Natapos na rin ang one week at umabot na ulit ng Friday. Ngayong umaga ay nasa cafeteria ako para bumili ng aking almusal. Nang nakabili na ako ng makakain ay nagsimula na akong maghanap ng pwesto. Habang naghahanap ako ng table, may napansin ako na may kumakaway sa akin.
Mga nasa 60's ang edad ng lalaking kumakaway sa akin na hindi ko siya kilala. Meron siyang maitim na may konting puti sa kanyang buhok, at nakasuot ng makapal na salamin.
Nakatingin lang ako sa kanya, at napansin ko na bigla niya akong niyaya na umupo sa kanyang table. Tumingin muna ako sa paligid kung may ibang tao sa tabi ko, pero wala ng iba ang nakatayo sa aking pwesto. Ako talaga ang tinutukoy niya kaya lumapit na lang ako sa kanyang table.
Pagkalapit ko sa kanya ay umupo na ako, at nakita ko na binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Binalik ko rin sa kanya ang ginawa niya, at nagsimula na akong kumain ng aking binili. Habang kumakain nang tahimik sa table ay nagsalita sa akin ang matandang lalaki habang sinubo niya ang isang slice na cake.
"Hija, nagpapasalamat ako na sinamahan mo kong kumain sa table." tuwang sabi niya sa akin.
"Wala po 'yun." sabi ko sa kanya at ngumiti ako sa harapan niya.
"Ano pala ang pangalan mo, Hija?" tanong niya sa akin, at sumubo siya sa cake niya.
Noong una, parang ayokong sabihin sa kanya ang pangalan ko, para kasing mahirap pagkatiwalaan ang kasama ko ngayon sa table. Hindi ko lang alam kung isa siyang teacher na nagtatrabaho sa Morphemia, o posible rin na espiya siya na nagkakalat ng impormasyon sa Triste at sa ibang lugar.
Napag-isipan ko na lang na sabihin ko ang aking pangalan, sinabi kasi ng aking kutob na mabait naman ang kasama ko ngayon. At saka, parang wala naman akong galang kung hindi ko sasagutin ang tanong niya.
"Xiu po," sagot ko sa kanya, at uminom ako sa hot chocolate na inorder ko.
"Xiu, ano sa tingin mo sa academy na ito? Maganda ba ang academy?" tanong niya sa akin at uminom siya sa kanyang kape. Nagtataka lang ako kung bakit niya natanong sa akin tungkol dito, baka alam na niya na new student ako rito.
"Maganda po ang academy dahil high tech. po ang mga gamit nila, maayos rin ang kanilang mga facilities, at magagaling magturo ang mga teachers dito. Ang problema lang po ay ang mga estudyante sa loob ng academy na ito." paliwanag ko sa kanya, at kinagat ko ang sandwich na binili ko kanina.
"Bakit mo nasabi?" tanong niya sa akin at humigop siya sa kanyang kape.
"Sorry po kung nakaka-offend ang sasabihin ko, pero karamihan sa mga nakikita kong estudyante ay hindi maganda ang kanilang ugali. Puro kasi ang iniisip nila ay ang kanilang sarili para umakyat sila sa mataas na ranking, at makuha ang gusto nila. Maganda sana ang hiling nila pero nagiging makasarili na sila. Mas maganda po kung magtulong-tulong na lang sila, imbis na mag-away sa isa't isa. Wala po kasing mangyayari kapag ganoon ang kanilang sitwasyon. Mas maayos rin kung magkaroon na lang sila ng mga kaibigan dito, dahil sila ang mga taong nagpapasaya at magbibigay ng suporta sa iyo kapag may problema ka." paliwanag ko sa kanya sa aking sagot, at seryoso lang ang kanyang mukha ngayon.
"Okay na narinig ko ang side mo, ang honest ng sagot mo sa akin." ngiting sabi niya, at uminom ulit siya sa kanyang mainit na kape.
Hindi ko lang alam kung bakit kailangan kong magpaliwanag ng sagot sa kanya nang seryoso. Parang isang matinding interview ang nakuha ko mula sa kanya. Siguro, ayoko lang maging plastic sa mga tao na nakakausap ko sa paligid, mas mahirap kasi kung hindi ako magsasabi ng totoo sa kanila.
May napapansin lang akong kakaiba sa taong kausap ko na hindi ko masabi kung ano. Ang gaan kasi ng pakiramdam ko nang bigla akong nag-open up sa kanya, parang may super powers siyang hawak. Na-curious tuloy ako kung ano talaga ang papel niya sa academy.
