi na ako nag-pry dahil nawala din naman kagad.
"Yun oh! Bagay na bagay!" Pang-aasar nung barkada sa aming dalawa.
Medyo awkward pa din kami ni Athen sa mga ganitong sitwasyon, mas sanay kasi kaming naguusap ng puro kay Eight lang at sa career niya. Sa hinaba haba naman ng bakasyon niya sa Pilipinas, hindi namin napaguusapan ang lovelife.
"Hi." Tipid na sabi niya sa akin, he was giggling like a teenage boy.
"Hi yourself." Napasmile ako sa cuteness niya. Para kasing hindi kami naguusap sa inaarte niya.
"Hoy! Hindi namin sinabing gumawa kayo ng sariling mundo!" Pangaasar na naman ni Vien sa amin.
Inirapan lang namin sila at tumawa lang ang buong barkada. After namin magtabi ni Athen para bang sinasadya nilang hindi kami pansinin at sila ang nag-usap usap. No choice naman ako kasi everytime na makikisawsaw ako sa topic nila, ang lala nila mang-out of place.
"Wala tayong choice, magusap na lang tayo." Mahinang sabi ni Athen sa akin, mabilis ko namang nilingon ang direksyon niya.
"Sino ba may sabing hindi tayo maguusap?" Pangbabara ko sa kanya.
"Wala." Nakasmile niyang sabi sa akin sabay kamot ng ulo. Natahimik naman kagad kami.
"Gusto mo ba maglakad lakad?"
"Wow, nahiya naman ako sa sitwasyon mo. Ikaw pa talaga nagyaya maglakad." Pangaasar ko na naman sa kanya.
"Nakakalakad naman ako, hindi ako pinutulan ng paa. Ano sasama ka ba or maiiwan ka dito ng walang kausap?" Seryoso niyang sabi. Pumayag na ako kasi kailangan ko ng fresh air dahil medyo tipsy na din ako.
Ako muna ang tumayo kasi habit na namin yun after mapilay ni Athen, ako ang nag-assist sa kanya. I offered my arms to assist him. Nung una nabibigatan ako sa kanya pero nasanay na din ang katawan ko. Tsaka mas magaan na ang weight niya ngayon kasi pwede na itapak yung isa niyang leg.
Naramdaman kong nakatingin lahat sa aming dalawa.
"Lalabas lang kami. Nahihilo na ako." Seryoso kong pagpapaalam sa kanya.
"Hoy babae, baka pag bumalik na naman kayo dito may laman na yang tyan mo ha!" Tumatawang pang-aasar ni Vien na naman sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin at sabay na kami umalis ni Athen.
"Ang gulo gulo nila." Bulong ko after namin makalayo.
"Masaya naman kaya ayos na." Sagot ni Athen. Hindi ko na siya masyadong hinahawakan sa braso kapag naglalakad kasi stable na ang gait niya at nakakalakad na. Mabagal nga lang.
"Oo nga." Matipid kong sabi sa kanya. Papunta kami ngayon sa seashore.
Tahimik kaming naglakad, umupo kami ngayon sa sand. Walang umiimik pero hindi awkward. Komportable na kami sa ganito, nakatingin lang sa malayo pero aware kami sa presence ng isa't isa. Full moon pala tonight, naku maglalabasan na ang katotohanan.
"Alam mo nung mga unang araw ko sa States, everytime na nakikita ko ang buwan sa gabi naalala kita." Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.
"Banat ba yan? Tama na yan ah, diyan mo ako sinimulan dati." Inirapan ko siya. Narinig ko siyang tumawa.
"So...dun pala kita napa-fall?" Lumingon ako kagad sa kanya, he was grinning.
"Hindi din. Hindi ko nga ma-explain kung papaano eh. Bigla ko na lang naramdaman, without a warning or whatsoever." Seryoso kong pag-eexplain. This is not me, kasalanan to ng full moon!!!
"Ditto." Tipid niya ding sagot. "Anong sense ng lahat ng to?" Dugtong niyang tanong. Magkaharap na kami ngayon habang naka-indian sit. Pinahiram niya sa akin yung jacket niya.
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong.
"Itong sitwasyon natin ngayon. Okay naman tayo pero bakit hindi pa din tayo ulit?"
"Masaya naman tayo ng ganito di ba? Hindi tayo dumaan sa ganitong stage before, feeling ko nga ngayon lang talaga natin nakilala ang isa't isa." I'm tracing circles on the sand.
"Masaya? Baka ikaw lang." Mahina niyang sabi kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Anyway, tama ka nga naman. Mas maganda kung maging friends muna tayo para hindi masyado naging magulo."
"Hayaan na natin, nangyari na eh. What matters is how we'll face the future with or without each other. How we'll handle Eight's future and..."
"Without each other?" Hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi parang nainis siya.
"Oo. Ilang beses na ba tayong nagkahiwalay? Ilang tao na ba ang nadamay?"
"Bakit mo pa ba binibilang? Hindi ka pa ba nagtataka na kahit ang dami na nating pinagdaanan, magkasama pa din tayo ngayon? Hindi ka ba nag-iisip ng malalim na reason kung bakit dumating si Eight?" Sunod sunod niyang tanong. Na-speechless ako, hindi ko akalain na magiging ganito kalalim si Athen.
"Inamin ko na yung kasalanan ko at humingi na ako sa'yo ng sorry. Apology accepted na nga di ba? Nagbago na ako. Pero hindi ko akalain na hanggang ngayon, closed pa din ang possibility na ipagpatuloy kung ano ang meron sa atin before. Lazz, ano ba? Ang tagal ko nang gustong i-open 'to sayo but you seem aloof. Ilang beses na akong dinaga, sayo lang ako naduduwag." Mahaba niyang litanya na lalong ikinabuhol ng dila ko.
"Bakit hindi mo napapansin na bumabalik lang tayo sa isa't isa? Bakit hindi mo napapansin ang posibilidad na tayong dalawa talaga?"
"Isang tanong, isang sagot. Mahal mo pa ba ako?"
Napatitig lang ako sa mukha ng unggoy. At para bang bumalik yung mukha niya kung kelan ko siya unang nakita. Bata, guapo, maangas pero may hint pa din ng kabaitan. He was staring straight at me with eyes prying. Shit. On the spot! Nakakatanga.
"Lazz. Ako mahal pa kita. Hindi na ako magdedeny. Mahal na mahal pa din kita. Hindi mo lang alam kung gano ako nagpipigil ngayon para lang hindi ka halikan. Ikaw, mahal mo pa ba ako?"
Yung sincerity at desperation sa mga mata niya ang naging weakness ko ngayong gabi. Sinabayan pa ng full moon at medyo chill na hangin. My gulay, wala namang mawawala kung aamin na ako di ba?
"Athen, alam-"
"Lazz!!!" Hindi ko naituloy yung sasabihin ko kasi narinig ko ang sigaw ni Simon. Napalingon kami parehas ni Athen sa direksyon niya.
"Kahit kelan, ang wrong timing ni Simon." Reklamo ni Athen. Ngumiti lang ako sa kanya.
"Umiiyak na si Eight. Hindi na kaya ng powers namin ni Audrey." Hinihingal si Simon na lumapit sa amin.
Mabilis na akong lumayo sa pwesto na yun at hinayaan ko na si Simon ang umalalay kay Athen. Naku Lazz, ayan ka na naman! Ang hina mo talaga! Magpapaligaw ka nga muna di ba? Bakit aamin ka na kanina?