"Beshy!! San ka pupunta ??" tanong sakin ni Ashley, she's my bestfriend since 1st year high school, and we're seniors already, kaya malayo.layo narin ang naabot ng friendship namin.
"Uuwi nako, ikaw?"
"Naghihintay si John sa gate, sabay kaming uuwi" sabi niya na sobrang tuwa. John is her boyfriend, 1 year na sila, ang ganda nga ng relationship nila eh, nakakainggit minsan.
Nung nakarating kami sa gate, nandun nga si John.
"Hi vanilla" bati ni John kay Ashley, nasa ibang school kasi si John nag.aaral, kaya sa labas ng gate lang siya pwedeng maghintay.
"Hi sugar" lumapit naman si Ashley sa kanya at nag kiss sa cheeks niya.
"Oh, hi Nadine" bati sakin ni John. At nag smile siya. Nag.smile din ako.
"Beshy, sabay kana samin" sabi ni Ashley sakin.
"Wag na, kaya ko namang umuwi mag.isa, tsaka, malapit lang naman yung bahay namin."
"Sure ka ??"
"Oo naman" sabi ko at nag smile for assurance na ok lang talaga ako, ayoko naman magiging sagabal sa kanila noh, baka ma O.P. lang din ako.
"Sige, alis na kami ha, ingat ka Beshy" nag wave siya sakin
"Ingat din kayo" nag wave lang din ako at nagsimula nang maglakad pauwi.
I'm Nadine Louise Aragon, 15 years old. Running valedictorian ng school namin. I'm an introvert person, I don't like partying ,I'm always silent, I only talk when it's needed, I am the president in the student council. I don't have group of friends, si Ashley lang yung bestfriend ko, and we are totally opposite. She is very noisy, she talks a lot. And she doesn't like studying. Mahilig siya sa mga kikay stuff, while me, I only put powder on, nothing more.
Nung nakarating ako sa bahay, I saw my kuya, sitting on the couch while watching TV.
"Kuya!! You're here, ooh , I missed you" I immediately hugged him tight.
"Louise, na miss mo na ako agad?? Parang last month lang tayo huling nagkita ah." Sabi nya habang ginugulo yung buhok ko.
sa Cebu kasi siya nag.aaral ng college, gaduating na rin siya and he is also a running cumlaude, he is taking Computer Science.
"Bakit napauwi ka yata ngayon kuya?? " nagtaka lang ako kasi last month lang siya umuwi tapos umuwi na naman siya.
" ayaw mo ba ako dito ?? Siguro, may boyfriend ka na noh ?? At ayaw mong mahuli kita,"
" kuya, wala noh, behave ako," sabi ko habang naglalakad papuntang kitchen para kumuha ng malamig na tubig.
" mabuti naman kung ganun, bunso ha, bawal yun, wag munang mag boyfriend-- "
" yeah, yeah. Mag.aral munang mabuti, I heard that a couple of times already. Aye sir!!"
" good"
Umakyat ako sa kwarto ko para magbihis at bumaba ulit.
" kuya, nasan si mommy ?? "
" nag withdraw lang sa banko bunso, tsaka nag grocery na rin. "
" okay " umupo nlang ako sa tabi ni kuya at nanood narin ng TV .
Nung na.bore na kami, nag laro nlang kami ng PS2 ni kuya. Mortal Combat yung favorite namin laruin.
Grabe ang daya niya. Bakit siya parati ang nananalo ?? Ika 20 na naming game to, wala mn lang akong panalo kahit isa. Kahit sinong character gamitin niya, panalo talaga.
"Ayoko na!! Ang daya !! Wala man lang ako kapana.panalo"
Tumawa naman si kuya.
"Hahahaha. Bunso, hindi ako madaya, ang sabihin mo, mahina ka lang."
"Eeeeh. Ako ?? Mahina ?? Sige , ibang game tayo. Mario Kart, tingnan natin kung sinong mahina. "
" hahaha. Sige ba, ayaw mo talagang sumuko eh. "
Nung nag start na yung race nauna ako, si peach yung character ko, si yoshi naman sa kanya .
"Woooh!! Nauna ako, come on, come on !! Habulin mo ako kuya. "
Nung natapos yung race, 1st ako at 3rd siya. Ha!! Ano ka ngayon.
