Cure #7: Well, It Just Happened
NOTE: ANG SUMUSUNOD NA AKDA AY NAGLALAMAN NG MGA BAGAY NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA.
"P*tang-ina mo, Eris! Napakasarap mo talaga!"
Mas lalong ibinuka ni Timothy ang aking mga hita, pinipigilan ang aking balakang at mas dinidiin ang kaniyang sarili habang nakaluhod nang pabukaka sa gitna ng aking mga hita. Pilit din n'yang na binubunggo ang kargada niya sa aking kaselanan.
"Your p***y is so f*cking tight! Ahhh!"
"Can you please shut up, Timothy?! Ang p*** ang k********t mo kaya 'wag mo nang paganahin pa ang isa pang p**e sa mukha mo! K*****n mo na lang ako para matapos na 'to!"
Sinunod niya ang sinabi ko. Tumalikod naman ako at walang humpay ang pag-atake niya mula sa aking likuran. Pilit pa rin niyang hinahatak ang magkabila kong balakang para salubungin ang bawat tirada niya kaya pareho kaming napapamura sa sobrang sarap. Ramdam kong bumibilis ang bawat galaw niya, marahas na rin ang pagkakakapit niya sa akin kaya halatang malapit na siya. Nang dahil doon ay sinalubong ko na ang bawat ulos niya kaya naman mas lalong lumakas ang hiyaw ng gago.
"Ahhh! Shit! Saluhin mo ang t***d ko! T*ng 'na!"
He came. And all of a sudden, nanglupaypay siya bigla. Ako naman ngayon ang tuwang-tuwa habang kumakalas ako mula sa kaniya. Agad kong sinuot ang aking damit at kinuha ko ang laman ng wallet niya sa kama - gaya ng aming napag-usapan. Naiwan siyang nakaupo roon, tamang-tama para sa plano ko. Kinuha ko ang kutsilyo sa gilid at lumapit ako sa nakapikit na si Timothy. Didilat pa lang siya nang pinagtatadtad ko ang mga mata niya ng hawak kong kutsilyo't agad kong hinawakan ang leeg niya upang baliin ito. Sunod kong hiniwa-hiwa ang kaniyang mga daliri sa kamay at paa. Syempre, makakaligtas ba sa unos na ito ang junjun niya? Hinugasan ko pagkatapos ang aking kamay na nadungisan ng nakakadiri niyang dugo.
Agad kong sinuot ang jacket ko na may hood at mabilis akong tumakbo palabas ng bahay na iyon. Nang makarating ako sa kanto'y pumara agad ako ng taxi habang masayang binibilang ang pera na nakuha ko mula sa p*tang inang Timothy na 'yon.
Habang nakatingin ako sa bintana ng taxi'y kitang-kita ko ang paglandas ng mga patak ng ulan sa salamin.
"Hindi mo ba talaga ako gusto, Eris?"
Napahinga ako nang malalim.
"Jacob, like my usual answer, masiyado pa tayong mga bata para pumasok sa relasyon." Pilit ko siyang nginitian. "Alam mo, bilisan na lang natin kasi magdidilim na."
4th year highschool ako n'on. Naiwan kaming dalawa ni Jacob sa 3rd floor ng Science Building kung na'saan ang room namin kasi tinapos pa namin ang projects at mga reaction papers. 'Yung ibang kaklase kasi namin, tinake home na lang ang mga iyon. Matagal nang nanliligaw sa akin si Jacob, matalino siya't mabait pero wala pa sa isip ko ang pakikipagrelasyon noon.
"Eris! Puti talaga ng legs mo!"
Malapit na naming marating ang dulo ng hallway nang makita namin si Genesis - isa ring makulit na nagpupumilit manligaw sa akin - ang nakaupo sa plant box at tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Jacob, 'wag mo siyang pansinin," bulong ko kay Jacob.
Nagmadali ako sa paglalakad at alam ko namang nakasunod lang sa likod ko si Jacob. Nakahakbang na ako sa mga hagdan nang biglang...
"Eris, 'wag ka muna umuwi! Dito ka muna, may ipapasubo ako sa 'yo!"
"Bastos! 'Wag mong pagsalitaan ng ganiyan si Eris!"
"Ano bang pakialam mong nerd ka?!"
Agad akong napalingon sa likod at nakita kong nagsusuntukan sina Jacob at Genesis. Ni hindi man lang kailangan umalis ni Genesis sa pagkakaupo sa plant box para magawang pasabugin ang mukha ni Jacob. Malaki kasi ang katawan ni Genesis, habang si Jacob naman ay may kapayatan at mahina pa ang resistensya. "G*go ka ba?! Nagnananasa ka kay Eris?! Wala ka pa nga sa kalingkingan niya, nerdy boy!"
