Everlasting

By youngkyongji

42.8K 787 39

Hanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa? More

Prologue
Kabanata 1: Changes
Kabanata 2: Angry
Kabanata 3: Really Mad
Kabanata 4: Kissmarks
Kabanata 5: Offer
Kabanata 6: Nahihiya
Kabanata 7: Anything She Wants
Kabanata 8: Someone from the Past
Kabanata 9: Mapusok
Kabanata 10: Worried
Kabanata 11: Desire
Kabanata 13: Scared
Kabanata 14: Parting
Kabanata 15: Separate Ways
Kabanata 16: Unsual
Kabanata 17: Imposible
Kabanata 18: Drunk Call
Kabanata 19: Confess
Kabanata 20: Home
Kabanata 21: Baby
Kabanata 22: Special Friend
Kabanata 23: Dirty Things
Kabanata 24: Unbearable Thoughts
Kabanata 25: Drunk
Kabanata 26: Underestimate
Kabanata 27: Genuine
Kabanata 28: Unplanned Plan
Kabanata 29: Surprise
Kabanata 30: Wasted Time
Kabanata 31: Strugggle
Kabanata 32: What He Wants
Kabanata 33: Lies
Kabanata 34: Outcast
Kabanata 35: Escape
Kabanata 36: Faint and Vomit
Kabanata 37: Possibilities
Kabanata 38: Pain
Kabanata 39: After All
Kabanata 40: One Month
Epilogue

Kabanata 12: Preoccupied

769 16 2
By youngkyongji

Matapos ang tatlong araw na pananatili ni tito Gilbert sa ospital ay pinauwi narin siya ng doktor. Mabuti naman at maayos na ang kalagayan niya. Kailangan lang niyang ipahinga ang sarili at sabi ng doktor na kung maari sana ay huwag siyang magpapagod dahil nakakasama 'yon sa puso niya.

Naligo ako matapos tulungan ang mga kasambahay sa paghahanda ng hapunan. Nang matapos maligo ay kinuha ko ang aking phone at rineplyn ang mga mensahe galing kay papa at Berny.

Ako:
Opo pa, bukas po siguro ang uwi namin dahil maayos na ang lagay ni tito Gilbert.

Ako:
Congrats! Mabuti naman at natanggap kayo sa Kahuna :)

Linapag ko ang aking phone at sinuklay ang buhok ko. Mabuti pa si Berny at Carmina ay wala nang proproblemahin sa OJT nila. Samantalang ako ay hindi pa nakakapag desisyon. Bumuntong hininga ako at muling kinuha ang phone ko. Binuksan ko ang mensahe ni Eyrone kahapon.

Eyrone:
Good morning, Odessa. Sorry to disturb you pero nakapagdesisyon ka na ba? Pinapatanong kasi ng tita ko para maayos na ang schedule para sa OJT ninyo. I need your decision asap.

Nagtipa ako ng mensahe ngunit kaagad ring binura pati narin ang mensahe ni Eyrone. Hindi ko pa nasasabi ang bagay na ito kay Carlos. Kinakabahan kasi ako dahil mainit ang dugo noon kay Eyrone. Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon. Nginitian ko si Carlos na kaagad namang umupo sa tabi ko. Nginitian niya ako ng pilit at hinawakan ang kamay ko.

Kinakabahan nanaman ako. Pinatawag kasi siya ni tito Gilbert at mukhang may binilin ang daddy niya sa kanya. Kinakabahan ako sa kung ano man ang pinag-usapan nila. Puno din kasi ng pag-aalala ang mukha ni Carlos.

"Inaantok ka? Gusto mong matulog muna?" ani ko ng humikab siya ngunit tanging iling lang ang sagot niya at yinakap ako ng patagilid. Pinahinga niya ang kanyang ulo sa leeg ko.

"You smells good." may kung anong kuryente nanaman ang dumaloy sa katawan ko ng dampian niya ang leeg ko.

"Ano'ng pinag-usapan ninyo ng daddy mo?" pang-iiba ko sa usapan.

"About business, Odessa."

"Ganoon ba," sagot ko at naibagsak ang balikat ko. Mukhang napansin naman niya ang tinuran ko kaya humiwalay siya at kinunutan ako ng noo.