"Sorry po sa aking paliwanag, pero nirerespeto ko naman ang desisyon nila kung 'yun ang kanilang gusto. May sari-sariling kaming dahilan kung bakit pumapasok kami sa Morphemia, at hindi ko na linya na makialam sa kanilang buhay." sabi ko sa kanya at uminom na rin sa aking inumin. Napansin ko na bigla siyang ngumiti na hindi ko alam ang kanyang dahilan.
"Hija, hindi ko alam na isang kang tao na masarap kausapin." sabi niya sa akin, at ngumiti ako sa kanya.
"Thank you po." tipid na sabi ko, hindi ko lang alam kung ano na ang aking sasabihin dahil nahihiya ako sa kanya.
Pinagpatuloy na lang namin kainin ang aming pagkain nasa lamesa. Mama-maya, may sumisigaw sa pangalan ko, at napalingon ako sa direksyon nang may tumatawag sa akin. Pagkatingin ko ay nakita ko siyang pumupunta sa table namin, at si Harui ang lumalapit sa aming pwesto.
"Xiu, nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap para sumabay tayo kumain ngayon!" sigaw ni Harui sa akin, at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti.
"Sorry Harui. May nag-aya sa akin ngayon na sumabay ako sa kanya." paliwanag ko sa kanya at sinamaan niya ako ng tingin.
"At sino naman ang kasabay mo ngayon? Hala! Director?" gulat na sabi ni Harui, at lumuwa ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko lang alam kung tama ang narinig ko sa sinabi ni Harui, o joke time lang ito.
"Harui, good morning. Sorry, hiniram ko lang ang kaibigan mo. Ang sarap kasi maging kakwentuhan ang kasama mo habang nag-aalmusal kami." paliwanag ni Director habang nakangiti kay Harui, at napatulala na lang ako sa aking pwesto.
"Sorry for being rude, Director. Hindi ko po sinasadya ang kinikilos ko ngayon. Hindi ko po alam na kayo ang kasama ni Xiu." seryosong paliwanag ni Harui kay Director. Binaba na niya ang tray na may pagkain sa table namin, at nagsimula na siyang mag-bow sa kasama ko sa table.
Nang napansin ko ang kilos ni Harui, doon ko na-realize na siya talaga ang director ng Morphemia. Nang nalaman ko na siya si Director ay tumayo na rin ako sa aking pwesto, at nag-bow rin ako para mag-sorry sa kanya.
Ayun pala ang dahilan kung bakit siya nagtanong sa akin nang matindi, dahil alam niya na bagong lipat ako sa school. Alam rin niya ang lahat ng profile ng bawat estudyante na nag-aaral sa loob ng academy, kaya pala hindi na nakakapagtataka na parang kilala niya ko.
Naintindihan ko rin kung bakit madali akong mag-open up sa kanya, dahil ang bait niya sa akin at approachable ang director ng school. Tapos, mataas ang kanyang pwesto rito.
Ang inosente ko talaga, dahil hindi ko alam ang itsura ng mga tao na may matataas na posisyon sa academy. Hindi ko kasi alam noong una kung ano ang itsura ng director sa academy, dahil walang pinapakita sina Sir na picture ni Director.
At isa pa, bihira lang din magpakita si Director sa mga estudyante dito dahil busy siya. Pero ngayong araw ay tatandaan ko na ang kanyang itsura para hindi na ako mapahiya, at alam ko na rin kung sino siya ngayon.
"Sorry rin po, hindi ko po kasi maganda ang sinabi ko kanina. Hindi ko po alam na kayo ang director ng school." paumanhin na sabi ko kay Director habang nakayuko ako.
Tumawa na lang bigla si Director sa amin, at pareho kaming napatingin ni Harui sa kanya na may halong pagtataka sa aming mukha.
"Okay lang, huwag kayong maging pormal sa akin. Natutuwa ako sa inyo, ang carefree niyong dalawa. Sana lagi kayo sa sarili niyo, at huwag kayong magbabago." ngiting sabi ni Director sa amin.
"Opo," sagot naming dalawa ni Harui, at tumawa na lang kami dahil sa nangyari.
Umupo na kami ni Harui sa table, at pinagpatuloy na naming kainin ang aming inorder. Mga 30 minutes na ang nakakalipas ay nagpaalam na sa amin si Director, dahil may aasikasuhin pa siya na related sa academy namin.