Tumayo si Genesis at sinipa sa mukha si Jacob kaya agad itong bumulagta.
"Tama na!" Sinugod ko si Genesis. Hindi ko nakontrol ang galit ko't tinulak ko siya nang malakas.
Mula rito sa 3rd floor, kitang-kita ko kung paano siya mahulog patalikod. Narinig ko pa ang nakabibingi niyang sigaw at kitang-kita ko rin ang paglagapak niya sa lupa-sabog ang ulo at nakalusot na sa balat niya ang mga bali-bali niyang buto habang naliligo siya sa sarili niyang dugo.
Iyon ang simula ng lahat.
Simula kung bakit ginagamit ko na ang sarili kong katawan at kagandahan para sa pera.
Simula kung paanong ang mala-anghel na kabaitan ko'y napalitan ng mala-anghel na kasamaan.
Simula kung bakit tinatarantado ko ngayon ang mundong tumarantado rin sa akin noon.
***
Narito ako sa isang drag racing event. Nakasuot ako ng black shorts at nakaladlad sa likod ko ang mahaba kong buhok. Lumapit ako sa isang kotse sa gilid at humarap sa salamin habang naglalagay ako ng pulang lipstick sa labi ko. Laking gulat ko nang biglang bumaba ang bintana na pinagsasalaminan ko. Dumungaw roon ang isang guwapo't maputing lalaki na nakangiti sa akin. "Hello, Miss. Ang ganda mo naman."
Well, another victim.
Binuksan niya ang pinto at saka tumango. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Lumingon muna ako sa paligid para tingnan kung may nakakakita ba sa amin. Medyo malayo naman kami sa mga nagsisigawang kalalakihan at nagrarampahang magagarang sasakyan. "Have a seat."
I raised my brow. "You sure that you only want me for a seat?"
He grinned. "Of course not! Haha. You're too hot, Miss. I'm Grey, and you're definitely my type." Hinila niya ang braso ko at pilit niya akong pinasok sa loob ng kotse. Sinarado ko ang pintuan at humarurot na ang sasakyan niya papalayo habang hawak-hawak ko naman ang nakaulbok sa pants niya. Ilang saglit lang, tumigil siya sa isang madilim na eskinita at agad niya akong sinunggaban. Hinawakan niya ang magkabila kong dibdib at pinisil ang mga iyon na may halong pagnanasa.
At sa oras na 'yun, tuluyan na siyang napailalim sa akin.
"Walang hiya kang babae ka!"
Umamin na agad ako na... ako ang tumulak kay Genesis. Natakot ako, sobra; sa puntong umiyak ako kagabi habang nagdarasal at halos maubusan na ako ng hininga.. Mas nangibabaw ang takot ko sa Diyos kaya nagawa kong humarap pa rito sa eskuwelahan ngayon. At gaya ng kinatatakutan ko, narito ang Nanay ni Genesis.
Nagsimula na akong magmakaawa "P-Patawarin n'yo po ako. Hindi ko po sinasadya... hindi ko po 'yun g-ginusto!"
"Sinungaling!"Pinagsasampal at sinabunutan ako ng nanay niya habang paulit-ulit akong sinisigawan. "Ano bang akala mo, porke umamin ka na e makakaligtas ka na sa kasalanan mo?! PANANAGUTAN mo ang kahayupang ginawa mo sa anak ko!"
Walang umaaawat sa pananakit sa akin ng nanay ni Genesis. Wala ni isang gustong makarinig ng panig ko. Puro sapak, dagok, sipa, tadyak at sampal ang inabot ko pero hindi ako nanlaban. Kahit pa self-defense ang nangyari, walang maniniwala sa akin.
Sa gitna ng tensyong nabubuo sa amin ay biglang may isang patpating lalaking sumingit at humarang sa akin. Siya na ang sumalo ng mga pananakit ng nanay ni Genesis. "Tantanan n'yo siya! Ako... ako ang pumatay kay Genesis at hindi ang babaeng ito!"
Agad akong napalingon kay Jacob dahil sa tinuran niya. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit at binulungan habang pinupunasan niya ang mga luha ko, "ang patak ng luha ay hindi tanda na ikaw ay mahina. Tanda ito na kahit sobrang sakit na ay kinakaya mo pa."