"Why? Bakit parang ang lungkot mo?" umiling ako.

"Hindi a! Masaya nga ako at ayos na si tito."

"Daddy and mommy, I told you to call them mommy and daddy." ngumuso ako. Nakakahiya parin naman kasi kung tatawagin ko sila ng ganoon lalo pa at hindi pa naman kami kasal.

"Huwag muna natin 'yong pag-usapan. Ipapahawak ko muna ang kompanya sa mga pinsan ko sa mother side. Come, nagugutom na ako."

Nagpahila ako sa kanya at hindi na pinansin ang sinabi niya. Naiinis ako sa hindi malamang dahilan. Hindi man niya sabihin ay alam ko ang pinag-usapan nila ng daddy niya. Syempre at baka kinukumbinsi niya si Carlos na siya na ang mamahala sa kompanya nila.

Naiinis ako sa sarili ko dahil alam kong ako ang dahilan kung bakit ayaw sundin ni Carlos ang parents niya. Nahihiya tuloy akong humarap sa kanila sa hapag dahil baka ako ang sisihin nila. Matigas lang kasi talaga ang ulo ni Carlos na pati ako ay hindi niya pinapakinggan minsan.

Pagkababa namin ay nadatnan namin si Trixie at Jackson na naglalagay ng plato sa lamesa. Nagtanguan si Carlos at Jackson samantalang si Trixie ay nginitian niya ako.

"Where's mom and dad?" ani Carlos at sakto namang sumulpot si tita at tito.

"Oh, nandiyan na pala kayo, let's eat." ani tita Theresa at inalalayan ang asawa niya.

Magkatabi kami ni Carlos habang si Jackson at Trixie naman ay katabi si tita. Si tito ang nasa sentro ng hapag. Linagyan ko ang plato ni Carlos ganoon din ang akin.

"Saan kayo galing, Trixie?" tanong ni tito ngunit si Jackson ang sumagot.

"Pumunta po kami sa dati naming bahay at dinalaw 'yong mga kaibigan ko noon."

"That's good. I'm glad at hindi mo parin sila nakakalimutan." nakangiting sagot ni tito.

"You want juice?" nabaling naman ang atensyon ko kay Carlos ng bumulong siya. Tumango ako. Linagyan niya ng juice ang baso ko at nagpatuloy sa pagsasalita si tito.

Nakinig lang kaming tatlo sa kanila ni Jackson. Mukhang interesado si tito sa buhay nito dahil seryoso ito na para bang hinihingi na ni Jackson ang kamay ni Trixie.

"So, dati pa lang gobernador ang papa mo? How come na naghihirap ka noon, iho?"

"Actually, hindi ko po alam na dating gobernador ang papa ko. Nalaman ko lang iyon ng makilala ko na ang Ortega. Iyong mama at papa ko po dito sa Manila ay hindi sila ang tunay kong magulang. Naaksidente kasi ako noong bata pa at ang alam nila ay namatay ako sa aksidente." paliwanag niya. Sinulyapan si Trixie at hinawakan ang kamay nito.

"How's your life with your new family? Mabuti naman at hinayaan na nila kayo nitong anak ko." sa sinabing 'yon ni tito ay napatigil si Trixie.

"Ayos lang po. Nahirapan akong mag adjust noong una pero okay na kami ni papa. Actually, gusto niya po kayong makita ni tita. Papa wants you to come with us. Kung ayos lang po sa inyo ay ipapasundo kayo ng tauhan ni papa kung kailan ninyo gusto. The Ortegas wants to meet you."

Nang matapos kumain ay dumiretso kami ni Carlos sa kwarto. Binagsak niya ang sarili sa kama at yinakap ang unan. Sinundan ko naman siya at umupo sa tabi niya. Hinaplos ko ang buhok niya kaya naman napadilat siya ng mata. Hinuli niya ang kamay ko at dinala 'yon sa mukha at labi niya.

"I'm sleepy. Matutulog muna ako, babalik na tayo mamaya sa probinsya at nakaligtaan na natin ang klase. Come here, sleep beside me. " imbes na sundin ko ang sinabi niya at kinurot ko ang ilong niya.

