"Where are we going?" Tanong ko naman kay Brylle na nagdadrive ng sasakyan niya.
"Mall'' Sagot lang niya sa akin. Bat ba ang tipid ng sagot niya at parang may malalim siyang iniisip.
Wala na bang ibang lugar na pwedeng puntahan? Yung sana naman mga romantic places katulad ng mga nababasa ko. PSH!
Hindi na kami nag imikan sa loob ng sasakyan.
Pagkadating namin sa parking lot ng mall ay agad naman siyang bumaba at binuksan ako ng pinto. Such a gentleman.
Pagbaba ko ng sasakyan ay hinawakan niya yung kamay ko pero di pa rin nagsasalita. Ano kaya problema ng isang to.
Pagpasok pa lang namin ay madami na agad napapalingon sa amin. I don't know if kilala nila ako or dahil sa kasama ko. May nakita pa akong mga grupo ng mga babae na parang natulala na parang mga ewan na nakatingin lang sa amin. Agad naman silang nakabawi at naglakad patungo ata sa amin na nagtutulakan.
Muntik na nga akong mabunggo ng isa nilang kasama dahil tinulak siya ng kasama niya mabuti na lang at agad akong hinigit ni Brylle kaya nayakap ko siya.
"Mag-ingat naman kayo! Muntik niyo ng masaktan ang girlfriend ko dahil sa pagtutulakan niyo!." Mahinahon pero madiin na sabi ni Brylle sa mga babae. Shemay! Sarap pakinggan ng "girlfriend ko". Emeged!
"Sorry po. Magpapapicture lang sana kami kay Elaryn" Sabi ng isang babae na yumuyuko. Mukhang takot na kasi sila kay Brylle.
"It's fine. Next time wag lang kayong magtutulakan baka kasi makabangga kayo at masaktan." Nakangiti ko namang sabi sa kanila.
"Brylle, can you please take a picture of us?" Tanong ko naman kay Brylle at tumango lamang siya at kinuha ang DSLR camera ng isang babae na inaabot sa kanya.
Pagkatapos naming mag picture taking ay nag suggest naman ang isang babae na siya na lang ang kukuha ng picture namin para makasama daw si Brylle.
Brylle refused at first pero pinandilatan ko siya kaya sumama na lang siya sa picture. At sa akin pa talaga siya tumabi at inakbayan niya ako.
Alam ko kasi yung feeling na maging fan girl kasi jan ako nagsimula dati. Yung gusto mong magpapicture sa mga idols mo kasi minsan lang ang opportunity na binibigay sayo.
Sabihan ka man ng ibang tao na para kang tanga kasi umaasa ka sa mga idolo mo na hindi ka naman kilala. Lagi ko na lang sinasagot sa kanila na kahit hindi nila ako kilala atleast kapag nakita ko sila sa tv ay napapasaya nila ako.
"Thank you po sa inyo. Sana po magiging kayo po forever." Sabi naman ng may ari ng camera.
"Patunayan niyo po sa ibang tao na may forever, kasi po kami naniniwala dun." Dagdag naman ng isa.
"Sana po magpakasal na kayo. Bagay na bagay po kasi kayo." Dugtong naman ng isa at kinikilig silang lahat dahil dun.
"May forever man o wala. Basta kaming dalawa magsasama at magmamahalan ng walang hupa." Seryosong sabi naman ni Brylle sa kanila at tinutukso pa ako nila dahil namumula daw ako.
After nung scene na yun ay dinala naman ako ni Brylle papuntang World of Fun. Pumunta kami kung saan bumibili ng token at bumili siya. Gulat ako kasi ang dami ng tokens niya. Binigyan pa niya ako.
"Where do you want to play first?" Nakangisi niyang tanong sa akin.
"Let's play basketball. Paramihan tayo ng points." Sabi ko naman sa kanya.
"Kung ako ang mananalo, bibigyan mo ako ng kiss." Nag smirk pa siya at hinawakan na ang kamay ko papunta sa nilalaruan ng basketball.
"Ang manyak mo.Alam mo yun?" Angal ko naman sa kanya pero ngumisi lang ang mokong.
We played basketball and many arcade games at sobrang saya ko kasi ngayon na lang ulit ako nakapaglaro dito. Ang sarap ng feeling. Ang dami na ring lumalabas na ticket. Yes! Pero ang galing ni Brylle kaya natalo ako pero nag insist ako sa kanya na isa pa kaya pinagbigyan niya ako.
Meron na ring nakikiusyoso sa amin at may naghahagikhikan sa bawat shoot ni Brylle. Ang mokong kinikindatan pa ako nung mas mataas yung points niya sa akin. Sumenyas naman si Brylle ng kiss sa cheeks pero inirapan ko lang siya.
Emeged like Emeged! Ayoko ng PDA. Dati kasi kapag may nag PPDA sa harap namin ng mga barkada ko ay sinasadya naming banggain sila para huminto sila sa ginagawa nilang hindi kanais-nais.
"Hey! Tinatakasan mo yung prize ko ah." Sabin ni Brylle sa akin na nakataas ang kilay.