Wasak na ako n'ong araw na 'yon, pero mas lalo akong nawasak n'ong kinagabihan. Sinugod ang bahay ko ng mga kaibigan ni Genesis para gumanti. Nagdarasal ako ng mga oras na iyon sa Panginoon, humihingi ako ng lakas para makayanan ko pa lahat ng mga nangyayari, nang bigla nilang niloob ang bahay namin at walang awang pinatay ang mga magulang ko. Habang ako nama'y ginahasa nila.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga huling linyang binitawan ng isa sa kanila matapos nila akong pilahan at babuyin, "kanina, binalatan na namin ang p*tang inang Jacob mo. Ngayon naman, ipinagpatuloy namin ang pagganti sa kaniya sa pamamagitan ng pagsira sa buhay mo. At 'wag kang mag-alala, hindi ka namin papatayin." Dinilaan niya ang ang aking pisngi't tuluyan akong tinakasan ng bait. "Dahil gusto naming maranasan mong mabuhay habang unti-unting namamatay!"
Iyon ang momentong nagpatigil sa pag-ikot ng de-turnilyong pekeng mundong ginagalawan ko.
Momentong lumason sa katauhan ko.
Momentong yumurak sa kaluluwa ko't nag-udyok sa aking maningil sa kahit sino... dahil pare-pareho lang ang mga tao.
Momentong sumampal sa akin ng katotohanang walang Diyos.
Dahil sa mundong ito, kung hindi ka kikilos para buhayin ang sarili mo, lalamunin ka ng kamatayan. Walang Diyos na magliligtas o tutulong sa iyo... sarili mo lang ang maaasahan mo.
***
"Welcome!" Inihampas ko sa windshield ang pagmumukha ni Grey pagkatapos niya akong bayuhin; ang mukha niya'y nagmistulang lupa na tinaniman ng mga bubog. Kumuha rin ako ng ilang piraso ng salamin. Kinayod ko ang mga 'yon sa pusod niya hanggang bumulwak ang mga dugo't nagtarak din ako sa kaniyang dibdib, puson, butas ng puwet at batok bago pa niya magawang lumaban.
Sa ilalim ng buwan, katirikan ng dilim at kalaliman ng katahimikan, mag-isa akong tumakas at tumakbo palayo sa kaniya-suot-suot ang jacket ko na sa bulsa'y laman ang pera ng lalaking iyon.
Ilang araw pa ang lumipas ng paggamit ko ng katawan para sa pera, nakita kong nagpapalit ng balat ang bandang siko't tuhod ko. Sobrang kati nito't tila ba umaalsa. Naligo ako nang paulit-ulit sa pag-asang mawawala ito. Ngunit hindi gan'on ang naging takbo ng mga pangyayari. Sa tuwing lalabas na ako ng apartment, naninibago ang mga kapitbahay ko sa akin. Ang dating seksing manamit na si Eris ay balot na balot na ng makakapal na tela; nagsimula na kasing dumami ang mga rashes. Tumamlay na rin ang pagtanggap ko sa mga modelling offers at hindi ko na rin nagawang makipagtalik.
"Dok, makati ang mga rashes na ito at padami na nang padami. Ano bang dapat kong gawin?" agaran kong tanong nang makapasok ako sa ospital at makaharap ko ang isang dermatologist. Hindi na kasi ako tinigilan ng mga bangungot na gabi-gabi kung dumalaw.
"May mga creams akong maire-recommend para mabawasan ang kati, 'wag mo lang talaga siyang kakamutin." Seryoso ang tingin ng doktor sa akin at tila ba iyon ang naging sanhi ng pagkawala ng ngiti sa labi ko't pag-asa sa puso ko. "Tatapatin na kita, Ma'am. Psoriasis ang tawag sa sakit mo, at wala pang lunas para rito."
Akala ko n'on matatawag ko ng "masakit" ang mga nangyari sa akin dati; na iyon na ang sukdulan na kayang ibato sa akin ng kapalaran at tadhana. Pero hindi pa pala, ngayon ko lang naisip kung ano ang pinakamasakit na pangyayayaring puwedeng maranasan ng tao; ang malunod mag-isa habang lahat sila sa paligid mo'y humihinga pa. Para bang hinigasan ka ng isang granada, iyong tipong "BOOM," wala na; mamatay ka na!
Iyak ako nang iyak sa loob ng kuwarto ko pagkatapos n'on. Nabasag ko na yata lahat ng mga kagamitan sa loob ng apartment ko dahil sa sama't bigat ng loob. Karamihan pa sa mga iyon ay naipundar ko gamit ang katawan at mukha ko. Muntik ko na ring hampasin ang salamin ng kotse ko na binigay sa akin ng isang judge pero pinigilan ko ang aking sarili. Maaari ko pa kasi iyong ibenta.
***
"Ice cream po."
