CHAPTER TWENTY ONE
"Goood Morning!!!!"
Nagising ako sa matinis na boses ni Carmie. Tinakpan ko yung ulo ko ng unan para makatulog pa. Inaantok pa ko eh. Saap sarap matulog.
"uyyy Yumi! gising na anong oras na nu. Look ang sabi sa clock mo dito sa table 10 am na"
Pagkasabi nya nun bigla akong napatayo. "what the 10am na??" gulat na tanong ko. Bigla itong tumawa. "joke! hahahah 8am palang"
"Asar ka Carmie" sabi ko at bagsak ulit sa kama. Hindi talaga ko morning person kaya naman ang gusto kong gawin ngayon at lagyan ng scotch tape ang bibig ni Carmie ng tumahimik.
"pero reallly ano bang ginawa mo at puyat ka ha? naalimpungatan ako kagabi nakita kitang gamit yung pc mo" usisa nito.
Di ako sumagot. I'm too sleepy.
Ilang saglit pa nakaramdam ako ng ng malamig na tubig na pumapatak sa mukha ko. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Carmie na may hawak ng pitsil.
"Ahhhh . Anu ba?!" sigaw ko.
Tumawa ito ng malakas. Nakakainis talaga napilitan na tuloy talaga kong bumangon. Naghilamos ako at nag toothbrush pagkatapos ay tinulungan ko siya sa pagluluto ng fried chicken.
"ano susuot mo?" tanong ko.
"simple lang tulad dati" sabi nito.
Hanggang sa dumating ang 1pm bumalik na si Carmie sa condo nya. Para makapag ayos. nagsuot ako ng medyo mas elegant sa mga sinusuot ko kesa nung mga nakaraang cinover namin ni Carmie. Tumingin ako sa salamin at tiningnan ang ayos ko , nakasuot ako darkblue highwaist dress na may color beige na top na tinernuhan ko man ng kulay beige na sandals naglagay ako ng kaunti make-up katulad ng gawian ko.
Kinuha ko yung beige ko na bag at nilagay yung mga kailangan ko 2:30 okay na ko prepared na for the Art exhibit na mangyayare .
"Woah, para kang isa ka sa guest ah" biro ni Carmie nung pinuntahan ko siya sa condo nya.
"ewan ko sayo hahaha"
"Bagay na bagay sayo yung suot mo" sabi nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"sayo man" sabi ko habang tinitingnan yung suot nyang pencil skirt na kulay black at brown na formal shirt.
"ang ganda natin" sabi nito ng nakangiti sakin.
Tumango ako. "syempre"sagot ko naman.
Pumunta na kami sa kotse ko at sumakay.Kailangan naming mauna para makita lahat ng mga pupunta. Tahimik lang kami pareho ni Carmie. May nakapasak na earphone sa tenga nito at nakasandal ang ulo sa bintana na mukhang malalim ang iniisip.
Ako naman chill lang na medyo kakaiba yung pakiramdam ko. Para kong kinakabahan na ewan.
Hindi ko tuloy namalayan na kinakausap na pala ko ni Carmie.
"Yumi, malapit naba tayo uy Helllooooowww?"
Naulinigan kong tanong nito.
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
3:30pm nung dumating kami sa event , buti di kami trinaffic. Pagkadating namin dun sumalubong kagad samin ang magandang lugar at ayos ng lugar. Nakakawow.
Sinuot namin ni Carmie ang i.d namin kung saan nakasuot ang media at ang network na pinagtratrabahuhan namin. Stikto kasi ang event nato at hindi basta basta makakapasok ang outsider na hindi invited.
Nung makaupo na kami ni Carmie sa pangalawang set ng upuan na assign sa media.Buti na lang talaga at ito ang isinuot ko dahil ang gaganda man ng mga damit ng mga invitado.
Mga nablack suit ang mga lakaki at ang mga babae ay nakadress.
"phew~ dapat mas ginarbuhan ko pa pala yung suot ko," daing ni Carmie.
Natawa na lang ako at umiling. "tingnan mu yung iba ohh halos same lang ng sayo" sabi ko na ang mga tinutukoy ay yung ibang media na nakaupo sa tabi namin.
Nung unti unti dumami ang mga invitado halos mga nasa 50 tao din hindi pa kabilang angEmcee nagsimula ng magsimula ang Emcee na si Donnalyn Bartolome.
"Okay Everyone will going to start after 10 minutes." Sabi nito.
Ang mga paintings maayos na nakahilera sa malaking espasyo ng resort. Lahat ng paintings ay tinatabingan ng tela.