"Bump car tayo." Sabi ko sa kanya at hindi pinansin ang sinabi niya.
"You're not going to kiss me, are you?" Pangungulit niya naman sa akin.
"Well, if ayaw mo. Ako na lang." With that he kissed me on the cheeks at nakita ko namang mayroong kinilig at ang iba masama ang tingin sa amin. Kaya hinigit ko si Brylle dun sa may bump car. Yung mokong naka ngisi lang sa akin. JUICEME! May topak ata ang isang to eh.
Pasalamat siya at kinikilig ako sa kanya. HAHA! Ayaw ko lang talagang magpahalata.
Ang saya talaga kapag nag bumpcar kahit nakakahilo lang. May naglalaro ding iba . I can see that Brylle is also enjoying it. Madalas nga binabangga niya ako tapos syempre hindi ako papatalo sa mokong na to kahit mahal ko to marunong akong mag revenge. BWAHAHA!
After naming mag bump car ay nagyaya naman siyang kumanta kami. Hindi doon sa parang hindi ka maririnig kapag kumanta gusto niyang doon kami sa parang may stage na mayroong instruments at parang nasa gig ka talaga.
"You wanna sing?" Tanong niya naman sa akin at kinuha ang mga tickets sa kamay ko.Agad naman akong nagtungo sa munting stage at sinimulan ng pumili ng kanta. Since sabi niya sa akin ay papalitan niya na muna yung tickets habang kumakanta ako.
Kinanta ko naman yung Rather Be by Clean Bandit. Marami ang napatingin sa akin. Yung iba naman ay nasa harap ng maliit na stage at pumapalakpak at sumisipol. Yung iba nga kinukuhanan pa ako ng video and picture.
Rather be by Clean Bandit
We're a thousand miles from comfort.
We have traveled land and sea.
But as long as you are with me
There's no place I'd rather be.
I would wait forever
Exulted in the seam
As long as I am with you
My heart continues to beat
There's no place Id rather be when I'm with Brylle. Happy place is wherever he is always. At yun ay sa puso ko. Dejoke. Haha! Pagkasama ko kasi si Brylle yung puso ko parang tatalon lagi kahit sa mga simpleng salita at gestures niya.
With every step we take
Kyoto to the Bay
Strolling so casually
We're different and the same
Gave you another name
Switch up the batteries
Asan na kaya ang mokong na yun sabi niya papalitan lang daw niya yung mga tickets na nabili namin. Sa bagay ang damidami nun. Malamang natagalan sa pagbibilang.
If you gave me a chance
I would take it
It's a shot in the dark
But I'll make it
Loaded gun at her heart
You can't shame me
When I am with you
There's no place I'd rather be
Pagkatapos ko namang kumanta ay ngumiti na lang ako at bababa na ako ng stage nung may umakyat na tatlong babae sa stage na nagpapicture sa amin kanina ni Brylle at muntik na akong mabangga. Binigyan nila ako ng tig-iisang rose at bumaba na sila ng stage.
Akala ko dahil fan ko lang sila gaya ng sabi nila kanina. Then I heard a familiar voice singing like an angel.
Science and Faith by The Script
Tried to break love to a science
In an act of pure defiance, I broke
Her heart
And as I pulled apart her theories
As I watched her growing weary, I
Pulled he apart
Having heavy conversations
Bout the farthest constellations of
Our souls,ooh
And we're just trying to find some meaning
In the things that we believe in,
We got some place to go
He walks like he is on a ramp habang kumakanta at bitbit yung malaking heart na pillow. Yung mga tao naman ay mas dumami. Ikaw ba naman kantahan ng isang napakagwapong nilalang at napakaganda ang boses. Diba kikiligin ka talaga ng sobra sobra. Feeling ko nga basa na yung panty ko dahil naka ihi ako sa kilig. Dejoke.
Of all of the things that she's ever said
She goes and says something that just knocks me dead
You won't find faith or hope down a telescope
You won't find heart and soul in the stars
You can break everything down to chemicals
But you can't explain a love like ours
Mahirap talagang e-explain ang love kasi hindi ito pinag-iisipan, kundi nararamdaman mo na lang bigla.
It's the way we feel,yeah this is real
It's the way we feel,yeah this is real
After niyang kumanta akala ko tapos na. Binigay niya sa akin ang heart pillow at may speech pa.
"Alam kong bago pa lang tayo pero hindi ko na agad na gampanan yung tungkulin ko bilang boyfriend mo. Hindi ako nakapagtext sayo dahil sa sobra kong busy pero kahit ganun,dapat binigyan kita ng time na makatext kahit saglit. I'm really sorry for that,missy. I hope that you'll forgive me..........And I love you so much." Seryoso niyang sabi at nakatingin lang siya sa mga mata ko.
Yung mga tao naman sumisigaw ng "SWEET!" "KISS" at kung ano ano pa.
Pagkatapos niyang sabihin yun ay niyakap ko siya kasi overwhelmed ako sa ginawa niya. Sobra-sobra ang lahat ng ginawa niya para sa akin ngayon.
I never thought that he could make this place romantic for me.
"I love you too."