"Mamaya na. Ihahanda ko lang ang gamit natin. You sleep well, okay? Mag dadrive ka pa mamaya." tumango siya at bahagyang bumangon. Hinalikan niya ako ng mariin.

"I love you,"

"I love you too."

Puspusan ako sa paghabol sa klase ng dumating kami. Apat na araw din kaming nawala at madami akong na missed. Halos hingin ko narin ang ilang soft copy sa mga professor ko may mapagreviewhan lang ako sa nalalapit na final. Tinali ko ang aking buhok at inayos ang gamit ko sa bag.

"Mabuti naman at umuwi na kayo! Naku, ang dami mong ihahabol na requirements, Odessa. Nextweek na ang deadline." ani Carmina.

"Ayos lang saakin 'yon, ang mabuti ay nadalaw namin si tito ng atakihin siya sa puso." sagot ko at sumipsip sa inumin ko.

"Napaano ba tatay ni Trixie?" segunda ni Berny.

"Puspusan kasi sa trabaho si tito, napagod hindi nakayanan ng katawan niya kaya ayon at inatake." napabuntong hininga ng maalala nanaman ang sitwasyon ni tito. Although okay na siya ay nag-aalala parin ako. Nag-aalala ako sa kompanya nila.

Naghaharumentado nanaman ang puso ko sa kaba. Gusto kong maging responsable si Carlos. I want him to face his obligation. Ang tunay niyang magulang ang may-ari noon. Nasa tamang edad na siya at alam kong kaya na niyang ihandle ang business nila. Kakausapin ko na siya mamaya at kukumbinsihin na manatili muna siya sa Manila.

Nang sumapit ang hapon ay dumiretso ako sa building nila Carlos. Hindi pa man ako nakakalapit ay tanaw ko na siya sa second floor kasama sila Derrick. Dumaan ako sa kabilang gate at pinuntahan sila. Napahinto ako ng makitang seryoso ang mukha nila at may kung anong pinag-uusapan. Nakatalikod saakin si Carlos kaya naman hindi niya ako kita.

"Nakapagdesisyon kana, pare? Nagpasa ka na ba ng letter sa PLDT? Malapit na ang OJT." anas ni Derrick.

"Hindi pa, mag dadrop ako bukas." umawang ang labi ko at nanlaki ang mata sa narinig. Did I heard it right? Magdadrop siya sa klase? Pati mismo si Derrick ay nagulat sa sinabi niya.

"Bakit? Konting hakbang na lang gagraduate na tayo."

"Kailangan ko ng harapin ang kompanya. May sakit si daddy at kailangan niyang magpahinga. Hindi na ako magtutuloy sa pag-aaral. Ang inaalala ko lang ay si Odessa. Ayoko siyang iwan dito habang nasa Manila ako. Fuck! I can't!"

Parang nawalan ako ng dugo sa mukha sa narinig. Nanginig ang tuhod ko dala ng matinding kaba at tulalang napatitig sa likod niya. Kung ganoon ay tama ang naisip ko. Iyon ang pinag-usapan nila ni tito. Naibagsak ko ang aking balikat at kinalma ang sarili. I need to stay calm. Dahil kung ipapakita kong nalulungkot ako sa pag-alis niya ay mas lalo siyang hindi aalis. Ayokong maging hadlang ako sa pangako niya sa tunay niyang magulang bago sila namatay.

Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko. Tumikhim ako upang mawala ang nakabara sa lalamunan ko bago sila nilapitan.

"Hi!" bati ko at nginitian sila na parang wala lang iyong narinig ko kanina. Napatayo si Carlos at nanlaki ang matang tumingin saakin.

"Odessa, kanina ka pa?" umiling ako at hinalikan ang pisngi niya.

"Kararating ko lang. Hi, Derrick!" ginulo ko ang buhok niya at tumawa ng mahina. Hindi ko dapat ipahalata na alam ko na ang plano niya. Na iiwan niya ako dito sa probinsya.

"Una na ako, may pupuntaha pa ako. Bye, Dess." kinindatan niya ako at tinapik ang balikat ni Carlos bago tuluyang umalis. Binaling ko ang tingin kay Carlos na ngayon ay nakatitig saakin.