"Sa cone po ba o sa cup?" nakangiting tanong ng babaeng nasa cashier sa akin.
"Sa cup."
Wala akong ganang ngumiti, o kahit pa magsalita nang mahaba. Narito ako ngayon sa isang convenient store na malapit sa apartment na tinitirhan ko. Madaling araw na. Actually, 2:47am na ang isinisigaw ng relong suot-suot ko. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob na lumabas ng bahay, kung kailan madilim sa labas at kaunting tao na lang ang makakakita ng nakakadiring kalagayan ko. Isa pa, hindi rin ako makatulog. Mabuti na rin ito para kaunting tao na lang ang mangngutya sa pisikal kong anyo. Kaunting tao na lang din ang titingin sa akin nang masama't kaunting tao na lang ang pagbubulungan ako. Kaunting sakit na lang.
Aalis na sana ako nang inabot na sa akin ng babae 'yung ice cream at naiabot ko na rin ang bayad ko nang matigilan ako dahil sa isang sigaw ng lalaki. Kasabay ng sigaw na iyon ang pagbagsak ng hawak-hawak na softdrinks ng isang lalaki na nakaupo sa gilid at kanina pa natatawa sa itsura ko; ang paglaki ng mga mata ng mga babaeng pinagkukuwentuhan ako kanina't ang pagbagsak ng security guard sa labas. Bumungad sa 'kin ang isang lalaking may takip ng itim na bandana sa mukha; tanging ang mga mata lang niya ang makikita.
Nakita ko sa mga matang iyon ang nakikita ko rin sa mga mata ko sa tuwing titingin ako sa salamin: takot, lungkot at... pagsisisi.
"Tumahimik kayong lahat! Walang sisigaw o magsusumbong sa pulis kun'di papatayin ko kayo!" Lumapit siya sa kaherang katapat ko't tinutukan 'to ng baril. "Ilabas mo ang lahat ng pera diyan! Bilisan mo!"
Kita ko ang panginginig sa magkabila niyang kamay na may hawak ng baril.
"Hindi mo naman gusto gawin ito, hindi ba? Ayaw mong pumatay, ayaw mong magnakaw at ito rin ang unang pagkakataon na mangho-hold up ka ng tindahan," anunsyo ko sa kaniya habang walang emosyon ang aking mukha. Sandali siyang natihimik na para bang naintimidate siya sa akin.
"Manahimik ka!" sigaw niya. "Wala kang alam, p*tang ina mo manahimik ka!"
"Huwag mo nang gawin ito, maawa ka sa buhay ng mga taong sisirain mo at sa... buhay mo. Huminihan ka, mahal ka ng Diyos." Sinubukan kong hawakan ang kamay niya na may hawak ng baril.
Hindi ko alam kung bakit ginawa ko iyon; hindi ko alam kung bakit binaggit ko ang pangalan ng Diyos kahit muhing-muhi ako sa nilalang na iyon dahil pinabayaan niya akong mag-isa noon kahit buong buhay ko, inalay ko sa kaniya.
Tila isang uri ng pagpapakamatay na hindi intensyonal ang ginagawa ko pero ayaw tumigil ng puso ko.
"Heh! Manahimik ka na lang! Wala akong pake! Ang nanay ko, kailangan niya ng pera dahil ooperahan na siya at kung hindi agad magagawa ang operasyon, mamamatay na siya! Narinig mo ba iyon, mamamatay na siya! Kaya 'wag mo akong pakialaman!" Kasabay ng pagtutok niya sa akin ng baril ay ang pagpatay din ng luha niya. Mas lalong tumindi ang panginginig ng kamay niya. "Hindi ko na kayang umasa sa Diyos dahil nasa bingit na ng kamatayan ang nanay ko!"
"Huwag kang sumuko, manalig ka sa Diyos. Mangyayari ang lahat ng gusto mo kung patuloy kang maniniwala. Kailangan mo lang ng pananalig at lakas ng loob na magagawa mo lahat ng nanaisin mo. Tama na, huwag mong gawin ito," pagsusumamo ko.
"Manahimik ka sabi e!" Nabigo ako sa pangungumbising itama ang buhay niya dahil ayokong maranasan niya ang mabuhay sa kasalanan na gaya ko. Kasabay ng putok ng baril ay naramdaman ko ang pagpasok ng mabilis at mainit na bagay sa aking tiyan.
Naisip kong wala talagang maaaring makapagdikta kung sino't ano tayo kun'di Siya lang. May mga bagay na hindi natin inaasahang darating pero dapat manatili lang ang tiwala natin sa kaniya.
Ako si Eris; para na po.