Nang nakaalis na si Director sa pwesto namin ay tumahimik na ang table namin. Mga ilang minuto na ang lumipas ay binasag ni Harui ang katahimikan, at ngumiti siya sa akin.
"Xiu, ang swerte natin na nakausap natin si Director." tuwang sabi niya sa akin, at sumubo sa sopas na binili niya kanina. Isang malaking karangalan kasi sa mga estudyante kapag nakausap ang director ng Morphemia, parang nanalo sa isang lottery.
"Oo nga eh, pero nakakahiya ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko kasi alam na siya ang director ng school. Mabuti na lang na hindi siya nagalit sa akin." sabi ko kay Harui at natawa na lang siya sa kanyang pwesto.
"Ako nga rin, hindi maganda ang ginawa ko kanina, at mabuti na lang na mabait siya sa atin. Kung hindi, baka kung ano na ang mangyayari sa atin na hindi maganda." paliwanag niya sa akin, at uminom siya sa kanyang inumin.
"Oo nga eh." sabi ko sa kanya, at uminom ako sa aking hot chocolate.
"Xiu, ubusin na natin ang ating pagkain para makapunta na tayo sa assigned classroom." sabi niya sa akin.
"Sige, para hindi tayo ma-late sa klase." sabi ko sa kanya, at sinimulan na naming ubusin ang aming pagkain na binili sa cafeteria.
Naubos na rin namin ang pagkain na inorder kanina ay pumunta na kami sa classroom para sa Maneuver class. Alam na namin kung saan na kami pupunta, dahil nag-message na si Sir Sol sa pupuntahan namin bago magklase.
Nakarating na kami sa classroom, at pumasok na kami sa loob. Pagkapasok namin ay napansin ko na may nauna sa amin. Nakaupo lang siya sa isang sulok habang naglalaro sa kanyang special device. Sa pagka-alam ko, siya si Spike dahil nakataas ang kanyang hairstyle.
Mukhang naramdaman niya na may pumasok sa loob kaya napatigil siya sa kanyang ginagawa, at napatingin siya sa amin. Habang tinitignan niya kami ay biglang nagsalita si Harui. Lumapit ang ka-partner ko sa kasama namin, at sumunod na lang ako sa kanya.
"Yo, Spike! Ka-group pala kita sa Maneuver, at goodluck sa atin." tuwang sabi ni Harui, at pinalo niya sa likod si Spike.
"Harui, ang swerte mo yata sa partner mo ngayon. Hindi yata sakit sa ulo ang nakuha mo ngayon." sabi ni Spike kay Harui, at natawa na lang ang ka-partner ko sa kausap niya.
Mukhang marami pala akong kaklaseng pasaway sa academy. Puro kalokohan ang alam kaya maraming reklamo ang naririnig ko sa kanila.
"Sino ba ang ka-partner mo ngayon?" pagtatakang tanong ni Harui, at biglang pumait ang mukha ni Spike.
"Si Lilly na maarte," inis na sabi ni Spike.
Halatang ayaw na ayaw ni Spike sa kasama niya, dahil nakasulat sa kanyang itsura. Sabagay, sosyal ang ka-partner niya kaya ganoon ang ugali na may ugaling impakta. Siya pala ang pang-apat na miyembro sa aming klase.
"Ang saklap naman niyan, mukhang mahihirapan ka sa Maneuver class. Comfort sa iyo." sabi ni Harui kay Spike, at pinalo niya ulit sa likod ng kausap niya.
"Oo nga eh, delikado ako sa Maneuver subject ngayon. Siguradong makakakuha ako ng mababang grade kapag by pairs na ang mangyayari. Okay na sana kung ikaw na lang o si Jian ang ka-partner ko, kayo kasi ang maayos na kasama." malungkot na sabi ni Spike kay Harui, at narinig ko siyang nagbuntong-hininga.
Hindi ko alam na medyo okay pang kausapin si Spike kaysa sa iba ko pang kaklase. Kahit nakikipagkompetensya siya sa iba ay namamansin pa rin siya. Hindi tulad ng iba na sobrang snob, at walang pakialam sa mundo.
Magka-acquaintance siguro ang dalawang ito kaya nag-uusap sila ngayon. Sabi kasi sa akin ni Harui na wala siyang kaibigan dito, bukod sa akin. Kaya siguro nag-uusap sila, dahil kumukuha sila ng impormasyon na pwedeng gamitin sa susunod na araw.
