Picture ni Rikki sa itaas. :)
Maxine POV
Halos hindi ako makahuma sa nasaksihan ko. Pakiramdam ko ay sumabog lahat ng bulkan sa buong Pilipinas at sinaklaban ako ng langit. Parang gumuho ang aking mundo nang makita ko ang kasintahan ko na may kinamang ibang babae.
"Maxine!", nagulat pa si Chris nang makita ako.
Nandiri ako sa kanya. Nakahubad pa siya na lalong nagpadiri sa'kin.
"Babe. Chris. 'Wag mong tigilan. Hayaan mo nga siya!", malanding sabi ng babae.
Aba't ang kapal naman ng mukha ng malanding 'to! Shit ka! Kaagad ko silang tinalikuran at nagtatakbo.
"Maxine wait! Max!", hinabol pa ako ni Chris. Nandidiri talaga ako sa kanya.
Tumakbo pa ako ngunit naabutan pa rin ako ni Chris. Nahawakan niya ang braso ko.
"Maxine please! Let me explain!"
*PAAAKK*
Sinampal ko lang naman siya nang napakalakas.
"Ang kapal ng mukha mo! After all these time, niloloko mo na pala ako! Walang hiya ka!", halos maiyak na ako sa sobrang galit ko.
"No Max! No! Please let me explain!"
"Shut up! Explain mo 'yang mukha mo gago ka! Magsama kayo ng malanding babae mo! Pakshet ka!", tapos sinampal ulit siya. Malutong 'yun at sabog ang mukha niyang singkapal ng Guiness Book of Records.
Iniwan ko siya at pumasok na ako sa loob ng kotse ko. Pinaandar ko 'yun dahil baka sundan na naman ako ng manlolokong lalakeng 'yun.
Habang nagda-drive ako ay hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Shit! Niloko niya ako! Niloko ako ng lalakeng inakala kong magiging forever ko. Pakshet siya! AQng sarap niyang inudnod sa inidoro kasama nong malanding babaeng ka-churvanes niya. Bwiset! Mamatay sana kayong dalawa habang nagdyi-jerjer kayo! Pakyu!
Hininto ko muna ang kotse ko sa kung saan. Out of nowhere ay sumigaw ako dahil sa sobrang inis ko. Magkahalong inis at galit ang feeling ko ngayon. Ang sakit-sakit pala sa pakiramdam na niloloko ka.
"Mga hayop kayo!", napahagulhol ako ng iyak at sigaw.
Nagpatuloy ako sa pagda-drive at pupunta ako ngayon ng bar. Kailangan kong makalimot.
~~
I'm here now at Alasagas Bar. Namumugto na ang mata ko sa kakaiyak dahil sa kahayupang ginawa sa'kin ni Chris. Walang hiya talaga siya! Ang kapal talaga ng mukha! Pumunta ako doon sa may counter at naupo sa may bakanteng stool doon.
"One vodka please. 'Yung pinakamatapang.", nag-order ako.
Kaagad namang sumunod 'yung bartender ba 'yun or what. After a few minutes ay dumating na rin ang alak.
Tumungga ako ng isang baso. Napangiwi ako dahil sobrang tapang niya. Hindi pa naman ako sanay na uminom. Ah! Ang init sa katawan!
Tumungga pa ako nang tumungga. Hindi ko naman mapigilan ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. Nabibwiset talaga ako eh. Minahal ko si Chris with all my heart pero 'yun lang pala ang gagawin niya sa'kin! Malandi talaga siya! I so hate him! Psh!
Sa kakatungga ko ay hindi ko namalayang naubos ko na pala ang laman ng bote.
"Waiter *hik*.... Ishang bote pa ng vodka pleasshhh..", hayun, lasing na nga talaga ako.
Sumunod naman 'yung waiter at kaagad na binigay ang order ko. Tutungga ako ng maraming vodka. Magpapakalunod ako ngayon sa alak. Wala kayong pakialam! Psh!
Hindi ko pa nga natutungga ang isang baso nang may biglang humawak sa kamay ko para pigilan ang pag-inom ko.
"Max! Tama na 'yan. Anong ginagawa mo dito ha?", familiar sa akin ang boses ng lalakeng 'to.
"Ano ba! Wala kang pakialam!", sigaw ko sa epal na lalakeng 'to saka pilit na nagpumiglas para mabitawan niya ang kamay ko.
"Maxine ano ba! Tama na 'yan! Ano bang problema mo ha!", sigaw sa'kin ng lalakeng 'to.
O___O
Si... Si... Si Sir Rikki ba 'to?
"S-Shir Rikki?", kino-confirm ko lang. Medyo nahihilo na talaga ako eh.
"Ako nga 'to. Tama na 'yan. Please. Ano bang nangyayari sa'yo?", tanong niya.
Tapos hindi ko mapigilan ang mapahagulhol ng iyak.
"Manloloko siya! Ginawa niya akong tanga!", napahagulhol ako ng iyak. Hindi ko namalayan na nakayakap na pala ako sa kanya. Then the next thing I knew is blank.