Bawat isa dito ay may nakaasign na tao para magbantay upang hindi masilip o matanggal ang tabing.
Sinulat ko lahat ng napapansin ko sa Paintings exhibit nay un sa maliit kong notebook katulad ng ibang mga journalist.
Gusto na naming mag-interview ni Carmie, pero pinigilan kami ng guard dahil hindi pa daw nag stastart.
Kapag talaga bored ka ang tagal ng oras pero kapag nag-eenjoy ka ang bagal. Parang Ngayon bored na bored na ko sa kakaantay at halos antukin na ko.
Nung di nagtagal.
Sinimulan na din sa wakas.
Tinangal lahat ng tabing ng mga paintings.
Habang isa-isang tinatanggal ang tabing ay may introductions tungkol ditto kung ano ang isinisimbolo nito.
Hinayaan ang bawat guest na tingnan ito. Kaming mga media, hanggang sa screen lang muna.
Clinick ko yung record sa phone ko para marecord lahat ng sasabihin tungkol sa bawat paintings hindi ko naman kasi kayang isulat yun ng ganung kabilis ang tanging isinusulat ko lang ay yung mahahalaga pero importante pa din sakin na mapanggan ko yun kapag gagawin ko na yung article.
Nung nasa kalagitnaan biglang huminto si Mr. Luis Bernard na nagdedescribe sa bawat paintings katulad ng iba nakasuot din ito ng black suit. Mga nasa 50 anyos naa ito. Kilala siya bilang isang sikat na pintor marami na din siyang naipinta na pang world class.
Napagasp ang mga tao nung sabihin nitong. "Our guest has arrive".
Nagpalakpakan sila kaya nakipalakpak na din kami. Sinabi nitong nakilala ito sa larangan ng paintings sa idad na 20 years old. Pagkatapos nitong grumaduate sa isang sikat na Universidad sa Bulacan.
"eh diba ang sabi mo dun ka din nag-aral?" tanong ni Carmie sakin na mukhang nagulat.
Tumango ako.
"Baka kilala mo?" tanong nito na parang kumikimamg ang mata.
Umiling ako. "sira hindi ko alam " sagot ko naman at nakinig sa sinasabi ni Mr. Luis.
Ito daw ay nakapagtapos ng finearts sa taong 2012.
Teka taong 2012 grumaduate si... hindi.. hindi maaring sya yun.
"Siya ay nakapagtapos ng valedictorian ng elementary at highschool at summacumlaude nung college."
Napawow yung mga audience at nagsisipalakpakan.
"siya din ay nakatanggap ng samo't sari na mga awards sa kanyang mga sinalihang contest at Ngayon nga ay kabilang na ito sa kilalang artist na pang world class ang galing."
Napalunok ako habang nililista yung mga mahahalagang sinasabi ni Mr. Luis tungkol sa misteryosong guest.
"Let's all welcome Mr. Darren Estella!!"
Nabitawan ko yung ballpen na hawak ko at napatingin sa malaking screen kung saan nakita ko ang nakita ko ang confidence at proud nyang smile na nakaguhit sa mga labi nya.
Parang bumagal yung oras habang pinapakinggan ko yung boses nya.
"teka" narinig ko yung boses ni Carmie. "diba Darren yung pangalan ng first bf mo at sabi mo fine arts yung course nya siya ba yun?"
Hindi ako nakatingin kay Carmie habang sinasabi nito yun kaya hindi ko alam ang expression nito sa mukha. Masyadong occuppied ang isip ko na si Darren ay muling nagbalik at eto siya ngayon....
Parang biglang umurong yung mga kinain ko.
"Thank you for that wonderful introduction Mr. Luis" biro nit okay Mr. Luis.
Tumawa yung mga audience sa biro nito.
Ipinihit ko yung paa ko. Gusto kong umalis malayo dito.
"Yumi " pigil sakin ni Carmie.
"mag-ccr lang ako" paalam ko sa kanya.
"okay ka lang ba? Parang namumutla ka?" tanong nito na may pag-aalala sa mukha. "ohhhh Yumi
bumalik ka ha, maybe its time for you to talk to him again pagkatapos ng event na to?" sabi ni Carmie.
Ilang minuto bago ako nakasagot kay Carmie. "okay lang ako , wag ka mag-aalala babalik din ako agad. " pag rereassured ko sa kanya. " and i dont think so" sabi ko sabay talikod papuntang banyo.
Halos patakbo kong pumunta sa duon, napatingin sa sarili ko sa salamin.
Hindi ko pa kaya....hindi ko pa siya kayang harapin...
---------------
VOTE AND COMMENTS PO <3