"Kamusta pala ang first mission mo?" tuwang tanong ni Harui, at napangiwi na lang si Spike.
"Huwag mo nang tanungin, sobrang sabog lang ang nangyari sa amin. Mabuti na lang hindi ko na kagrupo si Blaire ngayon, baka mission failed kaagad ang makuha sa klase." pagkwekwento ni Spike kay Harui.
May napansin ako kay Spike ngayon, hindi ko akalain na maglalabas siya ng isang matalas na kutsilyo, at sinimulan na niyang paglaruan ito.
"Ang hirap talagang mabuhay kung hindi tayo magkakasundo. Nasa panganib ang buhay natin kapag ganyan ang sitwasyon natin." seryosong sabi ni Harui kay Spike, at nilagay na niya ang mga kamay sa kanyang ulo.
"Sinabi mo pa!" sagot naman ni Spike na hawak pa rin ang kutsilyo, siguro isa sa armas niya sa pakikipaglaban.
Pinagpatuloy na lang nila ang kanilang kwentuhan, at ako ay natatahimik na lang sa kanila. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin sa kanila, at hindi ko rin alam kung kailan ako sisingit sa kanilang usapan.
Ang topic nila ngayon ay tungkol sa resulta ng S.A.E. last week. Ang bitter ng dalawa dahil nakainom sila ng black coffee, joke lang. Ang totoong dahilan ng masamang mukha nila ay dahil kay Zihan.
Siya kasi ang nakakuha ng pinakamataas na level sa S.A.E. at 'yun ang level 30. Samantala naman sina Spike at Lilly ay level 27 naman ang nakuha, sina Yuan, Blaire, at Jian naman ay level 28. Hindi ko inaasahan na sobrang galing talaga ang mga kaklase ko, kaya kailangan ko ring mag-aral nang mabuti para maabutan sila.
Habang nagkwekwentuhan pa rin ang dalawa sa room ay biglang may pumasok sa loob. Si Lilly ang pumasok sa kwarto, at siya na lang ang hinihintay namin sa groupings. Para talaga siyang walking doll kapag nakikita ko siya, masyado kasing perpekto ang physical features at pati ang kilos niya.
Pagkapasok ng last member namin sa loob ay hindi ko inaasahan na biglang binato ni Spike ang maliliit na kutsilyo kay Lilly, patungo sa kanyang mukha. Natakot na lang ako sa nangyari, dahil hindi ko alam kung nasugatan ang perpektong mukha ni Lilly sa nangyari. Pero ayon sa aking nakita ay walang nangyaring hindi maganda sa kanya, nilabas niya kasi kaagad ang armas na pagprotekta sa kanya.
Nadepensahan niya ang kanyang sarili, gamit ang pamaypay na dala niya. Sinangga lang niya ang mga kutsilyong binato sa kanyang harapan, at tumalsik lang ito. Hindi ordinaryong pamaypay ang hawak ni Lilly, dahil isang armas sa digmaan ang hawak niya.
Nang nawala na ang mga kutsilyo sa harapan niya ay sinara na niya ang kanyang pamaypay. At bigla niyang hinagis ito patungo kay Spike pero nakaiwas din si Spike sa kanyang ginawa.
Ang talas naman ng pamaypay na 'yun. Pwede ka nang masugatan kapag dumikit sa balat mo ang bagay na 'yun, nakatusok na lang kasi sa may table ang pamaypay sa sobrang talas. Grabe talaga sa academy, nakakatakot at nakakabigla ang mga kilos ng mga estudyante rito.
"You are such a blockhead, Spike! What are you doing?" galit na sabi ni Lilly kay Spike, at ngumisi na lang si Spike sa reaksyon ni Lilly.
"Nakakairita kasi ang mukha mo, kaya ginawa ko ang bagay na 'yun para hindi ko na makita." pang-aasar na sabi ni Spike kay Lilly. Nakita ko rin na umuusok na si Lilly, dahil sa nangyari kanina.
"Are you crazy? Mas nakakairita kaya ang disguising face mo, ang sarap kaya basagin ng mukha mo na parang vase!" sabi naman ni Lilly na may matinis na boses.
Grabe, umiinit na ang paligid namin dahil sa isang pagtatalo rito. Parang nasa isang battlefield na kami sa ginagawa nila, imbis nasa classroom kami.
"Tama na nga 'yan! Wala namang mangyayari kung mag-aaway kayo! Umagang-umaga, ang tindi ng pangangamustahan niyo!" panenermon naman ni Harui sa dalawa naming kasama.