"Yes!! Panalo ako!! Panalo ako!! Panalo ako!!"
"Hahaha. Wag kang magpakasaya bunso, pinagbigyan lang kita. Naawa ako sayo eh. " aba't... Ganun ?? Kainis ha.
"Haa!! Ang dami mong excuse kuya, talo ka na !!"
"Mahina ka pa rin"
"Eeeh. Hindi kaya!!"
Biglang nagbukas yung pinto, si mommy pala, may dala.dala siyang plastic.
"Mommy!!" Tumayo kami ni kuya at sinalubong siya at nagmano kami.
"Ano naman yang bangayan na yan, ha ?? "
"Wala mom, nag laro lang kami."
" okay"
Nag.volunteer na akong magluto kasi pagod na si mommy.
Nag dinner lang kami nung gabing yun.
Wala yung daddy ko kasi nasa Australia siya, engineer siya doon, nag vi.video call lng si daddy kung may time siya.
****
Nandito kami ngayon sa gym, pinapatawag kasi lahat ng 4th years/seniors.
" ok, 4th years. Nandito kayo ngayon para mag practice para sa graduation niyo,"
Ayy oo nga pala, January na, at sa April yung graduation namin.
Pagkatapos kaming bigyan ng copy nung graduation song at ng hymn, pinabalik na kami sa classroom, dahil lunch break na.
Absent siguro si Ashley ngayon kasi kanina ko pa siya hindi nakikita. Bakit kaya ??
Pumunta ako mag.isa sa canteen.
Habang kumakain ako, may biglang dumating at naki.upo sa harap ko.
"Pwedeng umupo dito Ms. Genius??" sabi ni Derek, siya yung running salutatorian. Hindi ko talaga classmate kasi nasa section 2 siya , siya yata yung top 1 dun.
"May magagawa pa ba ako?? Naka.upo ka na oh. " pagtataray ko.
" taray " sabi niya habang nakangiti.
Hindi talaga ako sanay makipag.usap sa mga lalaki.
Tahimik lang kaming kumain, hindi na rin kasi siya nagsalita. Nung natapos akong kumain, dumeritso ako sa Student Council Office. Nandun yung adviser namin at yung secretary.
"Nadine, tingnan mo nga kung okay na ba tong souvenir program para sa graduation." Tanong sakin ni Chelsea.
" medyo ang gloomy nung kulay, why don't you try the navy blue, it looks better" sabi ko at nag smile.
"Oo nga noh. Thanks."
Umupo ako doon sa may gilid at naghalungkat nalang sa phone ko. Wala pa namang time eh. Nung napagod ako kakapindot nung phone ko, nag.lean nlang ako sa desk.
"Nadine " nung may narinig akong tumawag sakin, inangat ko yung ulo ko. Si Ma'am Sheila pala. Galing pala siya sa CR kaya pala nawala siya kanina.
"Ma'am??"
" alam mo bang may possibility na hindi mapunta sayo yung pagiging valedictorian??" Whut??
"Po??, bakit naman??"
" as we have seen sa mga records, mas maraming extra curriculars na nasalihan si Mr. Salazar kaysa sa'yo" no way. Si derek?? I have to do something.
"Ano po bang pwede kong gawin??"
"Well, may gaganaping scrabble tournament this february, pwede kang magrepresent sa section natin, yun nga lang makaklaban mo si Mr. Salazar kasi siya ang magrerepresent sa section 2."
"What if, matalo ko po siya??"
"Kung ikaw ang magiging champion, no doubt, ikaw na talaga ang hihiranging Valedictorian"
"I'll do it. Ako ang magrerepresent sa section natin"
"Ok, then. Ipapalista nalang kita kaagad"
"Thank you po ma'am sheila." Nag smile lang siya sakin.
Nag ring naman yung bell, bilang signal na time na, kaya pumasok na ako sa classroom namin.
Wala pa rin si Ashley, absent talaga siya.
After few hours , uwi.an na rin. Papunta ako ngayon sa locker ko para iligpit yung mga gamit ko. Pagkatapos ay dumeritso ako sa Student Council Office. Tinulungan ko sila sa mga gagawin, marami kasi kaming aasikasuhin since malapit na ang graduation.