Rikki POV
Nandito ako ngayon sa bar na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan ko na si Kenji. Nagkayayaan kasi kami na uminom dito sa bar niya. Kakauwi lang kasi nina Kenji at ng asawa nito galing Japan. Tinawagan kasi ako ni Lyndon kaya pumunta na rin ako dito.
Nang makarating ako ng bar ay kaagad akong sinalubong ni Landon kasama si Terrence. Nasa loob na raw sina Lyndon, Nico, Earl, Albert, Jolrean at ang girlfriend nito, at si Kenji at ang asawa nito.
"Yow! Kumusta na mga brad!", kaagad kong salubong sa kanila.
We shake hands. Matagal rin kaming hindi nagkita-kita simula no'ng magkatrabaho kami. Ito na 'yung best time na magka-bonding kaming lahat.
"So, kumusta nga pala kayo dito?", tanong ni Kenji habang nakaakbay sa asawa niyang si Meghan.
"Well, okay lang naman. Na-miss ko kayo ha.", sabi ni Lyndon.
"Buntis si Meghan?", naitanong ko.
"Yeah. Three months pregnant siya sa panganay namin.", proud na wika ni Kenji.
"Yes. May pamangkin na rin ako!", hiyaw ni Nico. Kapatid kasi niya si Meghan.
"Pati si Claire. Buntis na rin.", sabi ni Landon. Ang tinutukoy niya ay ang asawa ni Jolrean.
Nagulat kaming lahat.
"Seriously, Claire?", kaagad kong naitanong.
"Yeah. Magwo-one month na.", sabi ni Claire.
"'Yan. Hanep. Paligsahan pala kayong dalawa ha." natatawang sabi ni Lyndon.
"Tayo kaya Lyndon? Kailan tayo magkakaroon ng anak? Tara, gumawa na nga tayo ng baby--AWWW!", si Nico na kaagad hinampas ni Lyndon ng menu sa ulo.
"Letse ka talaga! Heh! Hindi ako mabubuntis hahaha!
Napakamot naman sa ulo niya si Nico. Nakakatwa lang.
"Kami ni Landon, gagawa yata kami mamaya ng baby sa condo unit niya--ARAY! MY FOOT!", si Terrence na biglang napahiyaw dahil inapakan yata ni Landon ang paa niya. Hahaha. Mga pasaway talaga.
"Eh ikaw Rikki, may girlfriend ka na ba?", naitanong sa'kin ni Earl. Isa pa 'yang walang girlfriend eh hehehe.
"Ako? Wala pa nga eh. I'm single but not available.", sabi ko.
"Wooh!"
"Grabe. Sino kaya ang lucky girl na 'yan?"
Hindi lang nila alam na si Maxine ang tinutukoy ko. Sabagay, hindi pa naman nila kilala si Maxine. Soon, makikilala rin nila. Ipapakilala ko lang si Maxine kung magiging girlfriend ko na siya ahehehe.
'Teka?", si Terrence.
O_o
"Rikki. 'Di ba si Maxine 'yun?", si Terrence na itinuro ang isang babae doon sa may counter na nakaupo at parang lasing na lasing na.
Kaagad naman akong napatayo upang tingnan. Hindi kalayuan ang counter sa kinauupuan namin kaya na-confirm kong si Maxine nga.
Anong ginagawa niya diyan at bakit siya nagpapakalasing?
"Guys. Sandali lang ha.", pagpapaalam ko sa kanila.
Kaagad kong nilapitan si Maxine doon sa counter. Hala, nag-order pa pala siya ng isang vodka. Lasing na lasing na kaya siya. Bago pa man niya mainom ang laman ng baso ay kaagad kong hinawakan ang kamay niya.
"Max! Tama na 'yan. Anong ginagawa mo dito ha?", sabi ko habang nakahawak sa kamay niya.
"Ano ba! Wala kang pakialam!", sigaw niya saka nagpupumiglas. Ano bang problema ng babaeng 'to?
"Maxine ano ba! Tama na 'yan! Ano bang problema mo ha!", sigaw ko sa kanya.
Kaagad naman siyang lumingon sa gawi ko. Mapungay na ang mga mata niya.
"S-Shir Rikki?", lasing na nga.
"Ako nga 'to. Tama na 'yan. Please. Ano bang nangyayari sa'yo?", tanong ko. Nag-aalala ako para sa kanya.
Tapos no'n ay napahagulhol siya ng iyak. Shit! Ayoko siyang nakikitang umiyak. It breaks my heart.
"Manloloko siya! Ginawa niya akong tanga!", narinig kong sabi niya.
Don't tell me niloko siya ng boyfriend niya? Fuck! Mapapatay ko ang lalakeng 'yun! Ang kapal naman ng apog niya upang lokohin ng ganito si Maxine! Babasagin ko ang mukha ng lalakeng 'yun. Tch!
Nakayakap na pala si Maxine sa'kin. Tapos maya-maya pa ay bigla siyang natahimik.
"Max? Maxine?", tawag ko sa kanya. Inaalog ko siya.
Ay kaya naman pala tahimik dahil nakatulog pala. Naku? Anong gagawin ko sa kanya?
Aish!
A/N: READ, VOTE, AND COMMENT :)