"What?" natatawa kong tanong. Bumuntong hininga siya at hinapit ang katawan ko papalapit sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi upang huwag sumimangot. Ngayong hindi pa man niya sinasabi saakin ang plano niya ay nalulungkot na ako. Paano na lang kung tuluyan na siyang umalis.

"Nothing. Labas tayo? Saan mo gustong kumain?" tanong niya at hinalikhalikan ang pisngi ko. Uminit naman ang mukha ko sa ginawa niya lalo pa at nakatingin saamin ang ilang nandito.

"Midway Grill?" nginitian niya ako ng matamis at muling hinalikan ang pisngi ko.

"Okay. Midway Grill tayo."

Hinila niya ako paalis ng building nila at pinagbuksan ako ng pinto pagkarating namin sa tapat ng sasakyan niya. Pinanood ko siyang umikot papunta sa tabi ko.

Paano na lang kung wala na siya? Sino ang maghahatid at susundo saakin? Sino ang kasama ko sa pagkain at katabi sa pagtulog? And worst, paano kong may makilala siyang ibabang babae sa Manila. Paano kong may makilala siyang mas maganda saakin. Hindi ko siya maalagaan at paano kong ibang babae ang gagawa noon sa kanya?

God. Iniisip ko pa lang ay sumisikip na ang dibdib ko. Kaya ayaw ko sa long distance relationship dahil kung ano ano na lang ang naiisip ko. Baka iyon pa ang maging dahilan at hindi ako makapagconcentrate sa OJT.

"Anong iniisip mo?" You're too preoccupied, Odessa." nabalik ako sa katinuan ng hawakan ni Carlos ang kamay ko. Umiling ako at ngumiti ng pilit. Mahal na mahal ako ni Carlos at alam kong hindi niya iyon magagawa saakin.

"Wala, iniisip ko lang iyong nalalapit na exam."

Pagkapasok pa lang namin sa Midway Grill ay pinagtinginan na kami ng mga nandito. Puro sila studyante lalo pa at katapat lang nito ang SLC. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang ilang babaeng nakatitig kay Carlos. Paano kong ganito rin ang titig nila kay Carlos sa Manila habang wala ako sa tabi niya? Napailing ako sa naisip. Naprapraning nanaman ako.

Pinanghila niya ako ng upuan ng makahanap kami ng pwesto. Umupo siya sa harapan ko. Magtatawag pa lang sana siya ng waiter ng biglang may sumulpot na lalaki sa harapan namin. Kumunot ang noo ko titigan niya ako.

"Hi Odessa!" mas lalong kumunot ang noo ko. Bakit niya ako kilala?

"Who are you? Ano'ng kailangan mo sa fiance ko?" maawtoridad ang boses na sabi ni Carlos at iritado ang mukha niya sa lalaking ito.

"Francis, ako iyong kalaban mo noon sa baking contest noong highschool." tumaas ang dalawang kilay ko na para bang namamangha at tumawa ng mahina. Naalala ko, siya rin iyong lalaki noon sa Manna Bakeshop na kaibigan ni Eyrone! Nawala ang ngiti sa labi ko sa sumunod niyang sinabi.

"Nakapagdesisyon kana? Tinitext ka daw ni Eyrone pero hindi ka nagrereply. By the way, kasama ninyo ako ni Eyrone sa OJT sa Thunderbird." imbes na sumagot ay mabilis akong napatingin kay Carlos.

Nagharumentado nanaman ang puso ko ng titig na titig siya saakin. Tiim ang bagang niya at gumagalaw ang panga niya at nagpipigil ng galit.

Continue Reading

You'll Also Like

15.2M 581K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
72.3M 593K 24
Ready to say goodbye?
DADS (R-18) By IamSlady

General Fiction

670K 1.6K 51
THIS IS MY ORIGINAL STORY WRITTEN A FEW YEARS AGO. ALL RIGHTS RESERVED. THIS IS NOT AN INCEST STORY!!! Five girls who have been friends for a long t...
145K 4.4K 36
[BxB | Mature] COMPLETED
Wattpad App - Unlock exclusive features