***
Lumipas ang ilang araw, february na rin, next week na yung scrabble tournament. Practice ako ng practice. Hindi ko pa rin nakikita si Ashley, tinext ko siya pero sabi niya may inasikaso lang daw siya. Pagkatapos nun hindi na siya nagrereply. Gusto ko sanang tanungin si John kung nagka.usap ba sila pero hindi ko naman nakikita yun, magkaiba kasi kami ng school. Plano ko rin siyang puntahan si Ashley sa bahay nila pero busy naman ako this past few days.
Ano na kaya nangyari kay Beshy?? Mabuti nalang hindi nq matino yung klase kasi puro practice nalang. Na miss ko na talaga yung babaeng yun.
Nandito na naman ako sa canteen at kumakain mag.isa. wala akong gana kumain, namiss ko yung Beshy ko.
"Nakakamiss ka rin pala Beshy, ang tahimik pag wala ka" sabi ko sa chopseuy habang tinusok.tusok ko ito.
"Na miss din kita Beshy" huh?? teka, nagsasalita yung gulay?? Nabitawan ko yung tinidor ko. Nung inangat ko yung ulo ko, nakita ko si Ashley, nakatayo sa sa harap ko.
"Beshy!!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
" uhhmm . Beshy, I can't breath," sabi nya sa mahinang boses.
"Ayy , sorry, sorry Beshy, namiss lang talaga kita" kumawala narin ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Hindi nga halata Beshy " sabi nya in a sarcastic voice
" saan ka kasi nagpunta ha?? Hindi ka man lang nagtext"
" mamaya ko na iku.kwento sayo, kumain ka muna diyan ng maayos, ok?? At may mahala akong sasabihin sayo."
Kumain nalang din ako. Pagkatapos kong kumain ay nagpunta kami sa likod ng elementary building kung saan may mini playground.
Umupo kami sa swing. Ang dami kong kinuwento sa kanya, yung tungkol sa scrabble tournament na sasalihan ko at yung tungkol sa pagiging valedictorian na pwedeng mawala.
"Galingan mo sa scrabble Beshy ha, talunin mo si Derek."
" Oo naman, title ko ang nakataya dito."
"Hahaha. Alam ko namang kaya mo eh, at saka, kung si Derek yung magiging valedictorian, I'm sure dahil lang yun sa mga extra curriculars na sinalihan niya, dancer ba naman tsaka boys scout"
"Oo nga, pero teka Beshy, ano nga pala yung mahalagang sasabihin mo sakin??"
"Ahh. Yun ba?? Eh, kasi Beshy, yung sakit ni mommy lumalala, kailangan na siyang ma.operahan kaagad." Nakayuko siya at nilaro.laro yung mga daliri niya.
" tapos?? "
"Ipapagamot namin siya sa states, actually, matagal na yung naasikaso ng uncle ko na nasa states."
"So, it means, dadalhin niyo si tita sa states??"
"Oo, at saka, dun na rin ako magka.college."
"WHAAT??" Napatayo ako sa gulat nung sinabi niya yun. Teka, mali naman yung narinig ko diba??
"Beshy..." Umiiyak na siya..
"Kailangan ba talaga dun ka mag.aaral Beshy??" Parang anumang oras tutulo narin yung mga luha ko.
"Oo eh. Yung uncle ko kasi nagplano ng lahat ng ito"
Lumuhod ako sa harapan niya, hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi.
"Beshy, ok lang yan, babalik ka naman dito diba?? Magkikita ulit tayo, kaya, wag ka ng malungkot" tumango tango lang siya. Hindi ko na napigilan kaya napaiyak din ako. I hug her.
Nung medyo okay na kami, pinunasan ko nalang yung mga luha ko.
"Teka, Beshy, alam ba ni John to?? "
" Hindi nga eh, natatakot ako"
" sabihin mo nlang pag kaya mo na, ok??"
" okay " nag smile lang siya.
Aalis yung bestfriend ko sa malayong lugar, at hindi ko alam kung kailan pa siya babalik. Nakakalungkot.
Hi guyth!! Hope you like it. Bdw, it's Nadine Louise yung nasa picture :))