"Huwag ka ngang makialam sa amin, hindi mo na problema ito!" galit na sabi ni Spike kay Harui. Kinuha naman ni Lilly ang pamaypay niya sa lamesa, at tinago na ito.
Nanlaki na lang ang mga mata ko nang nakita ko ang ginawa ni Spike kay Harui. Hinagisan din kasi si Harui ng isang kutsilyo para tumahimik siya. Mabuti na lang na naiwasan kaagad ni Harui ang kutsilyo, baka may mangyari hindi maganda sa aking ka-partner. Natusok na lang sa isang pader ang kutsilyong hinagis ni Spike, at sumama na lang ang kanyang itsura.
Hindi ko akalain na bi-polar pala itong si Spike. Kanina lang kasi maayos at masaya kausapin si Spike, pero ngayon ay sobrang sungit at mainit ang ulo. Binabawi ko na ang sinasabi ko kanina na matino siyang tao.
"Cool ka lang! Hindi na kasi maganda ang ginagawa niyo, at baka magalit pa ang adviser natin sa nangyari." pangangatwiran naman ni Harui kay Spike.
Nakita ko na lang na masama na lang ang tingin ng dalawa sa ka-partner ko. At ako naman ay parang invisible sa kanila, hindi na nila ako pinapansin. Hindi ko rin inaasahan na pumasok na ang teacher namin sa subject na ito na hindi namin napansin kanina.
"Tama si Harui na magagalit ako kapag pinagpatuloy niyo pa 'yan. Baka bigyan ko pa kayo ng mababang grado kung magkakagulo pa kayo rito. Mas maganda na tumahimik na lang kayo, dahil sa ginawa niyo ay bibigyan ko na kayo ng warning." sabi ni Sir Sol sa amin na may halong pananakot sa kanyang tono.
Wala nang nagreklamo sa amin, at humanap na kami ng upuan para makahanda na kami sa klase. Nang nasa pwesto na kami ay walang nagsasalita sa amin, at nag-aayos na lang ng gamit si Sir Sol sa kanyang table. Lumipas ng ilang minuto ay nagtanong na si Harui.
"Sir, ano na pala ang misyon natin ngayon?" pagtatakang tanong ni Harui, at nakatingin na lang si Sir sa amin na may seryosong mukha.
"Since kilala niyo na ako, hindi na ako magpapaliwanag kung sino ako. Ang misyon niyo na ang pag-uusapan natin ngayon." sabi ni Sir Sol sa amin, at napaubo si Harui, bilang pang-aasar niya.
"Sir, diretsuhan mo na kami sa iyong sasabihin. Wala na akong naiintindihan, gusto ko nang gawin ang ipapagawa mo sa amin." diretsuhan sabi ni Spike na may halong inis.
"I hate waiting!" pananaray naman ni Lilly sa teacher namin.
Ang tapang nila na ganyan ang pinapakita nila sa aming guro, wala siguro silang pakialam sa mangyayari sa kanila.
"Oo na, ang misyon niyo ngayon ay kailangang pumunta sa maliit na bayan ng Byeongsal. May balitang nakuha ngayon na may gustong sumugod sa bayan nila. Isa sa mga dahilan kung bakit sila nag-report kaagad sa Morphemia para humingi ng tulong sa atin." paliwanag ni Sir sa amin, at biglang tinignan niya ang kanyang special device. Mukhang may nag-email sa kanya, o siya ang nagbibigay ng e-mail.
"Sir, sino ba ang susugod sa kanila?" diretsuhan tanong ni Harui na may halong pagtataka sa kanyang mukha.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung sino ang susugod sa kanila. Walang sinabi kung sino ang pupunta sa kanilang bayan sa threat letter na natanggap nila. Hindi talaga sigurado kung isang panloloko ito, o totoo ang sinasabi nito. Pero, posible na ang suspect dito ay ang mga taga-Triste, o ang mga masasamang nilalang na gustong sakupin ang lugar nila. Sabagay, marami nagkagusto sa bayan ng Byeongsal, dahil isa siya sa mga mayamang lugar sa likas na yaman." paliwanag ni Sir Sol.
"Takaw-gulo talaga ang mga tao ngayon, nakakaasar sila!" pagrereklamo ni Spike, at napansin ko na pinaglalaruan na naman niya ang kutsilyo na hawak niya.
"Sir, baka naman isang panloloko talaga ang natanggap nilang sulat na gusto lang silang takutin. Bakit naman magbibigay ng threat letter ang kaaway nila kung pwede na lang sugurin na lang kaagad? Mas madali kung hindi sasabihin ng kaaway na pupunta sila sa Byeongsal, para hindi napaghandaan ng mga taong nakatira sa bayan." paliwanag ni Harui kay Sir Sol.
"Harui, posible ang paliwanag mo, at namangha ako na napansin mo 'yun. Ang gagawin natin ngayon ay kailangan nating imbestigahan kung ano talaga ang nangyayari sa bayan. Kapag hindi totoo ang sulat na nakuha nila ay mas mapapadali ang ating misyon. Kung totoo na may gustong sumugod sa kanila ay kailangan nating gawin ang lahat para maprotektahan ang bayan, at kailangan nating pabagsakin ang mastmermind nito." diretsuhan sagot ni Sir Sol.
"Ah okay Sir," sagot naman ni Harui.
"Oo nga pala, paki-check niyo rin ang special device niyo. May sinend akong e-mail kanina tungkol sa misyon ngayon, nandoon na ang lahat na kailangan niyong detalye." sabi ni Sir Sol sa amin, at nilabas na rin namin ang aming special devices para tignan ito.
Kaya walang tumunog na special devices kanina ay dahil naka-silent mode ito. Bawal kasi ang mga tumutunog na special devices sa oras ng klase, nakakaistorbo ang mga ito.
"Sir, ano na po ang susunod na gagawin namin?" pagtatakang tanong ko sa teacher namin sa aming harapan.
"Pupunta muna kayo sa Activity Center ng school, doon niyo kukunin ang lahat ng kailangan niyo sa ating misyon." sagot ni Sir Sol sa aking tanong.
"Okay, thank you po." sagot ko, at tumingin na ulit ako sa aking special device.
"Sir, saan na tayo magkikita pagkatapos kunin ang mga gamit na kailangan?" tanong ni Spike kay Sir Sol.
"Sa may main entrance na lang tayo magkikita." sagot ni Sir Sol kay Spike at nakita ko na rin siyang nagliligpit ng gamit sa kanyang teacher's table.
"Roger." tugon ni Spike.
"Wala na bang tanong sa akin?" tanong si Sir Sol sa amin.
"Wala po." diretsuhan sagot ko.
"Okay na para sa akin." sagot naman ni Spike.
"None," tipid na sagot ni Lilly.
"Malinaw na Sir." tuwang sabi ni Harui.
"Sige, see you later. Alis na muna ako, may i-rereport lang." pagpapaalam ni Sir at umalis na siya sa kanyang pwesto.
Lumabas na rin Sir Sol sa classroom, at kami rin ay sumunod sa kanya para pumunta sa Activity Center. Pagkapunta na namin sa Activity Center ay kinuha na namin ang adventure kit na pwedeng gamitin sa aming misyon.
Nagulat din ako na binigyan ako ng isang espada sa center, dahil kailangan ko raw ng armas sa misyon para protektahan ang aking sarili. Hindi ko naman daw lagi magagamit ang metamorphosis kapag nagsimula na kaming maglakbay. Hindi na binigyan ang mga kasama ko dahil meron na sila armas na pwedeng gamitin.
Tinignan ko kaagad ang laman ng maliit na bag at ang laman niya ang first aid kit, mga maliliit na armas na kasya sa bag, flashlight, binoculars, at marami pang iba na pwedeng gamitin sa misyon.
Umalis na kami sa Activity nang natapos na naming kunin at tignan ang kit ay lumabas na kami, at pumunta na kami sa aming meeting place. Nang nakapunta na kami sa main entrance ay nakita na namin si Sir Sol, at dito na magsisimula ang paglalakbay namin.
Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko, parang may halong takot dahil first time kong gagawin ito.
Sana maging successful ang first mission namin.
------------------------------------------------------------------
A/N: Thank you for reading!
Enjoy!
Nakakatuwa talaga maging weapon ang pamaypay XD kaya ko siya nilagay sa story dahil naastigan ako at gusto ko rin makakita ng ganoon (mapunta nga sa Japan haha joke!) at naalala ko 'yung usapan ng dati kong kaklase noong high school tungkol sa fans. Ginagamit yata siya sa martial arts tapos weapon din sa Japan at China for battle. (parang ganun, hindi ako sure hahaha XD)
Sorry rin sa maraming typos!
(c) colourfuldayz